(I can't upload the photos about the code. sorry. i didn't know how to upload it but it's visible in wattpad. and also I just type the final code wherein she already decode it. thank you!
(Lovelle)
"What took you so long?" 'Yan ang bungad ni Ma'am Merlyn sa mag-jowa ngayon na kakarating lang dito sa sala galing sa kusina.
Hindi pa rin ako makapaniwala na may jowa na ang bestfriend ko. So good to be true! Akala ko tatandang dalaga 'yan kase NBSB, eh! Hahaha! Just kidding! Pero 'eto seryoso na, hindi ko talaga akalain na rito niya makikita ang lalaking mamahalin niya.
Naalala ko pa nga kung paano mamaga ang mga mata niya rati kakaiyak. Parang kinagat na nga ng ipis. Sarap asarin hahaha. Tapos ngayon siya pa unang nagka-jowa?! Tinalo ako ng lola niyo!
"May pinag-usapan lang po kami," sagot ni Lyka at umayos ng upo sa tabi ko. Magkatabi sila ni Xynon ngayon.
Heto ring si Xynon hindi ko akalain na may sweet side rin pala. Akala ko puro kasungitan lang ang meron siya. Kitang-kita ko kung paano niya ingatan at alagaan ang bestfriend ko. Parang dati lang ang panget ng first impression ko sa kanya pero ngayon nag-iba na. Ibang side ng Xynon ang nakikita ko.
Palihim akong tumitingin sa kanila. Pareho silang tahimik pero pasulyap-sulyap sa isa't isa. Saktong ang kamay ni Lyka ay nakaipit sa ilalim ng legs niya kaya hindi nakikita ng iba. Inabot ni Xynon ang kamay niyang 'yon at hinawakan nang palihim.
Tumingin si Lyka at ngumiti nang kaunti pero halata sa kanya na pinipigilan niya lang ang kilig.
Sana all.
"Okay, let's start. Alam niyo naman siguro ang survival game natin ngayon 'di ba?"
Napatingin ako sa harap kung saan nakatayo si Ma'am Merlyn at palakad-lakad nang kaunti.
"Ba't hindi ko maalala 'yong survival game natin?" bulong sa 'kin ni Lyka.
Tumingin ako saglit sa kanya ngumisi at bumulong. "Baka may selective amnesia ka kaya nakalimutan mo ang survival game tapos ang moment niyo lang ng jowa mo ang naalala mo?"
"Tarantado" sabay irap niya sa 'kin pero ngumiti lang din.
"Landi mo. Sumbong kita kay Mama Theresa paglabas natin dito. Haha."
"Bestfriend tayo 'di ba? Hindi tayo nagkakalayo ng ugali, uy." Nginisihan niya ako at tinuro-turo pa si Xynon gamit ang mga mata.
Nang-iinggit lang te? "Magbe-break din kayo." Tumingin na ako sa harap pero ang dalawang tenga ko ay nakatuon sa kanya.
"Sasabihin ko kay Lorenz na ligawan ka na niya. Pfft."
Sarap batukan nitong babaeng 'to. Kapag itong isang katabi ko niligawan ako, araw-araw kong ipapangalandakan 'yon sa kanya. Hahaha.
"Lyka, are you listening?"
Napahawak ako saglit sa bibig ko para pigilan ang tawa ko.
Lahat sila nakatingin na sa kanya ngayon. Tumingin ako sa gawi ni Xynon at tahimik siyang nakatingin sa girlfriend niya ngayon nang nakakunot ang noo.
"Y-Yes po."
Sinungaling. Opps! Hahaha.
"If you really paying attention, what was the last word I've said?"
Lumingon ako kay Lyka na ngayo'y nakayuko nang bahagya.
Pag-angat niya ng ulo, tumingin siya sa 'kin at pinandilatan ako ng mata na pra bang nanghihingi ng tulong.
Attitude? Hahaha. Nanghihingi na nga ng tulong nandidilat pa ng mata. Hahaha! Isang simpleng ngiti lang ang iginawad ko sa kanya pero sa loob-loob ko ay gusto ko nang humagalpak ng tawa. Hahaha.
"What about now, Lyka?"
"Sorry po, Ma'am Merlyn."
Pumikit siya saglit at ngumiti rin ng kaunti sa propesor na nasa harap namin ngayon.
