webnovel

So many walls

LovelY_King24 · Diễn sinh tác phẩm
Không đủ số lượng người đọc
48 Chs

chapter 31

Pumasok na sila Kuya sa office ni Mama at ako balik sa ginagawa ko. Napatulala ako sa harap ng mga papeles na matatapos ko na pala. Nakakapagod rin palang maging accountant sometimes I realize is this really what I want?

Sa pagtira ko kasama ni Mama ay masaya naman kasi alam kong mag-isa na si Ma at isa pa it make us closer to each other.

I accept the post because I want to help her parang ayon na ang magagawa ko dahil alam kong naging masama akong anak because I didn't do what she wanted me. My mother wants me to take the psychologist board exam and so my father.

Napahinga ako ng malalim at napaisip…

I still didn't do what I really wanted.

Napatingin ako sa labas at eksakto naman na kalalabas lang ni Pola galing sa opisina ni Mama then an idea flickered on my mind.

Maybe this is the right time…

"Pola…" Binuksan niya yung pintuan at nagulat ng makita niya ako sa labas ng pintuan ng apartment namin dati. "Oh Thiara anong ginagawa mo dito? Mag-aalas –onse na…"

"I need your help."

"Salamat talaga Pola, tatanawin ko etong malaking utang na loob."

"Ano ka ba para ka naman others…"

"Oo nga pala magiging ate na kita!" At namula yung mukha ni Pola bago siya napangiti. "Wag ka ngang ganyan…"

"Naku kilala ko si Kuya Tux at sigurado ako kung may dadalhin man siya sa altar ikaw yun at masayang-masaya ako para sa inyo." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Alam kong magiging mahirap ang pakiusap ko pero ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako at humihingi ako ng pasensiya dahil puro problema na lang ang dinudulot ko sa iyo."

"I know that…" At alam ko naman na nagbibiro lang siya sa sinabi niya.

"But I have to do this because I believe this is the right thing to do."

Tumango si Pola at ngumiti, alam kong naiintindihan niya ako.

"Ikaw na ang bahala kay Mama, paki-alagaan siya at pakibigay na lang etong sulat ko sa kanila."

Tumango si Pola at binigay ko sa kanya ang mga sulat ko. Hindi ko talaga kayang magpaalam sa kanila.

Mahigpit kong hinawakan ang traveling bag ko at naglakad na palayo sa bahay namin.

Bago ko tapusin ang sinimulan ko kailangan ko munang may puntahan.

Kailangan ko siyang puntahan para ikapapanatag ng sarili ko…

Yet still I'm falling

Maybe I'm falling for you

Yeah I think I'm falling

Baby I'm falling for you

That I think I'm falling

Maybe I'm falling for you

Yeah I think I'm falling

-Keahiwai

Tinitigan pa niya ako kanina at halos mangawit na ako sa kakangiti sa kanya. Nagbago na ba ang hitsura ko sa loob ng dalawang buwan?

Naglalakad na siya papalapit sa akin at lalo akong napangiti.

"Thiara?"

Napatango ako, akala ko nakalimutan na ako ni… "Aling Susan!"

"Naku pagpasensiyahan mo na at hindi kita masyadong namukhaan dahil alam mo na tumatanda na ako at isa pa'y lalo kang gumaganda!" Hindi pa rin nawawala ang pagiging bolera nitong ni Aling Susan. Hindi naman siguro gumaganda, blooming lang… Kay Keanne?

"Salamat ho Aling Susan kayo talaga… Kamusta na ho kayo?"

"Halika't pumasok ka para naman makapag-usap tayong bata ka at tiyak matutuwa si Keanne pagnakita ka niya..."

Nagulat ako sa sinabi ni Aling Susan at hindi ko napigilan mapangiti habang naglalakad kami papasok ng bungalow. Totoo kaya yung sinabi Aling Susan na matutuwa nga kaya si Keanne pag nakita niya ako? Kinakabahan tuloy ako lalo… Ano na kayang hitsura niya?

