webnovel

Isa

Nagising ako sa sobrang init ng araw, naliligo ang balat ko sa mapipino na puting buhangin.

Sobrang sakit ng ulo at uhaw ang nararamdaman ko.

"Gusto ko ng tubig!" sigaw ko pero mukang walang nakakarinig.

Sinubukan kong bumangon ngunit hindi ko maramdaman yung mga paa ko. Sobrang hinanghina ako.

Alon, bugso ng alon ang naririnig ko at tubig neto ang dumadampi sa buhangin.

Bakit ba ako nandito?

Ilang sandali pa ay sunubukan kong muli na ibangon ang sarili ko.

Gumagalaw na ang mga paa ko, naigagalaw ko na ang mga paa ko.

" Salamat po." bulong ko sa hangin.

Ang init ng hangin, mahapdi na rin ang balat kong walang tabon ng tela, sa pustura ko ay hindi ako naparito para maglangoy.

Basa ng tubig dagat ang laylayan ng pantalon ko, nakakapagtaka namang may punit ang damit ko. Mabuti nalamang at hindi tuluyang nasira ito, kug hindi ay kitang kita na ang pangilalim ko.

'nasaan ba ako?' bulong kong muli sa hangin.

Tumakbo ako, lumakad, tungin sa kaliwa, tumingin sa kanan.

TANGINA NASAAN AKO?

Kahit ang isip ko ay hindi alam kung nasaang lupalop ba ako nag mula, para aking matanto kung bakit ako naririto.

Pakiramdam ko isa akong kabute na bigla nalang sumulpot.

Tao ba yun? May nakikita akong pigura ng tao daang paroon sa may batuhan.

" OMG, TAO, TAO NGA!"

Pansamantala akong nanahimik.

" Papaano kung, hindi tao yun? Papaano kung..kung..kumakain ng tao yun? Tangina.. Ano gagawin ko? Mukang sya lang naman.. Pano kung isa yang patibong? Pano kung marami sila, pano kung naaabang pala yan ng makakain? "

Dami kong tanong, nagdadalawang isip ako. Natatakot ako.

Teka lang.. Amoy inihaw...

Thank you Lord! Hindi tao ang bet nya! Isda..yes amoy inihaw na isda..

" Teka lang...teka lang.. Papano kung pain yan?! "

..pero nagugutom na rin ako eh.. ANO BA KUNSENSYA..manahimik ka muna, please..

Gutom o Takot?

Gukot? Gutom na taKot?

" ATE! "

AY KALABAW!

papalapit sya..take take na ispatan nya ako..ano ba teka hindi ako handa.

" ate, SAGLIT! "

DYOS KONG MAAWIN TINAKBUKAN KO NA MAY DALANG SIBAT, ANAK NG KALABAW, AYAW KO PA HONG MAMATAY HINDI KO ALAM BAKIT BA AKO NABUBUHAY TEKA LANG LORD!

" ATE! ANO BA SAGLIT LANG! "

" ANONG SAGLIT LANG! BOBO, AYAW KO PA MAMATAY PUTA! MAY ISA KA NAMAN NA AH, YUN NALANG KAIN MO! " sigaw ko sa taong humahabol sakin.

Natigil ako dahil sa lakas ng tawa nya.. Tinignan ko sya..

" HAAAAAAAAAAAAAAAAP! " napasanghap ako bigla ng hangin sa nakita ko, dumudugo yung binti nya!

" HAHAHAHAHAHHA aray ko ang sakit ng tyan ko sayo! Hindi ako kumakain ng tao FYI! "

SERYOSO? Tyan? Kumusta namab yang binti mo?

" Yung binti mo."

Sabi ko.. Tinignan nya ito na parang ewan.

" ay oo nga pala may sugat ako, ikaw kasi, takbo ka ng takbo. Ang sakit! "

Gunan ba talaga, nakakalimutan ang sugat?

Ay, hayaan na nga yan.

" Sorry naman ho, gusto ko lang iligtas buhay ko, sino ka ba?, at bakit tayo nandito?, may kasama ka ba?, nasaan ba tayo? "

" Ate wait lang ah masyado madami yang tanong mo, balik buna tayo dun, para matapos ko na paglalagay ng bayabas sa sugat ko."

Nahiya naman ako bigla, yun pala ginagawa nya dun. Ang sama ko naman.

Sobrang awa ko, inakay ko na sya, puro sya daing na masakit. Naawa ako lalo.

Nang makarating na kami sa pwesto nya kanina, nakita ko roon ang isang malapd na bato na may dinurog na dahon ng bayabas at ang batong gamit nya doon, nakita ko rin yung isda na iniihaw nya kanina, mga limang piraso ata yun kasama pa yung kasalukuyang iniihaw nya.

Napansin niya na kanina ko pa tinititigan yung isda kaya pinakuha nya ako ng dalawang peraso, sa kanya daw yung tatlo kasi sya naman ang humuli. Tama naman sya.

Matapos nyang tagyan ng dinurog nyang bayabas ang sugat niya at nagpaalam muna sya sakin na matutulog muna siya. Sabi ko sa sobrang init dito saan siya hihiga, nagulat ako ng ituro niya sakin yung munting bahay-bahayan na nasa pagitan ng puno ng mangga mayroong mga dahon ng buli pang bubong at ganoon din sa dingding ang poste niya ay sanga ng niyog. Nasabi niya rin sakin kanina na kami lamang daw ang tao roon. Akala nga daw niya ay siya lang, pero laking tuwa niya ng makita ako, kaya ganun nalamang ang pagkapursigido niya na habulin ako na mismong kurot ng sugat niya ay nalimutan niya pansamantala. Hindi rin daw niya alam kung anong isla ang kinaroroonan namin. Pangatlong araw na raw niya dito at sigurado siya na ganoon rin ako, pero laking milagro daw na hindi ako ganoon kasunog gayong nasabi ko na nagising ako sa kainitan ng araw ni walang lilim o silong.

Ako rin naman ay nagtatako papaano nangyari yun.

Dito na niya tinapos ang usapan namin dahil sa antok na kanyang naramdaman. Kung gustuhin ko raw na matulog ay pwedeng pwede daw ako tumabi sa kanya sabay kindat..may kalandian rin ang taong yun.

Tinangihan ko nalamang siya dahil sa kakagising ko palang at nagpaalam na maglilibot ng isla, umaasa ako na baka meron pang tao na maaring makasagot ng katanungan ko.

Hindi ko talaga alam, yung isusulat ko pero madalas sumasakit sa utak ko yung ganitong konsepto, kaya eto nalang. HAHAHAHAHAHA

M4geauxcreators' thoughts