webnovel

FIGHT FOR LIFE

"S-Sir Alfeo?" hindi makapaniwalang anas ni Webster. Nakatutok ang baril nito sa batok ni SPO1 Monteverde habang nakataas naman ang dalawang kamay ng pulis. Tiim bagang ito. Hindi niya nakitaan ng takot kundi mukhang nagiisip ng paraan para mabaligtad ang sitwasyon. Dahil doon, nakaramdam man ng takot si Webster ay hindi iyon lubos. Nilakasan lang niya ang loob dahil doon.

Dahil parehong silang sukol ni SPO1 ay nagkaroon ng pagkakataon si Donatello na makaalis sa pagkakahiga at undayan siya nang malakas na suntok sa mukha. Agad siyang napasubsob sa sahig at nagmanhid sa sakit. Ngitngit na ngitngit si Webster!

"Noon at ngayon, tinik ka sa lalamunan naming mag-ama!" galit na sigaw ni Donatello at pinagtatadyakan siya. Biglang nawala ang professional scientist na nakilala ni Webster. Donatello became a beast. Napaungol na lang sa sakit si Webster dahil sa pambubugbog nito.

"Tie them." utos ni Alfeo. Agad namang tumalima si Donatello. Tinali rin siya sa likuran gamit ang charger ng cellphone dahil iyon ang una nitong nakitang madaling maabot. Nang matapos ay hinila siya at isinalya sa sulok. Lihim na napamura si Webster nang makitang luhaan at takot na takot ang mukha ni Skylar. Hindi ito makapagsalita dahil binusalan ito.

Marahan siyang umiling. Hindi siya nagpakita ng takot para hindi ito mawalan ng pag-asa. Determinado niya itong tinitigan. "Everything will be okay. Don't cry." anas niya.

"Oh, yes. Kapag napunta na sa amin ang CSRI, okay na talaga ang lahat. Hindi ko na kayo kailangan!" nakakalokong sagot ni Alfeo.

Napamaang si Webster hanggang sa nagtiim ang bagang. Halos sumabog na ang dibdib niya sa sobrang galit dito! "You plan this all along?"

"There's no use on denying this. Mamatay din naman kayong lahat. Ang plano ko, ipakasal sina Donatello at Skylar. Papatayin ko si Stephen para mapunta kay Skylar ang CSRI. After that, I will kill her too para mapunta nang tuluyan kay Donatello iyon. Nagkasundo naman kami ni Donatello na ibigay sa akin ang CSRI dahil ang gusto lang naman niya talaga ay si Skylar. May son wants her."

"Want. He didn't love her." gigil na anas ni Webster.

Nilapitan siya ni Donatello at hinaklit ang kuwelyo. "Who cares about love? Walang pagmamahal, Webster. Kung mayroon, nasaan ang nanay ko? Sumama sa ibang lalaki! Iniwanan kaming magama! Pagmamahal ba iyon? No!" galit nitong sigaw at padarag siyang binitawan.

"My son is right. Walang pagmamahal. Napagdaanan na naming dalawa 'yan. Ilang beses ba siyang tinanggihan ni Skylar? Hindi ko na mabilang! Kaya inaasahan na ito ng anak ko at tanggap na niya na hindi magtatagal sa buhay niya si Skylar. He will just use her and after that, dispose her. Mas magandang si Donatello na ang gumawa noon kaysa si Skylar!" dagdag ni Alfeo.

Hindi niya inaasahan iyon pero ngayon niya nakita kung ano ang nagtulak sa mga ito kung paano maging sobrang sama. Their pasts made them twisted. He felt sorry for them…

But it doesn't mean he will let them. Pasimple niyang sinubukang makawala sa pagkakatali hanggang sa makapa ang may kalakihang bubog sa likuran. Mula iyon sa mga nabasag na figurines. Mukhang nanlaban si Skylar kanina. Kinuha niya iyon at sinubukang kaskasin ang wire. Mahirap pero titiisin niya. He only needed time. Dahil doon ay pinahaba pa niya ang diskusyon nila.