"Listen. Uulitin ko para sa 'yo. You will have your fifth survival game that divided into two parts. The first part of the game will be entitled as "Who's in the box" that composed a code. At dahil ngayon ikaw ang namumukod-tangi na hindi nakikinig sa 'kin, ikaw ang gagawa habang ang mga kasamahan mo ay sasailalim sa isang pagsubok." Isa-isa niya na kaming tiningnan bago ulit nagsalita. "Kayong lima ay papasok sa isang human-size glass box na naglalaman ng tubig at mga insekto't hayop habang binubuo niyo ang rubik's cube. The twist now here is, Lyka must complete the first part of survival game within twenty minutes as you all well."
Tangina? Seryoso? Nagsimula nang kumabog ang puso ko. Fuck kinakabahan ako! Hindi ako magaling mag-solve ng rubik's cube. Hindi ako mahilig d'yan tapos may mga hayop pang ilalagay? Susmaryosep! Anong gagawin ko?
Naramdaman kong hinawakan ni Lyka ang kanang balikat ko, pinisil 'yon sabay bulong. "Kaya mo 'yan. Isipin mong malakas ka."
Mahina ako sa ganitong laro. Sa aming dalawa siya ang matapang dito. Anong laban ko? Hindi nga ako marunong bumuo ng rubik's cube hindi pa mahaba ang hangin ko sa baga. Madali akong maubusan ng hangin kapag nakalubog ako sa tubig. Alam ni Lyka 'yan. Kaya nga sa tuwing may swimming na pinaghahandaan nina Mama Lucia, ang pinaka-close kong madre sa bahay-ampunan, hindi ako gaanong bumababad nang matagal lalo na kapag malalim. Hindi yata ito ang araw para sa 'kin.
"Kaya mo 'yan, Lovelle," bulong niyang muli.
Nararamdaman kong nanunubig ang mga mata ko. Hind ko kailangang umiyak ngayon. Hindi ito ang tamang oras. Huminga ako nang malalim ng dalawang beses para pigilan ang luha ko saka muling tumingin sa kanya. "Kahit nakakatakot kakayanin ko."
"A-Anong klaseng mga hayop?" Kahit hindi ako nakatingin kay Mona, alam kong boses niya 'yon.
"That's my girl" sabay haplos ni Lyka ng buhok ko.
Hindi lang naman ako ang natatakot dito pati sila rin naman pero kung ikukumpara ako sa dalawang babaeng kasama ko, ako ang pinakamahina at pinakamatatakutin pagdating sa survival game.
Ngumiti ako bilang pasasalamat at muling tumingin sa harap.
"Kung sino ang hindi makakabuo ng rubik's cube sa loob ng dalawampung minuto siya ang aatasan ko para gawin ang second part ng survival game na siyang kakaharapin ng..." Saglit siyang tumahimik at nag-isip. "sabihin na nating pangalawang biktima" sabay ngiti niya.
Hindi man lang niya sinagot ang tanong ni Mona. Ngayon lang nangyari na hinati ang survival game ng dalawang parte. Nakakakilabot pakinggan ang salitang biktima. Pakiramdam ko sobrang panget ng mangyayari ngayon. Huwag naman sana, Lord.
"Sino po ang haharap sa second part ng game?" tanong ni Lorenz.
"Kung sino ang nasa box na maso-solve ni Lyka."
Shit.
"Naghihintay ang dalawa kong kapatid doon sa quad. Pumunta na tayo roon."
Dalawang kapatid? Ibig sabihin makikita ulit namin si queen?! Shet!
"Ito ang kauna-unahang beses na makikita kayo ng reyna na sasabak sa survival game. Pagbutihin niyo."
Isa-isa kaming tumayo pero hindi ramdam ang excitement. Halos lahat kami ay mabagal kumilos.
Si Shiro ay nasa likod lang ni Mona na tahimik naglalakad habang nakapamulsa.
Si Xynon naman ay bumulong kay Lyka at palihim na hinalikan siya sa buhok.
"You're shaking," rinig kong bulong sa 'kin ni Lorenz.
Tumingin ako sa kanya at simpleng ngumiti. "Nakakatakot ako." Hindi ko magawang sabihin sa kanya na hindi ko kaya. "Baka hindi ko magawa. Mahina ang hangin ko sa baga, Lorenz. Hindi rin ako magaling mag-solve ng rubik's cube."
Inakbayan niya ako na para bang sinakal na dahil nakapulupot ang braso niya sa leeg ko. "If I could help you, I would do that."
"Okay lang. Kahit naman na natatakot ako hindi pwedeng dumepende ako sa ibang tao. I need to be strong for my own." Mahina ako sa laro pero malakas naman kahit papaano ang fighting spirit ko.
