webnovel

SURVIVAL ROMANCE

Hartsley · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
22 Chs

TWO

"Good morning class," bati ni Ma'am Merlyn pagkapasok niya ng room.

Nagsitayuan naman kami at nagbigay ng paggalang. "Good morning po, Ma'am" saka kami naupo. Lagi talagang on-time si Ma'am kaya bawal talagang ma-late sa kanya kase siya ang first subject namin tuwing umaga.

Napansin ko namang hindi tumayo si Lovelle kaya kinalabit ko siya.

"Bakit?" tanong nito.

Napansin kong malalim ang iniisip niya habang hawak-hawak ang susing binigay ni Ate Ella sa 'min kahapon. "Anong problema? Hindi ka tumayo. Dumating na si Ma'am saka ba't mo hawak 'yan?"

"Iniisip ko kase 'yong huling sinabi niya sa'tin kahapon bago tayo umalis. Kita kits daw."

"Eh, ano naman ngayon?"

"Iniisip ko lang na baka bibisita siya sa bahay-ampunan mamaya o baka pinapapunta tayo ro'n?"

Inisip ko naman ang sinabi niya. Oo nga 'no? Pinapabalik niya kaya kami sa game shop niya?

"Sino na sa inyo ang na-in love na rito?"

Bigla kaming napalingon kay Ma'am nang bigla siyang magtanong at napansin ko namang agad ding tumingin sa'kin si Lovelle at ngumisi. "'Di ba na-in love ka na?"

Kinurot ko naman siya sa tagiliran kaya napadaing siya sa sakit. "Aray!"

"Baliw ka. Ba't ikaw hindi ba, ah?" sabay batok ko sa kanya. Sadista talaga ako kapag ganitong inaasar at napipikon ako, eh. Psh.

"Sus, 'di mo lang matanggap na may girlfriend na si Martin, eh. Hahaha!"

Hindi ko na lang siya pinansin dahil naaalala ko na naman ang pagiging broken ko. Masakit girl!

Samantalang nagsimula namang magbulungan at maghiyawan ang iba kong mga kaklase dahil sa tanong ni Ma'am. Bakit naman niya 'yan naitanong?

"Ma'am! Sa edad po namin na nineteen at twenty, halos lahat naman po 'ata kami rito ay nagmahal na," tugon ni Janelle na sinang-ayunan naman ng lahat.

Ngumiti si Ma'am at muling nagsalita, "So are you aware of what really love is?"

Nagtaas ng kamay si Junie para mag-volunteer sa pagsagot. "We all know that love is the strongest foundation we do have in building relationship towards other people. It brings so much joy and pain at the same time. Sa pag-ibig natin mararanasan ang akala nating imposible pero posible pala."

"Love conquers all, ika nga! Walang imposible sa taong nagmamahal ng tunay," komento bigla ni Jessica kaya kaming lahat ay napatingin sa kanya.

"Bakit niyo po pala naitanong, Ma'am?" tanong ko kaya napunta naman sa akin agad ang atensyon ng lahat. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa lalim ng mga tingin na binibigay niya sa 'kin ngayon. Na-curious lang naman ako, eh.

"Ikaw, Lyka? Anong depinisyon mo ng pag-ibig?" tanong nito habang nakatingin pa rin nang diretso sa 'kin.

Tumayo ako at huminga muna nang malalim. "Love is everything." Hindi ko alam kung tama ba ang sinagot ko pero para sa 'kin kase ay lahat ng bagay rito sa mundo ay may kasamang pagmamahal.

"Simple meaning but means everything, right?"

I smiled. Akala ko ay hindi niya tatanggapin ang sagot ko.

"By the way, we will going to have an activity called Code in a Silk. Class, I have an organization at hindi ko na sasabihin kung anong klaseng organisasyon 'yon. I just want to test all of you if you are qualified enough to enter with my organization by searching that golden brown silk inside this classroom. Naghahanap kami ng mga taong qualified sa standards na meron kami."

Halos lahat kami ay napukaw ang interes namin sa pinapagawa niya. Mukhang mapapasabak na naman ako nito, ah!

"Ano pong meron sa silk? Hahanapin lang po ba namin?" tanong ni Lovelle.

