webnovel

Chapter 57- Past Story 2 years Incident

Makalipas ang isang mahaba at nakakabagot na pakikinig sa klase, biglang tumunog ang bell at nagsitayuan ang mga Estudyante sa kanilang upuan.

Ito'y hudyat na tapos na ang klase ng mga Estudyante sa buong maghapon at habang nagsisialisan ang ilan sa mga ito, abala naman sa pagliligpit ng kanyang mga notebook si Emily nang lumapit si Ivy sa kanyang upuan.

Ivy: "Emily, puwede ba akong makisabay sa inyo sa pag-uwi?"

Agad nagtaka si Emily matapos niyang marinig ang pakiusap ni Ivy na sumabay sa kanya sa pag-uwi. Pinaunlakan naman  din agad ni Emily ang kaniyang tanong.

Emily (puzzled): "Ha? Uhmm...Oo. Puwede naman kung wala kang kasama. Tsaka hindi mo ba kasama sina Ruby at Samantha? Lagi naman ata kayong magkakasama sa pag-uwi hindi ba?"

Ivy: "Sa katunayan nga, Emily. Pumunta sila sa Canteen para bumili ng meryienda. Pero gaya ng napag-usapan, sasabay kaming maglalakad sa inyo ni Kit pauwi, after natin mag-usap na lima sa Roof deck."

Emily (Puzzled): "Ivy? Anong ibig mong sabihin na sasabayan niyo kami ni Kit pauwi? At ano ang pag-uusapan natin sa Roof Deck?"

Nagtaka si Emily sa nasabi ni Ivy. Ngunit napabuntong-hininga naman si Ivy nang maisip nito ang pinapasabi ni Kit sa kanya na tawagin sila Emily, Samantha at Ruby sa Roof deck pagkatapos ng kanilang klase.

Kaya ipinaliwanag na lang din ni Ivy kay Emily ang iminumungkahi sa kanila ni Kit.

Ngunit napasimangot naman si Emily matapos marinig mula kay Ivy ang tungkol sa kanilang pag-uusap ni Kit sa loob ng ipinagmamay-aring Coffee Shop kaninang umaga at tila pakiramdam ni Emily ay hindi man lang siya inimbitahan ni Kit na magkape sa Coffee shop ni Ivy sa pamamagitan ng text o chat man lang.

Emily (Unamused): "Pambihira naman itong si Kit. Kaya pala bigla na lang siyang nawala kanina habang naglalakad kami sa daan. Dahil lang sa nakita niya ang inyong Coffee Shop?"

Ivy (Unamused): "..Oo. At hindi ko na yun kasalanan, Emily, kung bigla ka na lang niyang iniwan sa daan. Nagulat nga din ako kanina noong siya pa mismo ang pumasok at naging una naming Customer sa araw na ito."

Emily: "So....mabalik tayo sa mungkahi ni Kit. Bakit pala niya tayo pinapatawag sa Roof Deck kasama sina Samantha at Ruby? Anong naisip niya at tayong apat lang ang gusto niyang makita?"

Agad napaisip at nanahimik si Ivy sa mga tanong ni Emily.

Ngunit may hinala si Ivy na tungkol ito sa naganap na insidente nang karambola ng mga sasakyan, dalawang taon na ang nakakaraan, ang gustong pag-usapan ni Kit sa kanilang apat.

Pero dahil walang ideya si Ivy kung tama ang kanyang hinala at mahirap din basahin ang iniisip ni Kit, minabuti na lang niyang sabihan si Emily na sundin na lamang ang mungkahi nito.

Ivy: "Emily.. Mabuti pa siguro kung sundin na lang natin yung naisip ng jowa mo."

Emily (Denial): "Ivy.. Hindi ko siya jowa ha!"

Ivy (Unamused): "Anong "Hindi ko siya jowa" ka diyan? Kahit hindi mo pa sabihin, halata naman sa inyong dalawa."

Emily (Happy sweat and nervous): "Ha-Halata ang alin?"

Ivy (Unamused): "Nagdedeny ka pa. Sabing halata nga!"

Nanahimik si Emily at may konting pamumula ang kanyang pisngi matapos marinig at mabaling ang kanilang usapan sa namamagitang relasyon nila ni Kit.

Napabuntong hininga naman si Ivy nang napagtanto niyang magjowa nga sila Kit at Emily dahil na rin sa kanyang naging reaksyon.

Ivy (Sigh): ..Haaaay.... Sige. Hindi ko ipagsasabi kahit kanino kung yan ang gusto ninyong mangyari.

Emily (Surprised): "Ta-Talaga Ivy?!"

Biglang tumawa si Ivy nang makita niya ang reaksyon ni Emily na nagpapatunay na sila nga ni Kit.

Ivy (Grinning): "Sinasabi ko na nga ba?! Kayo nga talaga! Akalain mo, nahulog ka lang sa aking bluff."

Emily (Surprised): "A-Ano?! Bluff mo lang yung pagkukunwaring alam mo na ang tungkol sa amin?!"

Ivy (Grinning): "Oo. Bluff ko lang iyon. Pero atleast alam ko na kayo nga talaga ni Kit."

Napangisi ng husto si Ivy nang matagumpay niyang mapatunayan sa kanyang sarili na magjowa nga talaga sila Kit at Emily. Nataranta naman si Emily at nakiusap siya na wag ipagkalat sa iba.

Emily (Nervous and worried): "I-Ivy..?! Please lang! Huwag mo munang ipagkalat sa iba!."

Ivy: "Oo na. Masyado ka namang nerbyoso. Hindi ko naman ipagkakalat eh."

Emily: "Si-Sigurado ka ba?"

Tumitig at nanahimik si Ivy kay Emily na nagpapatunay na hindi ipagsasabi ang namamagitan sa kanila ni Kit.

Ivy: "Oo. Sigurado ako, Emily."

Bagamat duda pa rin si Emily kay Ivy, isinawalang bahala na lang niya ang sinabi nito at umasa na lang na hindi ipagkakalat ni Ivy ang namamagitang relasyon nila ni Kit.

Emily: "Sige. Makakaasa ako sa sinabi mo ha?"

Ivy: "Hay.... Sabing hindi ko nga ipagkakalat, okay? Tsaka mabuti pang pumunta na tayo sa Roof Deck at hanapin yung Jowa mong weird. Total, gusto ko na din malaman kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. (At kung ano ang ibig niyang sabihin kaninang pagdating namin sa school kanina.)

Emily: "Oo, Ivy. Sang-ayon ako. (Kit, ano na naman bang pinaplano mo at kaming apat pa ang gusto mong makausap?)

