webnovel

SOMEONE'S SPECIAL

'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?

Deeeeym7 · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
71 Chs

CHAPTER 10

AMIRA'S POV

Nakaupo lang ako dito sa hagdan habang yakap ang mga tuhod ko. Magtatanghali na pero hindi pa rin dumadating sina tita elisa. Nabanggit kasi ni nanay, na hindi din pinapunta ni tita sa hospital, na uuwi siya ngayon para magpalit at kunin ang mga gamit ni papá.

Ngayon sasalubungin ko siya at makikiusap na sumama. Wala na kasi si bestfriend. Hindi ko na naabutan kaninang umaga. Kasalanan ko din kasi hindi ako nagpakita kahit na ilang beses siyang kumakatok sa kwarto ko. I just realized about Mr.linc told me. Sorrrry bestfriend!!

"Miss amira" tumingin ako kay yaya na may hawak na tray ng pagkain at inabot sa akin. Tinanggap ko yun at nilagay muna sa lap ko. Hindi pa ako nakaligo at nakapagpalit ng damit.

"Miss amira you're hands are not clean yet" pinagpag ko lang ang mga kamay sa gilid kaya napakamot na lang sila at pinagbuklatan lang ako ng payong.

Hindi pa nawawala ang lagnat ko kaya sina yaya nakatayo sa gilid habang binabantayan ang bawat galaw ko. Apat naman sila kaya ayos lang sa akin pero mawawala na sana 'to kagabi eh kung hindi lang pinasama ni mr.linc ang loob ko!

Nabanggit naman na siya. Nakatayo din siya sa likod para masigurong hindi ako makalabas!! I'm totally turned off! Nakakainis pala siya. Buong magdamag niyang hindi inalis ang mga mata niya hanggang sa magising na lang ako!

"Huy weirdo! Umalis ka nga dyan sa daan nakakasira ka ng view! Dadating ngayon ang friends ko!" lumingon ako kay nathalie na nasa likod ko. Sa tabi ni mr.linc.

"You can't bring friends here nathalie" medyo napapaos na sabi ko. Nagcross arm siya tsaka tinaasan ako ng kilay.

"Papá is not here so don't ever tell him or else you will live in hell" nilagay ko sa gilid ang tray at bahagyang humarap sa kanya.

"Sono ancora piú vecchio di te (I'm still older than you)" umayos siya sa pagkasandal habang bakas sa mukha ang pagtataka. Napatingin ako kay Mr.linc na alam kong naiintindihan niya ang sinabi ko.

"Stop that!! Alam ko yang mga tingin mo!"

"Non puoi spavarmi (you can't scare me)" nagsalubong ang mga kilay niya kaya matamlay akong tumingin sa sahig.

"Baliw ka"

"In korean, neoneun naleul nollage ha su eobsda In chinese, ni bùnéng xià dào wo. In japanese, hi o osoreru ko wa deki mase--in short isusumbong pa rin kita"

"Ahhh baliw baliw baliw baliw baliw baliw baliw!" hindi ko na siya pinansin at napatingin sa itaas ng guard house.

"Oh?" tumuwid ang likod ko nang makita ang ibon. Parrot ko! P-paanong--?!!!!

Huminto siya sa may bubong kaya nagtaka ako. Mabilis kong kinuha ang cookies sa tray tsaka dinurog yun at tinapon sa harap. Nakawala siya nung ginulo ni tita ang kwarto ko!!

"Amira! Amira!" tumayo na kasi ako nang mapansing parang nanghihina siya ooohhh saan siya galing???

"Miss amira!" hindi ko pinansin sina yaya at pumunta sa harap ng guard house.

Tinaas ko ulit ang cookies dahil baka bababa siya ng kusa. Hindi siya gumalaw at parang tinutuka lang ang pakpak niya.

Nilibot ko ang paningin at nakita sa may ilalim puno ang maliit na hagdan. Kinuha ko yun kaya sunod nang sunod sa akin sina yaya.

"Miss amira they will scold us if they will caught you doing that, please" naiiyak na sabi nina yaya. Tinignan ko lang siya at umakyat na.

"HAHAHAHA BALIW!! Malapit na si mommy dito! Ano talaga yang nasa isip mo't gumagawa ka ng ganyan? HAHA dapat ka na ulit magpacheck sa utak!" sabi ni nat. Mabilis na hinawakan nina yaya ang hagdan at nagmamakaawa pa.

"Miss amira please~" hindi ko na sila pinansin at nagtuloy lang sa pag-akyat. Nakuha ko agad ang parrot kaya pinababa na nila ako. Todo pa sa pagtawa si nathalie. What's wrong? I just want to help my pet.

"Aayusin kita mamaya" sabi ko habang bumabalik sa inuupuan ko kanina. Napatigil ako nang may tumulak ng konti sa ulo ko. Tumingala ako sa kanya.

"HAAHAHAH WEIRDO!! BALIW!! Hindi ko alam anong nakita ni papá sayo ba't ka niya binigyan ng ganoon kalaking share! Kahit gusto ko man yun huwag na lang dahil mahirap magkaproblema sa utak! Palagi na lang tumatakas kasi hindi pinapayagan lumabas dahil nga may saltik, hirap diba?? HAHAHA" lumunok lang ako sa mahabang sinabi niya.

*beeep* tumayo na ako dahil may sasakyan sa labas. Tumakbo doon sina yaya para pagbuksan ng gate.

