webnovel

SOMEONE'S SPECIAL

'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?

Deeeeym7 · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
71 Chs

CHAPTER 61

AMIRA'S POV

"I'm sorry for my brother" madiin akong napapikit nang magsalita siya. Palihim kong tinignan sina santi at grace na kumakain lang. 

TEKA!!! K-kapatid niya pala?! Akala ko simpleng kuya kuya lang ang tawag tsaka malay ko ba baka kapitbahay niya lang pala noong nasa bahay pa nila kami.

"K-kapatid mo pala sila?" tanong ko para hindi ako magmukhang uneasy--!!! Act normal nga daw!

"Oo"

"Edi nasaan yung kapatid mong buntis---"

*blaaaag* napaayos ako ng upo dahil sa gulat nang biglang tumayo si bestfriend at tumakbo sa lababo tsaka sumuka.

*acccck*

"Duh?" napatingin ako kay nathalie na kunot noong nakatingin sa akin. Sinundan ko lang ng tingin sina nanay na tumakbo papunta kay bestfriend at tinulungan siya.

*ackk* tinignan ko muna si linc nang amoyin na naman niya ang balikat ko pero unti unti ng nagproseso sa utak ko kung bakit siya nagsusuka. K-kapatid. De la vega.

"BEATRICE ANNALISE DE LA VEGA!" sigaw ko sabay tayo. Sumunod naman agad si linc habang nakahawak ng mahigpit sa damit ko. Lumapit ako kay bea at inakbayan siya pero nakahawak ng mahigpit sa braso niya.

"Maaaaaa!!"

"Hay naku mga bata kayo!" sabi ni nanay at kumuha lang ng bimpo para ibigay kay bea.

"Paano nangyari yan ha?!!" lumingon siya sa akin habang naiiyak. Kaming tatlo na lang nina linc dito dahil bumalik na sina nanay sa mesa.

"Syempre nag-ano kami" mas sumama pa ang tingin ko sa kanya at hinila ang tenga niya. Magkapatid nga!!! Sagutin ba naman ako ng ganyan!! "Mama!!!!"

"'Mama'?!! Maging nanay ka na din kaya wag ka pababy!! Ang aga aga mong lumandi! Malandi ka! Wala pang tatay! Ano ha?! Baka gusto mong hanapin yung tatay at gumawa pa ng isa?! Iniwan ka na niya kaya kapag malaman niya ipapanagot mo lang yung bata!! Ang tanga mo naman kasi bakit sumama ka doon sa mga babaeng yun eh alam mo naman mga ugali nun!!! Tumulong pa ako sa pagbigay ng mangga sayo yun pala ikaw!!"

"Mama mas masakit siya magalit~ trash talk~ kuya hawakan mo siya!!" sabi niya at tumakbo kay nanay. Hinawakan naman ako sa magkabilang braso ni linc para pakalmahin pero parang umiinit lang ang ulo ko.

"You are doing the opposite as what you told me before" bulong niya sa akin. Humarap lang ako kina nanay at bumalik sa pagkakaupo.

"Nay hinahayaan niyo yang babaeng yan?! Pagalitan niyo pa po! Wala man lang ka taste taste sa pagpili!! Yung nangiiwan pa!!"

"So may taste ka kay kuya?" umurong ang dila ko sa sinabi niya. Napatingin ako kay linc at nakaramdam na naman ng hiya. Binelatan ako ni bea kaya inis akong umiwas sa kanila. Retreat! Retreat! May granadang pinanlaban!! "Nagkiss pa kayo sa itaas kani kanina lang!!"

"Wow? Talaga ate?!" singit nina santi. Napayuko ako at napakagat na lang sa labi----nakakahiya!!

"Oo! Tapos na crush at first sight pa siya noon kay kuya tapos hanggang ngayon daw gusto pa niya si kuya! Mama oh! Papayag ka ba?" beaaa!!! Pasalamat ka!!! Huwaaa!!!

"Hahaha mabait na bata naman tong si miss amira"

"Soon po hindi na 'miss' itatawag niyo sa kanya" singit din ni nathalie.

"Ay ayos lang naman sa akin, hindi ko aakalain maiinlab tong si miss amira sa anak ko"

"Stop teasing her" natatawang sabi ni linc.

***

Nakatayo lang ako dito sa kwarto habang tinitignan siyang naninigarilyo. Siya ba yung mas nadepress sa hiya kanina?!

*sigh* napatingin ako sa lollipop na nasa gilid at agad na kinuha yun tsaka binuksan. Lumipat ang tingin niya sa kamay ko nang iabot ko yun sa kanya.

Napangiti ako at lumapit pa sa tabi dahil tinapon niya yung sigarilyo at walang pagdadalawang isip na kinain yung hawak ko.

"Come closer" niyakap ko na lang kaya sumiksik agad siya sa leeg ko habang nagsisimula siyang magsway. Kinulong niya ako sa mga braso niya at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Oh? Hehe" napaapak agad ako sa mga paa niya dahil kulang na lang buhatin niya ako!!

"I'm glad we are fine again" nagpabigat ako kaya babagsak na sana kami pero agad siyang nakabalanse at maingat akong inihiga habang nasa ibabaw ko pa rin siya. Umangat pa siya at pinagmasdan ako.

Nag-inat ako kaya inalis niya ang lollipop para mahalikan ako sa kung saan.

