webnovel

Chapter 46- Outing Trip

Dalawang araw makalipas ang araw ng pasko, maagang nagising si Emily at kasalukuyang naghihintay sa pagdating ng kanyang mga kaibigan sa harap ng kanilang bahay. Habang naghihintay, dumating sila Nina, Isaac, Althea, Axel at Claire, sakay ng isang tricycle at bumaba sa harap ng bahay.

Ngunit hindi inasahan ni Emily na sasama din si Ruby nang makita niya itong bumaba mula sa tricycle.

Nina: "Emily, andito na kami!"

Emily: "Buti naman at dumating na kayo. Tsaka, sasama ka rin, Ruby?"

Ruby: "Yes! Sasama ako. Gusto ko din lumayo sa mausok na siyudad. Tsaka nakalimutan mo na ba? Inimbitahan mo ako through PM sa Chat, pero nagreply ako na pag-iisipan ko, hindi ba? Kaya eto, nakapagdesisyon na ako."

Emily: "Ah..Oo nga pala. Sorry. Hehe.." (Oo nga pala. Inimbitahan ko siya kagabi sa Chat. Naalala ko, hindi na pala siya tulad noon na mataray.)

Althea: "Maisingit ko lang, Ruby. Ba't hindi mo kasama sina Ivy at Samantha?"

Ruby: "Si Ivy, nagbakasyon probinsiya nila. Samantalang si Samantha, gustong matulog lang maghapon sa kanilang bahay."

Althea: "Grabe naman si Samantha, gusto lang niyang gugulin ang kanyang bakasyon sa paghilata lang sa loob ng kanilang bahay."

Ruby: "Wala naman akong magagawa kung ganyan ang gusto niyang mangyari sa kanyang bakasyon. Wala din naman akong karapatan para diktahan siya sa kanyang mga gusto."

Althea: "Kung sabagay, may punto ka."

Isaac: "Ruby, si Jackson? Sasama ba siya?"

Ruby: "Isaac, hindi ko siya inimbitahan. Baka mapagulo pa tayo kapag isinama pa natin siya."

Isaac: "Ah...Oo. Mahilig pala manuntok ng tao ang lalaking yun."

Nina: "Ruby, naalala ko lang, hindi mo ba inimbitahan si Edward?"

Ruby: "Si Edward? Hinikayat ko rin naman siyang sumama sa Outing ni Kit. Pero may lakad din ang kanyang pamilya."

Nina: "Ay.. May family get-to-together sila?"

Ruby: "Oo. Pero hindi naman ako nag-aalala kay Edward, kasi alam ko naman na kasama niya ang kanyang pamilya. Siya nga pala, Axel? Anong oras pala dadarating yung kaibigan mong si Daniel. "

Axel: "Ehh....Siguro mga alas-"

Bago pa man matapos sa kanyang sasabihin, biglang sumulpot sa mga halaman si Daniel, sa likod ni Emily. Sumulpot din naman mula sa likod ni Daniel ang kambal at walang kamalay-malay na kanina pa nag-aabang sa kanyang likod ang mga ito.

Daniel: "Guys! Hindi niyo na kailangan maghintay! Dahil andito na ang pogi niyong kaibigan!"

Allan & Allen: "Oo nga!"

Axel: "Teka, Daniel?! Kailan ka pa dumating?!"

Claire: "Tsaka, kailan pa dumating yung kambal sa likod mo?!"

Daniel: "Oo nga noh! Kailan pa dumating sa likod ko itong dalawang to?!"

Axel: "Tol! Yung tanong ko! Nakalimutan mong sagutin-"

Allan: "Kanina lang, Pre! Pagdating mo!"

Allen: "Oo nga!"

Axel: (Basta talaga ma-distract sa ibang tanong si Daniel, wala na siyang naririnig galing sa akin.)

Nang makita ni Emily sila Daniel at ang kambal mula sa kaliwang direksyon ng kanyang likod, naghinala na rin siya sa kanyang isipan na baka sumulpot na rin si Kit mula sa kanyang likod.

Emily: (Okay....Kung biglang sumulpot sa likod ko si Daniel at sumulpot din sa likod niya yung kambal.... Ibig sabihin, nasa likod ko sa kanan si Kit.)

Habang nakangiwe sa mga nangyayaring biglang pagsulpot nang kambal at ni Daniel sa kaliwang direksyon ng kaniyang likod, mabagal na umikot si Emily sa kanang direksyong ng kanyang likod at inaasahan niyang si Kit ang kanyang makikita. Ngunit....

Lola Delia: "Iha! Siguro, inaasahan mong susulpot si Kit sa kanang pwesto ng iyong likod. Pero dyan ka nagkakamali! Hahahaha!"

Emily: "NYAAAH!!"

Nagulat ng husto si Emily nang makita niya ng malapitan sa mukha si Lola Delia at nakatayo sa kanang pwesto ng kanyang likod. Nagulat din naman ang mga kaibigan ni Emily sa hindi inaasahang pagsulpot nang matanda sa kanyang likod. Hindi naman nagulat ang Kambal nang makita ang matanda.

Nina: "Emily?! Sino ang matandang iyan?! Ba't bigla na lang siyang sumulpot sa likod mo?!"

Daniel: "Oo nga! Tsaka, Nanang?! Paano po kayo nakarating dyan sa tabi ko?!"

Althea: "Lola! Hindi man lang po namin kayo napansin na naglakad sa likod ni Emily! Paano niyo po ginawa yun?"

Claire: "Guys! Kung mapapansin niyo, para siyang si Kit kung kumilos. Posible po bang Lola po kayo ni Kit?"

Lola Delia: "Hahaha! Aba! Buti naman at may nag-iisip din sa mga kaibigan ng apo ko at si Emily. Tama yung hinala nung dalagitang may Bluish na buhok."

Ruby: "So that means, Lola po kayo ni Kit!"

Lola Delia: "Oo, Iha na may pulang buhok. Tama ang sinabi mo."

Matapos matukoy nina Claire at Ruby na Lola ni Kit ang naturang matanda, opisyal na ipinakilala ni Emily ang matanda sa kanyang mga kaibigan.

Emily: "Guys! Siya nga pala si Lola Delia. Siya ang Lola ni Kit. Tsaka pasensya na din po Lola Delia kung nagulat po ako sa pagdating po ninyo at pati na rin po sa kawalan ng respeto sa mga tanong ng mga kaibigan ko po."

Lola Delia: "Okay lang, Iha. Walang problema. Tsaka kagagawan ko din naman kung bakit masama ang impresyon ng mga kaibigan mo sa akin."

Nina: "H-Hi po! Pagpasensyahan niyo na rin po ang pagtatanong ko po kanina kung medyo nakakabastos po sa inyo. Ako po pala si Nina."

Lola Delia: "Nice to meet you, Iha. At ang cute mo din. Tsaka okay lang, kasalanan ko din naman kung bakit kayo nagulat."

Nina: "Thank you po. Tsaka, ito pong lalaking matangkad na maiksi ang buhok, siya po si Isaac."

Isaac: "Hi din po! Ako po si Isaac."

Lola Delia: "Nice to meet you, Iho."

Emily: "Lola Delia, yung babaeng may pula na buhok, siya naman po si Ruby. Tapos si Claire naman po yung may Bluish na buhok."

Lola Delia: "Nice to meet you mga Iha."

Ruby & Claire: "Nice to meet you din po."

Emily: "Tapos yung babaeng may short-hair na brown, siya naman po si Althea."

Althea: "Hi po!."

Lola Delia: "Hello din. Nice to meet you, Iha."

Emily: "At yung dalawang lalaki na gwapo at matangkad-"

Daniel: "Correction! Ako lang ang pogi dito, Emily."

Axel: "Daniel, umayos ka nga. Ipinapakilala na nga tayo ng maayos ni Emily sa Lola ni Kit, magpapabida ka na naman!"

Lola Delia: "Nice to meet you, Daniel."

Daniel: "Uhmm..Ka-Kayo rin po, Lola." (Wow! Narinig lang niya kay Axel ang pangalan ko, natandaan niya agad. Napaka-attentive naman ng Lola ni Kit.)