"Ano pong standards ang hinahanap niyo?" tanong ko naman na sinang-ayunan ng karamihan.

"Kanina habang hindi pa nagsisimula ang klase, pumasok ako rito sa classroom niyo para itago ang sedang ipapahanap ko. Sa seda na 'yon ay mayroong codes na nakasulat at kailangan niyong basahin 'yon dahil ang code na 'yon ang paraan para makasali kayo. Kung sino man ang makakasali sa organisasyon ko ay exempted sa long quiz natin! By partner ang paghahanap. Simulan niyo ng maghanap ng mga ka-partner niyo."

Kumunot ang noo ko. Hindi man lang sinagot ni Ma'am ang tanong ko tungkol sa standards.

"Ang qualification para makapasok sa organisasyon ko ay makikita mismo sa code kapag nabasa niyo 'yon," sabi niya.

Napatango na lang ako. Akala ko wala siyang sagutin, eh.

Samantalang lahat naman ng mga kaklse ko ay hindi magkamayaw sa paghahanap ng ka-partner at umaasang ma-e-exempt sa long quiz.

Kinalabit ako ni Lovelle at ngumiti sa'kin nang nakakaloko. "Kahit ayaw mo 'kong ka-partner, sa 'kin para bagsak mo! Hahaha!"

Binatukan ko naman ito nang mahina at pareho kaming natawa. Nagawa pa 'kong asarin. Siya lang naman kase ang partner ko palagi kaya wala nang bago roon.

"Is everyone settled already?" tanong ni Ma'am.

Lahat kami ay tumango at nagpapakiramdam para sa hudyat niya.

Ngumiti siya nang nakakaloko at taimtim kaming tiningnan sabay sigaw. "In 3,2,1...Go!"

"Lyka, doon muna ako sa bandang harap maghahanap at ikaw naman dito sa likod," sabi ni Lovelle."

Tumango ako at nagsimula na itong maglakad papuntang harap kasabay ng iba naming mga kaklase at ako naman ay nagsimula na rin.

Tiningnan ko ang bawat sulok ng mga upuan, gilid at likod ng pinto baka nakasuksok lang pero wala akong nakita. Sa ilang minuto kong paghahanap ay may napansin akong kulay brown na nakadikit mismo sa pinakataas na bahagi ng pinto. Tumingkayad ako at dahan-dahan ko itong kinuha. Isang tela pala ito na parang tinago ng matagal na panahon base sa kulay. At nang amuyin ko ito ay hindi nga ako nagkamali, amoy na para bang pinaglumaan na rin ng panahon. Sa kakatitig ko rin rito ay bigla kong nakita na bahagya itong umilaw at may mga letrang pumorma ng apat na salita.

Betrayal. Grief. Hatred. Aloneness

I've read the four words written in this shiny thin golden brown silk. As far as I remember in our previous discussion in Philippine History when I was in first year college, the first evidence of silk was found at the Shanxi, China. It is a natural protein fiber, some forms of which can be woven into textiles. The protein fiber of silk is composed mainly of fibroin and is produced by certain insect larvae to form cocoons. Naisama siya sa kasaysayan ng Pilipinas dahil noon pa lamang ay ginagamit na ito sa paghahabi ng mga naunang Pilipino.

Ito na kaya ang sedang tinutukoy ni Ma'am Merlyn na may code?

"Lyka, what's that?"

I turned my gaze to Lovelle as she approached me. Pinakita ko sa kanya ang sedang hawak ko.

"A silk. Mukhang ito na 'ata ang sinasabi ni Ma'am na seda," I stated. Sinabi ko sa kanya ang nabasa ko rito at nagsimulang kumunot ang noo niya.

"Nakasulat?" tanong niya. Kinuha niya ang seda sa akin at tiningnan ito nang mabuti saka ibinalik niya ang tingin sa akin. "Sigurado ka, Lyka? Wala namang nakasulat eh! Pinagloloko mo lang yata ako!"

Ba't wala siyang makita? Why can't she read it? "Mukha ba akong nagloloko, Lovelle? Oh, 'eto para maniwala ka, babasahin ko para sa 'yo." Kinuha ko ulit ang seda sa kanya at sinimulang basahin ito lahat nang may kalakasan.