Tsaka naglakad papunta sa hallway sila Emily at Ivy paalis ng kanilang classroom. Pagdating naman nina Emily at Ivy sa 4th floor, sakto namang nadatnan nila sila Samantha at Ruby na papasok pa lang sa roof deck ng eskwelahan.

Emily: "Aba! Ruby at Samantha, ang bilis niyo naman makarating dito sa hagdan. Akala namin mahuhuli pa kayo."

Ruby (Puzzled): Huh? Emily, Ivy? Kararating niyo lang?"

Samantha (Unamused): Akalain mo, Ruby. Naunahan pa natin sina Ivy at Emily dito sa hagdan? Akala namin nauna na kayo sa Roof Deck. Tsaka, Ano bang naiisip ni Abnoy at gusto niya tayong makausap na apat?"

Ruby: "No idea, Sam. Pero sinabihan daw itong si Ivy nang Boyfriend ni Emily na makipagkita sa atin sa Roof Deck."

Emily: "Ruby hindi ko siya—"

Samantha: "Tama na nga yan pagdedeny mo, Emily! Kita naman sa pagiging close niyo ni abnoy ah!"

Emily (Irritated): "Samantha, bakit abnoy ang tawag mo kay Kit! Ano bang nagawa niya sa'yo na masama?!

Bago pa man mag-away sina Emily at Samantha ay pumagitna na din si Ruby sa kanilang dalawa at pinagsabihan si Samantha.

Ruby: "Sam! Huwag mo ngang tawaging abnoy si Kit. Wala namang kasalanan sa'yo yung tao. Tsaka Emily, pagpasensyahan mo na din si Sam. Ganyan lang talaga siya makapagsalita sa ibang tao."

Emily: "Okay lang, Ruby. Hindi mo kailangan humingi ng tawad. Pero si Samantha dapat ang gusto kong magsabi niyan mula sa kanyang bibig."

Naging masama ang tingin ni Samantha kay Emily matapos nitong banggitin na dapat siya mismo ang humingi ng tawad.

Ngunit bahagyang tinusok ni Ruby nang kanyang kanang siko ang kaliwang tadyang ni Samantha, dahilan para mapatingin siya sa seryoso at hindi natutuwang reaksyon ng mukha ni Ruby.

Kaya kalaunan, humingi din ng tawad si Samantha.

Samantha (Sigh): "Haaayyy.... Oo na. Pasensya na Emily. Simula ngayon, tatawagin ko na ang BF mo sa kanyang pangalan." (Ruby, talagang ang laki ng pinagbago mo matapos mong ilabas ang tunay mong ugali at maging kaibigan si Emily. Tsaka pagpasensyahan mo rin sana ako kung ganito ako. Nakasanayan ko lang sigurong maging mataray sa ibang tao.)

Emily: "Tinatanggap ko, Sam, ang paghingi mo ng tawad. Tsaka kung makikilala mo lang si Kit ng mabuti, mabait naman siya."

Samantha (Unamused): "Weh.... Talaga lang ha? Siguro jowa mo na si Kit kaya ganyan ka kung makapagsabi nang mabait sa kanya."

Muli na naman sanang itatanggi ni Emily kay Samantha ang namamagitang relasyon nila ni Kit.

Ngunit biglang ibinaling ni Ruby ang pagtatalo ng dalawa sa mungkahi ni Kit na sinabi kay Ivy. Kaya agad niya itong tinanong.

Ruby: "Okay, guys! Tama na nga yan!  Mabalik tayo sa sinasabi mo kanina Ivy. Ano bang nangyari at bigla tayong pinatawag ni Kit sa Roof deck?"

Matapos itong maitanong ni Ruby kay Ivy, muli na namang ipinaliwanag ni Ivy ang naging usapan nila ni Kit sa Coffee Shop at habang naglalakad papasok ng eskwelahan kaninang umaga.

Nagkaroon naman ng interes si Samantha sa paliwanag ni Ivy at kalauna'y nakinig sa sinasabi nito.

Nang maipaliwanag ni Ivy, nagkaroon nang kanya-kanyang reaksyon sila Ruby at Samantha.

Ruby (Puzzled): "So... anong ibig sabihin ni Kit sa kanyang sinabi?"

Samantha (Deep thinking): "Wala akong ideya. Pero... Interisado akong malaman..." (May hinala ako na aktwal na nakita ni Kit ang mismong insidente ng karambola ng mga sasakyan noon. Baka siya ang makakasagot sa matagal ko nang tanong.)

Emily: "Mas mabuti pa kung alamin na lang natin mismo sa kanya. Total, siya na rin ang nagrequest na puntahan natin siya sa roof deck."

Ivy (Sighed): "Total nandito na rin lang tayo sa hagdan, puntahan na natin si Kit.

Agad namang pinuntahan ng apat na babae ang roof deck, tsaka nila pinuntahan ang kubo kung saan tumatambay si Kit.

Ngunit pagdating nila, tila nadismaya ang apat nang makitang wala sa loob ng kubo si Kit at hinala nila, marahil ay nabagot ito sa kakahintay at umalis ng walang abiso.

Samantha (Unamused): "Oy.... Bansot. Nasaan na yung jowa mong Weirdo? Wala man lang siya sa buong paligid."

Ivy (Unamused): Pagpasensyahan mo na Emily yung sinabi sa'yo ni Sam. Pero sang-ayon ako kanya. Nasaan na yung jowa mong nag-abiso sa akin kanina na makipagkita?"

Emily (Sweaty head): Eh? Hindi ko alam! At huwag niyo nga akong tinatanong kung nasaan din si Kit!

Ruby (Sighed): "Ivy, hindi naman kaya binibiro ka lang ni Kit sa sinabi niya sa'yo kaninang umaga?"

Kit (Unamused): "Hindi ako nagbibiro, Ruby. Sinabihan ko talaga si Ivy kaninang umaga na makipagkita sa inyo."

Ivy: Oh? Kita mo Ruby? Nagsasabi ng totoo itong si..... Teka nga?!! Sandali?! Anong ginagawa mo diyan sa bubong ng kubo?!"

Nagulat ang apat na babae ng makita nilang nasa bubong ng ginawa nitong kubo si Kit.

Napangiwe na lang si Emily nang makita si Kit sa bubong ng sariling kubo at nagtataka din sa kung ano ang ginagawa nito.

Emily (Happy sweat): "Kit, andiyan ka pala. Anong ginagawa mo diyan?"

Samantha (Surprised): "Kaya nga! Anong ginagawa mo diyan sa bubong?! At sa paanong paraan na hindi man lang yan bumabagsak sa sarili mong bigat?!"