Emily: "Uhmm...Pasensya na po kayo kay Daniel, Lola. Medyo po kasi...."

Lola Delia: "Okay lang, Iha. Huwag kang mag-alala, nauunawaan ko." (Sa nakikita ko, siya ang mahangin sa kanilang lahat.)

Emily: "Tsaka yung isang lalaki na katabi ni Daniel ay si Axel."

Axel: "Hello po! Lola!"

Lola Delia: "Nice meeting you din, Iho."

Emily: "At sila po, Lola, ang mga sasama po sa atin sa Outing."

Allan: "Emily, anong sila ang sasama sa Outing na pinagsasasabi mo dyan?! Kasama din kaya kami sa lakad niyo!"

Allen: "Oo nga!"

Althea: "At sino naman ang nag-imbita sa inyo?! Sa nakikita ko, gumagawa lang kayo ng dahilan para sumama sa Outing dahil nakatunog lang kayo na sasama si Claire!"

Allan: "Sino pa ba?! Eh di si Kit! Di ba Tol?!"

Allen: "Oo nga! Kahit itanong niyo pa kay Lola Delia!"

Lola Delia: "Oo. Tama yung sinabi nung magkapatid. Sasama sila sa Outing, kasama natin."

Nagulat ang mga kaibigan ni Emily nang marinig mula mismo kay Lola Delia na sasama ang Kambal sa kanilang Outing. Hindi naman malinaw sa mga kaibigan ni Emily kung bakit kailangan sumama ang Kambal, hanggang sa ipinaliwanag ni Emily sa kanyang mga kaibigan na ang kambal at si Kit ay kanyang mga kapit-bahay. Naintindihan naman ng mga kaibigan ni Emily ang kanyang paliwanang at naunawaan din sa kanilang isipan na sila Kit at ang kambal ay magkaibigan at magkapit-bahay.

Axel: "Kaya naman pala hindi pinapakialam ni Kit etong dalawang bastos dahil magkapit-bahay pala sila."

Daniel: "At hindi din sila sinisita ni Kit sa School."

Claire: "Hindi lang iyon. Hindi sila kinukuryente ni Kit gamit ng Taser."

Lola Delia: "A-Ano? Taser?"

Althea: "Opo, Lola. Hindi niyo po ba alam na nangunguryente siya ng kapwa estudyante sa School?"

Sandaling napaisip at napabuntong hininga ang matanda sa sinabi nina Claire at Althea, matapos niyang malaman ang maliit na kalokohan ni Kit sa kanilang paaralan at tila may hinala ito sa kung sino ang nagbigay ng Taser na ginagamit ni Kit sa pangunguryente.

Lola Delia: (Naku! Mali ata ang naibilin ko sa apo ko. Bakit ko pa kasi sinabi na gamitin ang Taser kapag may nakikita siyang anomalya sa kanyang paligid. Mali tuloy ang pagkakaintindi ng apo ko sa sinabi ko. Kailangan ko siyang kausapin ng masinsinan mamaya pagdating namin sa Vacation house.)

Ruby: "Speaking of Kit, asan na pala yung lalaking nag-imbita sa atin?"

Nina: "Oo nga noh. Emily, asan na pala si Kit?"

Sasagutin sana ni Emily ang tanong nina Nina at Ruby, nang may dumating na isang Van na umaandar ng napakabagal at bumubusina ng paulit-ulit, papunta sa kanilang kinatatayuan. Ngunit kakaiba ang naging reaksyon nila Emily at ang kanyang mga kaibigan nang makita ang kakaibang kulay ng naturang sasakyan.

Lola Delia: "Aba? Ayan na pala yung sasakyan natin.

Daniel: "Yan yung sasakyan natin?! Ba't po kulay yellow ang kulay ng Van?!"

Isaac: "Oo nga. Kulay Yellow nga."

Nina: "Pero ang cute ng kulay. Tapos may mga design pang bulaklak na pink sa katawan ng Van.

Axel: "Pero bakit pati Mugs ng gulong kailangan din korteng bulaklak?" (Makikipista ba kami sa Flower Festival?)

Althea: (Wow.. And weird ng sasakyan.)

Emily: "Lola Delia? Sigurado po ba kayong dyan po tayo sasakay?"

Lola Delia: "Oo, Iha. Tsaka hindi mo ba nakikitang nasa Passenger seat si Kit?"

Emily: "Nakikita ko po. Tsaka sino po ang Driver? Hindi ko po maaninag sa bintana ng Van. Pero parang may mali sa po pag-andar ng Van."

Lola Delia: "Bakit naman? Mabagal naman ang takbo ah? Mukhang magaling magmaneho yung Driver na tinawag ni Kit para kunin ang Luxury Van ko sa bahay ni Mark."

Nina: "Luxury Van po ninyo? Sa inyo po yung Van?"

Lola Delia: "Oo, Iha. Ang ganda, hindi ba?"

Nina: "Opo. Ang cute nga po."

Claire: "Sang-ayon din po ako."

Natutuwa man ang mga babaeng kaibigan ni Emily sa kulay at itsura ng Van, nawe-weirduhan naman ang mga lalaking kanilang kasama.

Daniel: (Parang pagtitinginan kami sa daan ng mga tao dahil sa ganyang itsura ng Van.)

Isaac: (Tuwang-tuwang ang mga girls sa itsura ng Van. Pero kung ako ang tatanungin, parang nakakahiyang sumakay sa loob ng Van na iyan.)

Emily: "Lola Delia, huwag niyo pong masamain pero kakaiba po ang pag-andar ng Van po ninyo."

Lola Delia: "Emily, Iha? Ba't ka ba nag-aalala? Wala naman akong nakikitang problema sa pagtakbo ng Van."

Pakiramdam ni Emily, may kakaibang nangyayari sa pag-andar ng papalapit na sasakyan sa kanilang kinatatayuan at hindi ito pinansin ni Lola Delia.

Bagamat, mabagal ang pag-andar, nagpagewang-gewang ang takbo ng sasakyan at lumagpas sa tapat ng bahay ni Emily, tsaka ito lumiko sa kaliwa pabalik sana sa kanilang kinatatayuan. Ngunit sumobra na naman ang takbo nito, tsaka ito dumiretso sa labas ng kalsada. Hanggang sa bumangga ang Van sa isang malaking drum ng basura malapit sa poste. Tumumba at gumulong sa kalsada ang naturang drum. Kasabay ng paggulong ng drum, ikinalat nito ang lamang mga basura sa buong paligid.

Tumigil din naman ang sasakyan matapos mabangga ang Drum ng basura, ngunit hindi naman natuwa si Lola Delia sa kanyang nakita. Kaya agad niyang pinuntahan ang kanyang Van na bumangga sa Drum ng basura at paglapit niya, nakita nito sa Driver's seat ang sobrang lasing na si Mang Temyong na siya palang kinuha ni Kit na maging Driver para imaneho ang kanyang Van, papunta sana sa tapat ng bahay ni Emily. Maliban kay Mang Temyong, kasama din niya ang mga lasing na sina Mang Eliasar at Mang Impong na nakasakay din sa loob ng Van.

Mang Temyong: "THISH ISH ISHPARTA!!"

Sabay sipa ni Mang Temyong sa pintuan ng Van para ito ay bumukas, tsaka ito lumabas sa Driver's Seat. Lumabas din naman ang dalawang kasama nitong mga lasing mula sa loob ng Van. Pati na rin si Kit na nakasakay sa Passenger seat ay lumabas din at tahimik na pinapakinggan at pinagmamasdan ang pagtatalo ng tatlong lasing habang siya ay nakasimangot dahil sa palpak na pagmamaneho ni Mang Temyong.

Mang Eliasar: "Temyong! Hanggang ngayon ba naman?! Hindi mo pa rin makalimutan yung paborito mong linya sa Movie na 300?!"

Mang Impong: "Sparta ka dyan!! Wala tayo sa Sparta! Kaya huwag kang manipa ng kung ano-anong bagay!"

