webnovel

Chapter 49

Chapter 49

Axel Valerie De Guzman ~

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nasaan ako?

" Ava! Ano ba? Kanina ka pa ginigising nina Mommy ha! "

0_0

Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa narinig ko. Inilibot ko rin ng mabilisan kung nasaan ba ako? Ganoon na lang panlalaki ng mga mata ko ng ma – realize kong bumalik ako sa nakaraan!

" Ahhhh! "

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko dahil sa saya! Nagpagulong – gulong rin ako dahil hindi ko rin mapigilang mapaiyak.

Boogsh ~

" Ava! Anong nangyayari sayo? "

Tumakbo ako sa kinaroroonan nina Mommy, Daddy, at ni Kuya Teo saka sila mahigpit na niyakap. Hindi ko na rin napigilang mapahagulgol sa sayang nararamdaman ko.

" Akala ko naman kung ano na? Bitaw nga! Kadramahan mo talaga eh no! "

Pagkalas ni Kuya Teo sa yakap na ginagawa ko sa kanila. Hindi naman ako kumalas at mas lalo pa itong hinigpitan. Ayoko nang maiwan mag – isa. Ayoko na nang pakiramdam na napag – iwanan. Ayoko nang mawala pa ulit sila. Hindi ko na hahayaan pa.

" Ano bang nangyayari sa nag – iisa naming bunso? Ha? Nightmare? "

Umiling ako sa tanong nila at matamis lang silang nginitian. Hindi ko na kailangan pang sagutin ang mga tanong nila, ang mahalaga, kasama ko ulit silang lahat.

" Hindi na ko magagalit sayo Kuya! Kahit ilang beses mo kong tawaging Ava, okay lang! Though, Axel at Valerie naman ang name ko, okay lang! "

Nakangiti kong sabi kay Kuya Teo at muli syang niyakap ng mahigpit. I really miss them. Really.

" Oo na! Oo na! Male – late pa tayo sa ginagawa mo eh! Ang drama nito! "

Kumalas na lang din ako at sumunod sa kanya habang hinahatak ko sina Mommy at Daddy pababa ng hagdan. Kung ganito lang din naman ang mangyayari, mas mabuti nang hindi ako bumalik sa kasalukuyan. Mas mahalaga –

" Good Morning Axel! Musta naman ba ang pagtulog mo? Hindi mo naman kami iiwan? Di ba? "

Napatigil ako sa paghatak kina Mommy at Daddy sa gitna ng pagbaba namin sa hagdanan. Ang weird lang at parang may pamilyar na boses akong narinig kanina. Napailing na lang ako at muling ipinagpatuloy ang pagbaba kasama sina Mommy na nakangiti at binubuhat – buhat pa ako!

" Napakalaki mo na, nagpapabuhat ka pa! Napaka – pabebe mo talaga eh no? "

Bungad sa amin ni Kuya ng makita nyang buhat – buhat ako nina Mommy at Daddy. Nginitian ko lang ito ng nang – aasar at dinilaan.

" Inggit ka lang! "

Nasabi ko na lang dahilan para tumayo sya mula sa pagkakaupo at hinabol ako sa gitna ng hapag – kainan.

" Mommy! Si Kuya Teo oh! "

Sumbong ko pa kay Mommy habang hinahabol ako ni Kuya. Hindi ko naman inaasahang mahuhuli nya kaagad ako kaya naman napahawak kaagad ako sa ulo ko, dahil alam ko namang babatukan nya ulit ako.

" Anong ginagawa mo? Parang naglalambing lang si Kuya eh! "

Aniya sa akin habang nakayakap sa akin. Napatingin tuloy ako sa kanya, he's crying. Napataas ang kilay ko ng makita ko ang itsura nya.

" Bakit Kuya? "

Tanong ko sa kanya sa gitna ng pagkakayakap nya sa akin.