Ruby (Unamused and Sighed): "Hay....Iba talaga ang kaweirduhan ng lalaking ito."

Bumaba naman si Kit matapos marinig ang tanong nila Emily, Samantha at Ivy.

Pagbaba nito sa kubo, agad niyang sinagot ang kanilang mga tanong.

Kit (Unamused): "...Ba't ganyan kayo makatingin?"

Samantha (Unamused): "Natural ganito kami makatingin. Hindi mo pa sinasagot ang tanong namin nina Ivy at Emily"

Ivy (Unamused): "Oo. Tama si Sam."

Emily (Sighed): "Kit puwede pakisagot kung anong ginagawa mo sa bubong ng kubo?"

Kit (Unamused): "...Natutulog..."

Samantha (Shocked): "A-Ano?! Natutulog ka lang dun sa bubong?!"

Kit (Unamused): "Oo."

Ivy (Irritated and puzzled): "Paanong nangyaring hindi ka man lang nahulog at lumusot sa bubong?! Eh gawa sa pinagtagpi-tagping mga kahoy at dahon ng niyog yan ginawa mong kubo?!"

Kit (Unamused): "...Ivy...Huwag mo naman akong gawing tanga. Marunong akong gumawa ng matibay na pundasyon ng kubo. Kaya kahit tumayo pa ako sa bubong, hindi yan babagsak."

Hindi umimik si Ivy matapos siyang barahin ni Kit. Napakamot naman ng ulo si Ruby at napangiwe na lang si Emily matapos marinig ang paliwanag ni Kit tungkol sa kakaibang tibay at katatagan ng ginawa nitong kubo.

Nabaling naman ang usapan matapos ipaalala ni Ruby ang kanilang sadya kay Kit sa roof deck.

Ruby: Okay... mabalik tayo sa dapat nating pag-usapan. Ano nga pala ang dahilan kung bakit ipinatawag mo kaming apat dito sa roof deck?"

Emily (Serious): Kit, Sang-ayon ako kay Ruby. Ba't mo pala kami ipinatawag?"

Sa hindi malamang dahilan, biglang napatahimik at tilang nag-iisip si Kit sa tanong nina Ruby at Emily.

Tahimik namang nakatingin at seryosong naghihintay ng sagot mula kay Kit sina Samantha at Ivy.

Ngunit hindi inasahan ng apat na babae ang sumunod na mga sanabi ni Kit.

Kit (Unamused): ".....Huwag sana kayong madidismaya o malulungkot sa sasabihin ko. Pero noon ko pa napapansin na kayong apat lang dito sa school ang tila nagbabago ng pag-uugali kapag pinag-uusapan ang tungkol sa Karambola ng mga sasakyan, dalawang taon na ang nakakaraan."

Ruby (Serious): "Anong ibig mong sabihin, Kit? Na may alam ka tungkol sa nangyari noon?

Samantha (Serious): "Sa tingin ko may alam siya, Ruby."

Emily (Surprised): "Teka? Sandali? Ruby at Samantha? May mga kamag-anak din kayong nabiktima noon ng insidenteng iyon?"

Ivy (Sad): "Hindi lang sila, Emily. Pati rin ako."

Agad nanahimik at nalungkot ang apat na babae nang malaman nilang biktima din ng insidente ng karambola ng sasakyan ang bawat isa sa kanilang kamag-anak.

Kit (Unamused): ....Wow.... Sa tagal ninyong magkakaklase noon, ngayon niyo lang nalaman sa isa't isa na biktima ng karambola ng mga sasakyan ang mga magulang ninyo?"

Emily (Angry): "Kit, hindi ito biro!  Pare-parehong kaming apat na may mga mahal sa buhay na nadamay dun sa insidenteng iyon! At noong mga panahong iyon, siguro ay stress kaming lahat sa pagkawala ng mga mahal namin sa buhay!! Kaya wala kaming ideya sa isa't isa na pare-parehong pala kaming nawalan!"

Ivy (Irritated): "At kasama ka din, Kit sa mga nawalan! Gaya ng sinabi mo kanina sa shop kaninang umaga!"

Nagulat sina Ruby at Samantha sa sinabi ni Ivy. Wala namang naging reaksyon si Kit sa nabanggit nito.

Ruby (Surprised): "A-Ano?! Pati si Kit namatayan din ng kamag-anak dun sa karambola noon?!"

Ivy (Irritated): "Oo, Ruby. Sinabi niya sa akin kanina sa Shop."

Samantha (Serious): "Huwag mong masamain, Kit. Pero sino yung namatay sa panig ng pamilya mo?"

Emily (Concerned): "Sam, sobra ka naman makapagtanong kung sino yung namatay sa  panig ni—"

Kit (Unamused): "...Tatay ko..."

Nagulat si Emily nang basta na lang sinagot ni Kit ang tanong ni Samantha. Gayun din sina Ruby at Ivy ay nagulat din sa bilis nitong pagsagot.

Ruby (Serious): "Tatay mo?!"

Kit (Unamused):" ...Oo.."

Samantha (Serious): "Saan naman siya nakasakay?"

Emily (worried): "Sam, hindi mo naman kailangang tanungin si Kit ku—"

Kit (Unamused): ".... Isang blue na mini Cooper."

Ruby (Serious): "Blue na Mini Cooper? Teka...? Yun ba yung sasakyang nakita ko sa picture na pumailalim sa—"

Kit (Unamused): "...Oo, Ruby. Nayupi sa ilalim ng truck at nakaladkad pa nito."

Biglang nanahimik at nakipagtitigan si Kit kina Emily, Samantha at Ruby.

Kalauna'y biglang ipinaliwanag ni Kit ang pagkakakilan ng mga biktima.

Kit (Unamused): "Yung driver na sakay ng blue na Mini Cooper ay ang tatay ko at mag-isa lang siya... Yung sakay naman ng maroon na Corola sa likod niya ay mag-asawang papunta pa lang sa trabaho. Mga magulang naman sila ni Emily."

Biglang nalungkot at napawalang kibo si Emily nang kanyang marinig ang eksaktong posisiyon at sinasakyang kotse ng kanyang mga magulang na kanya namang kinumpirma. Ngunit nagpatuloy pa si Kit sa kanyang sinabi.

Kit (Unamused): "Pangatlo naman yung isang tricycle na ang driver ay isang matandang lalaki at may pasaherong babae. Lolo ni Samantha yung driver ng tricycle at nanay naman ni Ruby yung pasahero. At panghuli sa likod ng tricycle yung nanay ni Ivy na siya namang nagmamaneho ng isang puting scooter na may box sa likod."

