webnovel

THE TRUTH BEHIND MYSTERY

"Donatello, hindi mo na ito dapat ginagawa." pagkumbinsi ni Webster. Lihim siyang umaasa na maging effective iyon.

"Tama. Hindi ko na nga ito dapat ginawa pero nahuli si Theodore. Kundi hindi siya pumalpak, patay ka na. Wala nang rason si Skylar para tanggihan ako! Nandoon kami kanina. Pero dahil nakita naming mukhang mahuhuli siya, agad naming pinuntahan si Skylar. Kailangan ko na siyang mapapayag na magpakasal. Tinapos ng ni Stephen ang pagfi-finance sa project ko. Ramdam ko rin na hindi na kami patatagaling mag-ama sa CSRI dahil wala siyang napapala sa amin. Pero hindi ako papayag! Mapapasaamin ang CSRI sa ayaw at gusto niya! But this bitch didn't want to! Fuck her!" galit na sigaw ni Donatello.

"Ikaw ang panggulo sa plano namin! Dapat talaga, hindi ka na lang nagparamdam. Magiging okay na ang lahat! Pero sa pagbalik mo, nalilito ulit si Skylar. Nagkaroon ka pa ng panibagong imbesyon! Nilalampasan mo na naman kami nila Theodore! Your friend was so jealous and angry. Hindi kami nahirapang kumbinsihin siya. Gusto rin niyang makaganti dahil sa pagsira mo sa Titanium!" galit na sigaw ni Alfeo.

Binilisan na ni Webster ang pagkaskas ng bubog sa tali. Kita na niyang nangangatal na si Alfeo dahil sa sobrang galit. Mariin na ang pagkakatutok ng baril nito sa ulo ng pulis. Kaunting tulak na lang, puputok na iyon!

Ngayon tuluyang naiintindihan ni Webster ang lahat. Sa pagkakatanda niya noong hindi pa nababago ang nakaraan, noong namatay si Skylar ay namatay din si Stephen at naging BOD ang mag-amang Donatello. Ngayon niya nabigyang kahulugang mayroong kinalaman ang mag-ama dahil pinagiinteresan nila ang kumpanya!

Dahil sa mga isiping iyon, kailangang magtapos na ang kasamaan ng mag-ama! Gagawin niya ang lahat para matigil na iyon!

"You really have to die!" sigaw ni Alfeo at itinutok sa kanya ang baril. Nagkaroon ng pagkakataon ang pulis na makakilos. Agad nitong itinaas ang kamay ni Alfeo at pumutok ang baril. Natamaan ang kisame.

Doon napunta ang atensyon ni Donatello. Nilapitan nito ang pagpapambuno ng dalawa. Sumigaw si Webster at pinilit na putulin na ang tali sa pamamagitan ng puwersa at lakas. Nagawa naman niya dahil nahiwa na rin naman iyon ng bubog. Si Skylar ang naisip niyang unahin. Agad niya itong kinalagan at inalis ang busal sa bibig. Kinuha niya ito sa kama at inilayo sa kaguluhan.

"Damn you!" galit na sigaw ni Donatello nang makita sila. Agad sila nitong hinabol pababa nang hagdan. Nang maabutan siya ay tinadyakan siya sa likuran. Nahulog siya sa hagdan! Mabuti na lang ay nakababa na si Skylar kaya hindi niya ito nadaganan!

"Webster!" alalang sigaw ni Skylar.

"Go!" sigaw niya at napangiwi sa sakit ng tadyang. Hindi siya agad nakabangon dahil sa pinsalang natama. Tumama iyon sa hagdan nang mahulog. Ramdam niya ang mala-delubyong hatid ng sakit na iyon na halos makapagparalisa sa kanya.

Pero hindi ito nakinig. Binalikan siya! Sakto namang hahatawin siya ni Donatello nang malaking upuan nang iharang ni Skylar ang katawan.

"Nooooooooo!" nahihintakutang sigaw ni Webster. Doon sila nakarinig nang putok ng baril. Nabitawan ni Donatello ang hawak at bumagsak ito sa sahig!

Si SPO1 Monteverde ang bumaril kay Donatello. Agad itong lumapit at sinuri sila. Nagalala ito nang malamang mayroon siyang pinsala sa tagiliran. Tumawag agad ito ng ambulansya. Doon naman dumating ang mga back up nito. Hindi nagtagal ay dumating din ang ambulansya at dinala sila sa pinakamalapit na ospital.

After an hour, dineklarang DOA ang mag-ama. Binaril din ng pulis si Alfeo at sa dibdib ito tinamaan. Si Webster ay nagkaroon ng bali sa tadyang at agad iyong in-operahan. Si Skylar naman ay kasama na ang ama sa presinto. Agad itong tinawagan ng mga pulis para ipaalam ang nangyari sa dalaga. Nagpunta naman agad ito. Hindi nito iniwanan ang anak habang kinukuhanan ng statement.

Nang magkamalay si Webster ay namulatan niya si Skylar na nagbabantay sa kanya. Napangiti siya. Oh, he even wanted to cry! Finally, nakamulatan na niya ito sa paggising…