Aaminin ko I missed this house very much. Wala naman siyang pinagbago, maganda pa rin at napakaayos ng sala…

"Ipagtitimpla muna kina juice at kukuha muna ako ng makakain sa kusina." Tumango ako at naglakad si Aling Susan papunta sa kusina.

Habang hinihintay ko siya ay napasilip ako sa may swimming pool, may nakita akong babaeng nakatalikod at naririnig kong may lalaking tumatawa.

Mukhang masaya yung lalaki at ng nakita ko kung sino.

Bumilis ang tibok ng puso ko at napangiti ako.

Si Keanne…

Ngayon ko lang siya nakitang sobrang saya at kitang-kita sa mukha niya na tawa siya ng tawa.

Napalitan ng lungkot ang naramdaman kong tuwa. Nung mga panahon kasing andito ako at ako ang kasama niya, ni minsan hindi ko siya nakitang naging masaya. Ewan ko pero parang nagseselos ba ako sa babaeng kasama niya.

"Naku nakakatawa talaga silang tignan…"

Napatingin ako sa likuran ko, si Aling Susan na may dalang juice at hotcake.

"Sino po yung kasama ni Keanne?"

"Ah si Ilona, bagong physical therapist ni Keanne." Siya pala ang pinalit ni Mrs. Lacey sa akin at mukhang nagkakasundo sila ni Keanne hindi tulad nung ako pa ang physical therapist niya ako.

Inabot sa akin ni Aling Susan yung juice at uminom ako. "Alam mo bang kakakuha lang ng batang yan ng board exam at nung nalaman niyang kailangan ni Madam ng physical therapist para kay Keanne ay pumunta siya agad dito."

Tumango ako sa sinabi ni Aling Susan at ngumiti kahit na nasasaktan na ako sa nakikita ko. Tinutulungan ni Ilona na maglakad si Keanne at si Keanne hindi mawala ang ngiti sa mukha niya. Napahigpit ako ng hawak sa baso parang hindi ko na kakayanin ang nakikita ko.

"Ahm Aling Susan, kailangan ko na hong umalis."

Napatingin sa akin si Aling Susan at mukhang nagulat. "Ha? Ang bilis naman ata... Hindi mo ba kakamustahin si Keanne?"

Ngumiti ako sa kanya. Hindi na kailangan mukhang okay naman siya. "Naku okay naman ho na siya, pumunta lang ho ako dito para tignan kong may progreso na po sa situation niya at mukhang inaalagaan naman ho siya ni Ilona ng mabuti." Liar!

Tumango si Aling Susan at buti na lang nakumbinsi ko siya. "Isa pa po malayo pa ho ang pupuntahan ko."

"Saan ka ba pupuntahan hija?"

"Mula ho rito ay didiretso na ho ako ng Baguio."

"Aba'y ang layo... Ano nga palang gagawin mo doon?"

"Mag-aaral ho para sa board exam, may review center ho kasi na pagmamay-ari ang Tito ko dun at nabanggit ko na rin ho ang plano kong yun kay Mrs. Lacey."

Napatango-tango si Aling Susan at napangiti sabay yakap sa akin.

"Ingat ka na lang doon at salamat sa pagbisita mo. Kung makakaluwag ka'y bisitahin mo ulit kami rito at sana'y makapag-usap kayo ni Keanne." Sana nga po…

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Sige po mauuna na ako..."

Naglakad na ako papunta sa pintuan at bago pa ako makalabas narinig ko ang boses ni Keanne. Sa wakas… Sobrang na-miss ko yun…

"Really? Yes! Thank you so much Ilona! Aling Susan may good news ho ako!"

Napapikit ako, sobrang sakit palang marinig yung boses ng taong gusto mo pero hindi siya sa iyo nagpapasalamat. Yes, I admit now, I am falling for Keanne pero mukhang imposible siyang mahulog sa akin…

Nagmadali na akong lumabas ng bahay at dumiretso sa dala kong Chevrolet. Pina-init ko agad yung engine at pinaandar ko yung kotse, pero bago tuliyan akong makalayo ay sumulyap muna ako sa bungalow nila Keanne.