Mang Temyong: "Pakialam niyo ba?! Favorite ko nga shi Ka-Leo Nidash!"

Mang Impong: "Ka-Leo Nidash ka dyan?! Leonidas yun!

Mang Eliasar: "Tsaka, anong klaseng pagmamaneho yung ginawa mo kanina?! Marunong ka ba talagang magmaneho ng sasakyan?!"

Mang Temyong: "Eliash! Ang tawag dhun, Professhional Driving! Ba't ka ba nagdududa sha Driving Shkillsh ko ha?!"

Mang Eliasar: "Professional Driving?! Muntik na tayong mamatay kanina!! Tapos sasabihin mong Professional Driving ang ginawa mong pagmamaneho?!"

Mang Impong: "Oo nga! Tsaka kung napabilis pa tayo ng takbo kanina, baka nadisgrasya na tayo ng dahil sa pagbangga natin sa Titanium na bagay na nagasgasan natin!"

Mang Temyong: "Anong Thithanium? Baka Shilver na bagay ang nakitha mo kanina!"

Mang Eliasar: "Hindi yun silver! Malaking stainless na bakal yung nakita kong nabangga natin kanina!"

Mang Temyong: "Hindi! Thaithanium yun na bilog! Thingin ko pa nga dun parang malaking thanke ng gashul!"

Mang Impong: "Kita mo yan, Eliasar! Sinasabi ko na nga ba eh! Muntik na tayong patayin ni Temyong kanina! Paano kung sumabog yung bomba na nabangga natin kanina?!"

Mang Temyong: "Anong Bomba?! Bashtosh ka talaga Impong! Yung Bomba na naman ba na nakikita mo sa Diyaryo ang tina-topic mo?!"

Kit: (Hay...Kasalanan ito ni Mang Selmo. Siya na nga ang inutusan ni Lola para kunin at imaneho ang Van, pero ipinasa pa niya sa tatlong to. Mabuti pa siguro kung awatin ko na ang mga ito at pauwiin ko na sila sa kanilang mga bahay.)

Bago pa mag-away ang tatlong lasing dahil sa hindi pagkakaunawaan sa kung anu ang kanilang nabangga, pumagitna si Kit at sinabihan ang mga ito na umuwi sa kanilang mga bahay.

Kit: "Mang Temyong, Mang Eliasar at Mang Impong. Nagawa niyo na po nang tama ang ibinilin po sa inyo ni Mang Selmo kanina. Maari na po kayong umuwi."

Inilabas ni Kit mula sa kanyang bulsa ang kanyang pitaka at naglabas ng tatlong libong halaga ng pera. Tsaka binigyan ng tig-iisang libo ang bawat isa sa tatlong mga lasing. Malugod namang tinanggap ng tatlo ang ibinigay na pera mula kay Kit at agad kinalimutan nang tatlo ang kanilang pinagtatalunan.

Mang Temyong: "Uy! Shalamat! May pang on-the-rocks na naman ako!"

Mang Eliasar: "Salamat, Kit! Malaking tulong ito!"

Mang Impong: "Salamat din! At pagpasensyahan mo na si Temyong. Muntik na tayong mapahamak kanina ng dahil sa kanya. Sa susunod, sisiguraduhin naming hindi makakabangga ng malaking tangke ng LPG si Temyong."

Kit: "Opo. Salamat po at wala din pong anuman." (Ganito ba kalabo ang mata ng mga lasing kapag napapasobra sila sa pag-inom ng alak? Pagkamalan ba namang tangke ng LPG yung malaking puting drum ng basura.)

Pagkakuha sa perang ibinigay ni Kit, agad umalis ang tatlo palayo sa Van. Ngunit, imbes na umuwi sa kanilang mga bahay ay tumuloy pa ang mga ito sa Sari-sari Store at muli na namang bumili ng alak, tsaka sila naglaro ng Pusoy sa tapat ng Store. Pag-alis ng tatlo, tsaka naman dumating sa kinatatayuan ni Kit ang kanyang Lola.

Lola Delia: "Hay! Jusko! Apo! Nasaktan ka ba? Wala bang masakit sa katawan mo?"

Kit: "Wala po."

Lola Delia: "Bakit mo ipinamaneho sa tatlong iyon ang Van at hindi kay Selmo? Tsaka, ba't hindi mo kasama si Selmo?!"

Kit: "Lola, nakakurbata at nagmamadali pong umalis si Mang Selmo, kaninang umaga dahil may dadaluhan daw po siyang Mahjong Tournament. Kaya ibinilin na lang po niya sa tatlo yung pagkuha sa inyong Van sa bahay ni Uncle Mark."

Lola Delia: "Ay...Ganun ba? Hindi ko alam na may importante pala siyang lakad. Pero sana man lang, Apo, naghanap ka na lang ng ibang tao na magmamaneho sa Van na hindi lasing."

Kit: "Lola, hindi naman po sila lasing kanina. Pero habang bumabiyahe kami pauwi, tsaka naman po nila naisipang uminom ng alak sa loob ng Van. Kaya lasing po sila pagdating po namin dito. Naging taga-pasa pa nga ako ng Shoting glass ni Mang Temyong at nung dalawa sa loob kanina."

Napakamot na lang ng ulo si Lola Delia sa sinabi ni Kit matapos niyang maisip na hindi pa nakakainom ng alak ang tatlong lasenggo noong kinuha ng mga ito ang kanyang Van sa bahay ni Mark at nalasing na lang ang mga ito habang umiinom ng alak sa gitna ng biyahe. Dahil sa nangyari, naisip na lang ni Lola Delia na siya na ang magmamaneho sa kanyang sasakyan.

Lola Delia: "Hay....kung ganyan din lang na mga lasing ang makukuha nating Driver para sa Outing, mabuti pa kung ako na lang ang magmamaneho sa Van."

Sa hindi maipaliwanang na dahilan, biglang napataas ng kaliwang kilay ni Kit at muling tinanong ang kanyang Lola kung sigurado ba ito sa kanyang sinabi."

Kit: "Lola? Sigurado po kayo? Kayo po ang magmamaneho?"

Lola Delia: "Oo, Apo. Bakit? May problema ba?"

Kit: "Wala po."

Lola Delia: "Kung wala, eh di tawagin mo na ang mga kaibigan mo at aalis na tayo."

Pagkatapos sabihan ni Lola Delia si Kit, agad sumakay ang matanda sa kanyang sasakyan, tsaka niya ito pinaandar at mabagal nitong iniatras papunta sa kalsada. Kinawayan naman ni Kit ang kanyang mga kaibigan at lumapit naman ang mga ito sa kanilang sasakyan.

Nina: "Kit? Anong nangyari kanina? Ba't bumangga ang Van sa basurahan?"

Kit: "Lasing yung Driver."

Daniel: "Lasing yung Driver?! Ibig mong sabihin, lasing yung Driver na magdadala sa atin sa pupuntahan natin?!"

Kit: "Oo, lasing yung Driver kanina, Daniel. Pero si Lola na daw ang magmamaneho ng Van."

Daniel: "Ha?! Lola mo ang Driver natin?"

Kit: "Oo."

Daniel: "Kung ganon, wala tayong magiging problema! Hahaha!" (Mukhang magiging mabagal at ligtas ang biyahe namin.)

Althea: "Axel? Ba't ganun maka-react si Daniel?

Axel: "Eh.... Iniisip niya na magiging mabagal ang takbo ng sasakyan."

Althea: "Bakit naman?"

Axel: "Siguro....Dahil sa isang matanda ang magmamaneho sa sasakyan nating Van?"

Althea: "Hmmm....Oo nga noh. Baka mabagal nga magmaneho ng sasakyan ang Lola ni Kit.

Isaac: "Tsaka kung mapapansin niyo, napaka-kapal ng suot na salamin nung matanda."

Ruby: "That means, aabutin ng siyam-siyam ang biyahe natin dahil malabo din ang kanyang paningin. Kaya pala pinapasakay na tayo ng maaga."

