Mabilis lumipas ang mga araw hindi ko man lang namalayan na dalawang buwan na pala kami rito. Mas naging close rin kaming dalawa ni Shiro. Siya na nga 'yong mas nakakasama ko araw-araw to the point na nagtatanong na ang iba kung may something na ba sa amin. Ang sagot ko? "Kumportable lang talaga kami sa isa't isa." Natatawa na lang ako sa tuwing iniisip ko ang iniisip nila tungkol sa 'min.
Mas naging close rin naman sina Mona at Xynon sa isa't isa. Lagi rin silang magkasama katulad ng nangyayari noon pa.
At ngayon ko lang din napatunayan na may gusto na nga ako kay Xynon. Hindi ko man lang alam kung kailan at paano nagsimula basta ang alam ko lang noong nakaraang araw ay nakaramdam ako ng matinding pagseselos nang makita kong magkayakap silang dalawa sa kusina nang minsan akong bumaba galing kwarto para uminom ng tubig.
Nakayapos ang buong braso ni Xynon kay Mona habang siya naman ay nakasubsob ang mukha sa dibdib nito.
Kusa na lang pumatak ang luha ko at napatitig sa kanila ng ilang minuto.
Bago ako tuluyang tumalikod ay nakita ko si Xynon na napalingon sa gawi ko. Huli na nang humiwalay siya kay Mona para lapitan ako kase tuluyan na akong umalis at pumuntang kwarto.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko no'ng oras na 'yon. Ang tanging iniisip ko lang ay kung bakit ako nasasaktan hanggang sa makuwento ko ito kay Lovelle.
Naalala ko pa ang sinabi niya sa 'kin no'ng gabing 'yon. "Hindi na ako nagulat kase alam ko naman na may gusto ka na sa kanya. Nababasa ko ang kilos mo, Lyka. Kahit naman na mag-deny ka sa 'kin ng maraming beses malalaman at malalaman ko pa rin kase kilala kita. Sinabi ko naman sa 'yo rati na pigilan mo pero mukhang hindi mo nagawa."
Sumisikip at kumikirot na ang dibdib ko sa kakaiyak. Hindi ko na rin halos makilala ang sarili ko nang makita kung gaano namaga ang mga mata ko to the point na para nang kinagat ng ipis. Hays. Mas malala yata ang pag-iyak ko no'n kung ikukumpara sa pag-iyak ko kay Martin. Naalala ko pa rati na siya pa ang dahilan kung ba't ako humagulhol pero ngayon ay iba na.
Nandito ako sa loob ng kwarto namin ngayon at nakahiga nang may kumatok ng tatlong beses. "Bukas 'yan." Wala akong ganang bumangon hindi ko alam pero tinatamad ako.
Lahat sila ay nasa sala ngayon at naglalaro ng snake and ladder pero ibang version. Mas pinahirap.
"Naka-lock."
What? Naka-lock? Argh! Oo nga pala, nakalimutan ko sinarado ko nga pala 'yan kanina pagkapasok ko para walang umistorbo sa 'kin.
"Open the door."
Guni-guni ko lang ba ito o sadyang lalaki ang boses ng kumakatok? Kahit tamad na tamad ako, binuksan ko pa rin ang pinto at dahan-dahang namilog ang mga mata ko nang makita ang nasa harap ko.
Pumasok siya at ni-lock ang pinto. "Let's talk." Bakas sa boses niya ang pagkaseryoso. Wala ring makikitang kahit anumang emosyon sa mukha niya.
Anong ginagawa niya rito? Sinundan ko siya ng tingin.
Humiga siya sa kama ko at tinakpan ang mukha niya ng unan.
Lumapit ako sa kanya at tinapik siya. "Hoy, akala ko ba mag-uusap tayo, eh, bakit ka nakahiga r'yan?" Gusto ko sana siyang paalisin kaso baka pagod kaya humiga.
Narinig ko naman ang malalim niyang buntong-hininga at umupo saka tumingin sa 'kin nang diretso. "Are you mad?"
May kung anong pumitik sa dibdib ko para kabahan ako. Napakurap din ako ng maraming beses habang nakatingin sa kanya. Ano bang sinasabi niya? "Bakit naman ako magagalit sa 'yo?"
Sumimangot siya. "You saw me and Mona hugging each other that night. I came here to explain the whole thing to you."
Nagsalubong ang kilay ko. "Eh, ano naman ngayon aber? Anong kinalaman ko r'yan? Ba't mo ako tinatanong kung galit ako?"