"Two people in this world

In between of life and death

Allow us to enter

Surviving is the only way

A place where prohibition exist

Two people will meet

Happiness and pain will be found

Emotion is forbidden

Mind is only exempted

Betrayal, Grief, Hatred and Aloneness

How far will you go?

How long will you fight?

Be the bravest and wisest among the all

Yes, you are qualified

Welcome to Romino Las Defa"

Pagkatapos kong basahin iyon ay nakita kong nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa 'kin. "Wala talaga akong nakikita kahit ni isang salita, Lyka. What happened?"

Magsasalita na sana ako nang biglang humangin nang malakas at may isang malaking magic tunnel na lumitaw sa mismong kinatatayuan namin. Masyadong malakas ang hangin kung ikukumpara sa lakas naming dalawa para lang hindi kami matangay papunta sa loob ng tunnel. Unti-unti na ring nasisira ang door knob na hawak ko habang nakakapit naman sa bewang ko si Lovelle.

"Lyka, hindi ko na kaya!

"Kumapit ka pa sa 'kin! Higpitan mo pa!" Sumasakit at namumula na ang dalawang kamay ko dahil sa pwersang nilalabas ko para lang hindi makabitaw sa door knob.

"Lyka! Lyka! Aaahh!" sigaw niya.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko kung paano siya higupin nang malakas na hangin papasok sa loob. Tuluyan na ring nasira ang kinakapitan ko at nahigop na rin ako. "Aaahh!!" I screamed as if this is my last life. The force is so powerful enough to absorbed us. I remember what force is this. This is an air resistance force, a special type of frictional force that acts upon objects as they travel through the air. Napapikit na lang ako sa sakit ng ulo ko. Nasusuka na rin ako! Sobrang lakas ng pwersa!

Mayamaya pa'y naramdaman kong nahulog ako sa isang matigas na sahig kaya naramdaman ko ang lagapak ng likod ko. Aww! Ang sakit!

"Lyka!"

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Lovelle na nakayakap na sa akin. Nilibot ko ang paningin ko. Napagtanto kong hindi lang kami ni Lovelle ang naririto kundi may apat pa, dalawang babae at dalawang lalaki. Nandito kaming lahat sa pinaka sentro nitong lugar, nakahiga at namimilipit sa sakit dahil sa malakas na pagkakabagsak.

Ang laki ng lugar at ang itsura nito? Mukha ng pinagsamang kagubatan dahil sa matataas na mga puno, kawayan at bato na makikita sa bandang kaliwa at modernisasyon dahil sa teknolohiya na nakapalibot din dito tulad ng computers, holograms at iba pa na makikita naman sa kanan. Where are we? Anong klaseng lugar 'to? Kami lang ba ang naririto o may iba pang taong naninirahan dito?

"Welcome participants. Welcome to Romino Las Defa."

Romino Las Defa? Ito 'yong lugar na binanggit ni Ate Ella, ah! Tanging boses lamang ang narinig namin ngunit hindi namin alam kung sino at kung saan nanggaling 'yon. Hanggang sa biglang may lumitaw na lamang na isang babae sa harapan naming lahat na sa tingin ko ay nasa mid fourty's pa lang. Teka, saan siya galing? Wala naman siya kanina rito, ah!

"Sino kayo? Bakit kami nandito?" tanong ng isang lalaking maputi at singkit ang mata.

"You are all qualified to be part of this place. Again, welcome to Romino Las Defa and I am the queen of this kingdom."

Queen?! Kaya pala ramdam kong nakakatakot siya. Siya pala ang namumuno rito!

Ngumiti siya nang bahagya sa amin at nagsalitang muli. "Let the game begin."

"Ha? Anong game ang sinasabi niyo? Baka po pwede niyong i-explain sa'min ang nangyayari? Lahat po kami ay walang kaide-ideya. Myghad!" sabi ni Lovelle habang nakahawak pa sa buhok niya.

Lumapit pa ako sa kanya nang husto habang pinagmamasdan ko ulit ang iba naming kasamahan. Akala ko ba mapupunta kami sa organization ni Ma'am Merlyn pero ba't dito kami napunta?

W-wait...Tumingin ako sa reyna nang may halong pagtataka. "Kilala niyo po ba si Merlyn Castro? Ito po ba ang organization niya?" Halata ring nagulat ang apat naming kasamahan sa tanong ko.

