Sa isang iglap ay mas malapit na ang mukha nito sa kanya. She could feel their lips almost touch. She could even smell his fresh breath. Subalit natigilan ito nang bumukas ang pinto at sabay silang lumingon. Muntik na siyang mapasigaw dahil nakakita siya ng multo na may asul na mukha.
"Tamara, anong…" anang si Celeste na gulo-gulo pa ang buhok at may asul na facial mask sa mukha. "Ay! Sir Reid! Sorry po sa abala!"
Nagulat din ito marahil dahil nakita nitong naroon si Reid sa kuwarto niya. Kung gaano ito kabilis na dumating ay parang ipo-ipo din itong umalis at isinara ang pinto. Natigagal na lang sila ni Reid. Pareho pa silang nagulat nang makita nila ni Reid ang sarili nila. Their bodies were so close, he was covering the upper half part of it. Malapit din ang mukha nila sa isa't isa. Of course they were about to kiss.
Bumaba ang tingin nito sa dibdib niya. Nagulat siya nang makitang bukas ang robe niya. "Ay!" bulalas niya at mabilis na pinagpatong ang lapel ng robe niya.
Si Reid naman ay biglang bumangon habang iwas ang tingin sa kanya. "Sige. Matulog ka na. Sa ibang araw na lang tayo mag-horseback riding."
Kinumutan niya ang sarili hanggang leeg. "T-Thank you, Sir."
She was disconcerted. Ni hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito. They almost kissed. And maybe in Celeste's eyes, they were making love. Kung di niya hinamon si Reid, di naman iyon mangyayari. Ano na lang ang iniisip ng bago niyang kaibigan sa kanya? Sa kanila?
Hawak ng isang kamay nito ang pinto bago buksan. "Next time…"
Sinulyapan niya ito. Likod lang nito ang nakikita niya. "Anong next time?"
"Next time di na kita hahayaang matulog kapag niyaya kita. Kaya magbihis ka agad. Or I will thrust you out in the chilling morning air and I won't care a bit. Matuto kang sumunod kapag inuutusan kita. I will see you later, Doctor Trinidad," he said in a formal tone and closed the door.
Pakiramdam niya ay nasa lalamunan niya ang puso niya nang makaalis si Reid. Ilang araw pa lang siya sa Stallion Riding Club ay tuluyan nang nabago ang buhay niya. Maging ang asawa niya na madalang niyang makita ay sinisimulan nang guluhin ang isipan at puso niya.
Magiging matino pa ba siya kapag lumabas ng Stallion Riding Club? O makakalabas pa ba siya? Sa nangyayari sa kanila ni Reid, mukhang nilalampasan na nila ang guhit na itinakda nila sa isa't isa. And it was dangerous. So dangerous.
PARANG may pumipitik sa sentido ni Tamara habang kumakain ng lunch. Wala siya halos tulog at nakakapagod din ang trabaho niya sa stable. Hinintay pa niyang matapos ang polo match kanina para I-check ang mga polo horses na ginamit sa laro. Kaya naman ala una na siya ng tanghali nakapag-break.
Habang nagtatanghalian ay nagre-review pa siya tungkol sa mga kabayo. Bagamat naipe-perform niya ang mga basic na proseso, kailangan pa niya ng mas malalim na pag-aaral sa mga ito lalo na't round the clock ay puro mga kabayo na ang iha-handle niya. Di niya alam kung ano pang problema ang maari niyang kaharapin sa anumang sandali.
"Mayroon akong nakita, hindi ko sasabihin," nanunuksong sabi ni Celeste nang samahan siya sa mesa niya.
Lalo nang pumitik ang sugat sentido niya na lalong nagpasakit sa ulo niya. Ito ang problema na di niya alam kung paano sosolusyunan. Ito rin ang problema na di maso-solve ng kahit anong medical books o kahit anong ahensiya ng sensiya.
