webnovel

SURVIVAL ROMANCE

Hartsley · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
22 Chs

TWELVE

Tanghali na pero hindi pa rin ako humihiwalay sa kama ko habang nakatalukbong ng kumot. Nahihiya pa rin ako sa nangyari kaninang umaga. Parang gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa, huhu.

"Lyka, gising na, tanghali na. kumain na kami't lahat-lahat hanggang ngayon nakahiga ka pa rin," rinig kong sabi ni Mona matapos niyang isara ang pinto pagkapasok niya. Naramdaman ko na lang na umupo siya sa gilid ng kama ko at pilit hinihila ang kumot. "Ano bang nangyayari sa 'yo? Masama ba pakiramdam mo?"

Umungol ako saglit para ipakitang naalimpungatan ako kahit ang totoo n'yan ay kanina pa talaga ako gising. Ayaw ko lang talaga makita si Xynon ngayon. "Inaantok pa 'ko."

"Saan ka ba kase natulog, ha? Naalimpungatan ako kaninang madaling araw ng dalawang beses, napansin kong wala ka sa kama mo." Pilit niya pa ring hinihila ang kumot ko kahit pinipigilan ko hanggang sa tuluyan niya na talagang mahila.

"Inaantok pa talaga ako, Mona please. Just leave me alone." Mabuti na lamang ay nakatalikod ako sa kanya kaya hindi niya nakita ang mukha ko.

"Sabihin mo nga sa 'kin ba't ka napuyat, eh, bandang 10 pm pa lang kagabi, tulog ka na."

Ba't hindi mo tanungin si Xynon? "Wala. Patulugin mo muna ako please. Mamaya na ako babangon kapag ano..."

"Ano?"

Aish. Ba't ba panay tanong nitong babaeng 'to? Saka na ako babangon kapag hindi ko na siya makita. "Mamayang hapon na ako babangon. Iwan mo muna ako."

Narinig ko siyang nagbuntong-hininga. "Okay sige basta mamaya bumangon ka na, ah?"

Hindi na ako kumibo at hinila ulit ang kumot para italukbong ko sa katawan ko. Pipikit na sana ako nang marinig kong nagsalita siya ulit,

"Alam mo bang nag-away pala si Lorenz at Lovelle? Nakuwento lang sa 'kin ni Shiro kanina. Pinagtataka ko lang ba't ako nadamay sa away nila."

Agad kong naialis ang kumot sa katawan ko at humarap sa kanya. "What?" Ibig sabihin wala pala silang alam sa away ng dalawa?

"Oo, ang sabi ni Shiro, nakita raw kami ni Lovelle na nag-uusap ni Lorenz nang magkadikit ang katawan like duh! Bakit naman ako makikipag-usap kay Lorenz ng gano'n kalapit aber?" sabay taas ng kilay niya. "Pati nga si Shiro tinanong sa 'kin kung totoo 'yon. Wala naman akong maalala na nag-usap kami ng gano'n ni Lorenz kahapon. Saan na naman kaya 'ýon nakuha ni Lovelle? Alam mo gusto kong kumprontahin 'yang bestfriend mo kung ba't siya galit na galit sa 'kin,eh, wala naman akong ginagawang masama."

"Pagpasensyahan mo na. Nagbati na ba sila?"

Umiling siya. "Hindi pa, eh. Sinusuyo nga ni Lorenz kaso masyadong matigas si Lovelle."

"Nasaan sila ngayon?"

"Nasa sala sila maliban kay Xynon. Nasa kwarto pa yata hanggang ngayon."

Kumabog ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan niya. Jusko, baka hanggang ngayon isipin niya pa rin na tinitigan ko siyang natulog magdamag. Aish.

"Bumangon ka na kase r'yan para makausap mo si Lovelle tungkol do'n. May something ba sa kanila? Alam na ba 'yon ni kuya? Baka magalit 'yong baklang 'yon na ngayo'y mukhang straight na. By the way, nakita mo ba ang pagbabago kay kuya? Hindi na siya katulad noon na masyadong happy-go-lucky magsalita 'no? Ngayon kase parang ang seryoso na niya masyado kahit ngumiti pa siya. Naku! Baka straight na siya."