Hindi sumabat si Kit sa sinabi ng kanyang mga kaibigan at tila may iba itong inaalala. Napansin naman ito ni Emily at tatanungin sana si Kit kung bakit kakaiba ang kanyang reaksyon. Ngunit, biglang bumusina ang Van at sinabihan ni Lola Delia ang kanyang mga kasama.

Lola Delia: "Guys! Sumakay na kayo. Aalis na tayo! Tsaka ipasok niyo na rin yung mga dala ninyong gamit sa loob ng Van."

Nina: "Opo! Andyan na po!"

Claire: "Guys, pakitulungan naman ako na ipasok ang bagahe ko."

Allan: "Claire, andyan na kami!"

Allen: "Oo nga!"

Tutulungan sana ng kambal si Claire nang bigla silang sinipa ni Althea papasok sa loob ng Van.

Allen: "Aray!! Ba't mo ginawa yun?!

Allan: "Oo nga!"

Althea: "Alam ko na estilo niyong dalawa! Kaya ang mabuti pa, dyan na kayo sa likod ng Van!"

Allan: "Pero hindi mo naman kami kailangang sipain!"

Isaac: "Allan! Salo!"

Ihinagis naman ni Isaac ang kanyang malaking bag at tumama sa katawan ng kambal. Nagreklamo naman ang kambal matapos silang madaganan ng malaking bag ni Isaac.

Allen: "Isaac! Ano ba itong mga dala mo?!

Allan: "Oo nga! Ba't napakalaki?! Dinala mo ba ang buong bahay mo ha?!"

Isaac: "Hindi. Mga damit ang laman niyan."

Allan: "Mga damit?! Eh ba't ang laki?!"

Isaac: "Malaki lang yung bag pero magaan naman yan. Tsaka pakikuha na din itong bag nila Claire at Alt. Pakilagay na rin dyan sa likod."

Naiinis man ang kambal dahil ginawa silang utusan ng kanilang mga kaklase, inilagay na lang nila sa likod ng Van ang kanilang mga gamit at pinili na lang nilang manatili sa likod.

Matapos mailagay ang lahat ng kanilang gamit, sumakay na rin sa loob ng Van ang mga kaibigan ni Emily. Nahuli naman sa pagsakay si Emily dahil ipwinesto pa nito ang kanyang bag sa likod, pero bago pa man siya sumakay sa loob ng Van, sandali muna siyang hinila ni Kit sa kamay na tila may gusto itong sabihin.

Emily: "Kit? Bakit?"

Kit: "Emily, magseat-belt kayo at kahit na anong mangyari, huwag kayong magtatanggal ng seat belt."

Emily: "Ha? Pero bakit?"

Kit: "Basta. Sumunod ka na lang."

Tsaka umalis at pumasok sa Passenger seat si Kit, at naguguluhan naman si Emily sa kanyang sinabi. Gayun pa man, sumakay sa loob ng Van si Emily at tumabi kay Nina. Napansin naman ni Emily mula sa Rear mirror ng sasakyan na naka-seat belt ng sobrang higpit si Kit sa kanyang katawan. Tila nabahala si Emily matapos makita ang kakaibang reaksyon ni Kit, kaya pati na rin siya ay napasuot na rin ng seat belt.

Nina: "Emily? Bakit ka nagsuot seat belt?"

Emily: "Nina, mukhang seryoso si Kit noong sinabi niya sa akin kanina na magsuot tayo ng seat belt."

Nina: "Kaya ka magsusuot ng seat belt?"

Emily: "Oo. Tsaka wala namang masama kung susundin natin siya, hindi ba?"

Nina: "Kung sabagay, safety first ika nga nila."

Matapos makita ni Nina na nagsuot ng seat belt si Emily, pati na rin siya ay nagsuot na rin at sinabihan ang iba nilang mga kasama sa loob ng Van. Ngunit naging pasaway sila Daniel at ang kambal, at hindi sinunod ang pagsuot ng seat belt.

Daniel: "Hahaha! Napakanerbiyoso niyo naman! Wala ba kayong tiwala pagmamaneho ni Lola?! Naniniwala ako na ligtas tayong makakarating sa patutunguhan natin dahil maingat magmaneho si Lola, tama po ba?"

Allan: "Oo! Tama ka, Daniel!"

Allen: "Oo nga! Kaya hindi na namin kailangan magseat belt!"

Lola Delia: "Hahaha!! Oo, Iho. Tama ang sinabi mo. Ligtas tayong makakarating sa patutunguhan natin. Pero mabuti rin kung magseat belt ka din gaya ng mga kasama mo."

Daniel: "Lola, no need na po yan! Kayo na po mismo ang nagsabi na ligtas tayong makakarating sa pupuntahan natin. Kaya malaki ang tiwala ko po sa inyo."

Lola Delia: "Ah...Ganun ba, Iho? Oh siya, paandarin ko na ang sasakyan at umalis na tayo."

Allan: "Yes, Lola!"

Allen: "Oo nga! Bring it on!"

At matapos mailagay sa likod ng Van ang kanilang mga gamit, mabagal na pinaandar ni Lola Delia ang kanyang sasakyan at sandali munang dumaan sa Downtown para bumili ng meriyendang mga Junk food, biskuwit, softdrinks at tubig para kaninin habang kasagsagan ng kanilang biyahe. Tsaka sila umalis papunta sa Highway.

Samantala, katatapos lang na maihatid nila Mark at Lucile ang kanilang mga written reports sa opisina ni Ansyong at kasalukuyang nakaupo ang dalawa sa sofa ng kanyang opisina. Abala naman si Ansyong sa pagtratrabaho sa kanyang mesa at sandaling kinausap ang kapatid nitong si Mark. Habang nagbabasa naman ng Text message si Lucile sa kanyang android phone.

Mark: "Grabe! Basta talaga matapos ang Pasko, natatambakan tayo ng mga trabaho."

Ansyong: "Mark, talagang ganyan. Asahan mo nang matatambakan ka ng trabaho sa tuwing matatapos ang Holiday season. Kaya dapat ka nang masanay."

Mark: "Oo. Siguro nga po."

Ansyong: "Tsaka magpasalamat ka dahil kung hindi mo kasama si Lucile bilang Secretary mo, baka pagdating na naman ng January, natambakan ka na naman ng mga unvalidated written reports."

Mark: "Kaya nga nagpapasalamat ako kay Lucile at na employ siya dito sa kumpanya. Kung gusto mo, Lucile, ilibre kita ngayon ng lunch."

Lucile: "Uhmm..Sir. Salamat po ulit sa alok po ninyong lunch. Mukhang napapadalas na po ang panlilibre niyo po sa akin."

Mark: "Okay lang iyan. Basta ikaw, ako ang bahala sa pagkain."

Lucile: "Ehh Kung ganun po...salamat po ulit."

Mark: "Tsaka ano bang tinitignan mo sa Phone mo? Kanina ka pa nakatutok dyan ah?"

Lucile: "A-Ano po kasi? Kakaiba kasi yung dumating na text ni Emily."

Mark: "Kakaiba? Ba't naman naging kakaiba?"

Lucile: "Ang nakalagay kasi sa text nya ay "Sos"."

Mark: "Sos? Anong sos? Tomato sauce? Nakalimutan ba nilang bumili ng tomato sauce?"

Lucile: "Siguro nga po, Sir Mark. Baka nakalimutan nilang bumili ng tomato sauce."

Ansyong: "Naalala ko, di ba may Outing sila ni Mama at ni Kit, kasama yung mga kaibigan ng kapatid mo?"

Lucile: "Opo, Sir. Nagpaalam nga po yung kapatid ko kaninang umaga na sasama siya sa Outing po nila Kit at ni Madam."

Ansyong: "Kung ganun, anong sasakyan ang ginamit nila Ma-"

Bago pa man matapos ni Ansyong ang kanyang tanong, biglang dumating ang isang babae na nakasuot ng fashionable maroon dress at padabog na binuksan ang pinto ng opisina. Nagulat naman sila Ansyong, Mark at Lucile sa biglang pagpasok ng babae na napag-alaman din nilang si Amelia at galit na inutusan si Mark.

Amelia: "Mark! Get your car!! Now!!"