Bigla namang nagtaka ang mukha niya at napahawak sa tungki ng ilong niya. "Haven't you heard me, freak? Nakita mo kaming magkayakap noong nakaraang araw! Syempre big deal 'yon! Ano ba naman 'yan."
Ako naman ngayon ang nagtaka. "Paanong big deal? Bakit may 'tayo' ba? Girlfriend mo ba ako para magpaliwanag ka? You know huli ka pero hindi ka kulong." Sumandal ako sa kama at kinuha ang unan saka niyakap ito.
"Yeah, you're not my girlfriend but I feel like I'm responsible to explain everything to you." Tumingin siya sa 'kin at kinuha ang yakap-yakap kong unan para ipatong sa lap ko at ginawa itong unan. Nakahiga siya ngayon at nasa lap ko ang ulo niya.
"Ang laki-laki ng kama tapos ako pa ang ginawa mong unan?" Sinubukan kong magmukhang naaasar pero ang totoo n'yan ay palihim na akong ngumingiti. Kahit naman na gawin niya akong unan anumang oras ay pwedeng-pwede.
"Mas masarap kapag ganito." Pumikit siya at kinuha ang kaliwang kamay ko para paglaruan. "May relasyon ba kayo ni Shiro?"
I grab this chance to smile sweetly when I heard him asking the same question he asked few days ago. Hindi naman niya makikitang nakangiti ako, eh. "Wala bakit?"
Nakita kong ngumuso siya saglit. "Bakit sobrang close niyo? Parang biglaan ang nangyari, eh." Dumilat siya at tumingin sa 'kin nang diretso.
Ito na naman ang puso kong parang nangangarera sa sobrang bilis ng tibok. Isa pa, ang cute niyang ngumuso.
"Nevermind. 'Yong nakita mo sa amin ni Mona, nagkaroon lang siya ng emotional breakdown since she was missing her parents. I hugged her to make her calm. I talked about positivities to taken away her negativies. That's all. Nothing more."
Kaya pala. Valid reason din naman pala. Akala ko trip niya lang mag-drama para mapansin siya ni Xynon. "Okay."
Kumunot ang noo niya. "Okay? Wala ka man lang itatanong?"
"Like what?"
Tumingin siya sa ceiling. "Like anything. Basta tanong. Magtanong ka sasagutin ko." Nilagay niya ang kamay ko sa ibabaw ng ulo niya at ginalaw-galaw iyon para haplusin ang sarili niyang buhok.
Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. "Bakit ikaw ang nag-comfort?"
Huminto siya sa paghaplos ng buhok niya gamit ang kamay ko. "Gabi na no'n at nakita ko siyang umiiyak mag-isa sa harap ng lababo. Wala namang ibang tao para mag-comfort sa kanya kaya ako na ang gumawa" sabay tingin niya sa 'kin.
I smiled when I notice something from him. I could hear the sincerity and honesty in his voice. Ngumiti ako at tumango.
"Iyon lang? Wala ng iba?"
Umiling ako ng dalawang beses habang siya naman ay parang nadismaya. "Ba't ganyan mukha mo?"
Nagkibit-balikat siya at pumikit ulit. "Ang daya."
Bulong lang ang ginawa niya pero narinig ko pa rin. "Bakit madaya?"
"I assume you'll ask me many question but it turned out to be like this."
"Okay another question." Matagal ko na talaga itong tanungin sa kanya. Para kaseng nakakapanibago at biglaan nangyari.
Nagmulat siya ng mga mata at tumingin sa 'kin nang nagtatanong.
"Ba't biglaan kang naging mabait sa 'kin? I mean dati kase lagi mo kong sinusungitan tapos last month bigla kang naging mabait. Parang katulad niyo ni Mona naging close bigla. Hindi mo ba napapansin ang mabilis na transition, Xynon?" Kung babalikan kase ang nakaraan parang ang bilis ng lahat tapos wala man lang siyang sinasabing rason. Ayoko namang mag-isip ng kung ano-ano lalo na kung wala namang kasiguraduhan.
"Wanna know the truth?" Bumangon siya konti at nilapit ang mukha sa 'kin. "Naniniwala ka ba na lahat ng bagay may rason?"
"Oo naman. Bakit ba?"
"Hindi ko alam kung dapat ko na bang sa—"
Naputol ang sinasabi niya nang may kumatok sa pinto. "Lyka! Ba't naka-lock ang pinto?!"
"Dammit!" bulong ni Xynon.
Bigla akong tumayo at tinulak siya saka ako bumulong. "Hindi ba nila alam na nandito ka?!"