Akala ko ako lang ang nakapansin sa pagbabago ni kuya, pati rin pala siya. Well, hindi naman masamang maging straight lalo na kung gusto niya talagang magbago. "Babangon na ako. Mauna ka na ro'n sa sala. Bantayan mo muna ang dalawa."

Tumango siya at nauna nang lumabas.

Naligo na ako at nagsuot ng white shirt at short. Papunta na akong sala nang makasalubong ko ang lalaking iniiwasan ko. Ang malas ko naman, huhu!

Tumingin siya sa gawi ko saglit at umalis din agad.

Napahawak ako sa dibdib ko at bumuga ng hangin. "Hooh! Akala ko may sasabihin na naman siya tungkol sa nangyari kaninang umaga."

Pagdating ko sa sala ay naabutan ko silang lahat nang hindi nagkikibuan. Kulang na lang dumaan ang anghel sa sobrang tahimik. "Anong meron sa inyo?" Umupo ako sa tabi ni Lovelle nang nakakunot ang noo. "Hindi mo sinabi sa 'kin ang rason kung ba't kayo nag-away ni Lorenz. Hanggang ngayon hindi pa rin pala kayo nagkakabati."

"Wala lang 'yon."

Mas lalong kumunot pa ang noo ko. "Anong wala? Wala pero pareho kayong umiyak kahapon? Kayo na ba, ha?"

Tanging iling lang ang sinagot niya sa'kin at pinaglaruan ang unan na yakap-yakap niya.

Bumaling naman ako kay Lorenz na katapat niya habang nakatingin sa kaibigan ko. "Hoy, ikaw." Nakuha ko naman ang atensyon niya kaya bumaling siya sa 'kin. "Akala ko ba magkakaayos na kayo? Anong nangyari? Nganga?"

Akmang magsasalita na sana siya nang biglang dumating ang dalawang magkapatid.

"Great job, guys," bungad sa 'min ni Ma'am Merlyn nang may malawak na ngiti sa labi at napapalakpak pa.

"Hindi ko akalain na pati ako madadala sa inyong dalawa," komento naman ni kuya habang nakangiti. Naging lalaking-lalaki na talaga siya ngayon base sa pagsasalita at pananamit niya hindi katulad dati no'ng nasa Wild Gamenatics pa siya, babaeng-babae ang postura. Pero ngayon naging ganito na siya mula nang sabihin niyang kuya na lang ang itawag namin sa kanya, wala ng a.k.a Ate Ella. Change for the better, huh?

"Naks, ang galing talaga natin Lorenz!" hiyaw ni Lovelle sabay tayo para makipag-up here.

"What's going on?" tanong ko habang magkasalubong ang dalawang kilay ko.

"Wait, anong meron?" naguguluhang tanong ni Mona at papalit-palit ang tingin sa kanilang apat.

"Dahil d'yan exempted kayo sa next survival game niyo," pahayag ni Ma'am Merlyn.

"'Yon, oh! Yes!" Napasuntok pa sa hangin si Lorenz matapos niyang sabihin 'yon.

"Ba't po sila exempted?" tanong naman ni Shiro.

Nagkatinginan saglit ang apat bago magsalita si kuya. "Ngakaroon sila kahapon ng activity. Pinabunot ko sila ng mga rolyong papel na nakalagay sa bowl at nakuha nila ang acting."

"Acting?" tanong ko.

"Yes, Lyka. Acting na kailangan naming mag-pretend as couple at mag-aaway sa harap mo," paliwanag ni Mona sabay tawa muna nang malakas bago ulit magpatuloy. "Pfft, kaya kung napapansin mo kahapon nag-away kami sa harap mo kung saan walang ibang tao. Dapat kase ikaw lang makakakita ng madamdaming eksena namin. Hahahaha!"

"At 'yong nalaman nina Shiro at Mona na sila ang dahilan ng away namin lalo na si Mona, kailangan naming iparating sa kanila na nag-away kami kaya nang makita namin si Shiro kanina na mag-isa sa kusina, kinuha na namin ang pagkakataon na 'yon para iparinig ang dahilan ng pag-aaway namin. Alam naman naming sasabihin niya kay Mona 'yon, eh! Hahahaha," paliwanag naman ni Shiro.

"Tae kayong dalawa! Akala talaga namin nag-away na talaga kayo tapos ako ang dahilan! Sayang hindi ko nakita kung paano kayo magsagutan kahapon! Argh! Sana na-videohan ko!" reklamo ni Mona sabay bato ng unan kay Lorenz pero nasalo naman ito agad ng binata.

