webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
721 Chs

Chapter 485

Dalawang pike ni Moon Saber ang nakita ni Little Devil na nahati sa dalawa at hindi maipagkakailang nagulat na lamang siya sa kaniyang napagtanto.

Isang malakas na conjurer ang kalaban niya. Isa itong rare profession ng isang martial artists at bibihira lamang na magkaroon o makatagpo ka ng isang nilalang na katulad nito.

Pinaniniwalaan na malakas ang mga ito at karaniwang matapang ang mga ito dahil hindi basta-basta natatakot ang mga ito kahit kaninuman.

Hindi sila lumalaban ng basta-basta lamang dahil palaging preparado ang mga ito at maraming alas sa mga bulsa ang mga conjurers.

Sa kasaysayan ay nakasulat ang pagsama ng mga ito sa labanan at kaya nilang gumawa ng himala sa labanang kayang baliktarin ang sitwasyon.

Sigurado si Li Xiaolong sa kaniyang mga nakita at hindi isang illusionist ang kalaban niya. Ngunit makikitang hindi natutuwa si Li Xiaolong sa kaniyang mga nakitang resulta. Gusto siyang balaan ng kalaban niya na wag ng asahang mananalo siya rito.

"Paano'ng nakita mo ang aking atake. Hindi maaari!" Sambit ni Moon Saber nang mapansin niyang tila ba nagulat siya sa naging resulta ng atake niya.

Napakaperpekto na ng atake niyang iyon dahil isang deadly move niya yun. Tunay ngang minaliit niya ang kaniyang sariling kalaban.

"Isa ka palang conjurer. Hindi ko aakalaing makakatagpo ako ng isang katulad mo sa lugar na ito." Mahinahong sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakatingin sa direksyon ng kalaban niyang tila ba naisahan niya ito.

Natigilan naman si Moon Saber sa kaniyang sariling kinaroroonan. Halatang hindi nito inaasahan ang naging sagot ng kalaban niya sa kaniya.

"Oo, isa akong conjurer kaya ngayon pa lamang ay binabalaan na kita. Hinding-hindi ka mananalo sa akin. Base sa iyong reaksyon ay sigurado akong hindi mo nakikita ang aking atake at tanging pandama mo lamang ang ginagamit mo para tukuyin ang mga atake ko! Nakangising demonyong sambit ni Moon Saber habang nakatingin sa gawi ni Li Xiaolong.

"Ano pa nga ba hahaha... Kahit isa kang conjurer, wala kang maitatago sa hangin!" Seryosong saad ni Li Xiaolong sa kalaban niya. He is not dumb to what his opponent is up to.

Alam niyang hindi bawal ang ganitong pamamaraan lalo na at conjurer ito. Natural na mag-sneak attack ito. Kaya pala hindi man lang nagulat ang karamihan sa mga naririto sa bayan ng Xitang.

"Hahaha... Kung inaakala mong maililigtas ka ng pandama mo lalo na ng hangin laban sa mga atake ko, hindi mangyayari iyon dahil kailanman ay hindi mo ko matatalo!" Puno ng kumpiyansang wika ni Moon Saber na halatang hindi talaga ito magpapatalo. Wala sa bokabularyo nito ang magpatalo at maging isang talunan.

Mabilis na ikinumpas nito ang kamay niya kasabay nito ang paglabas ng tatlong naglalakihang mga espada. Kapwa naglalabas ito ng kakaibang enerhiyang tila naiiba sa lahat.

Hindi alam ni Li Xiaolong ngunit parang may mali sa Moon Saber na ito. Pakiramdam niya sa sitwasyong ito ay isang set up. Paanong magkakaroon ng pambihirang tatlong espada ang nilalang na makakalaban niya sa murang edad na ito at ang mas nakakapagtaka ay isa itong conjurer na halos kaedaran niya lamang.

Sa itsura at postura pa lamang ng kalaban niyang si Moon Saber ay mahahalatang hindi ito galing sa isang mayaman o aristokratong pamilya lalo na at bakas ang paghihirap sa kamay nito.

Alam na alam ni Li Xiaolong kung paano tumukoy ng tao basi sa kanilang kilos at presensya. Galing siya sa maralitang angkan kaya alam na alam niyang may mali sa Moon Saber na ito at yun ang gusto niyang tukuyin.

Hindi naman nag-aksaya ng oras si Li Xiaolong at mabilis na nagsagawa ng kaniyang pambihirang abilidad ng Asura Art Divinity Cultivation Manual niya.

Asura Art: Triple Body!

Sa isang iglap ay mabilis na nahati sa tatlo ang pangangatawan niya dahilan upang mas bumusangot ang mukha ng kalaban niya.

Walang ano-ano pa ay mabilis na pinabulusok ni Moon Saber ang tatlong pambihirang espada nito sa tatlong katawan ni Little Devil (Li Xiaolong) na halatang naiinis na siya rito.

BANG! BANG! BANG!

Malalakas na pagsabog ang naganap habang kitang-kita ni Li Xiaolong kung paanong marahas na gumagalaw ang mga espadang pilit na tinatamaan siya nito.

Ramdam niya ang bagsik at lakas ng tatlong espadang lumilipad lamang ng kusa upang pinsalain siya sa direksyon niya.

Sumabog ang lupang tinatapakan ng tatlong katawan ni Li Xiaolong at maliksing iniiwasan ang mga atake ng kalaban.

Mabilis na ginamit ni Li Xiaolong ang gauntlet niya upang suntukin ang espadang nakatutok sa kaniya dahilan upang tumilapon ito sa malayo.

Sa isang banda naman ay ginamit ni Li Xiaolong ang pambihirang gloves upang dakmain ang talim ng espada at hawakan ang handle ng nasabing pambihirang espada at malakas niya itong ibinaon sa lupa na siyang handle na lamang ang makikita sa lupa na maging ang lahat ng talim nito ay nalubog sa lupa.

Samantalang ang isang katawan naman ni Li Xiaolong ay hinagip nito ang espada gamit ang metallic chains na siyang matagumpay na nakapulupot rito. Hindi nag-aksaya ng oras si Li Xiaolong at mabilis na pinaikot-ikot ito at pinalubog sa lupa.

Alam ni Li Xiaolong na hindi niya masisirang basta-basta ang mga sandatang ito dahil na rin sa mataas talaga ang kalidad nito. He found Moon Saber as suspicious individual.

Ramdam niyang may tinatago ito at nagsisinungaling dahil na rin sa mga obserbasyon niya.

Ngunit ganon na lamang ang gulat niya ng mabilis na na nabunot ang mga ibinaon niyang mga espada at ang tumilapon. Labis na namangha si Li Xiaolong sa lakas na ipinamalas ng kalaban niya.

Nanlaki ang mga mata ni Li Xiaolong nang mapagtanto ang isang bagay na nakita niyang rason kung bakit nangyayari ang mga kakaibang nangyayaring ito sa kaniya.

TCH! TCH! TCH!

Lumikha ng mumunting ingay ang tatlong espadang Nakatutok sa direksyon ng batang si Li Xiaolong. Halatang hindi pa tapos ang kalaban niya sa mga paunang atake nito. Parang may personal na galit ito na ewan basta hindi niya mapaliwanag.

"Sumuko ka na Little Devil, wala kang tsansang manalo sa isang katulad ko!" Seryosong wika ni Moon Saber habang makikitang gusto nitong sumuko na lamang ang kalaban niya na may pambihirang martial arts skill. May pangmamaliit ang tinging ipinupukol niya kay Li Xiaolong at halatang wala itong balak na magpalamang sa kalaban niyang hindi pa rin sumusuko.