webnovel

Kabanata 16

KABANATA 16

-AMANDA-

"MOM, EARLIER I met some gals at the park and they were saying that my name is too weird." nakangiwing pagsusumbong ni Cyvix habang nasa loob kami ng kotse ni T.

Papunta kami ngayon sa bahay nila T dahil nga sa dinner na sinasabi ni Leox kanina. Wala naman akong balak na pumunta kaya lang ay sinundo na ni T ang anak ko. Isama mo pa na ipinagpaalam ako ni Leox kay Mr. Streus.

Matapos ng ilang oras na paguusap nila Leox sa loob ay lumabas ito at sinabi sa akin na puwede na akong mag-out ng alas singko.

Hinintay ako nila T at Cyvix sa may lobby. Hindi ko nga alam kung ano ang ginawa nila para hindi ma-bored sa limang oras na paghihintay nila. They are very close.

"Your name is just unique." nakangiti kong sagot sa kanya.

Cyvix is just five years old pero iba na siyang magisip. Sa apartment na tinitirahan namin ay iniiwan ko siyang magisa. Basta nilulutuan ko nalang siya ng kakainin niya at siya na ang bahalang magpainit gamit ang microwave. Kaya na niyang magsalita ng diretso, tagalog o english, at magsulat ng pangalan niya pero hindi pa siya marunong magbasa.

Tinatamad daw siya at saka na daw niya pagaaralan kapag six years old na siya. That would be when he's already a grade one student. Mahihirapan siyang makapunta sa top class pero okay lang naman daw sa kanya. Studying is boring daw kasi.

I guess namana niya sa tatay niya ang katamaran niya.

"Really mommy? But I think you just played with my name, right dad?" baling niya kay T na nasa driver's seat.

"I don't know what to say baby. Your mom might get angry at me." nakangiting sagot ni T habang nakatingin sa may salamin.

"You're such a coward, dad." angil ni Cyvix na may himig ng pagtatampo.

Napangiti ako bago binuhat si Cyvix para paupuin sa lap ko. I kissed him on his cheek but he's still ignoring me making a pouty lips. So cute.

"Baby you are the most important person to me you know that, right?" I asked him and he just nodded.

"That's why I named you after the important people in my life." I added.

"So who is Cyvix mom?" he demanded.

"Vi stands for your Tita Veatrice." I explained.

"I haven't met her yet."

Hindi pa nga niya talaga nakikilala ang kapatid ko. Dito ko na kasi ipinanganak si Cyvix. Gaya nga ng sinabi ko ay pinutol ko na ang komunikasyon ko sa pagitan ng mga kakilala ko sa Pilipinas maliban kay Simoun. Hindi rin alam nila Veatrice na may anak na ako. Pinangako rin sa akin ni Simoun na hindi niya sasabihin.

"But you've seen her picture." singit ni T sa usapan.

"Yeah. She's pretty but mom is prettier and hotter."

Mana talaga sa ama.

"I have to agree with you Cyvix." nakangising saad ni T na sinamaan ko ng tingin.

Sinasakyan pa kasi ang bata.

"X comes from your dad." pagpapatuloy ko.

"I thought X is for me, Leox and Virgaux." muli na namang pagsabat ni T.

"Magdrive ka na nga lang T." sita ko sa kanya.

"Dad, I think my name would be more gross if mom put T instead of X." pagbaling ni Cyvix kay T. "Cyvit. I don't like it." aniya na tila nagiisip pa ng iba't ibang senaryo sa utak niya.

"Yeah yeah." tatango tangong sabi ni T na tila ba natalo sa pakikipag usap kay Cyvix.

Bumaling ako kay Cyvix and this time he's now smiling.

"Hindi ka na galit kay mommy?" I questioned.

"Nope. And by the way mom where did Cy came from?" he asked seemingly interested.

Bahagya akong napahinto sa tanong niyang iyon. Hindi ko aakalain na isasama pa niyang tanungin iyon. Nilaktawan ko na nga.

But I guess it can't be helped. Nilagay ko siya sa pangalan niya kaya kailangan kong panindigan.

"Baby --"

"We're here!" bulalas ni T dahilan para matigil ako sa pagsasalita.

Hindi ko ata namalayan na nakarating na kami.

Kaagad na bumaba sa loob ng kotse si T at binuksan ang backseat sa gilid ko. I saw him smiled at me. I felt relieved knowing that he helped me to get out of Cyvix's question.

Ipinuwesto niya ang braso niya sa harap ni Cyvix upang ayain ito na kargahin niya. Kaagad namang sumama sa kanya ang bata.

"May susunod pa Amanda, hindi lang ito ang pagkakataon na magtatanong siya." bulong sa akin ni T habang bumababa ako ng kotse.

Ngumiti ako bilang sagot. Alam ko naman iyon. Kaya sa susunod kakailanganin ko ng lakas para sabihin sa kanya na si Cy, Cee, ay ang nagiisang lalaking minahal ko. Sana sa araw na magtanong siya naka move on na ako sa kanya. Six years na rin ang nakakalipas kaya sana maging madali nalang.

"I'm hungry na mommy and daddy. You can continue your lovey dovey moment later. And oh dad didn't I told you I still don't want to have a sibling. I am not old enough to handle a baby when both of you are gone to work" mahabang salaysay ni Cyvix habang buhat buhat siya ni T papasok sa loob ng bahay nila.

Ako naman ay sumunod na sa kanila. Kita ko ang paguusap ng dalawa. Inaasar ata ni T si Cyvix at ang huli naman ay pinapalo siya dahil asar na nga siya.