Ito ang pinagkaiba namin ni Lyka. Ang kahinaan niya ang siyang kalakasan ko at ang kahinaan ko ang siyang kalakasan niya.
"We're all in this together, okay? Cheer up" sabay ngiti niya nang matamis at bumitaw sa pagkakaakbay sa 'kin.
Napaiwas ako ng tingin at napakagat din sa ibabang labi ko nang maramdaman kong pumipitik ang puso na masarap sa pakiramdam. Shet kinikilig ako. Gusto ko sanang tumili pero huwag muna ngayon. Hindi ito ang tamang oras para lumandi.
"Nandito lang ako sa tabi mo," pahabol niya pa.
"Ako rin nasa tabi mo lang din" sabay tingin at ngiti ko sa kanya. Multi-tasker nga pala ako. Pwedeng-pwede pagsabayin ang game at kalandian ko hehe.
Nang tuluyan na kami makalabas ng dorm at makapunta sa quad, bumungad sa amin ang magkakahilerang limang glass box na punong-puno ng tubig pero wala pang kahit anumang hayop o insekto ro'n. Wala rin ni isa sa amin ang nagbabasag ng katahimikan. Tahimik lang na naglalakad papunta sa gitna.
"Mabuti naman at dumating na kayo. Medyo nainip ako, ah," tugon ni Kuya Eduardo na prenteng nakaupo sa kahoy na upuan na may katabing medical kit at limang folding bed.
Pansin ko lang mahigit dalawang buwan ko ng hindi nakikita si kuya na kumikilos pang-babae. Tuluyan na kaya siyang nagbago? Matagal ko ng gustong tanungin 'to sa kanya since matagal na akong nacu-curious.
Anim na taon na namin siyang kilala ni Lyka sa pagmamay-ari niyang game shop. Anim na taon siyang nagbihis at nagkilos babae tapos ngayon parang biglang nagbago. Ano kayang dahilan ni kuya sa pagbabago niyang 'yan? On the other hand, nakakatuwa rin naman kase nagbalik-loob na siya sa tunay niyang pagkatao. Hindi naman ibig sabihin na bakla, eh, wala ng karapatang bumalik sa totoong siya. Second chance is real.
"Hey participants," bati sa amin ni Queen na may ngiti sa labi at nakaupo rin.
Pinapuwesto na kami ng magkakapatid sa tapat ng human size glass box na nakapaloob do'n ang rubik's cube habang si Lyka naman ay ilang metro ang layo, bale nakaharap siya sa 'min at nakatapat sa isang lamesa kung saan niya gagawin ang code.
"Guys, pumasok na kayo sa loob," wika ni Ma'am Merlyn.
Kaming lima ay nagkatinginan bago pumasok sa loob nitong glass box.
"Geez," daing ko nang maramdaman ko kung gaano kalamig ang tubig. Sa sobrang laki nitong box, hindi ko malapat ang paa ko sa sahig at pinipilit ko ring kumalma para lumutang lang ang katawan ko sa tubig.
Sa pagkakaalam ko kase kapag sobrang pressured at magalaw ka, bibigat ang katawan mo kaya malaki ang chance na lulubog ka sa tubig.
At kahit punong-puno rin ako ng kasalanan hindi ko pa rin nakalimutan na humingi ng gabay at tulong sa kanya. Alam kong hindi ko kayang gawin 'to ng mag-isa kaya siya na lang ang maaasahan ko.
Tumingin ako sa mga kasamahan ko na kapwa lumulutang din sa tubig at pilit inaangat ang ulo para makasagap ng hangin.
Hindi ko alam kung mahaba ba ang ang hangin nila sa baga o katulad ko rin sila pero sana magtagumpay kaming lahat.
"Guys, be ready!" sigaw ni Kuya.
Lumingon muna ako sa babaeng nasa tapat namin na paulit-ulit pumipikit at kinakagat ang kuko. Kung kinakabahan ako para sa bestfriend ko, mas doble naman ang nararamdaman niya. Hindi ko alam kung anong klaseng code ang bubuuhin niya pero malaki ang tiwala ko sa kanya. Alam kong magtatagumpay ka, Lyka.
"The fifth survival game will start in 3, 2, 1...GO!"
Agad akong kinuha ang palutang-lutang na rubik's cube at sinimulang buuhin 'yon. Ano bang tamang technique para rito? 'Di ba kailangan lang sundin ang mabubuo mong color pattern? Aish. Damn. Tama ba? Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Bahala na. Susundin ko na lang instinct ko.
