"ENCHANTED Kingdom! Hindi ka pa ba nakakapunta dito?" tanong ni Emrei nang tumigil sila sa harap ng amusement park.
"Sabi ni Reichen hindi ka pa din daw napupunta dito." Hinila niya ang kamay nito. "Kaya pumasok na tayo. Libre naman ang ticket natin. Bigay niya."
"Parang bata kasi si Reichen. Mahilig sa amusement park. Ano naman ang naisipan niya na pati tayo isali niya?" anitong nasa tono ang pagseselos. "Saka kung gusto niya, pwede naman niyang sa akin na lang ibigay ang ticket."
"Nagmamagandang-loob lang si Reichen. Basta gusto ko mag-enjoy tayong dalawa. At ayoko ng killjoy."
"Okay!" Minsan lang naman kasi siya mag-request ng lugar na gusto niyang puntahan nila kaya pinagbigyan na siya nito. "Saan tayo sasakay na una?"
"Sa Grand Carousel!"
Napaurong ito at umiling. "No. I am too old for that."
Hinagip ulit niya ang kamay nito. "Sabi ko ayoko ng killjoy, hindi ba?"
Palinga-linga si Emrei nang hindi pa umaandar ang carousel. Halos puro mga bata kasi ang kasama nila. "Mas sanay ako sa totoong kabayo."
"Don't worry. Your father is not here. Di niya malalaman na sumakay ka sa mechanical horse. Basta gusto ko na mag-enjoy ka ngayon. Okay?"
NAKAHIMLAY si Marist sa balikat ni Emrei habang dahan-dahang umaandar ang malaking Ferris Wheel. Unti-unti nilang natatanaw ang mga bayan na nakapaligid sa amusement park habang umaandar ang sasakyan.
"Nakakaubos pala ng energy ang Space Shuttle. Gusto ko pa sanang ulitin pero nanlalambot na ako. Nakaka-relax pala sa Ferris Wheel."
"Huwag mong sabihin sa akin na hindi ka pa sumasakay dito. Hindi ka pa ba nakakarating sa Disneyland?" Iyon naman ang pasyalan ng batang mayayaman.
"That is not my father's idea of fun. Malungkot mang aminin, marami rin akong na-miss sa buhay ko. Kung kailan naman pwede ko nang magawa ang lahat ng gusto ko, matanda na ako," malungkot nitong usal.
"You proved that you were never too old for rides. At least naranasan mo na ang grand dream mo na makasakay ng carousel."
Mahina itong tumawa. "This is really weird."
"Bakit? Ano ang weird?"
"I was fifteen when Reichen asked me to sign a slumbook."
"Reichen has a slumbook?"
"Twelve years old pa lang siya noon. Uso iyon sa elementary dito, di ba? And it asked about my ideal date. Sabi ko, sa amusement park."
Nanlaki ang mata niya. "Katulad ng ginagawa natin ngayon?"
Tumango ito. "Mukhang itinago pa niya ang slumbook. Mantakin mo, may pakinabang naman pala ako sa pinsan ko."
"You should thank him. Natupad ang grand dream date mo."
"I should thank God because you are with me. Sa tingin ko disastrous ang date kung hindi kita kasama. You bring out the child in me."
Matagal na sandali niyang tinitigan ang nakangiti nitong mukha. She really loved it when he smiles. She felt like her whole world lit up. Something moved inside her. And it was the best feeling she felt.
Nawala ang ngiti sa labi ni Emrei. "Bakit nakatitig ka sa akin?"
"Ngumiti ka lang. Gusto kitang titigan kapag nakangiti ka."
"Wala namang kakaiba sa ngiti ko, ah."
"You are handsome, Emrei. And you are more so whenever you smile and I know that I am the reason why you do."
"Wow! What a compliment! Di ko inaasahan na maririnig ko iyan sa iyo."
"Ang alin?"
"Na guwapo ako."
"Totoo naman, ah! I am sure marami nang nagsabi sa iyo."
"But I never heard it from you. Saka ikaw yata ang tipo ng babae na hindi naa-appreciate ang kaguwapuhan ng isang lalaki."