Mark: "Ate? Saan naman tayo pupunta? Tsaka ba't parang masama po ang mood niyo ngayong araw?"

Amelia: "Sinabi ni Kit kanina sa text, si Mama daw ang nagmamaneho nang sinasakyan nilang Van! We need to go after them!

Ansyong: "Wait....WHAT?!"

Nagulat si Ansyong nang marinig nito mula kay Amelia na ang kanilang Ina na si Lola Delia ang nagmamaneho sa sinasakyan nilang Van papunta sa kanilang destinasyon at parehong nataranta sa hindi malamang dahilan ang dalawang nakatatandang kapatid ni Mark. Kaya tinanong ni Mark ang kanyang mga kapatid kung bakit ganun na lang ang kanilang reaksyon.

Ansyong: "Naku po!"

Mark: "Naku po? Kuya Ansyong, anong ibig mong sabihin sa sinabi mo? Ba't ba kayo natataranta ni Ate kapag si Mama ang nagmamaneho ng sasakyan?"

Amelia: "Mark! To make this explanation short, kaskaserong Driver si Mama dahil dati siyang isang Race Car Driver sa U.S., bago sila nagkakilala ni Papa!"

Mark: "Dating Race Car Driver si Mama?! I-Ibig sabihin..."

Ansyong: "Tama ang hinala mo, Mark. Sa mga oras na ito, nagpapatakbo lang naman ng 150 Kilometers per hour si Mama sa minamaneho niyang Van. Maari pang bumilis ang pagpapatakbo niya sa sasakyan depende sa kanyang mood."

Amelia: "At parang sinasapian nang kung anong Demonyo si Mama kapag nakakahawak siya ng manibela!!"

Lucile: "Sandali po, kung pumapalo sa 150 Kilometers per hour ang pagpapatakbo ni Madam sa mga oras na ito?! I-Ibig sabihin, yung text message ni Emily sa akin kanina...!"

Amelia: "Text ni Emily?! Lucile! Ano ang itinext sayo nang kapatid mo?!"

Bagamat kinakabahan at umaasa na sana'y mali ang hinala ni Lucile, ipinakita niya kay Amelia ang huling text message ni Emily. At lalo pang nataranta si Amelia nang makita ang naturang text message.

Amelia: "Oh my God! This is an S.O.S message! Mark! Cancel all your appointments! We are going to pursue them!!"

Mark: "W-What?! Ate, hindi ko naman pwedeng basta na lang kanselahin yu-"

Amelia: "NOW!"

Mark: "O-Okay! Pupunta na! Ihahanda ko na yung Ford! Tsaka Kuya, sorry sa mga appointments."

Ansyong: "Okay lang, Mark. Ako na ang bahalang magpapaliwanag sa Board kung bakit mo ikinansela lahat ng mga Meetings mo. Basta't habulin niyo si Mama dahil nag-aalala na rin ako sa mga batang kasama niya sa Van."

Mark: "Okay, Kuya. Thanks!

Amelia: "Lucile, sumama ka na rin! Baka kailanganin ka nang kapatid mo."

Lucile: "O-Opo, Ma'am."

Matapos mapag-alaman nila Lucile at Mark kila Amelia at Ansyong ang tungkol sa pag-uugali ni Lola Delia sa tuwing nakakapagmaneho ito ng sasakyan, agad sumakay at bumaba ng elevator sila Amelia, Mark at Lucile. Habang bumababa sa elevator, ikinansela lahat ni Lucile ang lahat ng Meetings at appointments ni Mark, sabay humungi ng paumanhin sa Text si Mark sa kanilang company partners. Pagbaba sa ground floor, agad pumunta sa Parking Area ang tatlo, tsaka sila sumakay sa pulang Ford Everest ni Mark, sabay pinaharurot ito papunta sa highway para habulin ang Van na minamaneho ni Lola Delia.

At gaya ng hinala nila Ansyong, Amelia at ni Lucile, kasalukuyang pinapatakbo ni Lola Delia ang kanyang Van sa highway ng sobrang bilis at ino-over take ang lahat ng mga mababagal na sasakyan sa kanilang lane. Kung minsan, sinasalubong pa nito ang sasakyan na nasa kanilang harap sa tuwing ino-over take nito ang mabagal na sasakyan. Ang malala pa, tumatakbo ng 160 kilometers per hour ang takbo ng naturang Van dahil sa sobrang inis, matapos makagitgitan ni Lola Delia ang isang Green na Honda Civic na siyang dahilan para ito ay makipagkarera sa naturang Driver ng sasakyan. Kaya sa tuwing umo-over take at nauunahan ang isang kotse, sinisigawan at binubusinahan niya ito.

Dahil sa sobrang bilis na pagmamaneho ni Lola Delia, nagsisigawan at takot na nakakapit sa seat belt sila Emily, pati na rin ang kanyang mga kaibigan. Tahimik at nakasimangot naman na nakaupo si Kit sa Passenger seat na parang normal lang sa kanya ang nakakapanindig-balahibong pagmamaneho ng matanda. At dahil sa hindi nakinig sa abiso ni Emily sila Daniel at ang kambal, napakapit na lang sa mismong Passenger seat si Daniel, habang nagpagulong-gulong at nauuntog sa likod ng mga upuan ang kambal.

Lola Delia: "HOY! BILISAN NIYO NGA ANG PAGPAPATAKBO SA KOTSE NIYO!! PARA KAYONG MGA PAGONG KUNG MAKAPAGMANEHO!!"

Emily: "Lola Delia!! May makakasalubong po kayong Truck!!"

Ruby: "OH MY GOD!! BABANGGA TAYO!"

Nina: "AAAAAHHH!"

Axel: "AAAAAHHH!"

Lahat (except Kit): "AAAAAHHHH!"

Daniel: "LOLA! BAGALAN NIYO PO ANG PAGPAPATAKBO!"

Agad ikinabig ni Lola Delia ang minamaneho niyang Van sa kanan at muntik na namang mabangga ang kanilang sasakyan.

Lola Delia: "Grabe! Napakanerbiyoso niyo naman! Wala ba kayong tiwala na isang Professional Driver ang Lola niyo?"

Althea: "LOLA! TUMINGIN PO KAYO SA HARAP!"

Isaac: "MAY TRUCK NA NAMAN!"

Daniel: "AAAARRRGGGHH!

Lahat (except Kit): "AAAAAHHHH!!"

Muli na namang ikinabig ni Lola Delia ang minamaneho niyang Van sa kanan at muntik na naman silang mabangga ng Truck.

Lola Delia: "Mga Iho't Iha, ilang beses ko ba sasabihin na Professional Driver ang-"

Allen: "AAAARRHGHH! LOLA!! SHARP CURVE!"

Allan: "MAHUHULOG TAYO SA BANGIN!"

Daniel: "MAMATAY NA TAYO!!"

Claire: "EEEEEEEKKKK!!"

Lahat (except Kit): "AAAAAHHHH!!"

Didiretso sana ang Van sa bangin nang biglang ikinabig pakaliwa ni Lola Delia ang kanyang sasakyan, sabay tapak sa preno at ibinalik sa 2nd gear ang kambyo. Tsaka nag-Drift pakaliwa ang Van at inulit na naman ni Lola Delia ang kanyang ginawa sa sumunod na pagliko. Nag-Drift ng kaliwa't kanan ang Van sa mga Sharp curves ng highway at muli na namang pinaharurot ang sasakyan matapos marating ang isa na namang direstong daan.

Lola Delia: "Pambihira! Simpleng over take at pagliko lang, natatakot na kayo?"

Daniel: "Yung ganung pag-over take at pag-drift niyo po kanina, simple pa po yun sa inyo?!! Muntik na po tayong mamatay!"

Kit: "Guys.. Masasanay din kayo."

Daniel: "Masasanay din kami?! Baka bago pa kami masanay sa pagmamaneho ng Lola mo ay baka hindi na kami umabot ng buhay sa Vacation house ninyo nang dahil sa sakit sa puso!!

Axel: "Tsaka Kit, paano mo nagagawang huminahon dyan sa kinauupuan mo?!"