"Oh my god! Argh!" rinig kong sigaw ni Mona.
Napahinto ako saglit at tumingin sa pangatlong glass box kung saan siya nakapuwesto. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makita kung anong ginagawa ni kuya ngayon. Ipis! Fucking shit.
Nakaramdam ako ng panginginig nang tumapat na siya sa 'kin at binuhos ang isang palangganang ipis. "N-No p-please. Aargh! Shit!" Halos mapuno ang tubig na lumulutang na ipis--ang iba ay nahihirapang gumalaw ang iba naman ay patuloy sa paggapang at paglipad. "Aargh! Pakshet!" Pumapasok sa damit ko ang mga ipis. Putangina!
"Seventeen minutes!"
"Fuck! Kadiri!" rinig kong sigaw ni Lorenz.
Patuloy ako sa pag-alis ng mga ipis sa loob ng damit ko habang walang humpay sa pagtulo ang luha ko. Ayaw ko na. N-Natatakot na ako. Gusto ko ng sumuko.
"Go guys! Be the bravest among the rest!" rinig kong sigaw ni kuya.
Umiiling-iling ako at pinunasan ko ang mukha ko. K-Kaya ko naman 't-to 'di ba? Huminga muna ako nang malalim at inumpisahang buuin muli ang rubik's cube.
Pilit kong iniiwas ang paningin ko sa mga ipis na dumadapo na sa iba't ibang parte ng katawan ko. Imagine, nakababad ka sa bath tub pero hindi red petals ang mga pumupuno at nagpapalamuti sa tubig kundi ang mga ipis. Pucha kakadiri.
"Fourteen minutes!"
"Goddamit! Bulate?! Argh!" rinig kong sigaw ni Shiro.
Hindi ako huminto sa pagbuo pero ang atensyon at pandinig ko ay nasa kasamahan ko. Don't tell me ang isusunod ay-- "Argh! Shet! Kadiri! N-No!" Isang palanggana ulit ng bulate ang pinasok.
"Argh! T-Tama na p-please?!" umiiyak na sambit ni Mona.
Nakakadiri na nga ang ipis na pumapasok sa katawan, paano pa kaya bulate na sobrang maliliit at ang iba ay malalaki. Hindi ko ma-imagine na pwedeng pumasok ito sa ilong, bibig at tenga namin. Fucking shit!
"Argh! Pumapasok sa short ko ang bulate at ipis. Putanginaaa!" sigaw ni Shiro.
Kahit na gusto kong humagulhol at sumigaw nang malakas sinisikap kong itikom ang bibig ko sa takot na pumasok sa 'kin ang mga insekto.
Shit, Lovelle. You need to focus! Walang mangyayari kung magpapadala ako sa mga insekto. Kailangan kong mabuo ang rubik's cube!
"Done!"
Kahit hindi ako nakatingin sa kanya pero alam kong boyfriend iyon ni Lyka. Damn. He's done!
"Kindly get out of the glass box now, Xynon!" sigaw ni Ma'am Merlyn.
Hindi ko talaga alam kung tama ba itong paikot-ikot na ginagawa ko pero nakakabuo na ako ng color pattern--green and red to be specific. You can do this, Lovelle. You can do this.
Hindi maiwasan ng iba na hindi mag-solve ng rubik's cube ng hindi sumisigaw at nagmumura. That's a natural reaction. Kahit naman sino ganito ang magiging reaction.
Habang abala ako sa pagpapaikot nito, nararamdaman ko na rin na nauubusan na ako ng hangin lalo na't sumasabay rin ang lamig ng tubig at ihip ng hangin. Pilit ko ring hinahabol ang hininga ko. Mabuti na lamang at nagagawa ko pang lumutang kahit papano kahit sobra na akong nahihirapan.
"Eight minutes!"
"N-No please?! N-No! Huwag a-ahas! Argh! I-I'm scared!"
Tumingin ako sa kanila at napapikit nang mariin nang makita saglit kung paano manginig sa sobrang takot si Mona sa ahas. May phobia siya sa ahas kaya natural lang na mag-react siya ng ganyan!
"Shit!" bulalas ko.
Apat na ahas na malalaki at dalawang ahas na maliliit ang nilagay nila ulit.
Rinig na rinig ko na ang hikbi ni Mona at paulit-ulit na binabanggit ang 'Dad'
"Done!" sigaw ni Shiro at agad-agad na lumabas sa glass box kahit may nakapulupot na maliit na ahas sa braso niya at walang habas na binato ito sa sahig at tinakpan-tapakan nang paulit-ulit.