Umiling siya sa 'kin habang nakanguso. "Hindi sorry."
Susmaryosep. "Magtago ka. Hindi ka pwedeng makita ni Lovelle rito," bulong ko. Lumingon ako sa paligid para tingnan kung saan siya pwedeng magtago.
"Lyka, ano bang ginagawa mo? Open this goddamn door now!" Patay! Nagmumura lang naman si Lovelle kapag naiinis na siya.
"Saan ka pwedeng magtago?!" bulong ko rito ulit at tiningnan siya.
Nakatingin lang siya sa 'kin habang nakaupo at nagkibit-balikat. "Do I need to hide?"
"Of course! Alam mong bawal pumasok ang boys sa room namin at gano'n din kami sa inyo." Napasapo ako sa noo. Ano ba naman 'tong pinasok ni Xynon?!
Parehong mahihina ang boses namin para hindi nila kami marinig. Pero hindi ko maiwasang manggigil kay Xynon. Jusko! Pumapasok dito nang wala man lang nakakaalam!
"Sorry, I thought no one from them will enter this room."
"Lyka! Ano ba?! Naaasar na ako sa 'yo, ah?! Buksan mo nga 'to!"
"Lovelle, ba't ka ba sumisigaw?" rinig kong sigaw ni Mona.
Oh, fucking shit!
"Si Lyka ayaw pang buksan ang pinto! Magpapalit na sana ako ng napkin!"
"Kaya pala ang sungit," bulong ng asungot.
"Lyka? Gising ka ba? Kindly open the door!"
"Hoy magtago ka na kesa naman nakaupo ka pa r'yan." Napatingin ako sa ibaba at bigla siyang hinila.
"Dang! Dahan-dahan lang!"
Tinakpan ko ang bibig niya. "Ang lakas ng boses mo, asungot ka tlaga kahit kailan! Argh!"
"May iba bang tao r'yan, Lyka?! Buksan mo nga ito!" sigaw na naman ni Lovelle.
"Sorry bigla-bigla ka kaseng nanghihila," saad niya.
"Magtago ka rito sa ibaba ng kama ko. Dali! Ang daming nasasayang na oras, Xynon!" Nakakapanggil naman!
"Here?" Nanlalaking-matang tanong niya. "Fucking hell no."
"We have no choice. Do it!"
"Lovelle, ito na ang duplicate key," rinig kong sabi ni Mona.
"The fuck! Hide, asungot." Pinanlakihan ko siya ng mata nang ayaw niyang magpatinag sa pagkakahila ko sa kanya. Naririnig ko na ang kaluskos sa pinto. They're trying to put the key on the hole! "Ngayon ka pa magmamatigas, eh, kasalanan mo na nga! Just hide!"
Seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa 'kin tapos umiling ng tatlong beses. "Okay. Just for you." Bumaba siya sa kama at pilit na pinagkakasya ang katawan sa ibaba ng kama ko.
Saktong bumukas ang pinto nang tuluyan na siyang nakatago.
"Wala namang ibang tao, Lovelle, ah?" takang tanong ni Mona at ininspeksyon ang paligid.
"Ano 'yong narinig ko?" tanong ni Lovelle habang nakatingin sa 'kin at nakakunot ang noo.
"Baka guni-guni mo lang 'yon? You know alam mo naman kapag may regla ka kung ano-ano iniisip mo 'di ba?" I'm trying to act and sound normal lalo na't magaling mangilatis itong kaibigan ko.
Nanatili lang siyang nakatingin sa 'kin at naningkit ang mga mata. "Nagsasabi ka ba ng totoo?"
Palihim akong lumunok at nakipagtitigan sa kanya. Ito lang ang tanging paraan para paniwalaan niya ako. The magic of an eye contact! "Yes, I am. Why would I lie? Magpalit ka na ng napkin at magpahinga ka na pagtapos. Baka masama ang pakiramdam mo."
"Okay."
Napahinga lang ako nang maluwag nang putulin niya na ang pagkakatitig sa 'kin.
Lumapit siya sa drawer niya at kumuha ng napkin. Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng CR.
Napatingin naman ako kay Mona na ngayo'y nagtataka sa 'kin. "Hmm why?"
"Wala lang. Iniisip ko lang 'yong narinig niyang boses lalaki rito sa loob."
Napatango na lang ako bilang sagot.
"Imposible namang pumasok dito si Xynon 'no? I was trying to look for him but he's nowhere to be found. Bigla na lang siyang nawala during the game."
