webnovel

Chapter 31- Suicidal

Please be advised that this story contains of suicidal thoughts, depression and / or mental health disorders that may acts triggers.

**** Read at own your risks ****

Pagdating ni Emily galing sa paaralan, agad siyang pumasok sa bahay ni Nina nang mapansin niyang maaga ding umuwi ang nanay ni Nina na nakaupo sa mesa ng kusina at nanghihinayang sa kung anung bagay. Kaya tinanong ito ni Emily.

Emily: "A-Aling Saling? Ang aga niyo naman pong umuwi. May nangyari po ba sa palengke?"

Aling Saling: "Wala naman, Emily. Tsaka ang aga mo din umuwi. Wala ba kayong pasok ngayong hapon?"

Emily: "Wa-Wala po, Aling Saling."

Aling Saling: "Kung ganun, ba't hindi mo kasama si-"

Sakto namang kadadating din ni Nina matapos ma-recieved ang text ni Emily at agad din siyang umuwi para alamin kung bakit maagang umuwi si Emily.

Ngunit hindi niya rin inasahan na madadatnan din ni Nina ang kanyang nanay.

Nina: "Emily? Nandito ka ba?"

Pagpasok ni Nina, nakita niyang nakatayo pa sa pasilyo ng kanilang bahay si Emily at nakita din niya ang kanyang nanay na nakaupo sa upuan ng kanilang mesa sa kusina.

Nabaling ang atensyon ni Nina sa kanyang nanay ng mapansing maaga itong umuwi.

Nina: "Nay? Teka, di ba dapat nasa palengke po kayo? Ba't ang aga niyo naman pong umuwi?"

Sandaling hindi kumibo ang nanay ni Nina. Tsaka naman sunod na tinatanong ni Nina si Emily.

Nina: "Tsaka Emily, ba't ka pala biglang nagdesisyong umuwi dito sa bahay?"

Emily: "Pa-Pasenya na, Nina. Pero bigla kasing hindi maganda ang pakiramdam ko."

Nina: "Sigurado ka ba?"

Emily: "Oo. Sigurado ako."

Hanggang sa nagdesisyong sagutin ng nanay ni Nina ang tanong ng kanyang anak.

Aling Saling: "Nina, Anak. Huwag ka sanang magugulat pero..."

Nina: "Bakit po, Nay? Ano pong nangayari?"

Aling Saling: "Yung Tricycle na minamaneho ng tatay mo, nabangga ng kotse."

Nagulat sina Emily at Nina ng sabihin ng nanay ni Nina ang tungkol sa nabanggang Tricycle ng kanyang tatay.

Emily: "A-Ano po?!" (Hi-hindi pwede! Nangyari na naman yung nangyari kila Nanay at Tatay.)

Nina: "Nay?! Seryoso po ba kayo?! Eh si tatay?!! Kamusta naman po yung kalagayan niya?!"

Aling Saling: "Huwag kang mag-alala sa tatay mo, Nina. Hindi naman siya gaanong nasaktan. Nagpapasalamat ako dahil naka-park lang sa tabi ng kalsada ang Tricycle ng tatay mo nang mabangga ito ng kotse at abala naman ang tatay mo sa pamimili ng maiinom na softdrinks sa katabing store."

Nakahinga ng maluwag si Nina, matapos marinig na nasa maayos na kalagayan ang kanyang tatay.

Bagamat, ligtas at maayos ang kalagayan ng tatay ni Nina, muli na namang nag-isip si Emily na siya ang sanhi ng kamalasan sa pamilya ni Nina.

Nina: "Kung ganun po Inay, nasaan po si tatay?"

Aling Saling: "Sa ngayon, nasa Police Station ang tatay mo dahil gusto makipag-areglo nung Driver ng kotse na nakabangga sa Tricycle. Pero nanggihinayang ako sa Tricycle ng tatay mo. Kasi nakakatulong sa pangdagdag gastusin ang kinikita ng tatay mo sa pamamasada. Pero ngayon, hindi malaman ng tatay mo kung saan siya kukuha ng pagkakakitaan."

Nina: "Hay...Salamat naman po at okay lang po si Tatay."

Emily: (Kasalanan ko eto. Ako nga ang nagdadala ng kamalasan sa mga taong malalapit sa akin. Kaya siguro, ayaw na akong makasama ni Ate.) "Nina, Aling Saling, aakayat na po ako sa kuwarto. Hindi po talaga maganda ang pakiramdam ko."