"Wait, organization? 'Yan din ang sabi sa 'kin ni Kuya Eduardo pero hindi niya sinabi kung anong klaseng organization 'yon at pwede raw akong makasali kapag nagawa kong basahin ang code," ani ng lalaking blonde ang buhok at medyo moreno.

"Sinong Eduardo? 'Yon bang gwapong lalaki na medyo malaki ang katawan at maputi?" tanong naman ng babaeng maputi at ash gray ang buhok.

Tumango ang lalaki at napasinghap naman ang babae.

"Si Ate Ella naman ang nagdala sa'kin dito. May pinabasa rin siya sa aking code at bigla na lang akong tinangay nang malakas na hangin," sabi naman ng lalaking singkit ang mata.

Nanlaki ang mata ko ng marealize ko na baka pareho kami ng Ella na kilala. "Sinong Ella? 'Yong bakla na may-ari ng Wild Gamenatics?"

"Oo oo, siya nga! Nakilala ko siya dahil napadaan ako sa game shop niya at inalok akong maglaro."

"Mukhang kilala ko na ang Eduardo na tinutukoy niyo," saad ko. Ba't ngayon lang sumagi sa isip ko na posible nga 'yang gawin 'yon?

Bago ako magsalita ay napadako ang tingin ko sa isang lalaking kanina pa tahimik. May balak kaya siyang sabihin sa 'min kung paano siya napadpad dito?

"What?" masungit nitong tanong sa'kin.

Nahalata niya sigurong nakatingin ako sa kanya. Ang sungit naman nito, tss. "Baka gusto mo lang na ikuwento kung pano ka napunta rito?"

Lahat kami ay tumingin sa kanya maging ang reyna.

"None of your business."

Tumaas ang kilay ko sa sinagot niya. Abnormal 'ata 'to, eh! Parang tinatanong lang, ah! Tsk!

"Wait, balik tayo sa sinabi mo na kilala mo si Kuya Eduardo. Kilala mo ba siya?" sabat naman ng moreno kaya napatingin ako sa kanya.

Nawala tuloy 'yon sa isip ko dahil sa lalaking 'to. Psh. "Mukhang iisang tao lang ang nagdala sa inyo rito pero sa magkaibang katauhan."

Halatang naguluhan sila sa sinabi ko dahil kita ko ang pagkunot ng mga noo nila at nagkatinginan silang lahat.

Kinalabit naman ako ni Lovelle at bumulong sa 'kin. "Owner of Wild Gamenatics?"

Tumango ako sa kanya at binaling muli ang atensyon ko sa kanila. "Si Ate Ella at Kuya Eduardo ay iisang tao lang. Lalaki siya sa umaga at babae siya sa gabi. Bakla siya."

"Oh my god! Ba't hindi ko nahalatang bakla si Kuya Eduardo?! So meaning, Eduardo siya sa umaga at Ella naman siya sa gabi?!" tanong ng babaeng ash gray ang buhok habang nanlalaki pa ang mga mata.

"Ako nga rin, eh. Hindi ko nahalata. Ang macho kase saka masyadong lalaki kumilos, 'yon pala pusong babae. Pfft," natatawang tugon naman ng lalaking moreno.

Maging kaming dalawa ni Lovelle ay natawa dahil sa sinabi ng lalaki kaya napatingin ang iba at natawa na rin.

Lihim naman akong tumingin sa lalaking masungit habang nakatitig siya sa kanyang sapatos. Ni hindi man lang siya tumawa. Ang sungit talaga. Curious pa rin talaga ako kung paano siya napunta rito pero mukhang wala siyang balak sabihin sa 'min.

Napadako naman ang tingin ko sa reyna na ngayo'y tahimik na, na nagmamasid sa 'min, hindi man lang makikitaan ng pagkabigla o pagkagulat sa mukha niya pero nakikita ko sa mga mata niya na para bang natutuwa siyang panoorin kami at biglang tumingin sa 'kin. "You're brilliant." Napatitig na ako nang tuluyan sa kanya nang ngumiti siya sa'kin nang malapad. "Nakuha mo na agad kung sino si Ella at Eduardo."

