Chapter 7
Akihiro Max Vanz ~
Hindi pa kami nakakalapit sa bayan ng bigla na lang kaming makarinig ng isang malakas na pagsabog dahilan para matigilan kaming lahat, wag mong sabihing –
" No! "
Nanlulumong bigkas ni Althea, ang babaeng pinagpala ng kamalasan! Sa' lahat kasi ng kakayahang maaari nyang makuha sa Diyos, yung puro negative pa!
I change myself into an eagle to speed up my move, ganoon rin ang ginawa ng iba na nag – level up ng creature transformation maliban na lang sa mga tamers namin na nag – boost lang ng mga ability nila, we need to rush things now! Bakit ba kasi nangyayari tong mga to? Bakit biglaan ang lahat? Hindi katulad noon na kami pa ang lumalapit sa delikadong mga sitwasyon!
" Sa harap mo! "
Hindi ko napansin ang isang malaking tipak ng batong papunta sa direksyon ko dahilan para tumilapon ako paibaba, nakasunod naman sa akin si Gia – my tamer.
" Okay ka pa? Hindi pa nga nagsisimula yung laban, bumagsak ka na! Tsk, ang weak mo talaga! "
Nanggigigil na sabi nya sa akin matapos nyang gamutin ang mga sugat ko, mukhang nakagaya na naman to ng isa sa mga user's ability na nahawakan nya!
" Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o hindi eh? Or I will accept the fact that you're too sarcastic to tell me because you were hoping that I am not that hurt because you just love me? "
Ngiwi ko pang saad sa kanya, by the way – she's an ability replicator.
" Excuse me! Mahiya ka nga! Nasa gitna ka ng laban, lumalandi ka pa! "
" Hahaha, ikaw talaga! Pambasag mo eh no? "
Inalalayan na lang ako nitong makatayo at mabilis na umalis sa tabi ko upang tulungan ang iba pang mga kaibigan naming sugatan.
Micko Delos Reyes ~
Bwisit! Nakakagigil na tong mga to ah, bakit hindi namin sila maubos – ubos? Para silang mga taong putik, yun nga lang, di hamak naman na mas magaling sila kaysa sa mga halimaw na yun!
" Sa likod mo! "
Mabilis akong napalingon sa likuran ko upang tumalon paitaas ngunit huli na dahil ang isa sa mga ito ay may kakayahang lumutang sanhi upang matamaan ako ng mga pag – atake nito!
" A – ray! Sh*t naman! "
Daing ko matapos tumilapon sa di kalayuan, mula rin dito, kita ko kung paano nahihirapang lumaban ang tamer ko – si Raquel – she needs me –
" I will heal you first! "
Napatingin ako sa babaeng kaharap ko ngayon, it is Alex – one of the A Squad.
" Tha – nks! "
Nahihiya ko pang pagtugon, hindi rin naman kasi sila makikilala kung hindi dahil sa mga hitsura nila at galing sa pakikipaglaban!
" Go! By the way, thanks na rin dahil dumating kayo! After all, nung simula pa lang ng malapit na kami papasok sa plaza, iba na yung pakiramdam naming lahat – parang may mali, kaya nga nung sumabog yung pinaka – center part ng buong plaza kasama na ang building kung saan kami kumakain kanina, hindi na kami nagtaka kung ano ang mga halimaw na lalabas but were surprised na hindi sila kagaya ng mga taong putik na madalas nating makalaban sa mga gubat, they were more like a puppet! "
Naguguluhang pag – aanalyze nito, pero it makes sense – there is someone controlling them all!
" Sophia! "
Napatingin kaming lahat sa direksyon kung saan sumigaw si Eros sa kanyang tamer, she's disappearing.
No! She lost her limit to be a tamer.
Nathaniel Montefalco ~
Freaking Hell. Ano bang nangyayari? Bakit hindi namin sila maubos – ubos?
