webnovel

SOMEONE ILOVE (COMPLETE)

"Bakit sa tuwing nagseselos ka eh ang cute cute cute cute mo?" Minahal ni Airen si Luigi ng higit pa sa buhay niya. Ngunit dahil sa pagmamahal na iyon ay napilitan siyang iwan ito ten years ago. At kagaya ng inaasahan niya ay galit ang naramdaman nito dahil sa ginawa niya. Kaya naman nagbalik ito sa buhay niya upang maghiganti. Sa lahat naman ng paghihigantihan, siya na siguro ang pinakatanga. Paano'ng hindi, eh siya pa mismo ang nag-offer rito na paghigantihan siya para lang mapatawad siya nito! She was desperate when she left him but she was far more desperate when she saw him again—desperada siyang makahingi ng tawad rito. She was asking for another chance, kahit man lang para sa friendship na lang. Pero bakit ganon, habang tumatagal na sinusuyo niya ito ay nag-iiba ang "another chance" na gusto niyang makuha mula rito? Pwede ba niyang bawiin ang friendship na nasabi niya noon? Hindi ba pwedeng, mahalin na lang ulit siya nito?

EX_DE_CALIBRE · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
19 Chs

CHAPTER TWELVE

"Go, Jae, go go go! Give me a J! Give me an A! Give me an E! Jae Jae Jae!"

Naririndi na siya sa kakasigaw ni Mabelle sa tabi niya. She rolled her eyes. Tapos ay katabi rin nila sina Alyssa at Cheryl na kanina pa rin sigaw ng sigaw. Napatingin siya kay Luigi. Hindi niya naiwasang mapasimangot pagkakita rito. Ni minsan ay hindi pa siya nito tinapunan ng tingin. Nagpaka-grand entrance pa naman siya kanina para mapansin siya nito.

All eyes were on her, pagkadating na pagkadating niya kanina. Iyon nga naman ang kauna-unahang pagkakataon, simula ng manirahan siya roon ten years ago, na pumunta roon para manood ng basketball. But Luigi never dared to look at her. Patuloy lang ito sa pagdri-dribol ng bola na para bang walang dumating na Dyosa sa basketball court.

"Nakakainis!" bubulong-bulong na aniya.

"Oi, ate Airen, mukhang di ka nag-eenjoy ah?" puna ni Alyssa.

"Hay naku, pabayaan ninyo iyan. Basted kasi ang beauty niya sa nililigawan niya." tatawa-tawang ani Mabelle na sa wakas ay nagpahinga na rin sa kakasigaw. Pahinga din muna kasi ang mga naglalarong mga team eh.

"Nagsalita ang hindi basted." ingos niya.

"At least ako, sanay ng basted."

She rolled her eyes. "Baliw."

"Sino ba'ng nililigawan mo, ate?" curious na tanong ni Alyssa.

Natigilan siya. Nang makita niyang pinalibutan ng mga babae si Luigi ay lalong nagkutkot ang kalooban niya. Hindi pa man siya nakakasagot ay bigla ng lumapit sa kanila si Jae. Nakangiti ito kaya naman kahit paano'y gumanti rin siya ng ngiti rito.

"Akala ko, hindi ka makakapunta." nahihiyang anito sa kanya.

Nagkibit balikat siya. "Sinabi ko namang pupunta ako, diba?"

Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay kitang-kita niya ang pagkunot ng noo ni Mabelle. Pasimple niya itong siniko. Nagtatampong nag-pout lang ng lips si Mabelle. Napailing siya. She'll explain everything later. Sinilip niya si Luigi. Pinalilibutan pa rin ito ng mga mahaharot nilang kapitbahay. Mukhang enjoy na enjoy naman ang hudyo!

"Pwedeng maupo?" nakangiti pa ring tanong ni Jae.

Ngani-nganing pagtaasan na niya ito ng kilay. Was he trying to hook up on her? Ngunit dagli ring nawala ang pagdududa niya nang mapansin ang tinutumbok ng tingin nito. He was staring at Mabelle! Pinagseselos ba nito ang kaibigan niya? Sa naisip ay napangisi siya. Bakit nga ba hindi? Genius din pala si Jae eh. Magawa nga kay Luigi, baka effective.

"Sure." nakangiti ring aniya. Naupo sa tabi niya si Jae. Kinuha niya ang isang bottled water na binili ni Mabelle kanina at ibinigay iyon kay Jae. "Baka nauuhaw ka na."

"Why, thanks!" inabot nito ang tubig.

Muli niyang nilingon si Luigi. Gusto niyang makita ang reaksiyon nito dahil sa ginawa niya kay Jae. Ngunit ni hindi pa rin ito lumilingon sa gawi niya. Paunti-unting nawawala ang ngiti niya. Kahit siguro maglulupasay siya roon ay hinding-hindi siya papansinin ni Luigi.

"Belle, uwi na ba tayo?"

"Hindi, huwag muna. Ang enjoy dito eh." sarkastikong sagot ni Mabelle.

"Galit ka ba sa akin?" baling niya sa kaibigan.

"Bakit naman ako magagalit, diba?"