Ang laki na ni Cyvix. Sooner or later marami na siyang magiging tanong. Tanong na hindi ko alam kung masasagot ko pa. Tanong na hindi ko maiiwasan.

"Tita V!" masiglang sigaw ni Cyvix ng makapasok na kami sa sala.

Nandoon sa sala si Virgaux kasama ng parents niya. Tumayo ito sa pagkakaupo at masayang sinalubong si Cyvix.

Virgaux looks like a sophistocated and educated woman. Kakagraduate lang nito ngunit ang sabi ni T ay high school palang ay nasa agency na nila siya.

"Hi Cyvix." she greeted my son as she walks toward him.

Kumalas sa pagkakayakap si Cyvix kay T at nagpakarga naman kay Virgaux. Malugod naman siyang binuhat ni Virgaux papunta sa tabi ng mommy niya.

"Puwede ng magasawa si Virgaux." komento ko kay T habang sabay din kaming naglalakad papalapit sa kanila.

"Not yet Amanda. Hindi pa nga kami kasal na mga Kuya niya." natatawang iling ni T.

Right now nasa 30s na si T pati na rin ako ngunit zero sa lovelife. Busy kasi masiyado.

"Lola I missed you too." ani Cyvix saka humalik at yumakap sa matanda.

Nakipagbeso ako sa daddy at mommy ni T. Ganoon din ang ginawa ni T saka umupo sa sofa katabi ko. Tuwang tuwa ang dalawang matanda habang nakikipagusap kay Cyvix. Matagal na rin kasi silang naghahangad ng apo.

"Amanda." baling sa akin ni Virgaux.

"Yes Virgaux?"

"Bakit hindi nalang kayo bumalik dito sa bahay? Kahit hindi pa kayo kasal ni Kuya okay lang naman."

Natigilan ako sa sinabing iyon ni Virgaux. Umalis nga ako kasi baka maging pabigat ako, kami ng anak ko, tapos babalikin nila kami. Noong bata pa si Cyvix ay ang mommy at daddy ni T ang nagaalaga sa kanya. Hindi naman sila nagrereklamo dahil sila pa nga ang nagboluntaryo. Matatanda na daw kasi ang mga anak nila at gusto nila ng bata bilang libangan.

"Unang apo namin si Cyvix at gusto naman namin siyang makasama kahit papaano." dagdag pa ng mommy nila T.

"Ikaw naman kasi anak bakit hindi mo pa pakasalan si Amanda." ani daddy ni T.

"I told that to them too Lola. But dad is too slow, he didn't proposed to mom yet."

We're cornered. We are totally cornered by them.

"Mom, I don't want to rush everything. Dadating din kami sa parteng 'yan." pagpapaliwanag ni T na hinawakan pa ang kamay ko at tumingin sa akin saka ngumiti.

"Saka puwede naman pong bumisita o kuhanin niyo si Cyvix kung gusto niyo po. Hindi ko naman po siya ipinagdadamot." nakangiting suhestiyon ko.

Tamang tama rin kasi magiging busy ako sa linggong ito. Aalis ang boss ko at mukhang sa akin maiiwan ang lahat ng alalahanin sa kumpanya.

NATAPOS ANG dinner at nagpumilit sina Tita at Tito na doon na kami matulog. Okay lang naman sa akin kahit na si Cyvix nalang. Pumayag dij ang anak ko na siya ang maiwan. Inihatid ako ni T sa inuupahan kong bahay at ngayon nga ay nandito na kami sa tapat.

"Salamat sa paghatid T." pagpapasalamat ko at akmang lalabas na nang magsalita siya.

"Don't stress out yourself Amanda."

"Hindi ko naman ginagawa eh." depensa ko.

"You missed him?" he asked out of the blue.

Napaisip ako sa sinabi niyang iyon. Miss ko na nga ba? Oo lang naman ang sagot.

Siya ang kaisa isang lalaking minahal ko. Kaya lang hindi lahat ng pagmamahalan ay tama. Hindi lahat ay kailangan ipaglaban.

I am just a part of their love story. And when a certain part doesn't need anymore they tend to dismiss it.

Hindi kuwento ng buhay pagibig namin ang istoryang ito. Kuwento nila ito na nagkataong napasama ako.

"Yes I do." pagaamin ko.

"Are you trying to forget him?" muli na naman niyang tanong at tumango ako.

Ginagawa ko sadyang hindi ko lang siya makalimutan.

"I'm sorry T." nakayukong paghingi ko ng paumanhin.

"It's okay Amanda. You don't have to be sorry." he uttered as he cupped my chin to level with his face.

"You'll marry me, right?" he asked direct to the point.

Again, I halted for a moment. Hindi ko alam ang isasagot ko. T is everything that Cee is not. T can give me what Cee cannot give.

Kaya lang... Kaya lang T is not Cee. Si Cee ang minahal ko. But I think I can learn to love T. Because they say first love never works. Baka nga hindi kami ang para sa isa't isa.

"T, I'm--" I was about to say something when his lips met mine. Hindi ako makagalaw o mas tamang sabihin na hindi ako gumalaw.

"T-t you know I don't want to--"

"Take your time Amanda. I can wait." muli na naman niya akong pinutol sa pagsasalita.

Gusto ko lang naman sabihin na ayokong halikan siya dahil sa tuwing ginagawa niya iyon ay naaalala ko si Cee. I don't want to happen that thing again. Ayokong ibigay ang sarili ko sa kanya ng kulang.

"T, thank you." I whispered with a smile.

I hope the time will come when I can say I love you.

-XXX-