webnovel

So many walls

LovelY_King24 · Diễn sinh tác phẩm
Không đủ số lượng người đọc
48 Chs

chapter 19

What the hell is the connection of my lungs to these two stupid feet?"

Naku naman nahi- high blood na si Keanne. Hindi go pa rin ako sa plano ko!

"Mr. Keanne malaki ang kuneksiyon ng lungs mo sa mga paa mo. Sa tingin mo paano ka makakalakad kung hindi ka makakahinga?" Tama naman ako di ba? May point ako dun!

"I know that Thiam what I wa-"

***SPLASH***

"Why did you do that?" Galit na galit na tumingin sa akin si Keanne at ginalaw niya yung mga fists niya.

Naku naman Thiara, maghanda ka na! "To keep you quiet and follow my orders!"

"You…"

Hinawakan kong maigi yung bottle ng mineral water, isa pang sigaw niya naku ibubuhos ko na talaga sa kanya! Ang tigas kasi ng ulo niya at panay reklamo kaya ayun napilitan akong ibuhos sa mukha niya yung mineral water na dapat iinumin niya.

"Sige subukan mo lang na laitin ako, makakatikim ka nitong tubig na ulit sa mukha mo!"

Kinuha niya yung towel sa leeg niya at pinunas sa mukha niya at tumingin siya sa akin. Hindi na galit.

"If that's what you want Thiam, I will follow your orders ONLY during our session BUT be sure that everything you want me to do will have connection and will help me to my condition OR ELSE…"

Lumapit siya sa akin. Napaatras ako agad dahil nababasa ko yung gusto niyang mangyari at di ako makakapayag na…

Oh no!

***SPLASH***

"Ha ha ha…"

Walang hiyang lalaki ka! "Keanne tulungan mo ako dito..."

Ngumiti siyang nakakaloko sa akin. "Why would I? It's your fault Thiam why you fell in the swimming pool. I think the session had just finished. Good bye Thiam!" At pinaandar niya yung wheelchair niya papalayo sa akin.

Hindi ako makakapayag! Keanne humanda ka sa akin! With all my powers, umahon ako agad sa swimming pool at tumakbo agad kay Keanne.

"Keanne..."

Napahinto siya sa pagpapandar niya ng wheelchair at napatingin sa akin.

Ng magkaharap na kami…

"What's with that face Thiam, like a angry boar?" Aba nang-asar pa talaga! Naku ang sama talaga ng ugali niya!

Tignan na lang natin kung sino ang magmumukhang baboy ramo sa sakit sa gagawin ko!

1…

2…

3…

"Shit! THIAM..."

Tumakbo ako palayo sa kanya. "Eh sino ngayon ang mukhang baboy ramo sa sakit ng paa niya?"

Tumingin siya sa akin ng ubod na sama na halos lahat na ata ng dugo niya ay napunta na sa mukha niya!

"You will pay for this Thiam!"

I think this will be the beginning of the PT versus PATIENT war…

"Well all I can say Keanne is just SHAKE IT OFF!" And will all I might I just make the most flexible shake of my feet… Pang-asar ba?

Don't try to play me,

You'll never have the chance,

Let me on, and I'll sing mine.

Never try to trick me,

With me your gonna loose,

Don't try to stop this game of love.

-DJ Rankin

"Naku naman..." Ang malas ko talaga! "Sorry talaga Thiara…"

Hay ano pa nga ba ang magagawa ko… "Ayos lang Pola, wag kang mag-alala kakayanin ko eto." Good luck na lang sa akin! Bakit ba naman kasi napapayag ako na maging PT ng monster na yun!

"Basta pagdumating si Rut from Thailand ipapatawag ko talaga sa iyo. Si Fe kasi nagbago ng cellphone number at sa pagkakaalam ko nasa Davao pa siya ngayon kasi sobrang pasensiya na Thiara."

"Salamat talaga Pola... Goodbye. Ingat ka diyan ha…"

Ini-off ko yung cellphone ko at napatingin sa labas. I guess I have no choice. Bahala na…

"Hoy Keanne!" Aba ang kapal talaga ng lalaking eto! "Nang-iinis ka ba talaga?"

Tinanggal niya yung shades niya sabay tingin sa akin. "Do I know you?" Sitting pretty ang lalaking eto malapit sa swimming pool at take note mukhang nagsu-sunbath ang loko! Talagang pinapataas niya ang blood pressure ko! Session namin ngayon hindi sun bathing session niya!

"Ah ganun ha…" Lumapit ako sa kanya at aktong aapakan na yung mga 'precious at golden' feet niya ng ngumiti siya sa akin.

"Of course I remember you. You're Thiam, my one and only PERSONAL MAID!"

Tinitigan ko siya. Wag kang papaapekto Thiara. Kalma lang…

"Okay fine, I'm just your personal maid well, Sir; I will be having my day off." Ngumiti ako at papaalis na ng may naisip ako. "By the way monster, ang ganda pa naman sana ng ipapagawa ko sa iyo." At mabilis pa sa bente-kwarto oras na balita ang lakad na ginawa ko.

KEANNE'S POV

What did she call me? A monster! "Thiam come back here!"

Tumingin siya sa akin at lumapit siya agad. "May kailangan ka pa Sir Monster?"

"Stop calling me that hideous name! What are you saying just a little while about our session?"

"Do we have a session?" She is really getting to my nerves. I looked at her firmly.

She smiled and made a clap. "Ay oo nga meron! Gusto mo bang nalaman?"

I couldn't stop myself from smiling. Shit! I remember Alaine…

"Thiam don't make me wait."

Ngumiti siya ulit at ang ginawa naman niya ay itinaas yung kamay niya at nilagay sa ulo…

Shit! She's not Alaine, Keanne… She's not…

END OF KEANNE'S POV

Pasalamat siya at isa akong mabait na PT! "Eto ang gagawin natin, makinig ka at hindi ko na uulitin. This is not an exercise, this game and I called it the game of love!"

"You're not joking right Thiam?"

Mukha ba akong nagloloko? Etong lalaking eto parati na lang joke ang dating ko. Ano ba ko clown?

"I'm not joking Keanne. Okay let's start…" Umupo ako at ipinatong yung dalawang paa niya sa lap ko sabay…

"What the heck! Are you trying to tickle me?"

Ngumiti ako sa kanya. "I guess you know now the game. I will tickle your feet to know where really are the worst part and the first I should be able to know so we can remedy the problem."