Kit: "..Masasanay din kayo.."

Daniel: "Alam mo, Kit? PAMBIHIRA TALAGA KAYONG MAGLOLA!"

Isaac: "LOLA! MAY MGA NAKAHINTONG SASAKYAN SA HARAP!"

Claire: "Lola! Mukhang may Check-point! Pakibagalan po ang pagpapatakbo sa sasakyan!"

Lola Delia: "Ha? Checkpoint ba kamo?"

Babagalan sana ni Lola Delia ang pagpapatakbo sa minamanehong Van, nang makita nito ang Green na Honda Civic na kanyang nakagitgitan at naunang nakahilera sa mga nakapilang sasakyan, malapit sa Tent ng mga pulis. Imbes na bagalan ang kanyang pagpapatakbo sa Van para huminto, pinaharurot pa lalo ni Lola Delia ang pagpapatakbo sa Van at binabalak na unahan ang lahat ng mga nakapilang mga sasakyan sa Police Checkpoint.

Lola Delia: "Aha! Andyan lang pala yan nagmamarunong na Driver na iyan?! Tignan natin kung mauunahan mo pa ako kapag ginawa ko ito!!"

Ruby: "O.M.G.!! LOLA!! MAY MGA PULIS SA HARAP!"

Axel: "LOLA! ANONG PINAPLANO NIYO?!"

Althea: "NANANG!! BAGALAN NIYO PO ANG PAGPAPATAKBO!! MAHUHULI TAYO NG PULIS!!"

Kit: "Guys. Eto na naman tayo."

Emily: "KIT!! PAANO MO NAGAGAWANG MAGING MAHINAHON SA GANITONG SITWASYON?!!"

Daniel: "KIT! GUMAWA KA NANG PARAAN!! PIGILAN MO ANG LOLA MO!!"

Hanggang sa pinaharurot ng husto ni Lola Delia ang minamaneho niyang Van at pinatakbo ang sasakyan ng sobrang bilis na umabot sa 170 Kilometers per hour. Wala ng nagawa sila Emily at ang kanyang mga kaibigan kundi ang kumapit sa kanilang mga upuan at mapahiyaw sa takot, maliban kay Kit na parang normal pa rin ang kanyang pakiramdam sa pagmamaneho ng kanyang Lola. Nang makita ni Lola Delia ang isang Trailer Truck na may Hydraulic Car Hauler sa likod at sakto namang nakababa ang Hauler na parang rampa, idineretso ni Lola Delia ang Van pabulusok sa likod ng naturang Truck.

Lola Delia: "Mga bata! Once in a Life time niyo lang mararanasan ang pagpapatalon sa rampa! Kaya mag-enjoy lang kayo! HAHAHAHA!!!"

Axel: "SERYOSO PO KAYO?!!"

Ruby: "O.M.G.!! OH MY GOD!! OH MY GAAAAAAD!!"

Daniel: "LOLA! HUWAG NIYONG ITULOOOY!!"

Nina: "MAMA!! GUSTO KO NANG UMUWII!!"

Lahat (except Kit): "AAAAAHHHH!!"

Sa sobrang bilis ng pagtakbo ng Van, dumiretso ito sa Hydraulic Car Hauler, tsaka tumalon at bumulusok sa ere ang minamanehong sasakyan ni Lola Delia. Gaya kanina, walang ginawa sila Emily at ang kanyang mga kaibigan kundi ang magsigawan at magtilian sa takot dahil sa pagpapatalon ng Van sa ere. Ilang mga sasakyan din ang nalagpasan ng Van, kasama na ang green na Honda Civic at ang Tent ng mga pulis na nagsasagawa ng Checkpoint.

Makalipas ang ilang sandali, bumagsak ang Van sa apat nitong gulong at nagawa namang makontrol ni Lola Delia sa tamang posisyon ang kanyang sasakyan, tsaka na naman ito humarurot palayo sa Checkpoint. Nagulat naman ang mga pulis nang marinig ang pagbagsak ng Van at hindi nila maipaliwanag sa kanilang sarili kung paano nakalagpas sa kanilang Checkpoint ang Van ng hindi napapansin. Gayun pa man, hinayaan na lang ng mga Pulis ang Van dahil na rin sa nakalayo na ito mula sa kanilang kinatatayuan. Tuwang-tuwa naman si Lola Delia nang makita niyang naiwan sa Checkpoint ang mga naunang mga sasakyan, kabilang na ang nakagitgitan nitong kotse.

Lola Delia: "WOOOOH!! Ang sarap sa pakiramdam kapag ako ang nauuna! HAHAHA!!"

Daniel: "LOLA!! Pambihira po kayo!! Papatayin niyo ba kami?!! Ba't niyo naman po pinatalon sa rampa ng Truck itong Van?!"

Lola Delia: "Siyempre! Para mauna tayo sa biyahe. Bakit? Ayaw niyo bang dumadaan sa shortcut?"

Daniel: "Hindi naman po sa ganun! Pero delikado po yung ginawa niyo kanila lang!"

Lola Delia: "Iho, walang daan na delikado sa akin kapag ako ang nagmamaneho. Tsaka speaking of shortcut, sino bang sira ulong Engineer ang gumawa sa daan na nakikita ko ngayon?!"

Panatag na sana ang kalooban nila Emily at ang kanyang mga kaibigan, nang napatingin sila sa harap at kanilang nakita ang Highway na paliko sa kanan at iniwasan ang isang malawak at bako-bakong tuyong palayan. Sa dulo naman nito ay ang kadugtong ng Highway, at isang malaki at mahabang bakal na tulay kung saan kumokonekta rito ang bayan ng Dagupdup na kanilang destinasyon.

Matapos makita ang naturang daan, nagkaroon ng masamang hinala ang lahat sa kung ano ang pinaplano na namang gawin ni Lola Delia. Hanggang sa hindi sila nagkamali sa kanilang hinala.

Claire: "Lo-Lola?! Huwag niyo po sanang gawin yung bagay na iniisip naming-!"

Lola Delia: "Walang hiya naman yung Engineer na gumawa sa daan na ito! Pwede namang idiresto sa gitna ng palayan yung daan! Pinahirapan pa nila yung mga biyahero!"

Daniel: "SINASABI KO NA NGA BA! GAGAWIN NGA NIYA!!"

Ruby: "OH MY GAAD! KUMAPIT KAYO!"

All Boys (except Kit): "AAAAARRGHHHH!"

All Girls: "EEEEEEKKK!"

At idineresto nga ni Lola Delia ang kanyang sasakyan sa tuyo at baku-bakong lupa ng palayan. Ang masama pa, hindi nagbago ang bilis ng sasakyan na pinapatakbo ni Lola Delia at pinilit pang pinatakbo sa tuyo at bako-bakong daan ang Van. Kaya ang resulta, naalog sa loob ng Van ang lahat ng mga sakay, kabilang na ang kanilang mga gamit.

Dahil sa bilis ng sasakyan at malakas nitong pagkaka-alog sa tuwing tumatama ang mga gulong nito sa maumbok na parte ng lupa, hindi pinalad na mauntog sa kisame, sahig, likod ng mga upuan, mismong upuan, at sa iba't-ibang parte ng Van sila Daniel, Allan at Allen. Bunga na rin na katigasan ng kanilang mga ulo at sa pagbabalewala ng abiso ni Emily na sila ay magsuot ng Seat belt.

Ilang sandali pa, nakalagpas na rin mula malawak at tuyong palayan ang sasakyan na agad dumiretso sa tulay.

Lola Delia: "Kita niyo na? Pwede naman dumaan dun! Hindi ko lang maintindihan kung bakit iniwasan ng mga Engineer na gumagawa ng Highway yung tuyong palayan! Pwede naman nilang ideretso mismo sa gitna ng palayan yung Highway!"

Daniel: "Lola, pakiusap po.. Bagalan niyo po ang pagpapatakbo... Hindi na kami aabot ng buhay.."

Allan: "...Oo... nga!"

