webnovel

Skin Care? Courses?

Yana's POV

Tangina talaga ni calvin, napaka sinungaling. Wala na akong nararamdaman don pero wth? Hanggang ngayon ba naman nag loloko pa din. Fyi, we broke up because of him having an affair sa "kaibigan" niya lang daw. Which is yung jowa niya ngayon na si trish. Haha diba? Nakakatanga? Kaya kayo, wag kayo nag papaniwala jan sa "wag ka mag alala babe kaibigan ko lang yun, ikaw lang mahal ko" biro lang. Anyway, ayoko na ma stress sa mga trash na yan.

Naka t-shirt ako na white and short na black at may dala din akong jacket na maroon. Papunta ako ngayon sa SM na malapit lang samin kase kailangan kong bumili ng skin care products dahil alam niyo na skin care is life! Hindi pwede ng pabayaan ang muka. Mag kikita kita kame nila keila sa SM dahil manonood din kame ng cine tapos gala gala lang, mga walang magawa sa buhay eh.

"babe" beso ni miya saken

"yanaa"beso din ni keila

"yuck ano ba yan pabeso beso pa ew" sabi ko naman na kunwaring nandidiri.

"Ay girl pupunta pala dito si earl kasama mga kaibigan niya,sila Oli, after natin mag cine tsaka sila makikipag kita." Sabi ni keila. Si earl boyfriend niya for 2 years na. Matino naman, masaya kasama, first jowa nila isa't isa. Sus kala mo naman may forever. Joke lang, sa totoo lang hindi nag aaway yang dalawang yan. Sobrang mature nila para palakihin yung mga maliliit na bagay which is maganda.

"Hay nako kung sana all may jowa diba?"- Reklamo ni mia. Akala mo naman talaga nag jojowa yan. Paganyan ganyan lang yan pero pag may nanliligaw naman walang pinapansin. Ewan ko ba jan gustong magka jowa pero akala mo allergic sa lalake pag nilalapitan. Pero tama din naman, hindi kailangan mag madali sa pag jojowa. Dapat alam mo kung sino yung dapat piliin at dapat din hindi mareklamo kapag masyadong mapili. Jusko sarap manakal.

"Inggitera to! Halika na nga bili muna tayo ng skin care products dahil na sstress na ako sa inyo ayokong magka pimples or what." sabi ko. Pag dating namin sa store nag hanap agad ako ng cleanser, toner, makeup remover, moisturizer, and facial scrub. Nako girls and boys, importante na inaalagaan natin sarili natin at hindi yung puro pag papabebe lang sa jowa ang alam.

Una kong ginagawa after ng makeup remover is mag sscrub ako sa muka, tapos after mabanlawan nun tsaka ako mag ccleanse. After cleanse mag totoner ako and moisturizer after ng toner. Yung facial scrub is 3 times ko lang ginagamit sa isang linggo and also yung aztec na clay mask 2-3 times lang din sa isang linggo. Mahalaga na mas nag iinvest tayo sa pag linis ng muka kesa sa pag mamake up.

Walang mali sa pag mamake up but mas okay na malinis muka natin kesa yung hinahayaan lang natin tapos puro pa makeup, mas lalong dadami pimples and blackheads at kung ano ano pa jan. Diba? Kesa patong patong na make up para matakpan yung blemishes or kung ano ano jan sa muka, mag invest na lang muna sa skin care products kesa sa makeup. Don't get me wrong, nag mamake up din ako! hahahaha

After namin bumili nanood kame ng endgame. Nahila lang ako ng dalawang to dahil hindi talaga ako nanonood ng avengers. Wala nga akong naintindihan kung bakit umiiyak tong mga kasama ko. Tsaka ko na papanoorin napaka dami pala non.

"baby" bati ni keila sabay halik sa noo ni earl sa kanya.

Baby wuala. Nakakatawa yon? Nakakakilig yon? Anong baby pinag sasabe niyo jan. Laki laki niyo na baby baby pang nalalaman. Okay tama na pagiging bitter.

"hi baby" sagot ni Keila

"Hi mia, Hi yana" bati ni Earl samin sabay beso. Bumati din kame ni Mia at napansin namin yung tatlo pang kasama ni Earl na mga kaibigan niya. Kilala na namin sila pero hindi pa kame nakakapag sama ng matagal dahil hindi ako mahilig makipag socialize kaya hindi ako sumasama kapaglumalabas labas sila kasama si Mia.

Si Earl 5'9, sakto lang kulay ng balat. Hindi maitim at hindi maputi. Si Oliver 6'1, maputi pero hindi yung sobrang puti at chinito. Si Chad naman pinaka maputi, 5'9 din, chubby and may dimples. Si Primo naman moreno, 5'8 at pinaka makulit sa kanila. Bali apat silang mag ttropa, si Earl,Oliver,Chad, at Primo.

"Nice to meet you ate Yana" Bati sakin ni chad. Ang cute cute talaga neto. Lalo na yung dimples ang sarap kurutin ang taba taba ng cheeks.

"Ate ka jan. Mas matanda kasakin excuse me" I said sarcastically, sabay irap. Tumawa din ako after. Siguro naman kilala na nila ako dahil panigurado sa sobrang daldal neto ni mia na kwento niya na. Mahilig akong mang bara at mag taray pero hindi naman yung seryoso.

After mag batian ng mag ttropa ay napag isipan na namin mag dinner sa restaurant nila oliver. Habang kumakain ay napag usapan namin ang balak na kurso dahil after bakasyon ay grade 12 na kameng lahat.

"Ako balak kong mag engineer. Pero hindi ko pa alam kung civil or industrial." Sabi ni chad. Isip bata lang to minsan pero alam kong pinaka matalino to sa tropa nila.

"Ako naman balak kong mag IT, or kahit ano basta may programmimg" -Eto naman si Primo kahit na maloko alam kong magaling siya pag dating sa technologies and kung ano ano pa pag dating sa computer.

"Ako I wanna be an archi." tipid na sagot ni Oliver. Balita ko magaling daw mag drawing to. Pero sa tingin ko mas magaling ako.

Mahilig akong mag drawing, but yung mga drinodrawing ko is dresses, and gowns. Minsan mata, or kung ano ano lang. I love painting. Hindi ko pa kayang mag paint ng realistic na muka, but I can say na I'm good at painting. "Ako balak kong maging fashion designer. Balak kong gumawa ng gowns and clothes and mag patayo ng sarili kong botique. And also gusto ko din mag patayo ng coffee shop"-sagot ko. yes. bukod sa fashion is gusto ko din mag business. I LOVE COFFEE damn it.

"Ako naman balak kong doctor, kame ni Earl pareho kame ng gusto."- sagot ni keila. Alam namin na kaya sila nag kakasundo kase ang dami nilang pag kakapareho. Doctors and parents nilang dalawa at namana siguro nila yung field na kinuha ng parents nila.

"Ako balak kong mag business, kaya yang coffee shop mo dalawa tayong mag tatayo niyan ah? Ako na bahala sa strategic financial decision chuchu hehe. Mag aaccounting ako" -sagot ni Mia.

After namin mag kwnetuhan at kumain at umuwi na kame sa kanya kanya naming bahay. May 3 linggo na lang kame bago mag pasukan kaya napag desisyonan namin na mag beach.