webnovel

Stay with me [Tagalog]

"If you truly love the person, you have to let them go if its already time for them to go, even if it hurts you so bad." I realized, indeed. Life is too short, it doesn't matter if you're young or old. We are all getting there. But being the one's who were left behind is the worst part.

MissHeiress · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
45 Chs

Chapter 17

Rose.

"Oh!"

Namimilog ang mga mata ko ngayon at naka porma ng pabilog ang mga labi ko pagkapasok ko sa studio.

Everything around me suddenly turned slowmo as I saw Loey being topless right in front of my naked eyes.

That perfectly toned breast muscles, six pack abs, and that very broad shoulders coated with his own sweat is Kyahhh!! 

I have never seen something like that before, it was way beyond stunning and oozing with sexiness at hotness. At nagkakasala na yata ang mga mata ko.

Napapalunok na lang talaga ako at feeling ko ay tutulo na ang laway ko kapag hindi pa ako nag-iwas ng tingin.

P'ano ba naman, makakita ka ba naman ng ganyan sa pagbukas mo ng pinto, hindi ka ba mapa nganga?

"Ah, sorry.  May inaayos kasi ako."

Ni hindi manlang nag abalang tabunan ang katawan niya pagkasabi niyang iyon.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Nakabukas 'yong windows, at nakita ko rin ang katatapos niya lang gawa na isang bar table.

3 days din kasi akong hindi pumunta rito dahil inayos ko 'yong lyrics ng kanta sa bahay.

"Ano iyan?" Takang tanong ko.

"I made a mini bar. Ni close ko kasi 'yong power supply kasi kakabitan ko na sana ng lightings 'yong table."

Wow. Hindi lang pala siya karpentero at tubero, electrician din.

"Alak is life," sabi pa nito na ikinatawa ko.

"Seryoso?" Umiling-iling ako.

He smiled at inayos na niya ang ginagawa niya. Sa tingin ko naman ay tapos na siya at ibinabalik na niya sa ayos ang buong lugar.

At mga te! Hindi talaga siya nag damit.

Shocks! Ako na tuloy ang nahiya at nag-iwas na lang ng tingin.

Kunwari ay kinuha ko na lang 'yong phone ko at mag scroll sa gallery ko. Haha. Nakakatawa nan 'to, at nakakabored dahil puro selfie ko lang naman ang laman ng phone ko.

"Loey, baka naman pwedeng magdamit ka muna?" Di ko na natiis na maki-usap. Ang awkward kasi talaga at nadidistract ako.

"Oh, sorry," anito.

Tumango lang ako. Inayos na niya 'yong kalat niya at binuksan na niya ulit 'yong aircon. Kinuha ko naman 'yong gitara at nagsimulang mag strum.

"Nagawa mo na 'yong lyrics?" Tanong niya.

Tumango naman ako. Kinuha ko 'yong notebook na sinulatan ko ng lyrics at hinanap ko kung saan ko banda isinulat.

Busy ako at nakayuko. Medyo magulo kasi ako gumamit ng notebook at kung saan-saang pages lang ako sumusulat kaya natagalan akong mahanap 'yong lyrics.

"Globe ka ba?" Tanong niya bigla.

Napatingin ako sa kanya na nakaupo na pala sa harapan ko. Nakatitig siya sa'kin,  titig na akala mo ay tutunawin ka.

Gosh! Ano ba 'to?

"Bakit?" Sabi ko.

Na eexcite ako. Ano ba itong pakulo niya?

Mayamaya pa ay iniwas niya ang tingin sa akin at napabaling sa phone niya.

"Ahh." Nag scroll muna siya bago nakasagot.

"Pwede bang maki text?"

Hahahahaha. Basag naman oh!

Napahagalpak ako sa tawa.

"Why?" Kunot noong tanong niya.

Umiling-iling naman ako.

"Akala ko kasi pick-up line. Hahahaha," sabi ko na 'di mapigilan ang pagtawa.

Tumawa rin siya at napa iling. Inabot ko naman 'yong phone ko sa kanya at sinimulan niyang mag text.

Napapabungisngis pa siya habang nagtatype.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko.

"Wala. Haha sorry. Nagloloko kasi phone ko, I need to reply to my Mom kasi."

Tumango lang ako. At para maiba ang usapan dahil sa sobrang awkward n'on. Pinakita ko na 'yong lyrics na saktong nahanap ko naman.

"Ito nga pala 'yong lyrics na sinulat ko."

Inabot niya iyon at tiningnan niya.

When you think there's no light

Because darkness consumes you

When you think there's no life

Because it took your only reason

I want you to know,

That there is a silver lining

Hope and life is waiting

And promise in time,

You will be fine...

You will be fine...

Saglit siyang natahimik habang binabasa iyon. At di ko mawari 'yong expression ng mukha niya.

Biglang naging seryoso.

"Naisip ko sana, 'yong arrangement ng kanta medyo may pagka slow rock or r&b lalagyan sana natin ng masayang tono---"

Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko dahil bigla siyang nagsalita.

"Sigarilyo ka ba?" Tanong niya.

"Huh?" Takang tanong ko, "B-bakit?"

He looked at me. I mean, he stared. With a passionate expression, slowly he is forming a small curve from his lips.

"Para ka kasing Hope," anito na nakatingin parin ng sinsero.

Kyahhhh!!!!! 'yong puso ko shocks!

Napabungisngis ako sa sinabi niya.

"Totoong pick-up line na iyon."

Sumisikip man 'yong dibdib ko, hindi ko parin ma itago ang pakiramdam na unti-unting sumisibol sa puso ko.

Stop this Rose, bawal maging masyadong maging masaya.