Lola Delia: "Ano? Bagalan ang takbo? Ba't ko pa babagalan ang takbo ng sasakyan kung malapit na tayo sa pupuntahan natin."

Biglang napanatag ang loob nila Emily nang sabihin ni Lola Delia na malapit na sila sa Vacation house kung sila mananatili para sa kanilang Outing. Makalipas ang sampung minuto, narating nila ang isang maganda, ngunit lumang bahay na gawa sa semento at may first floor, sa tabi ng dagat. Gawa naman sa semento ang poste at napapalibutan ng Barbed wire na nagsisilbing bakod sa naturang bahay. Pagdating sa labas ng Gate, idineretso ni Lola Delia ang Van at binangga ang Gate na gawa sa kahoy, tsaka biglang nagpreno sa tabi ng bahay.

Lola Delia: "Guys! Narito na tayo! Kita nyo? Napakagaling magmaneho ng Lola niyo! HAHAHA!!"

Daniel: "Lola! Ang galing niyo nga po! Pero kamuntikan na rin po tayong mamatay!"

Althea: "Tsaka, saan po ba kayo natutong magmaneho na ganon?! Parang sanay na po kayong magmaneho ng buwis-buhay po sa daan!!"

Lola Delia: "Hahahaha! Gaya nang sinabi ko kanina, Professional Driver ang Lola niyo. Matagal na rin mula noong nakipagkarera ako sa ibang sasakyan. Sa pagkaka-alala ko, huli akong nakipagkarera noong nasa U.S. pa ako."

Nina: "Noong nasa U.S. pa po kayo?"

Claire: "Lola, ano po ang trabaho niyo po noong nasa U.S. pa po kayo?"

Lola Delia: "Mga Iho't Iha, hindi naman sa pinagmamayabang pero isa akong Professional Race Car Driver noong nandoon pa ako sa U.S. at 2 time Grand Prix Champion din ako noong 1977. Isa din akong Car Stunt Woman sa mga pelikula sa Hollywood! Bansag nga sa akin ng mga katrabaho kong mga Amerikano ay Dare Devil Delia dahil sa galing ko daw gumawa ng mga delikadong stunts. At kita niyo naman, wala pa rin kupas ang Lola niyo! HAHAHAHAHA!"

Ruby: (Wow! Ang taas pala ng mga nakamit niyang achievements noong kabataan niya.)

Isaac: (Dati siyang Stunt Woman sa mga pelikula? Kaya pala mga buwis-buhay ang pagmamaneho niya kanina sa Van.)

Axel: (Halata kanina kung gaano siya kagaling gumawa ng mga delikadong stunts. Pero sana man lang, magmaneho naman siya ng normal at hindi kami ipinapahamak.)

Lola Delia: "Anyway mga Iho' Iha, kung interisado kayo sa kung paano ako magtrabaho noon, pwede kong i-demo sa inyo yung natutunan kong stunt kung paano patakbuhin ang Van sa ibabaw ng tubig-dagat at para maipasyal ko rin kayo sa gitna ng-"

Emily: "GITNA NG DAGAT?!"

Isaac: "OH! HINDI!!"

Axel: "LULUNURIN TAYO!!"

Daniel: "BUMABA NA KAYONG LAHAT!!"

Althea: "DANIEL! DALIAN MO! BUKSAN MO ANG PINTO!"

Ruby: "HUWAG NGA KAYONG HUMARANG DYAN!! BUMABA NA KAYO!!"

Nina: "GUYS! DALIAN NIYO!!"

Claire: "AYOKONG MAIWAN DITO!! DALI!!"

Emily: "SANDALI!! HUWAG NIYO AKONG IWAN!"

Allan & Allen: "KAMI RIN!!"

Isaac & Axel: "AAAAARRGHHHH!!"

Nagsisiksikan at nagmamadaling lumabas ng Van sila Emily at ang kanyang mga kaibigan, sa takot na magpaharurot at ideresto sa gitna ng dagat ni Lola Delia ang kanyang sasakyan. Hanggang sa nakalabas ang lahat at naiwan na lang sa loob ng Van ang maglola.

Lola Delia: "Apo? May nasabi ba akong masama sa mga kaibigan mo?"

Kit: "Wala po."

Lola Delia: "Eh di kung ganun, sobrang excited lang mag-Outing ng mga kaibigan mo dito sa Vacation house. Tingnan mo, nag-uunahan pa silang lumabas ng pinto."

Kit: "Siguro nga po." (Ang totoo po niyan, Lola. Natakot na po sila sa sinabi niyo na patatakbuhin ang Van sa gitna ng dagat. Baka kasi lumubog itong Van pero wala silang ideya na Amphibian vehicle itong Van. Kaya hindi ito lulubog kahit na tumirik pa ang makina.)

Lola Delia: "Mabuti pa, Apo. Bumaba na din tayo sa Van."

Kit: "Opo."

Sumunod din bumaba ang maglola sa Van at pagbaba nila, nakita nilang hindi magkandarapa sa pagkuha ng kanilang mga gamit sila Emily at ang kanilang mga kaibigan. Pagkakuha sa mga gamit, agad sinamahan ni Lola Delia ang kaniyang mga kasama at binuksan ang pinto ng tutuluyan nilang Vacation house. Pagbukas ng pinto, tumambad sa kanila ang napakagandang loob ng naturang bahay, kung saan nakita nilang may TV, tatlong sofa, mga kabinet, mga gamit sa kusina, mga dalawang malinis na banyo at mga hihigaang kama sa bawat kuwarto.

Ngunit sa kabila ng mga gamit na kanilang nakikita, isang tanong ang sumagi sa isipan ng mga magkakaibigan.

Emily: "Lola Delia, matanong ko lang po, sino po ang naglilinis sa Vacation house?"

Althea: "Oo nga. Sino nga po ba? Napansin ko rin kasi na napakalinis ng loob ng bahay."

Lola Delia: "Yung kapit-bahay na inatasan din namin na maging Caretaker sa bahay na ito. Siya din ang nailinis sa bahay na ito, isang beses sa isang linggo. At sa nakikita ko kakalinis lang niya dito sa bahay bago pa tayo dumating."

Nina: "Kaya po pala napakalinis na po nang loob ng bahay, kahit na napakaluma ng itsura nito sa labas."

Lola Delia: "Oh siya, mga Iho't Iha. Kung napagod kayo sa biyahe, maari na kayong pumunta sa mga kuwarto ninyo. Pero matutulog sa iisang kuwarto sa itaas na floor ang mga babae at kayong mga lalaki dito kayo matutulog sa ibabang kuwarto ha?"

Matapos abisuhan ni Lola Delia ang kanyang mga kasama kung saan sila matutulog, sinamahan niya muna ang mga ito sa kanilang mga kuwarto. Pero dahil sa pagod sa kanilang biyahe, pinili na lang ng mga magkakaibigan na magpahinga na muna sa kani-kanilang mga kuwarto, pagkatapos nilang mananghalian.

Pagdating ng gabi, habang abala sa pagkain ng hapunan sila Emily at ang kanilang mga kasama, biglang may narinig na tunog ng isang sasakyan na pumasok mula sa gate at bumangga sa naka-park na sasakyan ni Lola Delia. Dahil sa kanilang narinig, lumabas mula sa loob ng bahay ang lahat ng mga naghahapunan at pagdating sa labas, nakita nila ang isang pulang Ford Everest na nabangga ang likod ng Van ni Lola Delia. Lumabas naman ang Driver ng Ford at ang mga sakay nito, matapos nitong mabangga ang likod ng Van.

Mark: "Yeah! Finish line!"

Amelia: "Finish line ka dyan! Magpa-park ka na nga ng kotse, babanggain mo pa yung sasakyan ni Mama!"

Mark: "Well, Ate. Hindi ko naman sinasadya. Napasobra kasi ako ng tantsa."

Amelia: "Hay...Oo na. Pero wala na akong kinalaman dyan sakaling makita ni Mama yung nayuping pinto nang likod ng kanya-!"

Lola Delia: "Pambihira naman oh! Ba't mo naman binangga yung likod ng sasakyan ko?!"

