Chapter 43
Micko Delos Reyes ~
The fight is too tough from what I am expecting. Alam ko namang mahihirapan talaga ako lalo na at ang kalaban ko ngayon ay nasa himpapawid. He's a Valkyrie.
" Force of Determination! "
Muli nitong pag – atake sa akin gamit ang mga balahibo ng kanyang mga pakpak. Patuloy naman ako sa pag – ilag dito dahil may kaakibat na lason ang bawat piraso ng balahibo ng isang uri nya lalo na at kulay lila ang kanyang balahibo sa itaas. Nangangahulugan na isa sya sa may matataas na ranggo sa lahi ng Valkyrie.
" You will never defeat me if you will only dodge every attack I will made! If you will dodge it again? I will definitely use the last power my maker gives to me! "
Hindi ko ito pinansin at muling nagpalit ng anyo sa orihinal kong itsura. Tumalon ako ng pagkataas – taas upang mapantayan sya. Doon ko ibinuhos ang kanina ko pang enerhiyang iniipon sa aking mga kamay.
" Manticore's Revenge! "
Pag – atake ko sa kanya habang nasa itaas. Katulad naman ng inaasahan ko'y pumailalim ito sa ginawa kong pag – atake at mabilis akong kinapitan katulad ng nasa plano. Mabilis nitong nilagyan ng lason ang kaliwang braso ko na ngayon ay hawak nya, hindi ko naman ito hinayaang makatakas pa sa akin dahil sa ginawa kong pagbaon ng mga kuko ko sa likuran nya. Nginitian ko pa ito ng nakakatakot kahit na hindi na malinaw ang paningin ko.
" I will defeat you! "
Maikli kong sabi sa kanya at pagkatapos ay saka ko sya ginawang bato katulad ng isa sa mga koleksyon ko sa dati naming tirahan.
Georgia Arcilla ~
Kanina pa ako ginagawang punching bag ng lintik na shade na ito. Hindi ko naman ito mahawakan upang magaya ang isa sa mga kakayahan nya. Nakakainis lang dahil kanina pa rin ako pinagtatawanan ng isang to.
" Kanina pa kita pinagmamasdan, hindi mo ginagamit ang kapangyarihan mo! Maybe, your ability is to absorb the energy the one you're touching with! Am I right? "
Nakangiti pa nitong sabi sa akin. Akala mo naman kinaganda nya yan? Nakakainis!
" Let's see! "
Nakasimangot kong sabi sa kanya. Inihanda ko na lang ang katawan ko sa maaaring mangyari dahil hindi pa ako bihasa sa paggamit ng kakayahan ni Drexero. Ramdam ko ang unti – unting pagbabago ng lakas sa loob ng katawan ko, maging ang enerhiyang ngayon ay gusto nang kumawala sa loob ng katawan ko ay ramdam ko nang kusang lumalabas dito.
" Strengthening – "
Boogsh ~
" That's – "
Boogsh ~
" Hindi ko na papatagalin pa ang laban natin. Hindi man ako ang pinakamalakas sa aming grupo, I know how to help them! And that's by winning this battle between the two of us! "
Mabilis akong kumilos upang muling umatake sa kanya dahil hindi pa ito gumagalaw sa kanyang pinagbagsakan matapos ko syang matamaan ng isang malakas at makatanggal pusong suntok.
" I will defeat you, no matter what! "
Alam kong naghahanda rin sya sa kanyang pag – atake sa akin kung kaya't hindi pa sya kumikilos sa kanyang pagkakahiga. Alam ko ring pinagpaplanuhan nyang atakihin ako sa gitna ng pag – atake ko sa kanya. But well, kung matalino sya, mas matalino ako. Kung nakalimutan man nyang nahawakan ko sya, well, ang tanga nya!
" Fist of Death! "
Isang minuto bago tumagos ang kuko nya sa dibdib ko, kusang nawala ang presensya ko sa harapan nya at kusang napunta sa likuran nya. Plan B really suits.
Boom ~
Napangiti na lang ako sa kapaguran at dahan – dahang nilamon ng kadiliman.
Bryan Mendoza ~
Madali lang sa aking natapos ang laban kanina. Ang kailangan ko lang ngayong gawin ay kung paanong makakalabas sa dimensyong ito? Tss.
Kung hindi sana nila ginalit si Axel, edi sana, hindi to mangyayari at masaya sana kami ngayong nagsasanay lahat. But well, maganda rin naman ito dahil nagawa kong gamitin ang lahat ng natutunan ko sa pagsasanay.
" The exit of the dimension lies next to you! "
Isang boses ang lumabas sa kung saan. Hindi man ito malinaw, alam kong iyon ang boses ng Headmaster. Ngunit bago pa ako makalayo sa kinatatayuan ko, at bago ko pa malaman ang kapahamakang mangyayari sa akin, nawalan na ako ng malay.
Axel Valerie De Guzman ~
Kusa kong tinanggal ang bawat dimensyon kung saan ko sila nilagay upang magsanay kasama ang mga shade na nilagay ko doon. Isang pwersa ang pumasok sa isa, at nandoon si Bryan kung kaya't dali – dali ko silang pinakawalang lahat.
" Shadow Binding! "
Pag – atake ko sa isang aninong may dala kay Bryan habang walang malay. Hindi naman ito tinamaan ngunit mabilis naman itong nahuli ni Riley at ni Avin.
" Who are you? "
Tanong ko dito. Patuloy pa rin ito sa pagiging anino at mukhang walang balak na bumalik sa totoo nyang anyo.
" Wag mo kong subukan, I may kill you right away! "
Seryoso kong sabi dito. Hindi naman ito natinag at nanatili sa ganoong anyo. This thing is making me mad again.
" Form Binding! "
Matigas kong sabi dito at saka ko kinuha ang kanyang anyo at nilagay sa isang garapon. Hindi pa ako noon nakakalayo sa kinatatayuan nila Riley ng bigla na lang sumigaw ang isa sa mga kasamahan ko sa malayo. No.
" Ax! "
Ani ko sa huling sandali bago ito tuluyang lamunin ng kadiliman. Wala man lang akong nagawa. I'm useless. No, I'm irresponsible!
" Makukuha din natin sya Papi! Wag ka nang malungkot, okay ba yun? "
Hindi ako nakinig kay Riley. Hinding – hindi ako makikinig sa kanilang dalawa ni Avin dahil hindi pa nila inaamin sa akin ang mga bagay – bagay na nalaman ko.
" They want war? We will give them war! "
Deklara ko sa bawat isa sa kanila. Hindi naman sila nagsalita sa sinabi ko at tumango lang. Ramdam ko rin ang pagod nila, though, ilang oras pa lang ang ginagamit namin sa pagsasanay.
" Maghanda ang lahat! Before the sunrise sets up, we will evade the Hell Society! "
End of Chapter 43
“First they ignore you. Then they ridicule you. And then they attack you and want to burn you. And then they build monuments to you.”
― Nicholas Klein
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @Vindexia
Tumblr: @Vindexia