"Gusto mong kumain?" yaya niya dito. Patay-malisya na lang siya sa pagpaparinig nito.
Nanatili ang nanunuksong ngiti sa labi nito. "Ano ba ang nakita ko kanina?"
Mariing nagdikit ang labi niya. "Ewan ko. Tulog ako kanina."
Tinapik nito ang kamay niya. "Is he a good kisser?"
Namula siya at iniwas ang tingin dito. "Sino?"
"Si Sir Reid! Kunyari ka pang di mo alam," bulong nito.
"I don't know. Di naman niya ako hinalikan."
"Then what? Ano ang ginawa ninyo? Dali!" anito sa mas excited na tono.
Nilingon niya ito. "Celeste, wala naman talagang nangyari. Niyaya lang niya ako na mag-horseback riding."
"At niyaya ka niya hanggang sa loob ng kuwarto mo?"
Mariin siyang pumikit. "Wala naman talagang nangyari."
"Pero kung di ako dumating, muntik nang may mangyari?"
Tinakpan niya ng palad ang mga mata. "Oh, give me a break!"
"Sige. Hindi kita kukulitin ngayon. Pero mamaya pag-uwi natin, kailangang magkwento ka, ha?"
Padarag niyang isinara ang horse magazine na binabasa. "You really won't stop, do you?"
"Your secret is safe with me. Ayoko namang balatan nang buhay ni Reid Alleje oras na ikalat ko ang nakita ko kanina. Atin-atin lang iyon. Don't worry, sa susunod na mangyari iyon at makita ko, hindi na ako magtatanong." Ipinaypay nito ang palad sa mukha. "Oh, boy! I never thought that Reid Alleje could be so hot. Something tells me that he is like a dormant volcano. Ready to erupt anytime."
"Hind na iyon mauulit," bulong niya sa sarili habang naglalakad sa vicinity ng Lakeside Mansions. Yes, Reid Alleje was like a volcano. At oras na sumabog ito, siya ang unang-unang casualty oras na di niya maagapan.
Sa kalalakad niya ay natagpuan niya ang sarili sa boundary ng Stallion Riding Club. Private property na ang susunod na compound. Babalik na sana siya nang mapagmasdan ang lake cabin na nakatirik sa lupaing iyon. Di iyon kasing elegante ng mga lake cabin sa Lakeside Mansion. But the cabin has its own appeal. It was older than the other structures but it gave her a homey feeling.
"Ang cabin ni Mama!" bulalas niya at patakbong lumapit sa gate niyon. Sa wakas ay nakita na rin niya ang lake cabin ng mommy niya.
Matagal na niya iyong di nadadalaw mula nang mag-aral siya sa ibang bansa. And something inside her heart ticked. She missed her mother.
Isang guwardiya ang biglang humarang sa kanya. "Ma'am, bawal po dito. Hindi po kayo authorized na pumasok."
"Ha?" gulat niyang usal. "Pero…" Muntik na niyang sabihin na siya ang may-ari ng lugar. Ang tanging alaala ng kanyang ina sa kanya. Iyon lang din ang bahagi ng property niya na di niya ibebenta kay Reid Alleje kahit kailan.
"Si Sir Reid lang po ang may kaparatan na makapasok sa property. Kahit po ang mga kaibigan niya o kahit ang kapatid niyang si Sir Reichen di ito mapasok."
"Ganoon ba?" Kailangan pa pala niyang humingi ng pass kay Reid para mapasok ang log cabin ng mommy niya. Pero paano niya gagawin iyon kung di niya alam kung paano ito kakausapin. Mas gusto nga niyang iwasan na lang ito.
"Dato, papasukin mo siya."
Gulat siyang lumingon sa may-ari ng boses na nasa likuran niya. "Reid!"
Gusto ko ng kiss ni Haring Reid. SIno rin ang may gusto?
Please don't forget to give review, spirit coins and gifts to show your appreciation.