Isaac: "Hala! Nabangga ng Ford yung sasakyan ni Lola."

Nina: "Kit, sino yung mga sakay ng pulang Ford?"

Kit: "Mama ko, Tito ko at Ate ni Emily."

Emily: "Ba't nandito si Ate? Anong mayroon?"

Kit: "Hindi ko alam."

Matapos aksidenteng mabangga ni Mark ang Van ni Lola Delia, lumapit ang tatlong sakay ng pulang Ford sa grupo. Agad nilapita at niyakap ni Lucile si Emily dahil sa pag-aalala.

Lucile: "Bunso! Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?

Emily: "Okay naman po kami, Ate."

Nina: "Kami rin po, Ate Lucile. Okay rin po kami."

Lucile: "Mabuti naman at ligtas kayong nakarating dito sa Vacation house ni Madam."

Allan: "Kami rin po. Okay din po kami."

Allen: "Oo nga. Pwedeng payakap din po kami?"

Daniel: "Hoy! Huwag nga kayong makialam sa moment nina Emily at nung Ate niya. Tsaka alam na namin kung ano na naman ang pinaplano niyong dalawa."

Althea: "Gusto niyo atang dumampi na naman yung mga kamao namin sa mga pisngi ninyo?

Allan: "Guyz! Nabibiro lang kami! Di ba Tol?"

Allen: "Oo nga! Hindi na kayo mabiro.

Isaac: "Hay....Wala talagang pinipiling oras ang kalokohan ng dalawang to."

Mark: "Sorry po, Ma. Napasobra po ng bilis yung pagmamaneho ko po sa kotse."

Lola Delia: "Mark, mag-ingat ka naman sa pagmamaneho at baka etong bahay naman ang mabangga mo."

Amelia: "Wow.. Nagsalita yung marunong mag-ingat sa pagmamaneho."

Lola Delia: "Amelia, may sinasabi ka?"

Amelia: "Wala po."

Lola Delia: "Tsaka, ba't naman kayo naparito sa Vacation house?"

Amelia: "Ma, naparito po kami para i-check ang kalagayan ng mga batang kasama ninyo. Isinama pa nga po namin si Lucile para hindi siya mag-alala kanyang kapatid."

Lola Delia: "Wala naman kayong dapat na ipag-alala sa akin kasi hindi ko naman pababayaan ang mga bata. Kita mo naman na ligtas at kumpleto kaming lahat. Ano bang ipinag-aalala mo sa amin, Amelia?"

Amelia: "Mama, baka nakakalimutan niyo na kung bakit ayaw namin ni Kuya Ansyong na kayo ang nagmamaneho sa kotse?"

Bigla na lang sumimangot si Lola Delia nang ipaalala ni Amelia ang ginawa nitong Phobia sa kanyang mga anak at naunawaan nito ang tunay na pakay ni Amelia kung bakit ito naparito sa kanilang Vacation house.

Lola Delia: "Hay.....Oo na. Kung naparito ka para sabihin sa akin na sa inyo sasakay ang mga bata, pagkatapos nila mag-outing dahil kaskasero akong Driver. Sige...pumapayag ako."

Amelia: "Buti naman at you understand, Ma."

Lola Delia: "Alam niyo, tumuloy na lang kaya tayo sa loob at maghapunan na muna? Sakto ang dating niyo dahil naghahapunan palang kami."

Amelia: "Opo, Ma."

Pumasok sa loob ng Vacation house ang lahat para ipagpatuloy ang kanilang hapunan at para makisalo na rin sa hapunan sila Amelia, Lucile at Mark. Habang kumakain sa hapag, naisip ni Lola Delia na ipakakilala ni Emily ang kanyang mga kaibigan kila Mark, Lucile at Amelia, maliban sa kambal. Matapos magkakilala, nagpatuloy sa pagkain ng hapunan ang lahat hanggang sa nauwi sa mahabang kwentuhan at pagkatapos ng kwentuhan, agad iniligpit at nagtulungan sa pagsasa-ayos ng mesa, plato at ibang pang mga ginamit sa kusina.

Dahil sa pagod sa kanilang biyahe, napagkasunduan ng lahat na matulog ng maaga upang makapagpahinga.

Mark: "Okay boys! Lahat ay matutulog dito sa baba. Lalo na kayong dalawa! Hindi kayo pwedeng lumabas sa kalagitnaan ng gabi!"

Allan: "Kaming dalawa?! Bakit po Mang Mark?!"

Allen: "Oo nga!"

Axel: "Nagtanong pa kayo. Siyempre! Alam ng lahat kung ano ang mga ginagawa niyo sa tuwing sumasapit ang gabi!"

Nina: "Kaya tama lang po na bantayan niyo po sila ng maigi."

Lola Delia: "Hindi lang sila ang dapat bantayan dito. Pati rin kayong mga babae at baka humarot kayo dyan sa mga kaibigan ninyong mga lalaki."

Amelia: "Tama si Mama. Kailangan namin kayong bantayan dahil ayaw din naman naming masira ang kinabukasan niyo. Kaya doon tayong lahat sa kuwarto sa First floor."

Mark: "Tsaka Ma. Huwag po kayong matutulog sa loob ng Refregirator at baka hindi namin kayo maabutan ng buhay."

Lola Delia: "Jaskeng bata ka! Anong akala mo sa akin, Tanga?! Ba't naman ako matutulog sa loob ng Refregirator?!"

Mark: "Ma, naniniguro lang. Baka kasi maisipan niyong gawin."

Lola Delia: "Yan mga kasama mong mga binatilyo ang dapat na pinagsasabihan mo! Lalo na kay Kit! Baka matulog na naman yan pamangkin mo sa Closet!"

Ruby: "Mawalang galang na po, pero mukhang nawawala na po si Kit."

Tumingin sa buong paligid sina Lola Delia at Mark, at gaya ng sinabi ni Ruby, nawawala nga si Kit.

Lola Delia: "Kita mo yan, Mark? Natulog na siguro si Kit sa Closet!"

Amelia: "Sa dami ng mga Closet dito sa Vacation house, baka bukas mo pa mahahanap yung anak ko."

Mark: "Ate, ba't ba kasi ang hilig matulog ng anak niyo sa Closet at mga kabinet?!"

Amelia: "Mark, hindi mo naman masisisi ang anak ko kung nakagawian niyang makipagtaguan sa Papa niya sa loob ng Closet."

Nina: (Makipagtaguan sa Papa niya?)

Emily: (Aba? Wala akong ideya na may Sentimental value pala ang pagtatago niya sa mga kabinet at Closet.)

Lucile: (Iniisip pa rin ba niyang hahanapin siya ng Papa niya?)

Axel: (May malalim din kayang dahilan yung pagtambay niya sa tuktok ng kabinet?)

Biglang nanahimik sina Lola Delia at Mark sa sinabi ni Amelia nang sabihin nito ang puno't dulo ng pagtatago ni Kit sa Closet at mga kabinet. Nang marinig nila Emily at ang kanyang mga kaibigan ang sinabi ni Amelia, naunawaan ng mga ito ang dahilan ng pagtatago ni Kit sa kabinet. Hanggang sa naisip ni Amelia na matulog na ng maaga.

Amelia: "Guys..Mabuti pa siguro kung matulog na tayo ng maaga. Tsaka may trabaho pa ako bukas at maaga pa kaming babalik nila Mark at Lucile sa siyudad."

Lola Delia: "Oo. Mabuti pa nga. Tulog na mga bata!"

Matapos abisuhan ni Lola Delia na pumunta sila Emily at ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga kuwarto para matulog. Sandaling pinag-isipan ni Emily ang sinabi Amelia tungkol sa pagtatago ni Kit sa Closet at naisip niya na marahil ay nalulungkot ito at umaasa pa rin may taong maghahanap sa kanya sa loob ng tinataguan niyang Closet dahil sa pangungulila nito sa kanyang Tatay.

Kaya may naisip na plano si Emily para pagaanin ang loob ni Kit, ngunit isasagawa niya ito sa susunod na gabi, pagkaalis nila Mark, Amelia at ang kanyang Ate.