Napadako ang tingin ko kay Xynon na tahimik lang nakikinig at nakatingin sa kanila. para siyang walang pake sa naganap na away ng dalawa. Kunsabagay lagi naman siyang ganyan.

"Tawang-tawa ako sa reaksyon ni Lyka kagabi! Ang epic! Hahaha!"

Naalala ko tuloy ang nangyari kaninang umaga, ang dahilan kung ba't ako naiilang.

"Uy Lyka, anong masasabi mo sa acting namin ni Lorenz?"

Bago sumikat ang araw ay naalimpungatan ako. Pupungay-pungay pa ang mga mata ko bago ako tumingin sa paligid. Nakita ko si Xynon na hanggang ngayon ay mahimbing na natutulog, hawak-hawak at yakap-yakap ang kamay ko. Para siyang bata. Pinagmasdan ko muna siya ng ilang minuto. Ngayon ko lang nakita kung gaano kahaba ang pilikmata niya, may katamtamang tangos ng ilong. Marahan ko pang pinisil 'yon at pinanggigilan. Hindi naman niya malalaman, eh hahaha. May makapal ding kilay na bumagay sa mukha niya. May mapupula at manipis na labi na medyo bumuka pa pero isinara niya rin agad. Ang gwapo nga talaga. Masungit nga lang madalas, pfft.

Pinagmasdan ko pa siya ng ilang minuto tutal ngayon ko lang naman ito gagawin, eh. Kapag gising naman siya hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. "Ang gwapo mo talaga 'no? Sana lagi ka na lang tulog para matitigan kita nang ganito katagal at kalapit. Haha."

Gumalaw siya nang kaunti at mas lalong humigpit sa pagkakahawak ng kamay ko.

"Siguro kung hindi lang kita nakita kagabi na umiiyak, iniwanan na kita at malamang hindi kita matititigan nang ganito. Mabuti na lang pala talaga nag-stay ako, pfft." Sayang wala akong cellphone na dala para picture-an siya, pam-blackmail ko sana. Hahaha.

Gamit ang kanang hintuturo ko, hinayaan kong maglakbay ito sa buong mukha niya. Mabuti na lang ay masyadong malalim ang pagkakatulog niya kaya hindi niya nararamdaman ang hintuturo kong malayang naglilibot sa mukha niya. "Maaalala mo kaya ang lahat ng sinabi mo kapag nagising ka na?" Iniiisp ko kase na baka maalala niya tapos kumprontahin niya ako. "Hala, ang lambot pala ng labi mo?"Ilang segundong nanatili ang hintuturo ko sa labi niya kaya ramdam na ramdam ko kung gaano kalambot ito. "Shocks, daig mo pa ang labi ko. Ang sa 'kin magaspang na nga, namamalat pa palagi.

Napansin ko namang kumunot ang noo niya. "What are you doing?"

"F*cking sh*t!" bulong ko. Agad kong inalis ang daliri kong nakapatong sa labi niya. Ah, nakakahiyaaaa! Lumayo ako sa kanya nang ilang pulgada para magtago nang ma-realize kong nakapikit pa rin pala siya nang tanungin niya 'ýon. Ibig sabihin nananaginip lang siya?

Dahan-dahan akong lumapit at tiningnan siya nang malapitan sa mukha. "Akala ko gising ka na. Jusme, mabuti na lang nananaginip ka lang pala. Masyado akong natutuwa sa tungki ng ilong niya kaya marahan kong pinisil ulit 'yon. "Ang cute cute mo talaga plus ang gwapo-gwapo mo pa."

*TSUP*

"P*tangina!" Bigla akong napamura at nasampal siya nang ma-realize kong dumikit ang labi niya sa 'kin nang akma siyang babangon. Lumayo ako, tumalikod sa kanya at palihim pa akong nagpaypay sa sarili ko nang maramdaman kong biglang uminit ang paligid. Parang kanina hindi naman tapos ngayon ang init-init na!

"What do you think you're doing? Ako pa talaga ang sinampal mo, eh, ikaw itong nakaharang sa mukha ko?" rinig kong tanong niya. Ramdam kong malapit lang siya sa 'kin.