Nagulat sila Ruby, Samantha at Emily sa sinabi ni Kit. Hindi din naman umimik si Ivy dahil nasabi na rin niya kay Kit ang tungkol sa kanyang ina.

Ngunit ang tanging bagay na lang na gumugulo sa kanilang apat ay kung paano nalaman ni Kit ang pagkakakilanlan ng kanilang mga nabiktimang mga magulang sa naaksidenteng mga sasakyan.

Emily (Shocked): "K-Kit? Papaano mo—!"

Ruby (Surprised and Mad): "Paano mo nalamang nanay ko yung sakay ng Tricycle?!"

Samantha (Surprised and shocked): "Ganun din ako! Paano mo din nasiguro na Lolo ko nga yung sakay nung tricycle?! Ni hindi ko pa nga siya nakikita mula pa noong bata ako!!"

Biglang binasag ni Ivy ang kanyang pananahimik sa kanyang tanong.

Ivy (Serious): "Guys! Ang magandang tanong kay Kit ay kung paano niya nalaman kung sino ang mga sakay ng mga sasakyang nabiktima ng insidente noon?"

Samantha (Serious): "Sang-ayon ako kay Ivy.  Gusto kong malaman kung ano ang nalalaman mo, Kit."

Tahimik at sumang-ayon din sila Ruby at Emily sa naging tanong ni Ivy.

Bagamat masakit pa rin sa kanilang damdamin na marinig ang sagot ni Kit tungkol sa insidente ng karambola ng mga sasakyan noon, tahimik nilang tinitigan si Kit at sila'y naghihintay ng paliwanang mula rito.

Napabuntong hininga at tumango naman si Kit sa kanilang mga tanong at ipinaliwanag ang kanyang nalalaman.

Kit (Unamused and sighed): "Para matapos na ang matagal niyo nang kinikimkim na hinanakit, ipapaliwanag ko kung anu ang nangyari."

Tahimik na naghihintay ng paliwanag ang apat na babae.

Ngunit hindi nila inasahan ang sunod nilang nakitang reaksyon ni Kit at ang kanilang mga narinig.

Kit (Unamused): "2 years ago, napasali ako sa isang singing contest. Pero agad akong umalis matapos akong mapahiya sa harap ng stage."

Emily (Thinking): "Kit? Yan ba yung ikuwinento mo sa akin noong Christmas party?"

Samantha (Puzzled): "Ha?! Nagkwento si Kit sa'yo?!"

Ivy (intrigued): "Aba? Ibig sabihin may namamagitan na sa inyo mula pa noong last year?"

Ruby (Intrigue): "Parang na intriga ako." (Pero ba't parang hindi man lang nagbago ang reaksyon ni Kit sa kanyang mga sinabi? Talaga bang namatayan siya ng tatay sa aksidente noon?)

Kit (Unamused): "Anyway, kalimutan niyo na muna ang tungkol sa amin ni Emily. Mabalik tayo sa dapat ninyong marinig."

Emily (Relieved): "Ay... Oo. Ituloy mo na Kit."

Muling itinuloy ni Kit ang kanyang paliwanang sa kanilang tanong. Ngunit hindi nagbago ang reaksyon ng mukha ni Kit na siyang naging dahilan para magduda ang apat na babae sa tunay nitong nararamdaman tungkol sa aksidente noon. Pero nagpatuloy pa rin sila sa pakikinig.

Kit (Unamused): ".....Nang mga panahong iyon, naglalakad ako pauwi. Pero hindi ko inaasahan na madadatnan ko pa yung karambola ng mga sasakyan sa daan....Limang minuto matapos akong umalis sa Auditorium....."

Tila nangilabot at nag-alala ang apat na babae, lalo na kay Emily.

Nang sabihin ni Kit sa kanila na naabutan pa nito ang karambola ng mga sasakyan, dalawang taon na ang nakakaraan.

Ruby (Shocked): "Na-Nadatnan mo?! Ibig mong sabihin? Nakita mo yung...."

Hindi nagsalita si Kit at hindi nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha.

Ngunit hindi mawari sa isipan ng apat na babae na nadatnan ni Kit ang nakakatindig-balahibong mga bagay na maaring kanyang nakita, dalawang taon na ang nakakaraan.

Emily (Worried): "....." (Kit, bat di mo sinabi noon sa akin na nakita mo pala mismo ang nangyari sa kanila? Kung alam ko lang, eh di sana nag-ingat ako o kaming apat sa mga tinatanong namin sayo. Feeling ko, guilty ako sayo kasi mas mabigat pala ang kinikimkim mong trauma kaysa sa aming apat. Pero bakit hindi nagbabago ang reaksyon ng iyong mukha? Sinusubukan mo bang itago sa amin ang tunay mong nararamdaman tungkol sa iyong mga nakita?)

Ruby (Worried and shocked): "..." (Grabe! Nakita niya mismo yung itsura nila?! Pero bakit parang balewala lang sa kanya? Ni hindi man lang nagbabago ng reaksyon ang mukha niya?!)

Samantha (Disgusted): "..." (Hindi ko ma-imagine kung ako mismo nasa posisyon niya. Pero paanong hindi man lang siya kinikilabutan sa mga naalala niya?! Abnormal ata talaga ang lalaking ito!)

Ivy (Worried and Disgusted): "....." (Ang hirap isipin kung anong itsura nung mga biktima. Pero bakit hindi man lang apektado si Kit sa mga naalala niya noon? Talaga bang nadatnan niya yung mga patay sa aksidente?!)

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang lahat. Ngunit ipinagpatuloy pa ni Kit ang kanyang paliwanag.

Kit (Unamused): "..Nang madatnan ko yung aksidente, kasalukuyan na nilang inilalagay sa body bag yung mga katawan ng mga biktima at kung ako sa inyo, hindi ko gugustuhin pang makita pa ang kalunos-lunos na mga itsura nila. Talagang napakagrabe ang nangyari sa kanila."

Samantha (Angry):  "Abnoy!! Paano mo nagagawang maikwento sa amin ang mga nakita mo noon sa aksidente?! Hindi ka ba kinikilabutan sa mga nakita mo noon?! Talaga bang nandun ka ba sa pinangyarihan?!"

Biglang nagalit si Samantha sa naging paliwanag at reaksyon ni Kit.

Pero hindi naman kumibo si Kit at hinayaang pagalit na magtanong si Samantha.

Samantha (Angry): "Hoy! Nakagat mo ba dila mo ha?! Paano mo nagagawang magkuwento ng pangyayari na naaktuhan mo mismo na nakakatrauma sa'yo?! Talaga bang nandun ka noong naaksidente ang Tatay mo at ang mga mahal namin sa buhay ha?!"

