webnovel

PROLOGUE

"Kung mas pinili ko ba siya posible bang masaktan ako ng ganito?" I asked my friend Joan. We're having a small discussion over our lunch here in Cafe Okinawa.

Humigop muna siya ng kaniyang iced coffee at muli akong tinapunan ng tingin. "For me lang, ha? I think mas sasaya ka kung siya nga 'yung nakatuluyan mo. Unlike Jaycee, ni hindi pa nga kayo official, puro sakit na dinulot niya sa'yo."

I sighed. Biglang nag pop-up sa utak ko 'yung picture namin ni Jaycee. We've been dating for three months, wala pa kaming label pero puro sakit na nararanasan ko sa kaniya.

"I know he secretly loves you. Maybe he's just scared, sa kakahinatnan niyo kapag umamin siya sa'yo."

Nagkibit-balikat nalang ako. Posible nga kayang gusto niya na 'ko? Posible bang totoo 'yung sinasabi ng mga kaibigan ko?

I paused for a while and think of him. Ano nga ba'ng meron samin ni CD? Chris Dion is my boy bestfriend since we were elementary. Ten years na kaming magkakaibigan nila ni Joan. Sa buong pagsasama namin na 'yon, I must admit, it feels like I'm the luckiest woman on earth because I have CD.

Sa buong taon na magkasama kami ni Dion ay never pa siya gumawa ng mga bagay na ikakasakit ko. He always makes me smile, laugh in every little crazy stuffs, he protects me as if I'm a princess. Every moment that I spent with him was priceless.

He got the looks, the good heart, and everything that girls are looking for. Kaya hindi rin ako nagtatakang madaming nagkakandarapa sa kaniya, minsan pa nga babae pa ang gustong manligaw sa kaniya.

"Lalim ng iniisip ah, CD 'yan no?" Nakangiting tukso pa sa'kin ni Joan. Tapos na pala ito kumain.

"DVD." Maiksi kong sagot.

Umirap lang siya. "Iyang ngiting 'yan? Nakikita ko lang 'yan sayo kapag pinag-uusapan natin siya. Oh my S! You're cheating on JC!"

This time ako naman ang umirap sa kaniya at sumimsim sa brewed coffee ko. "Baliw ka ba? Why would I cheat? JC's my..."

"Your what? Come on, you can't just call him your 'boyfriend'. Baka nakakalimutan mo hindi kayo, isa pa ni hindi ka nga niya nililigawan."

Natigil ako doon sa sinabi ng kaibigan ko. Oo nga naman, tama naman. Three months na kaming naglalandian ni JC. Walang ligawan, or what.

Ayaw niya pa 'kong ligawan kasi nga daw gusto niya kapag settled na lahat. He still needs to fix some things before entering to a relationship.

"Keila, what I'm saying is pwede ka pang mag back-out."

Napailing na lang ako at tinapos na ang kinakain ko. Halos ganito na lagi ang sistema namin, everytime na magkikita kami ni Joan, palaging si Dion ang topic namin. She's insisting na may gusto daw sa'kin si Dion at natotorpe lang umamin.

Hindi na lang ako umiimik kapag gano'n. When it comes to that matter, hindi ako nagpapakamanhid at hindi ako nag-a-assume.

Ni hindi ko nga alam kung talagang pinapakitaan ako ng motibo ni Dion o sadyang gano'n lang talaga siya ka-sweet sa lahat ng kaibigan niya.

Nabalik ako sa reyalidad ng tapikin ni Joan ang balikat ko. "Mauuna na 'ko, susunduin ko pa 'yung kapatid ko eh. Besides, nand'yan na siya."

Tumango na lang ako sa kaniya at nakipag-beso. Maya maya pa'y nakaramdam ako ng mainit na palad na tumakip sa mata ko.

"Ano na naman 'tong trip mo, Dio-"

Ganoon na lang ang gulat ko ng hindi si Dion ang bumungad sa akin kundi si Jaycee. Napatungo ito at bakas sa mukha niya ang pagkalungkot.