Matapos ipaalam ni Emily na pupunta na siya sa kuwarto ni Nina upang magpahinga, agad siyang naglakad paakyat sa kuwarto ni Nina.

Nina: "Nay! Susunod na po ako kay Emily. Tawagin niyo na lang po ako kapag may-ipaguutos po kayo."

Aling Saling: "Sige, lang anak."

Agad sinundan ni Nina si Emily sa kanyang kuwarto at pagpasok niya, nakahiga na si Emily sa kanilang kama habang suot ang kanilang school uniform.

Agad nagpalit ng damit pambahay si Nina at akala niya, may dinaramdam lang si Emily sa kanyang katawan.

Kaya tinanong niya ito habang nagpapalit ng damit pambahay.

Nina: "Emily, nahihilo ka ba? Masakit ba ang ulo mo? Kukuha ako ng gamot sa Kusina kung kailangan mo."

Sinabayan naman ni Emily ang maling akala ni Nina para mapagtakpan nito ang tungkol sa relasyon nina Axel at Claire. At ayaw na rin na Emily na mag-alala pa si Nina sa kanyang dindanas na kalungkutan.

Emily: "Oo, Nina. Salamat."

Nina: "Sige, magpahinga ka na muna diyan at kukunin ko lang sandali yung gamot sa sakit ng ulo."

Bumaba si Nina mula sa kanyang kuwarto para kumuha ng gamot.

Habang wala si Nina, magsisimula ng mag-iisip ng hindi maganda si Emily sa kanyang sarili.

Emily: (Nina, sobrang napakabait mo sa akin. Kahit ang parents mo, sobrang napakabait. Pero nagiging magulo na ang inyong pamumuhay nang dahil sa akin. Dahil sa may dala akong malas sa mga taong malapit sa akin. Patawarin mo, sana ako. Pero bukas, wala ka nang magiging problema pa at mawawala na rin ang malas sa pamilya niyo. Dahil bukas, matatapos na ang lahat.)

Di kalaunan ay bumalik din si Nina sa kuwarto dala ang isang baso ng tubig at isang tableta ng Paracetamol para kay Emily.

Nina: "Emily, eto na ang gamot mo."

Bumangon si Emily at umupo sa kama pagdating ni Nina dala ang gamot sa sakit ng ulo.

Umupo naman si Nina sa tabi ni Emily tsaka niya ibinigay ang gamot. Agad naman ininom ni Emily ang gamot sa sakit ng ulo.

Nina: "Ano? Okay ka na ba? Hindi ka na ba nahihilo?"

Emily: "Oo, Nina. Okay na ako."

Nina: "Ang bilis naman."

Maya't maya, biglang niyakap ni Emily si Nina.

Nina: "Emily, bakit mo ako niyayakap? May problema ka ba?"

Emily: "Wala naman, Nina. Pero masaya ako kasi naging best friend kita."

Nina: "Oo, Emily. Ako din naman. Pero best friends din naman natin sina Althea at Clare kaya dapat yakapin mo din sila."

Emily: "Sana nga. Pero ikaw ang nandito at ikaw din ang nagpatuloy sa bahay niyo. Kaya sobrang ako nagpapasalamat sayo."

Nina: "Oo na, Emily. Huwag ka nang magpasalamat ng sobra. Hindi naman malala ang nararamdaman mong sakit kasi simpleng sakit lang yan ng ulo at mamayang gabi o bukas, wala na yan."

Emily: "Pero salamat pa rin, Nina."

Nina: "Walang anuman. Tsaka babalik na ako sa baba para tulungan si nanay sa pagluluto ng hapunan."

Emily: "Sige."

At tumayo si Nina mula sa pagkakaupo sa kama at umalis, papunta sa kausina. Walang kamalay-malay si Nina sa kung anu ang pinaplano ni Emily sa kanyang sarili dahil sa rin sa inaakala ni Emily na siya ang nagdadala ng malas sa lahat ng mga taong nagiging malapit sa kanya.

Pag-alis ni Nina sa kuwarto, nagpalit na din ng damit pambahay si Emily tsaka siya bumalik sa kama para humaga at umiglip.

Kinagabihan, umuwi ang tatay ni Nina galing sa Police station at ibinalitang, sasagutin ng nakabanggang Driver ng kotse ang pagpapaayos sa kanyang Tricycle.

Natuwa naman si Nina at ang nanay nito, gayun din si Emily. Ngunit desidido na si Emily sa kanyang pinaplano. Tsaka sila nagsalo-salo sa hapunan.