Emily (Serious): "Sam! Tama na nga iyan! Huwag mo namang awayin si Kit."

Samantha (Angry): "Bansot! Paanong hindi ko aawayin yung jowa mo?! Eh parang nang iinsulto pa siya sa klase ng reaksyon ng mukha niya habang nagkukuwento?!"

Ivy (Serious): "Pagpasensyahan mo na, Emily. Pero may punto si Sam. Nakakainsulto talagang magkuwento si Kit tungkol sa insidente. Kung talagang nandun siya sa pinangyarihan noon, bakit parang normal lang sa reaksyon niya yung ikuwinento niyang nangyari sa mga magulang natin, specially sa sarili niyang tatay na nadamay din sa aksidente?"

Ruby (Serious): "Sang-ayon ako kay Ivy, Emily."

Emily (Sad): "Pero guys....baka ayaw lang ipakita ni Kit yung talagang reaksyon niya sa nangyari. Hindi ba Kit?"

Agad tumingin si Emily kay Kit, at hindi nagbago ang nakasimangot niyang mukha sa kanilang apat. Pero nagulat at nairita sila Samantha at Ivy sa isinagot ni Kit.

Kit (Unamused): "...Hindi pa ako tapos magkuwento..."

Samantha (Angry): "Nang iinsulto ka ba?!"

Ivy (Insulted): "Mukhang nang-iinsulto nga siya, Sam."

Emily (Pleading): "Sam! Hayaan mo munang tapusin ni Kit yung ipinapaliwanag niya sa atin."

Kit (Unamused): "Para malinawan ang lahat, nalaman ko lang naman ang pagkakakilanlan ng mga parents at Lolo mo Samantha, dun sa loob ng Morge. Isinama ako ng mga Rescuer, Pulis at ang mga Medic sa Ambulansya nang makita nila akong lumapit sa Mini Cooper. Dumating naman ang nanay ko noong mga panahong iyon at na-Identify nang mga Forensics ang pagkakakilanlan nilang lahat. At para sabihin ko sayo Samantha, nakilala ako ng parents mo sa loob ng Morge noong dumating sila at tinignan ang bangkay ng Lolo mo."

Emily (Worried and puzzled): "...." (Lumapit ka sa blue Mini Cooper? Kit, anong ginawa mo noong nakita mo ang sasakyan ng tatay mo?)

Nagulat si Samantha ng sabihin ni Kit na nakilala nito ang kanyang magulang at kasama sa loob ng Morge noong nag-iimbistiga ang Pulis at Forensics sa katawan ng mga biktima.

Sunod namang binanggit ni Kit kung paano nito nalaman ang pagkakakilanlan ng iba pang biktima.

Kit (Unamused): "Sumunod ang tatay mo, Ruby na nakita ako sa loob para tingnan ang katawan ng Nanay mo at pangatlo ang Tatay mo, Ivy. Kaya huwag ka na rin magtaka sa tatay mo, kung mabait ang trato niya sa akin sa loob ng iyong shop kanina lang."

Nanahimik naman sila Ruby at Ivy matapos malaman kay Kit na nakita din nito ang kanilang mga tatay na tumingin sa bangkay ng kanilang mga asawa. Sunod namang ipinaliwanag ni Kit kung paano nito nalaman na magulang ni Emily ang ilan sa mga namatay.

Kit (Unamused): "Huli namang dumating si Ate Lucile sa Morge. Pero napahagulgol na lang siya bigla at hindi niya na ako napansin noong pumasok siya sa Morge noon. Kung kaya't hindi niya ako nakilala noong nagkita kami sa mall noong last year.."

Emily (Sad): "Nauunawan ko, Kit. Pero paano naman ikaw?"

Napatingin si Emily kay Kit, ngunit hindi nagbago ang kanyang reaksyon. Hanggang sa mapansin niya ang sobrang pananahimik ni Kit na tila tapos na itong magkuwento.

Emily (Worried): "Kit? Okay ka lang?"

Tumingin at tumango lang si Kit sa tanong ni Emily. Tila nagkaroon ng kutob si Emily na marahil ay nalulungkot din ito sa kanyang ikuwinento.

Emily (Worried): (Feeling ko, tama ang hinala ko na tinatago lang ni Kit ang saloobin niya tungkol sa aksidente noon. Ayaw niya sigurong makita namin siya na nalulungkot.)

Kit (Unamused): "Ngayong naipaliwanag ko na kung bakit alam ko ang tungkol sa nangyaring aksidente noon, kayo na ang bahalang humusga."

Tahimik na tinitigan ni Kit ang apat na babae. Tila hindi naman mawari sa isipan nila Ruby, Ivy at Samantha ang mga ipinaliwanag ni Kit. Maya't maya, nagtanong si Ruby.

Ruby (Serious and puzzled): "Kit... paano mo natitiis na hindi mabangungot sa gabi? Di ba nakita mo ang mga itsura nila noon?"

Kit (Unamused): "....Oo.... Pero sigurado ka ba Ruby? Na gusto mo pang malaman at pag-usapan ang kalunos-lunos na itsura nila noon?"

Sandaling hindi umimik si Ruby sa itinanong ni Kit. Hanggang sa naisip na lang niyang huwag nang pag-usapan ang mga nangyari noon.

Ruby (Sighed and relieved): "Alam mo, sa totoo lang? Ayoko nang pag-usapan ang mga nangyari noon. Pero salamat sa ikuwinento mo Kit at napanatag ang loob ko."

Emily (Puzzled): "Ha? Napanatag ang loob mo, Ruby?"

Ivy: (Puzzled): "Ruby, anong ibig mong sabihin?"

Nagtaka sina Emily at Ivy sa sinabi ni Ruby. Tahimik namang nakikinig si Samantha at tila naunawaan ang ibig sabihin ni Ruby.

Ruby (Relieved): "Alam niyo, Guys. Panatag na ang loob ko, kasi alam ko na kung ano ang nangyari sa ating mga magulang. Sa totoo lang, masakit sa damdamin na marinig mula sa mismong tao na nakakita sa aksidente kung paano ang kinahinatnan ng mga parents natin. Pero kahit baliktarin mo man ang mundo, hindi na natin maitatanggi sa ating mga sarili na wala na sila at hindi na natin sila makakasama pa. Sa ngayon, ang magagawa ko na lang ay ang tanggapin na lang ang nangyari noon at magpatuloy na lang sa kasalukuyan."

Samantha (Serious and slightly smiles): "Sang-ayon ako sa sinabi mo, Ruby. Mabuti pa nga na tanggapin na lang natin na wala na sila at mag-move-on. Total kahit magmukmok pa tayo sa aksidenteng iyan noon, wala din lang mababago."