"Baka nasa labas. Baka nagpahangin lang." I tried to smile to not look suspicious.
She shrugged her shoulder and smiled back. "Baka nga. Sige hanapin ko muna siya, ah?"
"Sure."
Akmang lalabas na sana siya nang bigla siyang huminto. "Lyka, are we good now?"
"Ha?" Hindi ko ine-expect na magtatanong siya ng ganito.
"I mean, hindi kase maganda ang pakikitungo mo sa 'kin last month hanggang kanina. I'm just worried baka maapektuhan ang friendship natin." Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang magkabilang kamay ko. "Are we okay now?"
Ngayon ko lang din na-realize na kaya pala naiinis ako sa kanya kase nagseselos na pala ako sa kanila ni Xynon. Damn. Nang dahil sa selos pinakitaan ko ng masama si Mona. I became rude! I smiled sincerely and held also her both hands. "Sorry kung naging gano'n ako. I mean, dala yata ng pagkalito sa nangyayari sa 'kin kaya nadamay ka. Sorry."
Nanubig ang mga mata niya at niyakap ako. "I'm glad we're okay now." Humiwalay siya sa pagkakayakap at humarap sa 'kin nang may ngiti sa labi. "Can you help me?"
"About what?"
Magsasalita na sana siya nang biglang nagbukas ang pinto ng CR
Pareho kaming napatingin ni Mona at bumungad sa amin ang nakabusangot na mukha ni Lovelle.
"Ano okay na kayo? Subukan niyo ulit mag-away pag-uumpugin ko ulo niyong dalawa," wika niya.
Nagkatingin kami ni Mona at kapwa natawa.
"Ano nga pala ang ipapatulong mo?" tanong kong muli sa kanya.
"Next time ko na lang sasabihin baka malaman pa ni Lovelle. Hahaha. Sige, hahanapin ko muna si Xynon. Bye!" bulong niya saka nagpaalam siya sa amin ni Lovelle saka lumabas ng kwarto.
Nakita ko naman na nakatalukbong na si Lovelle ng kumot. Ganito siya kapag may regla, nagtatalukbong. Mabuti na lang makapal ang kumot na ginagamit niya.
Dahan-dahan akong yumuko at sinilip si Xynon na ngayo'y nakapikit habang ginawang unan ang magkabilang palad.
Ang cute! Damn!
Tinapik ko siya at bumungad sa akin ang namumula niyang mata. Hala nakatulog talaga siya?
"Hmm." Ay shet husky voice.
"Pwede ka nang lumabas ng dahan-dahan. Nandito si Lovelle kakatulog lang," bulong ko.
Tumango siya kaya nauntog siya. "Aww!"
Nag-gesture ako na huwag siyang maingay. Hindi pwedeng malaman ni Lovelle na nandito siya. Jusko. "Labas ka na r'yan."
Dahan-dahan siyang lumabas at pinagpagan ang sarili. Naka-black t-shirt pa naman siya ngayon at naka six-pocket maong knee level short. Ngayon ko lang din napansin na basang-basa ng pawis ang noo niya.
"Okay ka lang?" tanong ko rito.
Tanging pagkabusangot lang sa mukha ang sinagot niya sa 'kin. "What happened?"
"Mona is looking for you."
Hindi man lang siya nagulat sa sinabi ko. Hindi rin nagbago ang facial expression niya. "Okay. I'm still sleepy. Can I sleep here?"
Agad akong umiling. "Baliw hindi pwede. Doon ka na sa kwarto niyo matulog."
"Okay. Just give me five minutes. I'll just take a nap." Akmang hihiga na sana siya ulit sa sahig pero hindi niya tinuloy kase pinandilatan ko ng mata.
"Abnormal ka. Dito ka matutulog? Baliw ka talaga. Bumalik ka na ro'n sa kwarto niyo. Baka makita ka pa nila rito." Sinubukan ko siyang patayuin.
Mabuti na lang hindi na nagmatigas.
Tumingin muna ako sa gawi ni Lovelle na ngayo'y naririnig ko ng humilik.
"Sleep well," bulong ko sa kanya nang tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto.
"Ayan lang sasabihin mo?"
"Bakit may iba pa ba akong dapat sabihin?" takang tanong ko.
Tila nag-isip siya pero sa huli tanging 'nevermind' lang ang sinabi niya.
Kumaway pa ako nang naglakad na siya palayo at sinarado ang pinto. "Abnormal ka talaga, asungot." Napangiti na lang ako sa nangyari ngayong hapon. Unexpected funny moment of ours.
****
"Be the bridge between me and Xynon, Lyka."