Bakit ba kase hindi na lang ako dumiretso sa kwarto?! Kasalanan niya naman in the first place, ba't siya bumangon agad?! Sana nagpaalam muna siyang babangon! F*ck! Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang kumakawala ang puso ko sa sobrang kaba. Kung pwede ko lang ubusin lahat ng mura sa mundo, nagawa ko na. T*ngina talaga huhu!

"Anong ginawa mo sa 'kin? I knew it. Sabi na nga ba talaga at hindi ka mapagkakatiwalaan."

Agad akong humarap sa kanyan nang sabihin niya 'yon? For real? Siya nga itong umiiyak at panay sabi sa 'kin na "Lyka, I need you. Plese stay" tapos ako pa ngayon ang hindi mapagkakatiwalaan?! "Seryoso ka? Hindi mo ba maalala ang mga sinabi mo sa 'kin kagabi, ha?"

Bahagyang kumunot ang noo niya at tinitigan ako saglit. "Bakit anong sinabi ko sa 'yo kagabi?"

So hindi niya talaga maalala? Ipapaalala ko ba o hahayaan ko na lang na maalala niya nang kusa? Ah, mas mabuti anng wala siyang maalala. "Nevermind. For your information, Xynon, wala akong ginawang masama sa 'yo. Aba! Ikaw pa nga itong humalik sa 'kin, eh! Bigla-bigla ka na lang bumabangon nang walang pasabi? Sino sa atin ngayon ang may ginawang masama , aber?" Nag-cross arms pa ako at inikutan ko pa siya ng mata.

"Malay ko bang nakatitig ka sa 'kin? Anong alam ko, eh, ang himbing ng tulog ko. Saka ba't ka ba nandito?"

"Paano mo nasabing hindi ako mapagkkatiwalaan? Baka nga ikaw 'yon, eh! Nangnanakaw ka ng halik! Aish!" First time ko 'yon at iniingat-ingatan ko tapos mapupunta lang sa kanya?! Iba pa naman ang dream first kiss ko, 'ýong tipong sobrang romantic ng lugar. May rose petals, tahimik tanging hampas lang ng alon at huni ng ibon ang maririnig habang nasa tabing dagat nakaapak sa puting buhangin habang nasa ilalim ng dilaw na buwan tapos ganito lang mangyayari?! Dahil lang sa biglaang pagbangon niya tapos kasalanan ko pa?!

"Kaya mo sigiro ako palaging tinititigan kase balak mo akong samantalahan kapag nakahanap ka ng tyempo. Akala mo ba hindi ko alam na balak mo talaga akong halikan? Tss. D'yan ka na." Umalis na siya sa harap ko at pumunta ng kwarto.

Hinintay ko muna siyang umalis nang tuluyan bago ako sumigaw para hindi niya marinig. "Ang kapal ng mukha mo! Ikaw nga itong nangangailangan sa 'kin tapos iniisip mo pang sinasamantala kita! Ikaw nga, enjoy na enjoy kang hawakan at yakapin ang kamay ko pero nagreklamo ba ako?! Hindi! Nakakaasar ka!"

"Lyka? sinong kausap mo?"

Bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. It's him again. Aish.

"Wala kang pake!" Bakit ba palagi na lang sumusulpot itong si Lorenz kung saan-saan? Nakita niya kaya ang lahat ng nangyari? Baka mas lalo niya akongasarin. Argh! Ang malas ko talaga!

"Parang nagtatanong lang naman. Hindi pa nga lumalabas si Haring Araw, sumisigaw ka na. kwentuhan mo na lang kaya ako.ba't ka ba nandito sa sala? Sinong kausap mo?"

Mukhang wala naman siyang alam na si Xynon ang kausap ko. Phew! Mabuti na lang baka atakihin na ako sa puso kapag nalaman niya. "Multo kausap ko. Goodnight!"

"Lyka!"

Bumalik ako sa aking ulirat nang makita kong may nag-snap ng daliri sa mukha ko. It's Lovelle.

"Kanina pa kita tinatanong, tulala ka r'yan! Ano bang nangyayari sa 'yo?" Magkasalubong na ang dalawa niyang kilay at hindi na rin maipinta ang mukha niya sa inis.

"Baka sa kausap niyang multo kaninang umaga?" takang tanong ni Lorenz.

"Anong multo?" tanong naman ni Mona.