Tila naintindihan at nalinawan sa kanilang mga sarili sina Emily at Ivy matapos marinig ang mga sinabi nila Samantha at Ruby. Tumango naman si Kit sa nasabi nila Ruby at Samantha.

Kit (Unamused): "Ngayong alam niyo na ang nangyari noon, Okay na ba kayo? Medyo gumaan ba ang mga loob ninyo?"

Emily (Smiles): "Actually, Kit. Medyo napanatag na ang loob namin mula sa Aksidente noon." ((Worried) Pero...paano ka naman Kit? Talaga bang okay ka lang?)

Ivy (sighed): "Panatag na rin ang loob ko. Ang magagawa ko na lang ay ang ipagdasal na lang si Mama."

Ruby (Relieved): "Oo, Ako rin."

Samantha (Slightly relieved): "Guys, ano kaya kung pumunta tayong Sementeryo at mag-alay tayo ng dasal para sa kanila?"

Emily: "Oo. Magandang ideya yan. Para naman matahimik na sila ng husto. Total alam na natin ang nangyari sa kanila."

Ruby: "Sige! Umalis na tayo! Ayokong maabutan ng dilim sa Sementeryo."

Ivy: "Oo. Nakakatakot pa naman."

At napagdesisyonan ng apat na babae na magpunta sa Sementeryo upang mag-alay ng dasal para sa kanilang mga magulang.

Agad na bumaba ng roof deck ang apat na babae at panatag na din ang kanilang mga damdamin tungkol sa nangyaring aksidente noon, salamat na rin sa paliwanang ni Kit.

Bababa na sana si Emily kasabay nila Ruby, Ivy at Samantha nang mapansin niyang hindi sumunod si Kit.

Emily (Puzzled): "Guys? Sumunod ba si Kit sa atin?"

Ruby (Puzzled): "Hindi. Bakit?"

Ivy (Puzzled): "Oo nga noh. Hindi siya sumunod. Ayaw ba niyang sumama sa Sementeryo?"

Samantha (Puzzled): "O baka naman, hindi siya bumibisita sa patay?"

Biglang naalala ni Emily ang araw kung kailan bumisita sila nang kanyang Ate sa Sementeryo noong nakaraang taon at ang araw ding iyon kung kailan nila unang nakilala ang nanay ni Kit na si Aling Amelia.

Napansin at naalala din niyang hindi kasama si Kit noong bumisita ang kanyang ina sa puntod ng kanyang Ama. Kaya lalong lumakas ang kanyang kutob kay Kit.

Emily (Worried): "Guys, mabuti pa siguro kung mauna na kayo sa Sementeryo. Puntahan ko muna si Kit para tanungin kung gusto niyang sumama. Tsaka sunod na lang kami sa inyo."

Ruby: "Okay. Huwag kayong magtatagal ha?"

Samantha (Sigh): "Ruby, huwag mo na silang abisuhan. Sigurado ako, magmo-moment pa ang dalawang iyan."

Ivy (Unamused): "Oo. Sinabi mo pa, Sam."

Emily (Embarrassed): "Oy! Hindi ah?!

Umalis ang tatlong babae pababa ng ground floor at naglakad paalis ng kanilang paaralan.

Bumalik naman sa roof deck si Emily at nadatnan nitong nakatayo at nakatingin sa malayo si Kit.

At pinapanood din nito mula sa Roof deck ang papaalis na grupo ni Ruby. Lumapit naman si Emily sa tabi ni Kit.

Emily (Worried): "Kit, anong ginagawa mo diyan?"

Hindi kumibo si Kit, ngunit ramdam ni Emily na may hinanakit itong kinikimkim.

Napansin niyang diretso lang ang tingin nito sa papaalis na grupo ni Ruby.

Kaya lumapit nang husto si Emily at kanya itong kinausap.

Emily (Worried): "...Kit, Okay ka lang ba?"

Nagulat si Kit nang marinig niyang tila nagtatanong si Emily kanyang tabu.

Pero dahil sa tilang blangko at hindi makapag-isip ng maayos si Kit,  agad naman niya itong hinarap.

Kit (Unamused): "....Bakit?"

Seryosong nakipagtitigan si Emily kay Kit. Hanggang sa hindi inaasahan ni Kit ang sumusunod na ginawa ni Emily.

Emily (Smiles): "Halika... Lapit ka sa akin..."

Lumapit si Kit kay Emily at nagulat na lamang ito nang bigla siyang niyakap ng mahigpit.

Naging tahimik at hindi naman kumilos si Kit matapos siyang mayakap ni Emily.

Emily (Smiles and worried): "Kit, magaan na ba pakiramdam mo?"

Kit (serious and looks down): "..."

Emily (Worried): "Alam kong hindi ka kumportable kanina. At alam kong gusto mong ilabas yung sakit pero hindi mo magawa kasi baka hindi kami maniwala sa'yo. Alam ko kung anong nararamdaman mo, at alam ko din sa sarili ko kung anong ginawa mo noong lumapit ka sa sasakyan ng Papa mo. Yun ay ang umiyak."

Nang marinig ni Kit ang mga sinabi ni Emily, alam nitong tagos sa puso ang kanyang mga sinasabi at alam din niyang totoo ang hinala sa kanya nito. Kung kaya't niyakap din ni Kit si Emily, ngunit sa pagkakataong ito, ipinakita ni Kit ang tunay niyang nararamdaman at siya ay umiyak sa kanyang balikat..

Emily (Worried): "Sabi ko na eh. Tama ang kutob ko. (Smiles) Pero hanga ako sa'yo. Kasi hindi ka nagpapakita ng kahinaan sa ibang tao. Pero sa pagkakataong ito, puwede mo na iyan ilabas."

Hindi na nagsalita pa si Kit at tuluyan na siyang umiiyak habang niyayakap ng mahigpit si Emily. Hinimas naman ni Emily ang kanyang likod upang pagaanin ang hinanakit na kanyang pinakatatago.

Emily (smiles): "Ilabas mo lang, Kit. Nandito lang ako."

Tumango at umiyak na lamang si Kit matapos madiskubre ni Emily ang sama ng loob na kanyang pinakatatago mula noong nawala ang kanyang Ama.

Ilang minuto ang lumipas, nahimasmasan at gumaan na rin mula sa sama ng loob si Kit.

Pareho naman silang nakaupo ni Emily sa sahig ng School deck at nakasandal sa fence.

Emily (Smiles): "Kit, Okay ka na ba?"

Kit (Sniffs): ...Medyo...

Emily (Worried): "Medyo?"

Kit (Sniff): "...Oo..."