"Six minutes!"
"Shit! Tanginang ahas 'to! Done!" sigaw naman ni Lorenz at biglang umahon habang inaalis ang kumapit na bulate at ipis sa katawan niya. Muntikan pa siyang matuklaw ng ahas mabuti na lang ay nakailag kaagad siya. "Pakyu! Balak mo pa akong tuklawin! You fucking creature!"
"DONE!"
Lahat kami ay napalingon kay Lyka nang bigla siyang sumigaw ng ubod ng lakas.
"I'M DONE! I KNEW WHO'S IN THE BOX!"
Rinig na rinig ko kung gaano kalakas ang heartbeat ko ngayon. She solved it already! Sino kaya ang nasa code?!
"Who is it?!" sigaw naman ni kuya.
"IT'S LO--"
"Argh! Natuklaw a-ako!" sigaw ni Mona bago siya akayin palabas ng mga lalaki. She passed out.
Wait, did she just said 'Lo?'
Lumingon siya sa 'kin at bakas sa mukha niya ang pag-aalala at takot.
Was it me?
****
"Oh my god! Argh!"
"N-No p-please. Aargh! Shit!"
"Fuck! Kadiri!"
Napalingon ako saglit sa kanilang lahat nang marinig ko ang malulutong nilang mura.
Kanina pa ako natataranta rito mula nang sumigaw si Mona dahil sa isang palanggana ng ipis na binuhos sa kanila. I couldn't imagine myself bathing with full of cockroaches. Like eww!
"Seventeen minutes!"
Lyka, focus please?! They need you! Tatlong minuto ko na palang tinititigan ang code na nakasulat sa papel ngayon.
Anong gagawin ko sa box na 'to?! Paano ko 'to masasagutan kung walang hint?! Ano 'yon, kung ano-anong code na lang ang gagamitin ko rito without even knowing what's the hint behind these boxes? Aish!
Ano bang code ang related sa box? Imposibleng Caesar's box, it should be composed of rambled letters not a random color coding box.
"Fourteen minutes!"
Why the time moves so fast?! Fourteen minutes na kaagad? Wala pa nga akong nagagawa, eh! Jusmiyo marimar naman!
Isa-isa kong binaliktad ang dalawang one half crosswise bondpaper na nandito sa mesa ngayon para hanapin ang hint kung meron man. Sa unang papel kung saan naka-drawing ang box, wala akong nakita but then sa pangalawang papel, I noticed something written in tinier letters.
Pinaningkitan ko ang mata ko at nilapit ang papel sa mukha ko para mabasa ang nakasulat.
Blackie was empty while whitie had.
What? Binasa ko ulit ito ng isa pang beses saka tiningnan ulit ang box. Black and white color is present. For me to decode it, the color represents something. Shems! I get it!
Inumpisahan ko ng isulat ang zero (0) and one (1) sa bawat box. Wala namang sinabi kung ilan meron si Whitie kaya it's automatically equivalent to one, right? This is how it looks like.
"Argh! Pumapasok sa short ko ang bulate at ipis. Putanginaaa!"
Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, alam kong kay Shiro ang boses na 'yon.
What the heck? Bulate?! Parang kanila lang ay ipis tapos ngayon may bulate na?! Shit! So gross!
Kahit nakakadiri ang mga naririnig ko, bumalik na ulit ako sa ginagawa ko. The box also composed of zero and one. Ano bang code ang related sa ganitong numbers?
Kinagat ko muna ang kuko ko habang nag-iisip. Hindi ko maikakailang kanina pa talaga ako kinakabahan mula nang sabihin sa 'kin ni Ma'am na ako ang sasabak dito. Paano kung pumalya ako? Paano kung matalo kami? Natatakot ako baka hindi namin 'to mapagtagumpayan.
Erase! Erase! Kung naririnig lang ni Lovelle ang sinasabi ng utak ko ngayon baka nabatukan na niya ako. Ayaw na ayaw niya sa lahat ang pessimist na tao. Kahit naman na matatakutin 'yon sa survival game mataas naman ang fighting spirit niya.
Tiningnan ko ulit ang pangalawang box na nabuo ko. Wait, familiar 'to sa 'kin. Saan ko nga ba ito na-encounter?
I suddenly snapped my finger when I remember it again. Zero and one is called as Binary Digits. Napag-aralan namin 'to sa Computer Application.