"How 'bout Merlyn Casino?" tanong ko.

Mas lumapad pa lalo ang ngiti niya. "Ano bang naiisip mo?"

"Para po kaseng magkakonektado kayong tatlo sa isa't isa. Si Kuya Eduardo at Ma'am Merlyn po ay pareho ang ginawa at hindi po kayo nagulat na banggitin namin sila sa harap mo." Hindi ko alam pero 'yan ang kutob ko. Kanina ko pa talaga napapansin ang reaksyon niya.

"Bulls eye!" Sumenyas pa siya na para bang binaril ako gamit ang kanang kamay niya. Kanina pa siya ngiti nang ngiti.

"We're siblings."

Agad kaming napalingon sa aming likuran nang marinig namin na may ibang nagsalita. Nakita namin si Ma'am Merlyn at Kuya Eduardo na sabay maglakad papunta sa amin. Kapwa silang nakangiti. Pero ano raw? Magkakapatid sila?

"Magkakapatid kayo?" tanong ng babaeng ash gray ang buhok. "Wait, hindi pa rin ako makapaniwalang kalahi ka namin" sabay turo niya kay Kuya Eduardo.

"Umaga ngayon kaya lalaki ako. Mamayang gabi makikita niyong babae naman ako, hihi."

"Yes. Hindi ba halata?" natatawa pang tanong ni Ma'am Merlyn.

Hindi ko alam na magkakapatid sila. Medyo matagal ko ng kilala ang dalawa pero ngayon ko lang nakita at nakilala ang reyna. Siguro mas pinili niyang manatili rito kase siya ang namumuno kaya siguro gano'n.

Habang nakikita kong tumatawa si Ma'am Merlyn ay bigla kong naalala ang organisasyong sinabi niya. "Ito po ba ang organisasyong tinutukoy niyo?"

Sinusundan namin ng tingin ang bawat galaw ng dalawang magkapatid at nang tuluyan na silang nakalapit sa 'min, tumabi sila sa reyna.

Tumingin sa'kin si Ma'am Merlyn at sinagot ang tanong ko. "Actually, hindi totoo ang organization na sinabi ko pero totoo 'yong sinabi kong naghahanap kami ng mga taong qualified para maglaro rito."

"Laro?" tanong ng lalaking masungit. Finally! Naisipan niya na ring sumali sa usapan!

"Yes. Romino Las Defa is a survival game place. Malalaman niyo mamayang hapon ang history nitong lugar na ito. We will explain everything to you later."

Totoo ba talaga ito o nananaginip lang kami? Bakit wala man lang akong narinig na ganitong lugar dati?

"Masasagot rin namin ang mga katanungan mo, Lyka," ani ni Kuya habang nakangiti.

Paano niya nabasa ang isip ko? May super powers ba sila? Anong klaseng tao sila? Bakit may lugar na ganito? Alam kong hindi lang ako ang may mga katanungan, maging sila ay meron din. Hindi kaya naka-drugs lang sila at kami ang biktima nila? Huhu.

"Hahahaha!" Tumawa nang malakas si Ma'am Merlyn at Kuya Eduardo habang nakatingin sa 'kin.

"Grabe, Lyka! Mukha ba kaming adik?! Sa ganda naming 'to?!" sabi ni Kuya habang tinuturo ang mukha nilang tatlong magkakapatid kasabay pa rin nang malakas niyang tawa. "Hahaha! Ikaw 'ata ang naka dugs, eh! Hahaha!"

"Hindi namin alam na ganyan na karaming tanong ang bubungad sa 'min sa unang araw niyo rito. Paano pa kaya kapag sa mga susunod na araw pa? Pfft," tugon naman ni Ma'am Merlyn.

Nanlaki na ang mga mata ko. Paanong nabasa niya rin? Mind reader ba sila? Saka ano raw? Susunod na araw? So meaning...

"Yes, Lyka. Magtatagal kayo rito. All of you will stay here for nine months. Tulad ng nabasa niyo sa code, you are all qualified to be part of this survival place."

Nag-react naman si Lovelle na kanina pa tahimik at saka nagsalita. "Ako! Hindi ko nabasa ang code! Ni hindi ko nga nakita 'yon, eh! Pero ba't ako napasali rito?" Halata sa kanya ang sobrang pagtataka.