Dalawang magkasunod na sasakyan ang pumasok at unang lumabas si tita elisa. Sinundan ko siya nang daanan niya lang ako.

"Tita how's papá?" binigay ko saglit kay Mr.linc ang parrot dahil siya lang ang malapit sa akin.

"Don't talk to me, I'm tired" sabi niya habang paakyat na sa hagdan.

"Tita can I visit him now?" huminto siya at bagot na lumingon sa akin. Huminto ako at pinagdikit ang mga kamay sa likod ko.

"Let's see later" sumulyap siya saglit sa baba kaya napatingin ako kay mr.linc--at sa limang lalake na hindi ko kilala. Kumunot ang noo ko nang yumuko silang lima "Don't let your eyes opt to her, don't let her step that road and lessen the people around her"

"Yes madam" tumingin ulit ako kay tita nang maglakad na siya. Nakatayo lang ako dito habang naguguluhan pa rin!

"T-tita I don't need them"

"We all agreed to that-- except for someone" takot akong tumingin sa limang lalake. Maya maya pa ay nakita ko si kuya ethan na hinihingal at humarap sa amin.

"Mom! Why aren't you answering my phone calls?? At hindi ko malalaman 'to kung hindi sinabi sa akin ni zai!" tumabi ako at sumandal sa hawakan ng hagdan.

"Ngayon alam mo na"

"Mom I can't let you do it! Papá will just get more worried if he'll know you're doing these to amir!" sinundan ko ng tingin si tita na humarap sa kanya at bumaba pa ng konti.

"Naah, kinuha ko na sila at huwag kang magalala iaalis ko sila paggising na ang papá mo and also zaira's guard will be working with them" si mr.linc din?

"She didn't like that idea mom and that's not the only one I'm concern with! She can think on her own" tinuro ako ni kuya kaya kumunot lang ang noo ko. Palipat lipat lang ang tingin ko sa kanila habang wala pa ring maisip na gagawin!! "Stop treating her a like a prison mom! You're not thinking about her good but you're just making it harder for her!!"

"K-kuya I'm okay" singit ko dahil hindi ko kayang makita si kuya ethan na nagagalit. He's kind and good tapos nakikita ko siyang ganito? That made me sad. Tumalikod na si tita at saktong tumunog ang cellphone ni kuya.

"Hello??" pinagmasdan ko lang ang reaksyon niya nang tumingin siya sa direksyon ko "I'm on my way there"

"What? Sa hospital ba yan?" tanong ni tita na napahinto din pala. Walang pasabi sabi na lumabas si kuya kaya sumunod din kami ni tita.

"Tita bring me with you! I want to see papá" pagmamakaawa ko habang sumusunod sa kanya.

"Sa hospital agad tayo!" utos ni tita sa mga driver. Pumasok na sila. Napatigil ako nang may humawak sa magkabilang braso ko.

"Teka sasama po ako sa kanila!!" sigaw ko habang hinihila ako palayo sa pinto. Unti unti na akong napaiyak kaya lumapit na sa amin sina yaya "TITA!! I WANT TO SEE PAPÁ!!! TITA!"

"M-miss amira baka mabinat po kayo" unti unting bumagsak ang balikat ko nang isara na nila ang pinto.

"P-papá" nagulat ako nang may bumuhat sa akin na parang sako kaya hinampas ko siya sa likod.

"K-kuya pakibaba naman po siya baka masaktan po eh" pakiusap nina yaya. Humawak ako sa gilid ng hagdan nang maglakad na paakyat ang bumubuhat sa akin.

"Pwede niyo bang ibaba ang alaga namin? Hindi maganda ang lagay niya" mahinahong sabi ni nanay. Tumingin ako sa kanya at tinaas ang kamay para abutin siya.

"Kailangan na po namin siyang ipasok sa kwarto niya" nilayo nila sina yaya kaya mas lumalakas lang ang iyak ko. Napatigil na sila nang sumingit din si Mr.linc habang nilalayo ang tumutulak kay nanay kanina.

"I'm sorry but she's not feeling well. I was mentioned earlier and I think I am also part of your job"

"AHHHHH!!" sumigaw ako dahil hindi nila pinansin si mr.linc at umakyat lang. Binigyan na lang sila nina yaya ng daan para mapabilis ang dating namin.

"Kuya dahan dahan!" napahawak ako sa likod dahil pabagsak nila akong nilagay sa higaan.

"P-papá! Kuya!! Ate!!" tatayo na sana ako nang hawakan nila ang mga kamay ko. Lumapit yung isa sa tabi at may kinuhang maliit na lalagyan.

"Ano yan!?" tanong nina yaya.

"Wh---" bigla niyang nilagay ang gamot sa bibig ko kaya sisigaw na sana ako nang mabulunan ako at hindi inasahang malunok yun--!!!

"Kuya!! Inaano niyo ang alaga namin?!!!"

*coughcougcough* patuloy lang ako sa pagubo kaha lumapit agad sina nanay at inabutan ako ng tubig.

"Anak ubusin mo!"

*coughcoughcough* tinignan ko lang ang mga lalake habang hinahagod pa rin ng likod ko.

"Kuya umalis na kayo dito!" sabi ni yaya pero hindi sila pinansin.

"Linc anak pwede mo ba silang paalisin?" pakiusap ni nanay. Humiga ako dahil nakaramdam ako ng biglaang pagantok. G-gusto ko pang makita si papá.