"Kanina kase narinig ko na lang na sumisigaw si Lyka sa sala nang bumaba ako galing kwarto para pumuntang kusina at uminom ng tubig. Sabi niya multo raw ang kausap niya."

"Acck acck."

Lahat kami ay napatingin kay Xynon na ngayo'y nabilaukan sa iniinom niyang canned juice matapos magpaliwanag ni Lorenz.

To the rescue naman si Mona na katabi niya lang at hinagod-hagod pa ang likod ni Xynon at inabutan niya ng tubig. "Oh, heto tubig. Uminom ka muna."

"Ay, may paghagod?" bulong na tanong ni Lovelle sa tabi ko.

Hindi ko naman inalis ang paningin ko sa dalawa. Binigyan niya ng kaunting ngiti si Mona at nagpasalamat. Wow! Ba't ang bait niya kay Mona?

"Bes, close pala sila?" sabay tingin niya sa 'kin.

"Hindi ko alam. Wala akong pake sa kanila."

"Ba't parang galit ka?"

"Why would I? Wala namang problema sa 'kin kung ngumiti siya kay Mona at nagpasalamat na ngayo'y mukhang close na unlike sa 'kin na kulang na lang, eh, patayin niya ako sa sobrang emotionless ng mata niya sa tuwing tumitingin sa 'kin." Nagsalin ako ng tubig sa baso at mabilis na inubos 'yon. Grabe, nakakauhaw!

"Chill, tinanong lang kita ang haba na ng paliwanang mo. Hahaha." Umiling pa siya ng tatlong beses habang nakatingin pa rin sa 'kin.

"Nag-e-explain lang baka kase mag-isip ka ng kung ano-ano." Mas mabuti ng unahan ko na siya sa pagpapaliwanang 'no!

"Sabi mo, eh! Hahaha."

Hindi na ako sumagot pa. Kailan pa sila naging close? Parang hindi ko naman sila nakikitang nag-uusap? Nagbago na ba ang direksyon ng ihip ng hangin kaya mabait siya kay Mona? Ano bang direksyon ang kay Mona, kanan? Tapos sa 'kin, kaliwa?

****

Lumipas ang dalawang araw, masasabi kong may level up sa closeness nina Xynon at Mona. Bakit? Noong isang araw, nakita ko silang nagkukwentuhan tungkol sa Harry Potter. Nasa sala kami no'n at sila ay parang may sariling mundo. Hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila since hindi ko pa nababasa ang Harry Potter. Himala nga at nagagawa nang ngumiti at tumawa kahit papaano ni Xynon sa babae, iyon ay sa harap lang ni Mona.

Kahapon naman ay nakita ko silang sabay kumain ng tanghalian at hapunan since busy silang dalawa sa pagso-solve ng mala-detective case na nakita nila sa isang libro.

Maging si Shiro ay napansin ang closeness ng dalawa. "Bakit biglang close silang dalawa, Lyka? Parang kay Mona lang naman siya ganyan tapos sa inyo ni Lovelle ay hindi?"

Tanging "hindi ko alam" lang ang naisagot ko kase hindi ko naman talaga alam. Mabuti na rin 'yon at natututo na siya ulit makisalamuha ulit sa babae pero mukhang ang trust ay hindi pa niya basta-basta naibibigay. Ah! Naalala ko na, baka 'yan na 'yong way na sinasabi niyang sisikapin niyang matutunan ulit na pagkatiwalaan ang tao lalo na sa babae sa sarili niyang paraan. Oo nga 'no, ba't ngayon ko lang naisip? Ang talino mo talaga, Lyka!

"Guys, be ready!"

Agad kaming umayos ng upo nang makitang dumating ang tatlong magkakapatid. Himala, nagpakita ulit si Queen.

"Hi, Queen!" bati ni Mona sa kanya.

Ngumiti naman nang matamis ang reyna bilang tugon. "Ngayon mangyayari ang third survival game. As a reward, Lorenz and Lovelle are exempted."

"Yes!"

"Ang saya!"

Mabuti pa sila.

"Pero ngayon ay switching partner tayo. Lyka and Shiro while Mona and Xynon," anunsyo naman ni kuya.

"Waaah! Have you heard that Xynon? Partner tayo! That would be nice!"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Shiro at sabay napatingin sa dalawa.

"Yeah." Then he smiled at her for the nth time.