webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
557 Chs

Chapter 21

Maagang pumasok sa opisina si Yoanna dahil gusto niyang bumawi sa trabaho. Di niya natapos ang meeting nang nakaraang araw dahil inuna niya ang date nila ni Kester. Pagdating niya ay may magandang bouquet na nasa table niya.

"Wow! Iba na talaga kapag may lovelife," tukso sa kanya ni Maricon. "Noong isang araw lang nagrereklamo ka na wala kang ka-date. Ngayon may flowers pa. Swerte talaga ninyo kay Doc Kester, Ma'am. Guwapo na, mayaman pa."

"Kaysa tinutukso mo ako, tapusin mo na ang report na ipinapagawa sa iyo ni Sir Reid. Baka ikaw naman ang malasin sa atin."

Nakasimangot itong lumabas ng opisina. "Akala ko naman kapag nagka-love life babait na. Hindi pa rin pala."

Pasimple niyang inamoy ang roses saka tinawagan si Kester sa cellphone. "Hi! Natanggap ko na ang roses. Thanks!"

"Ako ang dapat na magpasalamat. You took care of me last night."

"Wala ka na bang lagnat?"

"Magaling na ako. Magaling ka kasing mag-alaga."

"Doc, may pasyente po kayo. Na-sprain po habang nagdya-jogging," sabi dito ng nurse nito.

"Okay. I will just finish the call. Yoanna, I have to go. May pasyente ako."

"Pumasok ka pa rin kahit na sinabi ko na mag-stay ka lang sa bahay?" magkasalubong ang kilay niyang tanong. "Para saan pa ang pag-aalaga ko sa iyo kagabi kung di mo naman aalagaan ang sarili mo?"

"Yoanna, I don't have time for this. May pasyente ako. I will call you later."

"Don't bother!" bulyaw niya at tinapos ang tawag. Parang susugod siya sa giyera nang lumabas ng opisina. "Maricon, ikaw na muna ang bahala. Pupunta lang ako sa clinic. May isang lalaking matigas ang ulo akong tuturuan ng leksiyon."

Di na niya hinintay pa ang sagot nito at sumakay sa golf cart na siyang mode of transportation sa paligid ng riding club. Di maipinta ang mukha niya.

Nagulat ang nurse nang dumating siya sa clinic. Sa itsura kasi niya ay parang susugod siya sa giyera. "Miss Aguirre…"

"Where is Doctor Mondragon?" tanong niya.

"May inaasikaso pong pasyente sa loob."

Nang lumabas si Kester kasama ang pasyente nito na nakasakay sa wheelchair ay humalik pa ang babaeng pasyente sa pisngi nito. "Thanks, Doc."

"You are welcome," he said graciously. Nagtaka ito nang makita siya. "Yoanna, what are you doing here? Di ba may pasok ka sa opisina?"

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Di ba sinabihan na kitang huwag ka munang papasok. Minor lang naman ang incident. You don't have to come here. Sa tingin ko kaya na ito ng staff mo. Di ba pwedeng magpahinga ka naman. Ni hindi mo man lang pinahahalagahan ang pag-aalala ko sa iyo."

"Miss Aguirre, bakit naman galit na galit kayo kay Doc Kester? Boyfriend na ba ninyo siya?" usisa ng nurse.

"Hindi," sagot niya.

"Nag-date na kayo kahapon pero di pa ninyo boyfriend? Akala ko naman boyfriend na ninyo siya dahil sobra kayo kung mag-alala," anang nurse.

"Paano ko naman magiging boyfriend ang lalaking iyan kung hindi naman niya ako nililigawan?" sabi niya.

"Doc, may plano ba kayong ligawan si Miss Aguirre?" tanong ng nurse.

Nagkibit-balikat si Kester. "Gusto ko sana kaso in love naman siya sa kapatid ko. Of course I can't easily replace my brother."

Nag-init ang ulo niya nang marinig na naman iyon. "Hindi mo talaga mapapalitan ang pwesto ng kapatid mo. Naturingan ka kasing doctor pero hindi mo naman ginagamit ang utak mo!"

"Oo na. Tanggap ko naman iyon. Pero bakit ba galit na galit ka sa akin?"

"Kasi hindi mo alam na sa iyo ako in love at hindi kay Alastair!" sigaw niya sabay lumabas ng clinic nito sa sobrang iritasyon.

She was so stupid. She told him how she felt out of anger and frustration. So unromantic. Ngayon ay wala na siyang mukhang ihaharap dito.

