webnovel

THE PROMISE

After six months…

"How's everything?" seryosong tanong ni Skylar kay Norway. Agad nitong itinaas ang eye proctector at iniharap siya. Kasalukuyan itong inaayos ang sensor system at electrical wiring ng time machine. Hindi na siya nagawang harapin ng ilang computer engineers at staff dahil busy sila sa kani-kaniyang gawain.

Tuluyang nag-focus si Skylar sa project na iyon. Nag-resign siya sa CSRI at naging financer. Malaki na ang ipon niya at pagkakaperahan din naman ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

Hindi sinabi ni Skylar ang totoo sa ama. Alam niyang tututol lang ito. Ni hindi rin niya sinabi ang tungkol sa pagpunta ni Webster sa past para iligtas siya. Hindi man ganap na malinaw kay Skylar ang lahat, base sa mga napanood niyang videos at nakitang impormasyon ay nanganganib ang buhay nila. Dahil sa taong nagtatangkang patayin siya, kinailangan niyang magingat. Hindi wise na magsabi na lang basta ng mga impormasyon at baka madamay pa ang daddy niya.

Nagdahilan na lang si Skylar sa ama. Sinabi niyang gusto niyang mag-focus sa pagsusulat ng libro lungko sa botany at iyon ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Natahimik ang daddy niya nang i-assure na okay lang siya.

Tuluyan na ring nakabalik si Cynthia at asawa nito sa ibang bansa. Maging dito ay hindi niya sinabi ang plano. Sila lang ang nakakaalam ni Norway pati na ang team nito. Balak din naman niyang sabihin iyon kapag sigurado na ang lahat. Sa ngayon ay inililhim na muna niya iyon.

Si Donatello ay tumatawag-tawag pa rin. Kinukumusta siya nito pero kadalasan ay umiiwas na rin siya. Ayaw na niya itong paasahin kaya siya mismo ang dumidistansya. Inubos na lang niya ang oras sa project.

Ginamit nila ang basement niya para gawing laboratory. Maliit iyon pero kasya naman ang mga gamit nila. Hindi naman mainit dahil airconditioned. Marami rin naman siyang room kaya doon na rin natutulog ang ilang staff na hindi na kayang mag-biyahe. Mababait naman sila at maasahan. Napatunayan na niya iyon sa loob ng anim na buwang kasama ang mga ito.

"Getting better. Right, Dr. Ingram?" tanong ni Norway sa matandang reverse engineer na busy sa harapan ng computer. Nasa edad fifty na ito pero mukhang seventy na dahil sa dami ng white hairs. Magulo rin ang buhok nito dahil hindi ugaling magsuklay. Makapal ang salamin dahil malabo na ang mga mata. Nakatutok ito sa computer at pinanonood ang pagdaloy ng mga numero.

"Dr. Ingram?" tawag ulit ni Norway. Doon pa lang napatuwid ng upo ang matanda at mukhang nagulat pa nang makita sila. Agad itong napatayo.

"I-I'm sorry. Absorbed lang ako sa ginagawa ko. Ano ba ang tanong mo?" tanong nito. Agad naman itong pinaliwanagan ni Norway at napapitik ang matanda. "Oh, yes! Everything is great. Look." anito at iginiya sila sa tapat ng computer nito.

"Lahat ng mga data ni Dr. Fereira ay sinundan ko. Luckily, hindi pa tayo nagkakaroon ng problema. Wala namang virus attack or hacking na nangyayari. Ginawan ko na rin ito ng firewall at para hindi basta mapasok. Nagdagdag din ako ng mga programs para mas bumilis ang calibration." anito.

"Good." puri ni Skylar. Natutuwa siya sa mga nalalaman. Kapag ganitong mga klaseng balita ang naririnig niya ay balewala sa kanya ang gastos.

Tinapik niya sa balikat si Norway. "Okay. Maiwan ko na muna kayo. May pupuntahan lang ako. If you need anything, don't hesitate to call, okay?" nakangiti niyang saad.

Ngiting tumango si Norway at bumalik na sa trabaho. Si Skylar naman ay tuluyang iniwanan na ang team. Umakyat na siya at naligo. Matapos ay nagayos siya saka lumabas. Sa sementeryo ang punta niya. Bumili muna siya ng isang bungkos ng bulaklak para kay Webster.

Naglakad na lang si Skylar papuntang puntod. Malungkot siyang ngumiti nang makita ang lapida nito. Ipinatong niya roon ang biniling bulaklak at naupo sa tapat.

"Everything is fine, Webster." balita niya at sinabi ang mga nangyari. Kahit madalas niya itong dalawin ay hindi siya nagsasawang magkwento.

Sa ngayon ay wala pa rin silang lead. Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang pagkamatay nito. Masasabi niyang malinis ang pagkakapatay kay Webster. Walang witness, finger prints o anuman ang nakuha ng mga pulis. Dahil doon ay nahihirapan silang i-solve ang kaso.

She sighed. "I miss you, Webster. So much…" malungkot na anas ni Skylar at hinaplos ang lapida. Bumigat ang dibdib niya at naginit ang mga mata. Her sadness made her want to cry but no. That was only temporary. Pinalakas ni Skylar ang loob na sooner or later, magkikita rin sila ni Webster.

"When that time comes, babawi ako. I promise." anas ni Skylar at malungkot na ngumiti. Huminga siya nang malalim at pinakalma ang sarili. There's no need to be sad now. Nalalapit na ang pagkikita nila ni Webster…