"I'm sorry, siya ata yung ineexpect mo." Sambit niya sa mababang boses.

"N-no. Hindi naman.."

"Iniwan ko saglit yung trabaho ko just to see you. Napapagod ako e, I need to see my strength." He smiles at me then kissed my cheeks.

I felt sorry for Jaycee. Hindi niya 'to deserve. Kahit naman nagkakasakitan kami, I must admit he's the sweetest guy I've ever met aside from CD. After the fight, bababaan niya pride niya at susuyuin ako. Isa 'yon sa mga nagustuhan ko sa kaniya.

Sa lahat ng mga lalaking dumating sa buhay ko, si Jaycee lang nakapag paramdam sa'kin ng gano'n. He'd rather lose the argument than to lose me.

"Hey, how are you?" I asked him. I spotted some dark circles on his eyes, medyo bangag din hitsura niya ngayon.

Inakbayan niya 'ko at inabot sa akin ang bulaklak na dala niya. "Ang daming kailangan tapusin. Gahol na 'ko sa oras."

"Bakit nagpunta ka pa dito?"

"I told you, I wanna see you. Magkakasakit yata ako kapag hindi kita nakita." I can't help but to smile, he's the sweetest. Kahit sobrang pagod siya sa pagiging engineer niya hindi niya pa din ako sinasantabi.

I caressed his face and tip toed then kissed his cheeks. "You deserve that, baby."

He smiled. Narating na namin ang kinaroroonan ng kotse niya. Nag-aya siyang mag Tulip Garden kami.

Ang tahimik ng biyahe namin. Kahit radyo ay hindi niya binuksan. Tunog lang ng sasakyan at aircon ang maririnig.

"Are you okay?" Pagbasag ko sa katahimikan.

Pero imbes na sagutin niya 'ko ay tanong din ang ipinukol niya sa'kin. "Kasama mo si Joan kanina?"

I nodded my head. Alam ko na ang kasunod nito.

"Let me guess, topic niyo na naman si CD?"

"Jaycee.."

He chuckled. "I saw CD's post in instagram. Pictures niyong dalawa 'yon, with sweet caption."

"Jay-"

"He's very sweet. Sigurado ka bang kaibigan lang tingin nu'n sa'yo?"

I looked at him. "Ano na naman bang pinagsasabi mo?"

"Lalaki din ako, Kei. I know what he feels about you. Sa tuwing nakikita ko 'yung mga sweet tags niya sayo sa facebook tapos susuportahan ng mga kaibigan mo, wala akong magawa. Kasi ano nga ba namang laban ko sa kaniya? Ten years na kayong magkakilala. Tapos tayo-"

"Tayo tatlong buwan pa lang pero puro away na. Hindi pa tayo nito, Jaycee ha? Paano pa kaya kapag tayo na?" I sighed as I shut my eyes closed. Miski siya na ay natahimik. I know nahalata na niyang ayoko nang pahabain yung small fight so tumahimik na siya.

Tumingin ako sa bintana sa gilid ko at nakinig na lang ng music sa earphones ko. I felt his hand trying to reach mine. "I'm sorry, baby. I'm sorry.."

Inilayo ko ang kamay ko sa kaniya at nanatiling nakatingin sa daan. "Stop saying sorry kung uulitin mo din naman. Stop saying you trust me, kung sa bawat explanation ko sayo sarado 'yang utak mo. Stop saying you love me kung hindi mo kayang mahalin yung mga tao sa paligid ko."

"Keila, baby. Please, forgive me. Nagselos lang naman ako. Alam mo kung gaano ko kaayaw na mawala ka sa'kin."

"If you want me to stay, don't give me reasons to leave you. Napapagod din ako, Jaycee. Sobrang pagod na 'ko."

I tried to compose myself as the tears starts to stream down my face.

You're making me tired.

Pagod na 'kong ipilit yung sarili ko. Napapagod din ako. Isang araw, hindi ko masisisi sarili ko kung bakit ako sumuko.