Wow. Nagseselos nga ito. She's never seen Mabelle act like that. Napabaling siya kay Jae. "Alam ninyo, kayong dalawa, pwede naman kayong maglandian ng hindi nandadamay ng iba eh, diba?" naiinis niya sikmat. Biglang natahimik ang dalawa.

She leaned towards Mabelle. "Ikaw Belle, kung magseselos ka, matuto kang lumugar." bulong niya. Then she leaned towards Jae. "At ikaw naman, kung balak mong pagselosin si Mabelle, huwag ako ang gamitin mo. Pag-untugin ko kayong dalawa eh." bulong niya.

Pagkunwa'y nakangiting umayos siya ng upo at ibinalik ang tingin kay Luigi—na noong mga sandaling iyon ay nakatingin na pala sa kanya—ng sobrang sama. Para bang anumang sandali ay tatakbo ito palapit sa kanya at sasakalin siya. She gulped. What did I do?

********************************************

Agad na nagtagis ang mga bagang ni Luigi pagkakita sa ginawa ni Airen. She leaned towards Jae and whispered something that made the jerk blush like an idiot! Ikinuyom niya ang mga palad. Pinigilan niya ang sariling lapitan ang mga ito at hilain palayo si Airen. Lalong lumalim ang galit niya sa dalaga. Mas lalo niyang gusting gantihan ito, kagaya ng nanuna niyang plano. Naiinis siya dahil mukhang hindi siya magtatagumpay sa plano niya.

Alam niyang galit siya rito—sobrang galit na ilang beses niyang ginusto na saktan ito. He wanted her to suffer more than he had suffered. Pero nang mga oras na iyon ay batid niyang kakaibang galit ang nadarama niya. He didn't even know the reason why he's felt like that. Tipong pakiramdam niya ay naiinis siya, na para bang gusto niyang magwala, iyong tipong gusto niyang manapak ng lalaking naka-jersey at namumula habang nakangiti sa tabi ni Airen. Damn! He was trying so hard not to be affected, pero hindi niya magawa.

Inis na tilikuran niya ito at naglakad palapit sa bench. Padarag niyang hinablot ang kanyang bag at binitbit iyon. Inignora rin niya ang mga babaeng nag-aantay sa kanya sa bench. He'd rather go home, kesa ang manatili pa roon. Hindi niya alam kung ano'ng maaaring itakbo ng nagwawalang isip niya. He couldn't freaking control himself!

"Oh, saan ka pupunta, Luigi?" nagtatakang pigil ni Lei.

Binalingan niya ang binatang kapitbahay na ka-team mate rin niya. "I'm going home. I'm sorry, dude. Bigla akong nawalan ng ganang maglaro."

"What happened?"

"Nothing. May sumira lang sa mood ko." Tinapunan niya ng masamang tingin sina Airen at Jae na nagngi-ngitian pa rin. "Sige, alis muna ako. Bawi ako next time." iyon lang at nagsimula na siyang maglakad palayo. Napailing siya. Hindi niya maintindihan ang sarili.

"Luigi!"

Nangunot ang noo niya bago lumingon sa tumawag sa kanya. His brows knotted when he saw Airen running after him. He irately ignored her and kept on walking.

"Saglit lang!" hinihingal na humarang ito sa dinaraanan niya.

"Move." taboy niya matapos niyang tumigil sa paglalakad.

"No. Ayoko." nagpamewang pa ito.

He crossed his arms and stared at her. Hindi pa rin ito nagbabago. Sobrang kulit pa rin. Kung tutuusin nga ay parang nadoble pa ang kakulitan nito. And she still had the guts to do whatever she wanted to do. Ipinilig niya ang ulo. He shouldn't be praising her, right?

"Why do you keep on pestering me?" iritable niyang singhal.

"Bakit ka umalis?" sa halip na sumagot at biglang tanong nito.

"Pagod na ako."

"Igagawa kita ng masarap na meryenda." magiliw na alok nito.

Saglit lang siyang natigilan. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nitong paghalik sa kanya kagabi. Napalunok siya. Damn! Kailangan niyang mag-ingat. Hindi na niya ito hahayaang makapasok pa ulit ng bahay niya. "Ayoko." mariing tanggi niya.

"A-ayaw mo?" her smiled faded.

"Ayaw. Kaya umalis ka na diyan dahil uuwi na ako." nilagpasan niya ito.

"Sayang naman iyong cookies na ibinake ko."

Narinig niya ang sinabi nito. Napatigil siya sa paglalakad ngunit hindi niya ito nilingon. "So? Edi itapon mo kung gusto mo." asik niya.

"Fine. Ibibigay ko na lang lahat iyon kay Jae!"

God knows he didn't know why he acted on impulse, why he turned around, ran towards Airen and grabbed her hand to stop her from leaving. Lalong hindi niya maintindihan ang sarili kung paano niyang nasabing, "No. bakit mo ibibigay ang cookies na iyon eh para sa akin naman dapat iyon? Give it to me! Ako lang ang pwedeng kumain nun."

He couldn't take back what he's just said, right? Lalo na ngayon na kitang-kita niya ang pagngisi ni Airen at ang pagkislap ng mga mata nito. Ano ba'ng problema mo, Luigi Lee?