*blaaag*

"Tuloooong!" napatigil kaming dalawa dahil sa ingay na nagmula sa baba. Hinawakan niya ang kamay ko kaya sumunod ako.

*blagblagblag* nagising din yung ibang natutulog. Pinahinto ako ni linc sa may hagdan kaya hinila ko si nat bago tuluyang makababa.

"Sino yan?" tanong ni nanay. Good thing hindi dito pinapatuloy yung mga bata dahil mas safe sila kung hindi namin kasama.

"Tulong! Tulong!" nagkatinginan sila sa baba kaya napatingin ako kay linc na binubuksan na ang pinto at iniluwan nun si ate zaira.

"A-ate" mahinang tawag ni nat. Napalunok lang ako nang makita siyang takot na takot at niyakap si linc. 

A-anong nangyari sa kanya? May sugat pa siya sa iba't ibang parte ng katawan. Nasa kulungan siya diba? Nasa huling balita? Niyakap ako ni nat kaya pilit ko siyang pinapakalma.

"L-L! Please help me! They are after me!" umiiyak na sabi niya.

Nilapitan naman siya nina nanay at sinubukang patahanin. Nanatili lang kami ni nat dito sa itaas habang hindi pa niya kami napapansin.

"What happened?" tanong ni linc habang inaabutan siya ng tubig. Nakikita ko ang panginginig sa kamay nung abutin niya yun.

"I-I ran away from jail but they saw me!! H-hide me! Hide me!"

"Bakit ka tumakas?! Mas malaking kaso ang ihaharap mo niyan!" sabi ni nanay. Lumingon siya dito sa taas kaya nagsalubong ang mga tingin namin.

"Z!" bigla siyang nahimatay kaya agad siyang binuhat ni linc at inakyat dito sa itaas.

Tumakbo kami sa itaas ni nat at pumunta sa lugar na malayo sa kanya. Pinasok niya si ate sa kwarto na tinutulugan ko.

"Ma tumawag kayo ng manggagamot!"

"Oo sige anak sandali!" nagmamadaling bumaba si nanay kaya yung tatlong naiwan ay nagpaalam din para kumuha ng pwedeng makatulong kay ate.

"Kumuha kayo ng maligamgam na tubig! Beatrice! Get a clothes for her!"

"Sandali!" sigaw nila mula sa baba. Nakatayo lang kami dito sa gilid ng bintana at nakamasid pa rin sa mga nangyayari.

"You shouldn't help her linc! She wanted to kill us! Call a police!!" sigaw ko nang lumabas siya. Tinignan niya lang ako at bumaba sa hagdan.

W-wh---nasaktan ako sa ginawa niya kaya maluha luha akong sumilip sa kwarto. Why is s-she here?? She's supposed to be in jail!! 

Sumunod ako sa baba kaya humawak naman sa damit ko si nat. Abala silang lahat habang ako, humahanap ng cellphone! May nakita ako sa mesa kaya mabilis akong lumapit doon at nagdial.

"Amira!!" napatingin ako kay linc dahil nakita niya ako. Lumapit siya sa akin pero tumakbo ako palayo at tuluyan ng naiyak habang hinihintay na masagot yun.

"This is city's police statio---"

"SHE'S HERE!! GET HER HERE!!! ZAI--"

"Amira stop this! She's struggling!" mabilis na naagaw ni linc ang cellphone kaya agad akong tumabi nang bumukas ang pinto at pumasok si nanay habang may kasama. 

Umakyat na silang lahat kaya napatingin ako kay nat na umiiyak din. THEY DON'T KNOW HOW SCARED WE ARE RIGHT NOW!!! SHE TRIED TO KILL US AND THEY REALLY THINK WE WOULD ACT LIKE THEM??! WORRYING?! HELPING HER?! EVEN CLOTH HER?! Hindi nga niya nagawang ayusan ako nung kinuha nila ako!! Lumabas ako ng bahay at tumakbo lang nang tumakbo.

NATHALIE'S POV

Tahimik lang akong nakaupo dito sa kusina habang busy pa rin silang lahat sa pagaasikaso sa kanya. 

Tumingin ulit ako sa may pinto at napapikit na lang dahil hindi ko nagawang sundan si ate. I don't know where she is right now! Kanina pa siya nakaalis pero wala pa rin silang kamalay malay sa nangyari!! Maingay ang taas kaya tahimik akong naglakad sa may pinto at binuksan yun.

"H-huy saan ka? Lumulutang na naman yang utak mo!" gulat akong lumingon kay kuya cj nang hawakan niya ako sa braso. Hinila niya ako pabalik sa kusina at pinaupo "Lutang ka na naman. Huwag kang magalala hindi ka niya gagalawin"

"O-okay" mahinang sabi ko habang nakatingala sa may hagdan.

"What's wrong with you? Halatang lumulutang ang utak mo" tumabi sa akin si kuya jayson. Pababa na din si kuya linc kaya sinundan ko lang siya ng tingin.

"Where is she?" tanong niya habang nagmamadali bumaba.

"She's gone" napansin niya atang nakatitig lang ako sa kanya kaya humarap siya sa akin.

"What do you mean gone?"

"She ran away" diretsong sagot ko. Bakit ba niya kasi tinulungan ang bruhang yun?!! Kung nastress ako mas nastress si ate amira!!!

"Ano?!"

"Saan siya?!" isa isa na silang lumabas ng bahay kaya napayakap na lang ako kay kuya jayson.