" Tan – Tan, nararamdaman mo ba yung nararamdaman ko? "
Bigla akong napatigil sa sinabi nya, one of the tamer is in her limit, she needs to stop! Nagkatinginan kaming dalawa ng tamer ko – si Akira – at pagkatapos ay tumakbo sa direksyon kung saan namin naramdaman ang enerhiya na iyon ngunit –
" No.. "
Sophia!
Myrko Tuazon ~
Mabilis akong bumalik sa Astravision University upang humingi ng tulong sa mga professor naming lahat, kahit masama sa loob ko ang bumalik upang tumawag ng tulong, I need to – it's my tamers command – Margaux.
Pagkarating ko doon, naabutan ko ang lahat ng professor na papalabas sa loob ng faculty room at papunta sa direksyon kung saan naroon kaming lahat.
" Sir Felix! "
Pagtawag ko sa isa sa mga pinakamalapit kong professor dito, he is like a father to me!
" Sir, kailangan po namin ng tulong nyo! "
Bungad ko sa kanya ng makalapit ito sa kinaroroonan ko, ganoon din ang ginawa ng iba upang sa akin lahat sila mapatingin.
" We feel something, something that dying! "
Saad ng isa sa kanila, dahilan para lumaki ang mga mata ko! Wag mong sabihing – hindi ko na pinansin pa ang pakay ko dito at mabilis na lumipad pabalik sa plaza, they are my home and I need to protect them no matter what! Pero huli na ng dumating ako doon, isang bagay lang ang alam ko – I am useless!
Denise Marco Cruz ~
Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak sa pwesto ko at sisihin ang sarili ko sa nangyari sa isa sa mga tamer na malapit sakin! Sorry Sophia, hindi man lang kita natulungan! I'm really sorry!
Natigilan lang ako sa pag – iyak ko ng maramdaman ko ang isang mainit na yakap galing sa likuran ko, and I know that it is him – Daryl!
" Sshh, magiging maayos din ang lahat! Now, focus on the battlefield at wag mong sayangin ang lakas mo sa pag – iyak! Alam mong hindi sya matutuwa pag nakita ka nyang ganyan! "
He's right, hindi ko kailangang maging mahina ngayon! Ang mas kailangan ko, ang lumaban upang hindi na mangyari pa ang nangyari sa kanya!
" Salamat! "
Nagngitian na lang kaming dalawa at matapos ay naghiwalay sa magkaibang direksyon upang tulungan ang iba pa na patuloy sa pakikipaglaban, dumating na rin ang iba pang mga professor upang tulungan kami!
Aivee ~
Ang gandang manood kung' ganito lang din naman ang panonoorin ko, siguradong hindi ako magsasawang tumunganga sa kanila! Hahaha..
Blag ~
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko, ganoon na lang ang gulat ko ng bigla na lang tumama sa espada ko ang isang napakalaking lancelot dito dahilan para mapaatras ako.
" Magbabayad ka sa ginawa mo! Halimaw ka! "
Mabilis akong tumalon papalabas ng kwartong ito, ngunit nagulat na lang ako ng bigla akong bumagsak sa isang napakadilim na lugar! Anong lugar to?
" You will never escape from us! "
Hindi pa ako nakakabawi sa pagkakagulat ng bigla na lang akong matamaan ng isang bolang gawa sa kuryente dahilan para bumagsak akong nangingisay, what the hell just happened!?
" You will die here! "
Kasunod noon ang isang napakalaking bolang apoy na hindi ko nagawang salagin upang ito ay tumama ng sentro sa buo kong katawan!
" Ahhhh! "
This is unfair! Those tamers ang familiars are really powerful! F*ck them! I need to escape now, hindi ako pwedeng matalo sa ganitong uri lang!
" Space Teleportation! "
End of Chapter 7
“True friendship comes when the silence between two people is comfortable.”
– David Tyson
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @Vindexia
Tumblr: @Vindexia