webnovel

METAMORPHOSIS

"Nasaan na kaya si Webster?" mahinang tanong ni Skylar at napatingin sa wrist watch. Alas otso na ng umaga. Iyon na ang oras nang pagalis nila. Naghihintay na rin ang piloto ng chopper na sasakyan nila papuntang Davao.

"Siya na ba 'yan, Ma'am?" tanong ni Redem—ang forty five year old pilot nila.

Napalingon si Skylar sa itinuro nito. Noong una'y napakunot ang noo niya dahil same built and height ito ni Webster pero sa huli ay kumabog ang dibdib niya nang tuluyang makilala ang lalaki.

Nagpagupit ito. Mas maigsi na iyon kaysa noon at nagkaroon ng style ang buhok. Medyo angat ang harap noon at hindi na naka-wax. Mukhang hinayaan na lang nitong ganoon. Wala na rin ang makapal nitong salamin. Maybe he was using lenses now. At ang porma nito! Nawala ang suspenders! Plain light blue polo na medyo hapit dito at jeans ang pants. Hindi na kita ang medyas nito. Akma na rin ang sneaker na suot ito!

The boy nerdy Webster became a gorgeous hunk! Paano'ng nangyari iyon sa loob ng dalawang araw lang? Nakakaloka! Nakanganga na siya! She was so shocked seeing him this gorgeous! Lumitaw ang tunay nitong itsura na nahahawig kay Chris Hemstworth!

"Hi," kiming bati nito. Halatadong naiilang sa itsura. Oh! Nakadagdag pa iyon sa charm nito!

Biglang-bigla, gusto itong ibulsa ni Skylar. Ayaw niyang makita ito ng iba! Baka biglang magkadarapa ang mga babae oras na makita kung gaano ito kaguwapo at katalino. He was a great catch! Ah! Ano'ng gagawin niya?

Wala! Hindi ka niya girlfriend kaya wala kang karapatang bakuran siya! komento ng isip ni Skylar. Napabuntong hininga siya. Naalala na naman niya ang magandang babae na nakita sa restaurant noon. Nanghihina na naman ang kalooban niya.

"Sorry, I'm late. Let's go?" anito. Obvious na hindi pa confident dahil panay ang hawak sa batok.

"O-Okay." aniya at tumalima na. Nahigit niya ang hininga nang alalayan nito at isinakay na sa chopper. Hindi nagtagal ay lumipad na sila papuntang Davao.

Hindi mapakali si Skylar sa biyahe. Nai-stress siya sa overwhelming presence ni Webster. Mas lalong tumindi kasi iyon ngayong lumabas ang totoo nitong itsura.

"Are you okay?" worried na tanong nito.

"Oo," pigil hiningang sagot ni Skylar.

Napasinghap siya nang hawakan nito ang kamay niya. She instantly felt his warmth. Napahawak tuloy siya roon dahil gusto niyang namnamin ang init nito.

"Nanginginig ka. Are you scared?" medyo worried na tanong nito.

Nanginginig ako kasi ang pogi mo! Anu vuh? lihim na napangiwi si Skylar sa naisip na dahilan. Hindi siya kailanman takot sa height. She even enjoyed it. Ngayon lang siya nagkaganoon dahil ang tindi ng presensya nito!

"Okay lang ako." pigil hiningang saad niya.

Napamaang si Skylar nang hawakang maigi ni Webster ang kamay niya. "It will be okay. Just hold my hand,"

Aw… natunaw ang puso ni Skylar. Bakit ba kasi ito ganoon kamaalalahanin? Nahuhulog tuloy lalo ang puso niya at nakakaloka iyon. May girlfriend ito! Hindi sila dapat nagho-holding hands!

Kumawala siya kahit puno ng panghihinayang ang puso. "H-Hindi puwedeng makipag-holding hands ang may g-girlfriend na." aniya at tumingin sa labas ng bintana.

Natahimik si Webster. Napabuntong hininga naman si Skylar. Bumigat ang pakiramdam na naman niya. Hanggang makarating tuloy ng Davao ay ganoon siya.

Pagdating sa Davao ay agad silang sinalubong ni mayor. Inistima at pinakain hanggang sa pinahatid sa resthouse. Mayroon silang makakasamang katulong doon at may guwardya pa. VIP talaga ang treatment.

"Sige. Magpapahinga na ako," paalam ni Skylar.

"Wait," awat ni Webster.

Napabutong hininga si Skylar at humarap. "What?"

Napahagod sa buhok si Webster. Bahagyang pinamulahan ng mukha. Nakitaan niya ito nang uncertainty. Ilang beses itong huminga nang malalim para palakasin ang dibdib.

"Look. I'm tired and—"

"S-Sino'ng nagsabi na may girlfriend na ako?" pigil hiningang tanong nito.

Natigilan si Skylar. "Nakita ko sa restaurant last time. Iyon kamukha ni Lindsay Lohan?"

"Oh… That's Ate Cynthia. She's my cousin." napapatangong saad ni Webster.

Napamulagat si Skylar. "P-Pinsan mo?"

"Yes. Galing siya sa states. Doon kasi siya nakapangasawa. Dalawa na lang kasi kaming buhay. You see, maliit lang ang pamilya namin. Ang mga tatay namin ang magkapatid at pareho nang namatay. Wala na rin kaming grandparents. Kaya sa tuwing umuuwi siya, nagkikita kami." paliwanag nito.

"Paano noong nagkasakit ka? Sino'ng tumingin sa'yo?" alalang tanong niya. Sa haba ng explanation nito ay naalala pa niya iyon.

Nagkibit balikat ito. "Ako lang. Sanay naman na ako,"

Oh, her heart broke for him. Parang hindi niya ito ma-imagine na magisang inaasikaso ang sarili. He needed someone to take good care of him. "Pero…"

"Skylar, okay lang. Don't worry. Ikaw din naman. You live alone, right? Nakwento 'yan ni sir." malumanay nitong saad.

Napalabi siya. "Oo pero nand'yan pa si dad. I can see him any time. Pero ikaw…"

Ngumiti ito. Tumigil sa pagtibok ang puso niya nang makita ang guwapo nitong ngiti. That was the first time! Oh, he was so damn handsome!

"It's okay. Matagal ko nang tanggap ito. Ten years old ako nang mamatay ang mga magulang ko dahil sa aksidente. Nakapag-aral lang ako dahil sa naiwanang savings ng parents ko. Magmula noon, si Ate Cynthia na ang naging guardian ko. Eighteen siya ng time na iyon. Now, she's thirty eight. Bata lang talaga siyang tingnan." nakangiti nitong sagot at kita talaga ni Skylar na wala na itong lungkot. Kahit paano ay napanatag siya.

At natuwa! Wala itong girlfriend! Yes!

"Okay then." pigil hiningang saad niya.

"Ako na ang magpapasok ng gamit mo," anito at binuhat na ang traveling bag niya. Matapos ipatong sa kama ay lumabas na ito.

Impit na napatili na lang si Skylar nang mapaigsa. Pakiramdam niya ay free na siyang pagpantsayahan si Webster. 

Napabungisngis siya sa naisip.