webnovel

4 Benedicite Maledicentibus Vobis

Tumigil sa paglakad si Rain.Habang pinagmamasdan ang pula na nasa tubig.Nagdadalawang isip siya kung ito'y dugo,o pintura lamang na natapon.

*Sa isip ni Rain

(Tingin ko hindi ito pintura,kung iniwan iyon dito,matutuyo iyon,at sino naman ang magtatapon ng pintura sa tabing daan.Kung dugo ito,ibig sabihin,TAO ang pinagmulan nito,isa lang ang tamang gawin upang malaman)

Sinundan ni Rain ang pinanggalingan nito.Hindi naman kalayuan,ngunit nalihis siya ng daan na papuntang highway.Lumiko siya sa damuhan.At nakita ang isang kubo.

*Sa isip ni Rain

(Kubo? malamang nag kakatay lang ng hayop)

Ngunit sa sobrang gustong malaman kung hayop nga ba talaga,pinuntahan niya ang kubo.Medyo maliit ang kubo.May butas na nakita si Rain,sinilip niya kung ano ang nangyayari sa loob.Wala siyang makita nung una,ngunit nang igala niya ang nga mata,LAKING gulat niya kung ano ang nakita.

Isang babaeng may maninilis na hiwa sa binti, nakahubad at tila umiiyak.Puro pasa ang muka,halos hindi na makilala dahil sa pasa nito.Hindi kalayuan,ay ang nakatalikod na lalaki.Nag hubad ito ng pantalon,at nang pang ibaba.Humarap ito sa babae,may hawak na patalim,bumibigkas ng mga salitang "Ako naman,ako naman".Kabang kaba si Rain,hindi alam ang gagawin,nanginginig ang tuhod at namumutla ang labi,hindi maipinta ang muka dahil nakikita niya na unti unting binabalatan ang braso ng babae.

Naiyak si Rain dahil kita niyang umiiyak ang babae,nakatakip ang bibig ng babae,hindi maka sigaw.Alam niya ang sakit,ang hapdi at ang galit.Nakita niyang nakalaylay na ang mukha ng babae.At ang nakakatakot,sa paglaylay nito ay saktong nakita ng babae si Rain.Napapikit ang babae,nanlaki ang mata at mababasa mo sa kanyang mata ang paghingi ng tulong.Nagkatitigan sila ni Rain ng ilang segundo.Nahinto ito dahil nag ring ang cellphone ni Rain.

"Ha!(napalunok si Rain)anong gagawin ko" bulong sa sarili.

"Sinong andiyan!" wika ng lalaki sa loob ng kubo.

Naguluhan si Rain.Mahina siyang tao, maraming malalaking tekso na naka lagay lamang sa sahig,nag dadalawang isip siya.Kung tutulungan o tatakbuhan.

Huminto ang ulan,nakita ni Rain na huminto sa ere ang pag patak ng tubig,parang himala na huminto ang oras.Tumingin muli siya sa kubo at nakita niya sa butas na kanyang sinisilipan na nakatayo ang babae at nakatingin sa kanya.May hawak na damit at kutsilyo,pula ang mga mata.

"Benedicite Maledicentibus Vobis"

Huling narinig niya sa labi ng babae.At tumulo ulit ang ulan,napapikit pikit si Rain,parang sa isip niya nang yari yon.Sumilip siya sa butas at nandon ang babae,ngunit wala nang malay,at patay na.Ang masama,wala roon ang lalaki.Ginala niya ang mata,at nakakita siya ng mata sa gilid.Ang lalaki.Nakatingin sa mga mata ni Rain ang nanlilisik na mata ng lalaki.

"Andyan ka lang pala ha" wika ng lalaki sa kanya

Naghaharipas ng takbo si Rain papuntang high way,Nakarating siya roon,pumara ng jeep,at sumakay.Kakaunti lang ang laman ng jeep.Habang pinag iisipan ang mga nangyari,nag ring ulit ang kanyang cellphone.Binasa niya na galing sa kanyang kapatid.

"MAG IINGAT KA" halos 37 na mensahe na galing kay Wanda na iisa ang nakalagay.

Lalong kinabahan si Rain,dahil nararamdaman ng kanyang kapatid ang mga nangyayari.Bago makapunta sa destinasyon ay nagbayad muna siya sa driver.

"Manong bayad ho" sabi ni Rain

Isa isa nang bumaba ang mga pasahero.At dalawa na lang sila ng babae na natira.

"Kuya ma-malapit na ho ba tayo?" kinakabahang tanong ni Rain.

Hindi sumagot ang driver,matanda na at mahina na siguro ang pandinig.Bago niya pa man ilakas ang tono ng boses ay nag para ang kanyang kasamang babae.

"PARA" hiyaw nito

Huminto ang sasakyan,at bumaba ang babae.May nahulog na papel ito sa pag baba niya.Gusto man ibigay ni Rain,nag simula nang magmaneho ang matandang driver.Binulsa niya na lamang at nagbabakasakaling tignan sa bahay.

Nakarating na rin siya sa wakas sa banko.Kinuha ang pera at umuwi.Nasa daan nanaman siya papuntang bahay.Yun lamang ang nag iisang daanan upang makauwi siya.Walang shortcuts.Hindi siya makaalis sa pwesto niya.Nakikita niya ang kubo mula sa kanyang kinatatayuan.Nagimbala lamang siya ng hawakan siya ng matandang lalaki.

"Ah!!" sigaw ni rain

"Masyado ka namang magugulatin,nakita ka namin na walang kasabay,gusto mo sumabay ka na sa amin maglakad diyan?" tanong ng matanda

Mga grupo ng magsasaka ang nakasabay niya pauwi.Habang naglalakad at natapat sa kubo,tumayo ang balahibo ni Rain.Lalong lumakas ang ulan,at nagsitakbuhan sila sa kanikanilang bahay.Bago pa man humiwalay sa mga mag sasaka,ay nag pasalamat na si Rain.

Binuksan niya ang bahay.Hinanap si Wanda.Nakita niyang tulog.Naginhawaan si Rain ng makita ang kapatid na umiidlip.Tanghali na ng siyay makauwi.May tanghalian na at may sinaing narin.

Kumuha agad siya ng isang basong tubig. Naalala niya ang papel na galing sa babae aa jeep.Kinuha niya sa bulsa,at binuksan.

{Bag}

Nabitawan niya ang basong iniinuman.Nanlaki ang mga mata,at bumilis ang tibok ng puso.

"Benedicite Maledicentibus Vobis"

Ang nakasulat sa papel...