Marami pang mga kalahok o mga manlalahok ang dumagsa't nakisali sa mga laban. Hindi aakalain ni Wong Ming na halos tumriple ang dami ng mga manonood maging ng mga lalahok sa nasabing kompetisyon.
Sinong mag-aakalang sa dami ng mga sumali kanina ay tila ba lumiliit din ang tsansang makapasok ang sana'y mananalo na ngunit mukhang gugulo pa at magiging komplikado pa ang sistema ng paligsahang ito.
Medyo matagal ang nasabing paghihintay ng lahat at tila medyo nahinto ang nasabing paligsahan dahil sa mga hindi inaasahang pagdagsa ng mga dayong mga martial arts cultivator maging ng mga merchants sa sentral na rehiyon ng Red City.
Walang nagawa ang lahat ng mga kalahok kundi ang maghintay.
Halos kalahating minuto pa ang hinintay ni Wong Ming lalo pa't ang mga nag-oorganisa sa Recruitment Day ay paroo't-parito din ang mga kilos ng mga ito.
Halos magsiksikan at muntik ng magkaroon ng malaking kaguluhan dahil sa siksikan at wala sa kaayusang mga linya ng mga sasalang sa kompetisyong ito.
Handa na si Wong Ming at ang iilan sa maaaring kaguluhan nang makarinig ang lahat ng kakaibang ingay mula sa himpapawid.
Wooohhh wooohhh wooohhh...
Sunod-sunod ang mga malalakas na ingay sa ere habang ang lahat sa kalupaan ay tila namamangha sa kanilang nakikita sa ere.
Hindi maipagkakailang purong paghanga ang makikita ni Wong Ming sa mga mata ng lahat ng mga nilalang na naririto. Sinong mag-aakalang matutunghayan ng lahat maging siya ang ganitong klaseng paglitaw ng mga naglalakihang mga transportasyong panghimpapawid.
Sa disenyo ng mga sasakyang himpapawid ay tila kahawig ito ng mga naglalakihang mga barko ngunit lumulutang ito sa ere. Air Ship ang tawag ng mga nilalang sa ganitong klaseng sasakyang panghimpapawid at bibihira lamang itong makita ng sinuman lalo na ng mga nilalang sa maliit na lungsod na ito.
In-inspeksyon at inobserbahan ni Wong Ming ang nasabing sasakyang barkong panghimpapawid. Alam niyang kahit sa Golden Crane City ay maituturing na pangmaharlikang sasakyan lamang ang ganitong klaseng transportasyon.
Ang Airships ang maituturing na sasakyang ginagamit rin pandigma lalo na kung sasalakay ang mananakop o kaaway mula sa malalayong lugar dahil naaabot nito ang malalayong lugar ng ilang minuto o oras lamang kung gugustuhin ng nagmamani-obra nito.
Golden Crane City is a very peaceful city kaya kahit na higit itong progresibo kumpara sa Red City kung saan ay kinaroroonan niya ay walang gumagamit ng mga airships liban na lamang sa mga matataas o magigiting na mga personalidad ng nasabing siyudad.
Alam niyang ganoon rin ang sadya ng barkong panghimpapawid sa lugar na ito. Kumpara sa mga ordinaryong mga nilalang na naririto ay alam niyang hindi pa abot ng kamalayan ng mga ito ang pagkakaroon ng airships o paglitaw nito sa harap ng maraming mga nilalang sa lugar na ito.
Rinig na rinig pa ni Wong Ming ang mga sinasabi ng mga malalapit na mga martial artists hindi kalayuan mula sa kaniya.
"Yan ba ang magiting na sasakyang panghimpapawid?!"
"Oo, iyan nga ang ganda noh?!"
"Malamang maganda yan, sino'ng hindi nagagandahan sa imbensyong gawa ng mahuhusay na craftsman?!"
"Tama ka ngunit ang alam ko ay ginagamit din iyan sa oras ng digmaan hindi ba?!"
"Oo, yan din ang nalaman ko. Mahusay na transportasyon yan kung sakaling pumunta o tumakas ang maraming nilalang sa lugar na kinaroroonan nila."
Napatawa na lamang sa kaniyang sariling isipan si Wong Ming dahil batid niyang hindi pa ito tuluyang naituturo sa lahat ang kahalagahan ng mga Air Ships dahil isa ito sa pangunahing transportasyon pandigma.
