Benedicite Maledicentibus Vobis,na ang kahulugan ay "SUMPAIN KA"
Nagising si Wanda sa narinig na tunog.
"Ano nangyari,kuya anong meron" tanong ni Wanda
"Wa-wala,wa-wala to,na-nadulas lang yung baso sa kamay ko" nauutal na sagot ni Rain
"Nako naman,umalis ka dyan baka mabubug ka,pakuha na lang yung walis sa kwarto mo kuya,doon ko huling nilagay" utos niya sa kuya
"Si-sige" sagot ni Rain
Dahan dahan na umalis si Rain sa kinatatayuan,di pa man nakakapasok,tumayo na ang balahibo ni Rain sa labas ng kwarto.
Sinindi niya ang ilaw,sa kanyang pagpasok,tinignan niya ang paligid.Tinignan niya rin ang bintana na malapit sa higaan niya.Kinikilabutan siya,dahil baka may kung anong lumabas sa bintana.Ngunit wala.
"Phew"
Hinanap niya ang walis.Kung saan saan niya na hinanap ngunit wala ito.
"Wanda,wala dito" sigaw niya
"Andyang lang,nasa ilalim ng higaan mo,naiwan ko pala jan kasi nakatulog ako" sagot naman ni Wanda
Tinignan ni Rain ang ilalim,nandon ang walis.Medyo malayo ito at hindi niya abot.Kinakaylangan niya pang pumasok ng kaunti.Sa pag pasok niya,nakita niya sa likod ng walis ang isang kamay.Tumayo ang balahibo niya dahil ang kamay ay PUTOL.Kinuha niya agad ang walis at bumulong sa isip na imahinasyon lang ito.Habang paalis sa higaan,biglang gumalaw ang kamay,at gumapang ng mabilis papunta sa direksyon ni Rain.Hindi niya alam ang gagawin dahil maliit ang ispasyo ng ilalim ng higaan.
"AHHH" malakas na sigaw
Napapikit na lang siya habang paalis ng higaan.Nakaalis siya,at sa pag dilat niya,nawala ang putol na kamay.Agad na pumunta si Wanda ng kwarto,at tinanong anong nangyari.
"Wala,pagod lang ako,pagod lang ako" sagot ni Rain
Tingin ni Wanda ay talagang pagod si Rain,hindi niya na tinanong ang mga bagay bagay.Wala na syang sinabing iba dahil alam niya ang masamang mangyayari ay nagaganap na.