" You need to go back! Alam ko at alam mo na maraming naghihintay sayo! "

" Don't worry! Magigising rin sya, halika na! Bago ka pa mag – drama dyan! "

Nagkaroon ng kaunting kirot sa ulo ko dahil sa sinabi ni Kuya, idagdag pa ang isa pang boses na narinig ko sa loob ng ulo ko. They are familiar but I don't want to go back, mas gusto ko dito.

" Ano ba namang pinagsasasabi mo Kuya? Saan naman ako pupunta aber? "

Nagulat na lang ako ng bigla na lang may pumatak na mga luha sa mga mata ko. Pupunasan ko sana ito ng kusa itong magtuloy – tuloy.

" Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo, bunso! Wag kang mag – alala, hindi naman kami mawawala! Nandyan kami sa loob ng puso mo! Mahal na mahal ka ni Kuya! "

Hindi lang bastang iyak ang ginagawa ko ngayon dahil nagkaroon na rin ng kaunting kirot dito sa loob ng puso ko! Bakit ganito? Gusto ko lang naman maging masaya, yung ganitong kasama sila! Bakit ganito?

" Hindi naman ibig sabihin na hindi mo kami kasama ay wala na kami! "

Napatingin ako kina Mommy at Daddy na umiiyak rin katulad ko! Mabilis ko silang niyakap ng mahigpit! I don't want them to leave! I don't want!

" Oras na anak! Kailangan mo nang bumalik, mami – miss ka namin! "

Bago pa ako makapagsalita, kusa akong nilamon ng isang liwanag na kanina ko pang napapansin na sunod ng sunod sa direksyon ko kanina.

France De Lavine ~

Mabilis kong tinakbo ang direksyon kung saan natutulog ang katawan ni Axel. Maging ang iba na kakaalis lang upang tumungo sa bayan ay pinabalik ko gamit ang isa sa mga ability ko – telepathy.

Naabutan ko doon ang iba maging si Ax na kitang – kita ko pa ang naiiritang mukha.

" Bakit hindi ko mabuksan ang p*tang *nang yan? Nakaka – bwisit! "

Sinuntok na lang nito ang malaking pintuan. Hindi ko na lang sya sinagot at kusang pinalayo upang ako ang magbukas. Ganoon na lang din ang pagtataka ko ng hindi ko rin ito mabuksan.

" Wag nyong sabihing ayaw tayong papasukin ni Axel? "

Napalingon kami kay Alaina na nagliliwanag ang mga mata. Mukhang may sasabihin sya.

" He's awake! And the thing is, gusto nya munang mapag – isa kaya hindi nyo talaga yan mabubuksan! "

Kaya naman pala! Akala ko na kung –

" Axel! Binabalaan kita! If you don't open this god damn door right now, I will f*cking burn this into – "

Boogsh ~

" Ang ingay! "

Napalayo ang lahat dahil sa isang malaking kamay na bumulaga sa mukha ni Ax dahilan upang tumilapon sya sa kagubatan na malapit sa kinatatayuan ng mansyon na aming tinitirahang lahat.

" Whooo! Na – miss ka namin! "

Napailing na lang ako dahil sa ginawang pagsugod ng mga kaibigan nya sa kanya. Hindi lang naman kasi bilang kaibigan ang turingan nilang lahat, they treat them as family.

Tumango na lang ako sa signal ni Olivia na umalis na kami. Marami pa rin kasi kaming aasikasuhin dahil sa nangyaring laban noong nakaraang linggo. Isa pa, the Hell Prince is still alive. He escape during the fight. Alam naman naming gagawa at gagawa sya ng paraan para makapaghiganti, but we know na hindi pa sa panahong ito. He's weak at the moment lalo na at ikinulong ko ang kalahati ng kanyang kaluluwa sa loob ng Forbidden Heavens Fortress.

End of Chapter 49

“Yesterday is history, tomorrow is a mystery, today is a gift of God, which is why we call it the present.”

― Bill Keane

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @Vindexia

Tumblr: @Vindexia

Vindexiacreators' thoughts