webnovel

Stay with me [Tagalog]

"If you truly love the person, you have to let them go if its already time for them to go, even if it hurts you so bad." I realized, indeed. Life is too short, it doesn't matter if you're young or old. We are all getting there. But being the one's who were left behind is the worst part.

MissHeiress · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
45 Chs

Chapter 22

Rose

Baliw na ba akong matatawag? O marupok? O ano? Kasi hindi ko magawang iwasan ang napipintong paglapat ng mga labi namin ni Loey.

Ni hindi ko na nga namalayang tuluyan na itong nagdampi.

It was a sweet wholesome kiss that I experienced for the very first time. My eyes were closed at narealize ko na lang na tapos na ito nang maramdaman ko ang marahang paghaplos ni Loey sa pisngi ko.

Bigla kong naramdamang hindi ako makahinga pero hindi ko pinahalata sa kanya.

Napayuko ako, "M-mali ito Loey," utal kong sabi na pilit paring tinatago ang pagsikip ng dibdib ko. Ayokong mag-alala siya kaya umiwas ako sa kanya.

"Ah. Pwede bang bukas na lang tayo magshoot?" sabi ko habang nakatalikod sa kanya.

"Why?" he asked. "Sumama kasi 'yong pakiramdam ko," sagot ko naman.

Nanatili akong nakatalikod sa kanya. At hindi rin naman siya umalis sa kinatatayuan niya sa likod ko. Pero sa tingin ko ay nakatingin ito sa akin ngayon.

Pinulot ko 'yong sling bag ko saka nagpaalam sa kanya. Hindi parin ako lumingon.

"Alis na ako."

"Hatid na kita."

"Huwag na-"

"I'm sorry."

Naistatwa ako n'ong nag sorry siya sa'kin.

"Hindi ko dapat ginawa 'yon, sorry. If that is the reason why you're leaving, please forgive me."

Totoo naman kasing sumama ang pakiramdam ko eh. Nahihirapan akong huminga at pinipilit ko lang na huwag magpahalata. Nagkalakas loob din akong harapin siya. At sinalubong agad niya ako ng mga katagang.

"I like you Rose. I really like you."

Napahawak na ako sa dibdib. Please! Don't. aatakihin yata ako sa puso dahil bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"Are you okay?" patakbong lumapit si Loey sa'kin at inalalayan ako. "Ihahatid na kita."

"No, magtataxi na lang ako." Bumalikwas ako sa pagkakahawak niya sa braso ko at umalis na ako. Narinig ko pang tinawag niya ako.

"Rose!"

Habang naglalakad ako pababa ng building ay hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak ng mga butil ng luha sa mga mata ko.

I like you too Loey. I like you so much, pero baka ikamatay ko kung pagbibigyan ko ang nararamdaman ko.

Kinabukasan bumalik ako sa studio. Hindi ko muna inalintana ang nangyari kahapon. I decided to just act like dumb kung magkaharap kami ngayon, I have to be professional. Kasama naman namin si Harvey dahil siya ang tutugtog ng piano kaya hindi naman siguro awkward. Pero n'ong dumating ako ay wala siya roon. Si Harvey ang nadatnan ko na tinotono 'yong keyboard kasama ang isang lalaking ngayon ko lang nakita.

"Hi!" Bati ni Harvey nang Makita ko sa bungad ng pintuan. Gusto ko sanang itanong kung nasaan si Loey kaso nahihiya ako.

"Siya nga pala si Mark, siya muna 'yong magdadrums. May raket kasi ang Peter pan ngayon, hindi ako sumama kasi naki-usap si Loey na ituloy raw natin ang acoustic session," paliwanag nito.

Nasagot na rin ang tanong ko.

Tumango na ako at sinimulan nang kalukutin ang gitara. Itinono ko muna ito at nag harmonize rin kami bago mag umpisa.

Nakapagrecord kami at pagkatapos naming tumugtog at magrecord ay tumawag naman si Irene.

"Hello?"

"Hello Rose, nandiyan ka ba sa studio ni Loey?"

"Oo, bakit?"

"Nandiyan ba siya?" tanong nitong muli.

"Wala eh, si Harvey lang." tinitigan ko naman si Harvey na sumisenyas na nagtatanong kung sino ang kausap ko.

"Si Irene."

"Rose patanong nga-"

"Huwag na. for sure, pagtatakpan ni Harvey 'yang mga kaibigan niyang magagaling!" inis na pagpuputol ni Angel sa tawag at sa tingin ko ay inagaw nito ang phone ni Irene.

"Rose, nandito kami sa baba ng building. Antayin ka namin, sama ka sa amin at huhulihin natin ang mga jowa nating magagling."

Ano raw? Jowa namin? "Huwag kang maingay kay Harvey," bilin pa nito.

Pinatay na ni Angel 'yong tawag kaya hindi na ako nakasagot. Nagpaalam ako kay Harvey at Mark na aalis ako at sinunod ko ang sinabi ni Angel na huwag kong sabihan si Harvey.

Ano kaya ang ibig sabihin ni Angel? Ano kayang ginagawa nina Loey at ng Peter pan?