Lumapit sa kanya si Kuya Eduardo. "Girl, kahit na hindi mo nabasa ang code, natangay ka naman ng hangin kasama ni Lyka kaya kabilang ka na rin. Hahaha! Saka malakas ang loob mo kaya kahit na 'di mo nabasa ay qualified ka pa rin."

"Paano mo nalaman ang nangyari sa'min sa room, eh, wala ka naman doon?! Saka anong malakas ang loob?! Kilala mo 'ko, kuya! Mahina ako sa ganitong bagay!"

"Syempre in-inform ako ni Ate Merl. At siguro nga ay takot ka pero matalino ka. Hindi ka mapapabilang dito kung wala kang katangian na hinahanap ng Romino Las Defa. Saka sabi ko naman sa inyo kahapon na kita kits, 'di ba? Hahahaha!"

Hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Lovelle at bumulong sa kanya. "Nandito naman ako. Hindi naman kita pababayaan."

"Thank you," bulong nito.

"Participants, magpahinga na kayo," sabi sa 'min ni Queen matapos niyang makinig sa usapan namin at lumingon rin agad sa mga kapatid niya. "Please take them to their respective rooms. Separate the boys and girls" saka siya umalis.

Tinulungan naman nila kaming tumayo. Ramdam ko pa rin ang sakit ng likod ko. Habang naglalakad kami ay pansin ko ang structure ng lugar na 'to. Tulad ito sa miniature na nakita ko sa Wild Gamenatics, apat na matataas at magkakaharap na building sa bawat gilid at ang sentro ay ang malaking semento kung saan kami bumagsak. Hindi ko sukat akalain na magagawa nilang pagsamahin ang mukha ng kagubatan at modernisasyon nang magkahati. Ispin niyo, ah? Tulad nga ng sinabi ko, sa kaliwa ay puro nagtataasang mga puno at bato kaya natatakpan nito ang mga kwartong gawa sa tabla na kahoy na naroroon nang hindi nasisira ang pagiging pulido ng structure ng building. Sa kanan naman ay semento ang mga kwarto at napapaligiran ng mga computers at holograms.

"Ang cool nito," rinig kong bulong ni Lovelle habang manghang-mangha sa paligid.

Si Ma'am Merlyn ang naghatid sa mga boys at si Kuya naman sa amin. Magkatabi lang ang room namin sa mga boys.

Pagdating sa room ay lahat kami ay namangha. Ang laki! Ang lalaki rin ng bawat kama, sa tansya ko kaya ang tatlong tao rito.

"Guys, be good, okay? Mahirap maka-survive rito. Between life and death na ang buhay niyo sa oras na nakatapak na kayo rito. Do your best," payo niya sa amin kaya napatingin kami sa kanya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak. Alam kong mahilig ako sa ganitong bagay pero ang isugal naming lahat ang mga buhay namin para lang sa mga laro? Ibang usapan na 'yon.

"Pero ba't kaming anim? Marami namang iba r'yan na mas qualified," sambit ko.

Hinawakan niya lang ang buhok ko. "Be the bravest and wisest among the all, girls. Darating ang panahon na kakalabanin niyo ang bawat isa." Umalis na siya nang hindi man lang sinagot ang tanong ko. Masyado silang pa-thrill.

Pumasok na kami sa loob at kanya-kanya kaming humiga sa kama. Gitnang kama ang pinili ko, si Lovelle naman sa kanan at ang isa naman ay sa kaliwa.

"Lyka, paano natin ipapaliwanag kanila Mama Lucia ang nangyari sa 'tin? For sure hahanapin nila tayo."

Napatingin ako kay Lovelle at nakita kong nanunubig ang mga mata niya dahil sa labis na pag-aalala.

"Hindi ko alam. Ang bilis ng pangyayari." Pinikit ko na lamang nang mariin ang mga mata ko pagkatapos kong sabihin 'yon. Pinipilit kong ipasok sa utak ko ang mga nangyari ngayon. Ngayon ko na lang din ulit naramdaman ang antok. Siguro napagod na kakaisip ang utak ko sa mga nangyari. Siguro naman ay kaya naming maka-survive rito ng siyam na buwan nang walang mangyayari sa 'ming masama.