"Yoanna, wait!" tawag nito sa kanya at hinabol siya. "Let's talk."

Tuloy-tuloy siya sa paglalakad. "Puro usap. Puro usap. Wala namang patutunghan ang pag-uusap natin. Wala na akong sasabihin. Nasabi ko na lahat."

Pinigilan nito ang braso niya at tumigil siya sa paglalakad. "Not entirely. Mahal mo ako pero paano naman nangyari iyon?"

"I was never in love with Alastair in the first place. Kung mahal ko man siya, mahal ko siya bilang kapatid. We are like soul sisters, you know. Saka paano naman ako mai-in love sa kanya samantalang mas mahaba pa ang buhok niya sa akin? It is you I am in love with all this time. But you never loved me. Wala ka nang ginawa kundi itaboy ako palayo," aniyang di mapigil ang pangingilid ng luha sa sama ng loob. Lalo na't naalala niya ang malamig na trato nito sa kanya noon.

"Yoanna, I am sorry." Niyakap siya nito. "Akala ko si Alastair talaga ang mahal mo. Sabi mo kasi di ko siya mapapalitan sa puso mo."

"Natural. Magkaibang-magkaiba ang pwesto ninyo sa puso ko. Kester, sa simula pa lang alam ko na kung ano talaga siya. At kahit maging lalaki pa siya, hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya."

Nasapo nito ang noo. "I am a big fool. Akala ko kasi lumalapit ka lang sa akin noon para magpalakas kay Alastair. And when you offered yourself to me, I thought you did it out of revenge. Ayokong samantalahin ang kahinaan mo kahit na nate-tempt ako noon pa man. Kahit nang makita kita ulit, di nagbabago ang nararamdaman ko para sa iyo."

"Ginawa ko lang iyon dahil desperada na ako. Ayokong mawala ka dahil papunta ka na sa Latin America para sa mission mo. And I felt so low when you told me that I am cheap."

"Shhh!" He touched her face. "I didn't really mean it. Iyon lang ang naiisip kong paraan para makalayo sa iyo. I had to push you away even if I am in love with you. Tinikis ko ang nararamdaman ko."

Itinulak niya ang balikat nito. "Hmp! Gaya-gaya ka lang ng dialogue sa akin. Di ka naman talaga in love sa akin."

"I love you. Kaya nga nahihirapan akong harapin ka lalo na kapag nagfi-flirt ka sa akin. Di mo lang din alam kung gaano ako nasasaktan tuwing niyayakap mo si Alastair kapag natatakot ka o nasasaktan. Mas gusto ko kasing ako ang nasa tabi mo. Kaya idinadaan ko na lang sa pagsusungit ang frustrations ko. Kaya nga kahit sarili ko noon di ko maintindihan. Kailangan kong sungitan ka para di na mapalapit pa ang loob ko sa iyo at mainis ka sa akin."

"Kung yumayakap man ako kay Alastair noon, para pagtakpan ang pagkatao niya. Niyayakap ko siya dahil ang totoo, siya ang natatakot at hindi ako. I just wanted to comfort him and give him support. Saka malay ko bang nagseselos ka. Akala ko nagkukunwari ka lang mabait sa akin dahil naroon ang pamilya mo."

"I must admit that you were right when you told me that I am selfish. Tinamaan ako doon. Di mo lang alam, masayang-masaya ako nang malaman ko na iba ang gender preference ni Alastair. Na di ka niya pwedeng mahalin. Sa sobrang excitement ko, to the point na nag-offer akong pakasalan ka para lang tuluyan kitang mailayo sa kapatid ko at maging akin ka."

"And I was so annoyed. Do you expect me to marry you even if you didn't deny the fact that you hate me?"

"I didn't deny the fact that I want you either."

"Want. Not love."

He cupped her face. "Yoanna, want is something natural. Kahit naman sinong tao pwede tayong ma-attract. But love is something rare and it goes deeper. Mahirap na basta-basta na lang I-express o aminin. Kapag nagmahal tayo, naroon ang risk na masaktan. And I don't want to hurt. Kahit naman ikaw ganoon din."

"Iniisip mo pa rin ba si Alastair kagabi kaya itinulak mo ako palayo. Akala mo ba nasaktan ako dahil pakiramdam ko ni-reject mo ako?"

Umiling ito at hinawakan ang balikat niya. "No. I had to do that to stop myself from kissing you."