There are five common digits; the Binary Digits (1-0), Octal (0-7), Decimal (0-9) and Hexadecimal (0-9, A-F)
If I were relate this binary digit to the code, it is called as Binary Code Alphabet!
Ngayon ko lang naalala, naisulat ko pala rati sa notebook ko ang Binary Code Alphabet pero last year pa 'yon.
"Done!"
Natigil ako saglit nang marinig kong sumigaw ang lalaking mahal ko.
"Kindly get out of the glass box now, Xynon!" sigaw naman ni Ma'am Merlyn.
He's done solving the rubik's cube?! Oh god! Ang galing ng boyfriend ko!
Medyo nahirapan pa siya sa paglabas sa human size glass dahil sa mga pinaglalagay na ipis at bulate ro'n but he still managed to do that.
"Eight minutes!"
Eight minutes left! Walang kahit anong computer o tablet sa table kaya isa lang ang paraan para masagutan ko 'to. Kailangan ko ng pigain ang utak ko para maalala ang isinulat ko sa notebook. Magkaiba ang code ng capital at small letters. Sana maalala ko.
"Done!"
Huminga muna ako nang malalim para makapag-focus ako saka ko muling tinitingnan ang box.
Nagsulat ako sa malinis na papel kung saan ko nakita ang hint kanina para mailista ko ang Binary Code Alphabet na naaalala ko.
The first horizontal line is L.
Shet, L? Lovelle ba?
The next line was is O.
Damn. Si Lovelle ba ang sasabak sa second part ng survival game?
"Six minutes!"
"Shit! Tanginang ahas 'to! Done! Pakyu ka! Balak mo pa akong tuklawin! You fucking creature!"
Sunod-sunod na silang natatapos. Pinagpatuloy na ko na ulit ang pagso-solve hanggang sa makumpleto ko na ito.
"DONE!"
Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ko, lahat sila ay napalingon sa 'kin.
"I'M DONE! I KNEW WHO'S IN THE BOX!" sigaw ko ulit.
"Who is it?!" sigaw naman ni kuya.
Tumingin ulit ako sa na-decode kong pangalan at muling tumingin sa kanila na tahimik na naghihintay. "IT'S LO--"
"Argh! Natuklaw a-ako!" biglang sigaw ni Mona at mayamaya lang ay nag-passed out siya kaya bigla siyang inakay palabas ng human size glass box.
"Palabasin na natin si Lovelle! Baka siya naman ang tuklawin!" sigaw ni Lorenz.
"Get her!" utos ni Queen na kanina pa nanonood sa amin.
Agad lumapit ang tatlong lalaki para alalayan si Lovelle na nahihirapang lumabas. Panay alis rin siya ng mga naiiwang ipis at bulate sa katawan niya. Maingat nilang kinuha ang mga ahas at marahas na itinapon sa sahig na dahan-dahang gumagapang kung saan-saan.
"Who's in the box, Lyka?!" sigaw muli ni kuya.
Lumingon muna ako kay Lovelle. Alam kong makikita niya sa mukha ko ang pag-alala at takot dahil sa taong nasa likod ng code. "IT'S LORENZ AGUAS!"
L--- 0 1 0 0 1 1 0 0
O--- 0 1 0 0 1 1 1 1
R--- 0 1 0 1 0 0 1 0
E--- 0 1 0 0 1 1 1 0
N--- 0 1 0 0 1 1 1 0
Z--- 0 1 0 1 1 0 1 0
a--- 0 1 1 0 0 0 0 1
g--- 0 1 1 0 0 1 1 1
u--- 0 1 1 1 0 1 0 1
a--- 0 1 1 0 0 0 0 1
s--- 0 1 1 1 0 0 1 1
Yes, he's the one behind the box.
Natigilan si Lorenz at Lovelle sa narinig nila at gumalaw ang bibig nila pareho. Hindi ko naman marinig ang pinag-usapan nilang dalawa. Mayamaya pa'y niyakap ni Lovelle si Lorenz.
Ginamot naman ng tatlong magkakapatid si Mona na inihiga sa folding bed habang tumutulong naman si Shiro.
Lumapit sa 'kin si Xynon, niyakap ako nang mahigpit saka bumulong. "You did it, freak. I love you."
Tumulo ang luha ko at niyakap din siya pabalik. "I'm frightened. Si Lorenz ang susunod."
"He will make it. He's brave."
"You did it well, asungot."
Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Mas mahal kita. Lagi mong tatandaan."
"Mas mahal kita. Lagi mo ring tatandaan 'yan."