Ang nagdadala ng ganitong klaseng sasakyan ay pawang mga matataas ang mga skills sa paghahanap ng ruta at pagtuklas ng weak points nt mga kalaban o sasakupin nilang lugar.
Sa malakas palang na tunog na pinakawalan ng mga padating na mga Air Ships ay halatang hindi layunin ng mga ito na manakop kundi umagaw ng nasabing atensyon sa lahat.
Kulay asul na may simbolo ng isang asul na ibon ang umagaw sa lahat at karamihan lalo na si Wong Ming ay takang-taka sa nasabing simbolo ng kung anumang klaseng organisasyon.
Walang nagawa si Wong Ming kundi magmatyag at makinig sa pinag-uusapan ng mga nilalang sa kaniyang kapaligiran kung ano'ng klaseng mga nilalang ang dumating at ano'ng organisasyon ang mga ito nabibilang.
"Ano'ng organisasyon ang bagong dating na mga iyan?! Hindi naman yan ang Flaming Sun Guild!"
"Malayo ang dating ng Flaming Sun Guild sa mga bagong saltang mga nilalang na sakay ng Airships!"
"Mga mangmang, hindi niyo ba alam kung anong organisasyon iyan?! Walang iba kundi ang Harpy Guild!"
"Harpy Guild? Iyon ba ang guild na malapit sa mga namumuno ng Red City?!"
"Hindi namin alam ang Guild na iyan, paki namin diyan!"
"Naalala ko na, iyan yung Guild na nakatala sa kasaysayan ng Red City hindi ba? Yan yung guild na malapit sa puso ng dating hari ng nawasak na kaharian na nakatayo dito sa Red City hindi ba?!"
"Tama ka, naalala ko nga. Wag kayong magsalita ng masama sa kanila dahil isa iyong kabastusan sa kanila lalo pa't kilala ang guild na iyan na pumoprotekta sa namayapang haring si King Jie Han.
"Harpy Guild? Ang misteryosong guild na gumagapi ng mga masasamang organisasyon na pinaniniwalaang hindi matukoy ang lokasyon ng nasabing guild?!"
"Yun nga, ngunit matagal nang wala tayong balita sa guild na yan. Ngayon lang ata lumitaw at bakit sila naririto?!"
Halos magkagulo naman ang lahat dahil sa kakaisip kung bakit nandirito ang mga kasapi ng nasabing guild na tinatawag na "Harpy Guild."
Maging si Wong Ming ay hindi alam kung bakit naririto ang nasabing guild sapagkat may punto rin ang sinasabi ng karamihan sa naririto.
Isa sa mga Ancient Guilds ang Harpy Guild at maituturing na tago ang lakas nito. Isa rin kasing misteryosong guild ang Harpy Guild at sa pagkakaalam niya ay labindalawang miyembro lamang ang mga ito. Bawat numerong nakatatak sa mga ito ay nagsisimbolo ng bilang ng nasabing guild. Bawat isa sa mga ito ay pinaniniwalaang malalakas at may espesyal na mga katangian.
Pero sa kasalukuyan ay wala siyang alam kung dumami ba ang bilang ng mga ito o hindi.
Mabuti na lamang at mayaman siya sa kaalaman patungkol sa mga bagay-bagay patungkol sa dating kalagayan ng apat na naglalakihang mga siyudad
Magkagayon pa man ay hindi interesado si Wong Ming na mapabilang sa nasabing guild. Ang prayoridad niya ay makapasok sa Flaming Sun Guild. Isang guild na masasabi niyang misteryosong guild din na nag-eexist din noon pa man kagaya ng Harpy Guild.
Walang ano-ano pa ay bigla na lamang nagulat ang lahat ng biglang dumilim ang kapaligiran at nakarinig ang lahat ng dumadagundong na mga ingay sa taas ng kaulapan.
Hindi mawari ng lahat kung ano ito ngunit maraming mga huni ng iba't-ibang mga magical beast ang narinig nila na tila nasa mga maiitim na mga kaulapan.
Ramdam na ramdam ni Wong Ming ang pangamba ng lahat lalo pa't hindi nila batid kung sino o ano ang nakapaloob sa maiitim na mga kaulapan sa Sentral na bahagi ng siyudad ng Red City.