Emily (Puzzled): "Bakit naman "medyo"?

Kit (Sighed): "Kung ikaw nga, Emily. Nahihirapan kang kalimutan yung libing ng magulang mo, sa sitwasyon ko pa kaya?"

Emily (Mad): "Siyempre hind—!" (Puzzled) "Teka?! Anong nalalaman mo sa libing ng parents ko?!"

Matapos magtanong ni Emily, bumalik naman sa dati nitong nakasimangot na mukha itong si Kit .

Ki (Unamused): "....Nakilibing ako.."

Emily (Surprised): "Nakilibing ka noon?!"

Tumango lamang si Kit sa tanong ni Emily. Maya't maya muli na naman siyang nagtanong.

Emily (Curious): "....Kit noong nakilibing ka sa amin, bakit hindi man lang kita nakita?"

Kit (Unamused): "...Natural.. Hindi mo talaga ako makikita noon..."

Emily (Irritated): "Bakit nga?!"

Kit (Unamused): "Nasa likod ako ng iba pang mga nakilibing. Tsaka agad din akong umalis matapos mailibing ang magulang mo."

Emily (Puzzled): "Teka? Ba't ka pala nakilibing noon sa amin? (Huwag mong sabihin na nakasubaybay na siya sa akin mula pa noon?)

Kit (Unamused): "Ang totoo, inutusan lang akong magbigay ng donasyon sa inyo. Kaso hindi ko naman akalain na libing na pala ang madadatnan ko."

Emily (Unamused): "Yung totoo, Kit. Binabantayan mo na ba ako mula noon?"

Biglang hindi umimik si Kit nang tanungin siya ni Emily kung binabantayan niya na ba ito mula pa noon. Hanggang sa hindi inasahan ni Emily ang isinagot sa kanya ni Kit.

Kit (Unamused): "....Oo..."

Emily (Suprised): A-Ano?! Mula pa noon sinusundan mo na ako?!"

Tumango lamang si Kit at pinili na lamang niyang huwag magsalita.

Naiintriga naman si Emily kung ano ang naging dahilan ni Kit kung bakit siya sinusubaybayan mula pa noong matapos ang insidente ng karambola ng mga sasakyan.

Emily (intrigued): "...Kit. Tapatin mo nga ako, ano bang nagustuhan mo sa akin?"

Sandaling hindi umimik si Kit sa naging tanong ni Emily ngunit hindi naman niya direktang sinagot ang tanong.

Kit (Unamused): "Ikaw dapat nakakaalam ng sagot sa tanong mo, Emily."

Emily (Irritated): "Sira ka ba?! Ako nagtanong tapos ako din sasagot?!"

Kit (Unamused): "...Oo.."

Emily (Sighed): "Haaay.... Sige na nga.. Huwag ko na lang alamin." ((Puzzled) Pero ano ba talaga ang nakita mo sa akin na halos sinusubaybayan mo ako ng dalawang taon?)

Kit (Unamused): "Anyway... Umalis na rin tayo."

Agad tumayo si Kit mula sa pagkakaupo at tinulungan din niyang tumayo si Emily.

Kit (Unamused): "...Sumunod na rin tayo dun sa tatlong naunang mga kaklase natin..."

Emily (Puzzled): "Ha?! Pupunta ka din sa Sementeryo? Kung alam ko lang na sasama ka din, eh di sana nakisabay na lang tayo kina Ruby."

Kit (Unamused): "...Sana nga. Pero binigyan ko pa yung sarili ko ng oras para makapag-isip."

Emily (Glad): "Oo. Mukha nga."

Nagulat naman si Emily nang bigla siyang niyakap ni Kit. Ito rin ang unang beses na nakita niyang ngumiti si Kit.

Kit (Slightly smiles): "....Salamat kanina.."

Emily (Giggles): "Wala yun. "

Agad namang lumayo si Kit, sabay tingin kay Emily ng diretso.

Kit (Slightly smiles): "Alis na tayo?"

Emily (Grinning): "Oo."

At sabay na naglakad paalis ng Roof deck sina Emily at Kit.

Pagdating sa ground floor, tsaka sila naglakad paalis ng kanilang paaralan.

Habang naglalakad, saglit munang dumaan sa isang malapit na Convenience Store ang dalawa para bumili ng mga kandila tsaka sila sumunod na dumaan sa isang Flower Shop para din bumili ng bulaklak na kanilang iaalay sa puntod ng kanilang mga magulang.

Matapos mabili ang kanilang mga kailangan, nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa at nag-usap ang mga ito tungkol sa mga assignments, mga guro, kanilang mga kaklase at kaibigan.

Ito rin ang unang beses na nakakuwentuhan ni Emily si Kit tungkol sa iba't ibang mga bagay habang naglalakad.

Matapos ang ilang minutong paglalakad, narating nila Kit at Emily ang Sementeryo tsaka sila pumasok sa loob.

Naabutan naman nila ang grupo nila Ruby sa daan at pauwi na rin ang mga ito sa kanilang mga bahay.

Ruby (Joking): "Emily, ang tagal niyo namang dumating. May ginawa ba kayo ni Kit?"

Emily (Reacts): "Oy! Hindi ah!"

Samantha (Teasing): "Nag-react agad? Siguro may ginagawa talaga kayo?"

Emily (Blushed and irritated): "Sam! Wala kaming ginagawa ni Kit. Okay?!"

Ivy (sighed): "Haaay....Emily, nagtanong lang etong dalawa. Denial ka na agad. Di ka naman mabiro."

Emily (Blushed and irritated): "Eh paano ba naman kasi Ivy, kung makapagtanong itong sina Ruby at Sam parang naniniguro nang may ginawa kami ni Kit?"

Ruby (Surprised): "Emily, pabiro lang naman kaming nagtanong ni Sam. Sineryoso mo naman."

Samantha (Unamused): "Kaya nga."

Pakiramdam ni Emily, para siyang pinagtulungang utohin nila Ruby at Samantha sa kanilang pabirong tanong.

Kaya naisip niyang lumingon kay Kit para himingi ng tulong na magpaliwanag.

Ngunit nakita niyang nakasimangot si Kit na nakatitig sa kanya at pakiramdam ni Emily, hindi ito natutuwa sa biglaan niyang reaksyon sa patanong na biro nila Ruby at Samantha.

Kaya pinili na lang niyang humingi ng pasensya sa kanyang inasal.

Emily (sighed): "Haayyy.... Oo na. Pasensya na Kit kung bigla akong nag-react kanina."

Tumitig lang si Kit ng nakasimangot kay Emily. Tsaka niya tinanong sina Ruby, Samantha at Ivy.

