webnovel

So many walls

LovelY_King24 · Diễn sinh tác phẩm
Không đủ số lượng người đọc
48 Chs

chapter 23

Aling Susan, binuhat ho ba ako ni Keanne papunta rito sa kwarto ko?"

Napatingin sa akin si Aling Susan at umiling sabay napangiti. "Naku kung magagawa yan ni Keanne aba'y malaking milagro! Si Karyo ang nagdala sa iyo. Pinabuhat ka ni Keanne kahapon ng umaga."

Oo nga malaking milagro yun! Kahapon ng umaga, hindi ba ako nagkamali ng pandinig?

"Maghapon ho akong nakatulog?" First time ko ata yun sa tanang buhay ko. Si Keanne rin kaya maghapon natulog? Baka nga gabi na yun natulog at nagpakalasing! Kung bakit naman kasi naparami ang inom ko ayan tuloy tumumba na ako agad!

"Oo hija at parehas kayo ni Keanne." Aba hindi pala tama ang instinct ko na naglasing siya buong araw, nakisabay pala sa akin! "Matanong ko lang hija, ano bang ginawa nyo sa kwarto niya?"

Nanlaki yun mga mata ko sa tinanong ni Aling Susan. Hindi kaya… Teka nga paano ba ako nakatulog kahapon… Bakit wala ata akong maalala?

"Ah nagkwentuhan lang po kami ni Keanne eh medyo na-bored ho ako sa kwento niya, hayun inantok po ako at di ko namalayan na nakatulog na pala ako." Naku naman sana maniwala si Aling Susan!

Tumango-tango si Aling Susan at napatingin sa akin. Wow convincing! "Maiwan na muna kita hija, pupuntahan ko na muna si Keanne. "

"Ay Aling Susan, pakisabi naman ho kay Keanne na magsuot siya ng jacket at pakibigyan po siya ng blanket at pakisabi ho kay Mang Karyo na may papagawa ho ako. Thank you."

Alam kong nagtataka si Aling Susan kong bakit ko pinagsusuot si Keanne ng jacket lalo na't ang init at kung bakit may blanket pa. May pupuntahan kasi kami…

"Thiam, what this joke all about…" Nasa labas kasi kami ng bungalow nila Keanne at kanina ko pa siya hinihintay. Nung nakita ko na siyang nakasuot ng jacket hindi ko na napigilan ang sarili kong mapangiti. Mukha palang totoy si Keanne! Ha ha…

"Hindi eto joke Keanne. Mang Karyo pakibuhat po si Keanne, papunta sa may shore."

Binuhat ni Mang Karyo si Keanne at tinupi ko naman yung wheel chair niya at sumunod sa kanila.

"Wala na ho ba kayong kailangan Miss Thiara?" Napatingin ako sa mga gamit na nasa paligid ko. Blanket, water jug, balloon, papers and ballpen... All complete!

"Wala na po, okay na po, kumpleto ho siya. Mang Karyo, balik na lang ho kayo bago mag-alas onse."

Tumango-tango siya at naglakad na siya pabalik sa bungalow.

Napatingin ako kay Keanne, aba kanina pa ata tahimik siya at walang reklamo!

Lumapit ako kay Keanne at pagkatapos ay tinapik ko yung balikat niya para mapansin niya ako. "Ang layo ata ng iniisip natin ha..."

Napatingin siya sa akin. "I've just remember something." Napailing siya sa a akin. "So what is this all about Thiam?"

Kinuha ko yung blanket at nilatag sa may buhangin. "Naisip ko lang Keanne na kung kahapon ay nag-inuman session tayo, dapat naman ngayon may kakaibang session tayo."

Napatitig siya sa akin. "What do you mean?"

Umupo ako sa may blanket at nag-indian sit din ako ng umupo siya. Umupo siya pero medyo malayo sa akin. Inaasahan ko na yun…

"This is a different kind of therapy. Alam ko na malungkot ka pa din dahil nga kahapon." Hindi ko na tinuloy dahil nag-chuckle si Keanne. "Kaya naisip ko na siguro ang magandang gawin ay magpalipad ng lobo at lumanghap ng sariwang hangin!"

Tumingin sa akin si Keanne. "Are you serious?"

"Yes I am. Why?"

"You made me wear this jacket just to make a balloon and made it fly in the sky?" Tumango ako sa kanya. Anong problema dun? Ang cute nga nun eh… Eto talaga si Keanne, napa-KJ!

Tinanggal niya yung jacket niya at binato sa akin. Tignan mo nga eto! Ang sama talaga ng ugali…

"You wear that." Nanlaki naman yung mga mata ko. Pinapasuot niya sa akin? Bakit naman kaya?

Kinuha ko naman yung jacket at sinuot ko. Wow comfortable pala!

"Let's do what you want." Aba bakit parang nagmamadali ata etong si Keanne? Binigay ko sa kanya yung lobo na wala pang hangin sa loob at yung papel.

"Tell me what we will do."

"Ganto, isa sa mga helping methods to ease pain or sadness is to write down all the troubles and memories you want to drift away…" Alam kong hindi

magiging madali yun kay Keanne but as a psychologist I advice that some sort of therapy.

Kinuha niya yung pen at paper at ako rin kumuha na.

Tumalikod siya sa akin. Magsusulat na siguro siya… Naku ako rin pala… Ano nga ba ang isusulat ko?

Alaine… Ang daming nakakamiss sa iyo at isa na ako dun. Kung nasaan ka man please guide mo ako na sana makayanan ko pang pakisamahan ang taong pinakamamahal mo… Si Keanne…

Tinupi ko yung paper at itinali sa lobo. Dalawang kopya ang ginawa ko. Nilagay ko yung isa sa loob at yung isa sa mismong tali.

"Tapos ka na Keanne?"

Tumango siya at nilagay na na rin yung fold na paper sa may isa pang lobo.

Huminga siya ng malalim at mahigpit na hinawakan yung lobo.

"Paliparin na natin…"

Nauna akong nagpalipad at lumipad ng napakalayo yung akin ng hanggang sa di ko na matanaw.