"Be the bridge between me and Xynon, Lyka."
"Be the bridge between me and Xynon, Lyka."
Nagre-replay ang mga salitang binitiwan ni Mona sa 'kin bago maghapunan. Ito pala ang tinutukoy niya kaninang hapon?
Shit! Bakit ngayon pa? Bakit ako pa? May gusto pala siya kay Xynon? Argh! Kaya pala gano'n na lang ang mga kilos niya pagdating sa binata.
Pagkatapos niyang sabihin iyon, napatulala na lang ako at umawang pa ang bibig ko sa kanya ng ilang minuto. Hanggang ngayon kabisadong-kabisado ko pa rin ang pinag-usapan namin kanina.
"Lyka," pagtawag ni Mona sa 'kin at tumabi sa gilid ko.
Nandito kami ngayon sa sala, nakaupo at naghihintay ng hapunan na inihahanda ni Lovelle.
"About sa favor ko." Ngumiti siya nang malapad at kumapit sa braso ko.
"What about that?" Umupo ako nang diretso nang maramdaman kong biglang kumabog ang dibdib ko.
"Be the bridge between me and Xynon, Lyka."
Napanganga ako at napatulala. "H-Ha? B-Bakit?" Tangina seryoso siya?
Hindi pa rin nawawala ang matamis na ngiti niya at isinandal pa ang ulo sa kaliwang balikat ko. "I don't know but I have this feeling that you can help me with this one. Tama naman ako 'di ba?"
Napakurap naman ako ng maraming beses. The heck. Hindi ito ang inaasahang pabor na hihingin niya sa 'kin. Bakit ako pa? May gusto rin ako sa lalaking 'yon kaya malabong matulungan ko siya.
"I know you're surprised hahaha pero ikaw lang talaga ang naiisip kong makakatulong sa 'kin, Lyka. Please help me. I really like Xynon" saka inangat ang ulo at tumingin sa 'kin. "I really do like him a lot."
Tama ba 'yong narinig ko? M-May gusto siya kay Xynon? "B-Bakit ako? Bakit hindi ka magpatulong kay Shiro?"
Napanguso naman siya at humugot ng malalim na hininga. "Feeling ko kase hindi niya ako matutulungan. You know, girl's instinct!"
Oo nga pala may gusto pala siya kay Mona kaya kung sakaling sa kanya ito humingi ng tulong hindi rin siya matutulungan. Kung matutulungan man, mahihirapan siya.
"Can you help me? I know you won't refuse me. I'm your friend, right? Wala ka namang gusto kay Xynon kaya matutulungan mo ako 'di ba?" Napahagikhik pa siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang excitement.
Should I break the excitement she feels or this is a sign that I should give up on my feelings for him?
"Kung ano man ang nararamdaman mo sa kanya pigilan mo 'yan, Lyka."
Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Lovelle.
Dammit! Anong gagawin ko?!
"Pero bawal ang ma-in love rito 'di ba? Rule is a rule," paalala ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Once you fall in love, there's no room for the goddamn rule they've made. You'll not think about that rule. Your feelings is more important and really matter."
F-Fuck. Napatingin ako sa ibaba. Kailangan ko rin bang sumugal katulad niya? O kakalimutan ko na lang?
"I don't take no as an answer, Lyka. Hahahaha. Just kidding. Tutulungan mo naman ako 'di ba?"
Napatingin ako ulit sa kanya at dahan-dahang tumango. " S-Sige."
"Yes!" Agad niya kong niyakap nang mahigpit.
Nanginginig ang mga kamay kong yumakap sa kanya pabalik.
Tama ba ang naging desisyon ko? God, please help me.
"Wala kang pagsasabihan kahit kanino, ah? Secret lang natin ito hihi."
Ngumiti ako nang pilit.
Sobrang saya niya sa pagpayag ko.
She's my friend but we both fell in love with the same person. Mukhang malas yata ako sa pag-ibig, ah. Hahahaha putangina.
"Dinner is ready!" sigaw ni Lovelle galing sa kusina.
"Let's go, Lyka." Hinawakan niya ang kamay ko. Habang papunta kaming kusina ay bumulong siya sa 'kin. "Thank you, Lyka. I owe you this." Isa na namang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa 'kin.
Hindi ko ito makukwento kay Shiro. Damn akala ko okay na lahat. Parang kanina lang ang saya ko kasama ni asungot pero ngayong gabi biglang gumuho ang lahat. Ang sayang naramdaman ko kanina ay biglang napalitan ng sakit.