Kit (Unamused): "Tapos na ba kayong bumisita sa mga kamag-anak ninyo?"

Ruby: "Oo, Kit. Tsaka pauwi na rin kami."

Samantha: "Sila lang ni Ivy ang uuwi. Ako, dadaan pa ako sa Mall."

Ivy (Sighed): Hay...naku.. Sam, umuwi ka na lang sa bahay niyo. May assignment ka pang gagawin, di ba?"

Samantha: "Ay.. Oo nga pala noh?. Buti pinaalala mo, Ivy. Pakisend na lang sa Chatbox yung mga sagot ha?"

Ivy (Unamused): "Grabe... ang tamad mo talaga.

Ruby: "Anyway, mauuna na kami sa inyo. Huwag kayong gagawa ng kung ano ha?"

Emily (Blushed and irritated): "Ruby! Sabi ko naman sa'yo—!"

Biglang natigilan at nagulat si Emily nang bigla siyang nilapitan at kinalabit ni Kit sa kanyang kanang baywang, malapit sa tadyang.

Emily (Suprised): "EeEeeehh!!"

Sabay hampas ni Emily ng kanyang kamay sa kanang kamay din nito.

Emily (Blushed and irritated): "Ano ba, Kit?! Ba't mo naman ako kinalabit malapit sa tadyang?!"

Kit (Unamused): "....Ang dami mong arte. Aabutan pa tayo ng gabi sa tagal mong pakikipagbangayan kay Ruby..." (...May kiliti pala siya malapit sa tadyang. Kaya pala ganun na lang kung makasigaw.)

Emily (Irritated): "Hindi ako nakikipagbangayan kay Ruby!"

Kit: (Unamused)"....Halika na nga! Ang dami mo pang arte."

Sabay lakad ni Kit palayo sa grupo nila Ruby.

Emily: "Ruby, alis na muna kami ni Kit. Kung okay lang sa inyo, mag-usap na lang tayo sa Chatbox App."

Ruby: "Sige. Mabuti pa nga. Mukha kasing nagmamadali si Kit na pumasok sa Sementeryo."

Ivy (Puzzled): Oo nga noh? Bakit kaya? Sa pagkaka-alala ko, bibisita lang naman siya sa namayapa niyang ama."

Samantha (Teasing): "Baka malay niyo, takot pala si Kit sa multo. Kaya nagmamadaling pumasok sa Sementeryo."

Ruby (Thinking): "Sa tingin ko Sam, hind siya ganun kaduwag."

Ivy (Thinking): "Oo mukha nga."

Samantha: "Anyway,  aalis na kami, Emily."

Emily: "Sige. Tsaka ingat din kayo sa pa-uwi."

Agad na naglakad paalis ng Sementeryo ang grupo ni Ivy at agad din naman sinundan ni Emily si Kit.

Pagpasok sa Sementeryo, nahanap ni Emily si Kit na nakatayo sa isang puntod malapit sa isang maliit na puno ng Camachille at taimtim lang itong nakatitig rito.

Lumapit naman si Emily at nang makalapit ay napansin niya ang isang tali ng bulaklak ng sampaguita't ilang-ilang, at isang nakatayong kandila na may sinding apoy.

Tulad ni Kit, taimtim ding tumayo si Emily sa puntod at nag-alay ng dasal para rito. Maya't maya, humarap naman si Kit at nagsalita.

Kit (Unamused): "....Puntahan na natin mga magulang mo..."

Tumingin si Emily kay Kit at nakita niya sa kanyang mga mata na may lungkot pa rin itong dinadama.

Ngunit hindi gaya ng dati, mas maaliwalas ng konti ang kanyang mukha.

Tumango si Emily sa sinabi ni Kit at tahimik na naglakad ang dalawa.

Pagdating sa puntod ng mga magulang ni Emily, agad siyang nag-alay ng mga dala niyang rosas at kandila na kanyang sinindihan sa ibabaw ng puntod.

Tsaka rin siya nag-alay ng dasal para sa kanyang mga magulang.

Habang nagdadasal at nakapikit, walang ideya si Emily na nakatitig lang sa kanya si Kit na tila may malalim na iniisip.

Ngunit, agad naman itong umiwas ng lingon matapos magdasal ni Emily at muling tumingin nang maisip niyang magtanong.

Kit (Unamused): "Okay ka na ba? Tapos ka na bang mag-alay ng dasal?"

Emily (Upset but Glad): "Oo."

Kit (Unamused): "...Kung ganun, umuwi na tayo."

Emily (Feeling glad): "Sige."

At sabay na naglakad paalis ng Sementeryo sina Emily at Kit.

Pero habang naglalakad pauwi sa kanilang mga bahay, may naalalang sabihin si Kit .

Kit (Unamused): "Naalala ko, tulungan pala nating palitan yung karatula ng Coffee shop ni Ivy."

Emily (Puzzled): Ha? Papalitan ang karatula? Bakit naman?"

Kit (Unamused): "Mukha kasing pang Punerarya."

Emily (Unamused): Grabe ka naman kung makalait ng karatula.  Malay mo kung ganun lang talaga ang kanilang design. "

Kit (Unamused): "Yun na nga ang punto. Napagkakamalang punerarya ang kanilang Coffee Shop dahil sa Over Design ng kanilang karatula. Kaya mamayang gabi, magkakaroon tayo ng meeting sa Chatbox app."

Emily (Sighs): "Hay... Kailangan ba talaga na magmeeting sa App? Eh karatula lang naman iyon. Hindi ba?"

Kit (Unamused): "Kailangan Emily. Para matulungan naman natin ang pamilya ni Ivy na magkaroon ng mga customer at kumita ng pera. Tsaka may iba pa tayong pag-uusapan maliban diyan sa karatula. Kaya makaka-asa ako na online ka mamayang gabi."

Napatitig si Emily sa sinabi ni Kit at naisip niyang tungkol sa kanilang 3rd Quarter Exam ang kanilang pag-uusapan.

Kaya sumang-ayon na lang siya rito. At habang naglalakad, nagkaroon ng kung anu-anung usapan ang dalawa habang pauwi sa kanilang mga bahay.

Hanggang sa marating nila ang harap ng kanilang mga bahay at nagsi-uwian ang dalawa.

Pagdating ni Emily sa loob ng kanyang kuwarto, agad siyang nag-isip kung ano ang kanilang pag-uusapan sa Chatbox app, maliban sa pagpapalit ng karatula ng Coffee shop ni Ivy.

At nang gabing iyon, matapos maghapunan, agad ginawa ni Emily ang kanilang Chatbox group at isinali ang lahat ng kanilang mga kaibigan.