Ngumiti siya. "Naninibago talaga ako sa sarili ko. Sabi ko dati, wala akong pakialam sa mga lalaki. I will be their worst nightmare at wala akong gagawin na kahit ano para pasayahin sila."
"At ngayong masaya ako dahil sa iyo…"
She caressed his face. "You make me the happiest girl on earth. I love you, Emrei. I really do."
Bahagya siyang umangat sa kinauupuan upang ilapat ang labi dito. He pulled her harder and made the kiss more intimate. Iyon naman ang pagkakataon niya para iparamdam dito ang nararamdaman niya. And that kiss was sweeter and slower than the first kiss they shared.
As if they were communicating in a different level. Parang iyon ang paraan nila para mag-usap ang puso nila.
"Hindi kaya masyado ka lang naguwapuhan sa akin kaya akala mo in love ka nga sa akin," pabiro nitong wika.
"It was the first thing that infuriated me. Alam mo ba na inis na inis ako sa iyo nang unang beses kitang makita. Pero tuwing nagkakausap tayo, nag-iiba nang nag-iiba ang tingin ko sa iyo. Hindi ko magawang magalit. Dahil nag-I-stand out ka kumpara sa ibang lalaki na nakilala ko. Tama ka. Ikaw lang ang lalaking umintindi at naka-appreciate sa akin. Kahit na man-hater ako, wala kang pakialam. Kahit galit ako sa mayayaman, wala ka pa ring pakialam sa pagsusungit ko."
"Dahil habang nakikita kitang nagagalit, saka mas lalo kong buwagin ang pader na pinagkulungan mo sa sarili mo."
"Satisfied nga ako sa buhay ko pero di naman ako masaya."
"At wala kang planong maging masaya dahil natatakot kang may kapalit na kalungkutan ang kaligayahang nararamdaman mo."
"Nabago na rin ang lahat ng iyon dahil sa iyo, Emrei. Hindi na ako takot na maging masaya. Hindi na ako takot na maranasan ang mga bagay na bago sa akin kahit na posibleng mawala rin iyon. Hindi na ako takot magmahal kahit na pwedeng masaktan ako at mawala ang taong mahal ko."
"Because you've been through pain. Buong buhay mo, wala kang naramdaman kundi sakit. Kailangan mo lang maging positive, hindi ba?"
"Ikaw siguro ang pinaka-positive na bagay na dumating sa buhay ko. Sabi ni Sir Neiji sa akin, ikaw daw ang nag-insist na isama sa prize ko ang pagdadala kay Nanay sa Haven. Kahit na ikaw pa mismo ang magbayad."
"Sabi ni Kuya hindi niya sasabihin sa iyo."
"Kung di niya sinabi, paano ako magpapasalamat nang maayos?"
"Naisip ko kasi na iyon ang bagay na magpapasaya sa iyo. Walang halaga ang ibang bagay kung hindi mo nakikitang magaling ang nanay mo. At hindi mo rin makikita ang magagandang bagay sa paligid mo at di mawawala ang sakit na nararamdaman mo hangga't hindi mismo nagbabago ang nanay mo."
"Nag-sorry siya sa akin noong huling dalaw ko sa Haven. Kasalanan daw niya kung bakit nasaktan ako dahil sa pagmamahal niya kay Tatay. Kaya sabay kaming magbabagong-buhay. At gusto kong kasama ka namin."
Niyakap siya nito. "Iyon mismo ang gusto kong mangyari."
"I don't have a dream guy, Emrei. Pero kung mayroon, ikaw iyon."
Umiling ito. "No. You are the dream yourself, Marist. You are beautiful, talented, you have the dignity, your own principles and you have a big heart. Ang totoo, walang dream girl o dream guy. Kapag nagmahal na sila, saka nila nailalabas ang magagandang qualities ng isa't isa. That's the real dream."
Gumuhit ang ngiti sa labi niya kasabay ng fireworks. "A dream come true."
Malapit nang matapos ang Book 14. Sino ang kinakabahan na excited?
Don't forget to comment, vote, and rate this chapter.