Matapos ang hapunan, tumulong sina Emily at Nina sa pagliligpit at paghuhugas ng plato tsaka sila natulog ng maaga.

Kinaumagahan, sabay na naglakad papasok sila Emily at Nina dahil na rin sa pinapaayos pa lang ng tatay ni Nina ang kanyang Tricycle.

Pagdating naman sa eskwelahan, nakita ni Emily sina Axel at Claire ngunit hindi niya ito pinansin na para bang walang naganap na pagtataksil sa kanya nang dalawa.

Lalapit sana si Claire para kausapin si Emily at humingi ng tawad dahil sa ngayari ngunit tumunog ang bell na hudyat ng simula ng klase.

Pagdating ng guro nilang si Sir Joey, gaya ng nakagawian nito, nagbigay muli ito ng surprise quiz sa kanyang mga Estudyante.

Pagkatapos ng quiz, may napansing kakaiba si Sir Joey sa mga nakukuhang marka ni Emily. Kaya naisip niyang kausapin si Emily ng Lunch Break.

Nang dumating ang tanghali, agad nagsilabasan ang mga Estudyante palabas ng kanilang mga Classroom at bago pa man lumabas si Emily, agad siyang inabisuhan ng kanyang guro.

Sir Joey: "Miss Sanches, maaari ba kitang makausap sandali?"

Pinaunlakan naman ni Emily ang kanyang guro at umupo siya sa upuan na katapat ng mesa nito. Maya't maya, nagsimula ng magtanong ang kanyang guro.

Sir Joey: "Miss Sanches, kamakailan lang napapansin kong mabababa ang nakukuha mong score sa aking mga quizzes at kapag nagpatuloy pa sa pagbaba ang score mo, posibleng bagsak ang mailagay kong grade sa iyong card. Ngayon, gusto kong malaman, mayroon ka bang pinoproblema sa inyong bahay?"

Sandaling hindi kumibo si Emily sa itinanong ng kanyang guro at nag-iisip siya ng igmdadahilan upang hindi malaman ng kanyang guro ang mga nangyari sa dati nyang tinutuluyan.

Emily: "Sir, wala po akong pinoproblema sa amin. Uhm...siguro po, dahil po sa napuyat ako sa pagrereview kaya po minsan nakakalimutan ko po ang ilang mga sagot sa mga tanong niyo po sa quiz."

Sandali ding tinitigan ni Sir Joey si Emily at pakiramdam niya, may nangyayaring mali sa pamamahay nito.

Ngunit dahil sa walang kasiguraduhan kung nagsasabi ba ng totoo si Emily o hindi, tinanggap na lang ni Sir Joey ang sinabing paliwanag ni Emily.

Sir Joey: "Kung ganon, Miss Sanches, bibigyan na lang kita ng maliit na payo tungkol sa pagrereview. Isang araw bago ang iyong exam, huwag ka nang magreview at magpahinga ka na para makapagpahinga din ang utak mo. Yun ay kung nagrereview ka gabi-gabi."

Emily: "Opo, Sir. Susundin ko po ang payo po ninyo."

Sir Joey: "Mabuti naman kung ganon. Aasahan kong sa susunod kong mga quiz ay matataas na ulit ang makuha mong score."

Emily: "Opo, Sir."

Sir Joey: "Sige, puwede ka nang maglunch."

Emily: "Salamat po sir."

Matapos kausapin ni Sir Joey si Emily, agad kiniha ni Emily ang kanyang bag at umalis ng Classroom.

Ngunit habang naglalakad si Emily papunta sa Canteen para kumain, humarang sa pinto ng Canteen si Ruby, kasama ang mga kaibigan nitong sina Samantha at Ivy at pinigilan nila si Emily.

Ruby: "Wel, well, well... Emily. Balita ko, Sir Joey talked to you inside the Classroom. So, are you about to failed?"

Emily: "Ruby, wala akong panahon para makipag-usap sayo. Tsaka malapit na ang second period ng klase at kailangan ko ng mananghalian."

Samantha: "Ruby, narinig mo ba ang sinabi ni Emily? Kailangan niya daw maglunch."

Ivy: "Ruby, pagbibigyan mo ba si Emily sa kanyang sinabi?"

Ruby: "Well, hindi. Unless kung makalusot siya sa atin."

Emily (irrirated): "Ruby, ano bang problema mo? Bakit mo ba kami laging binubully ng mga kaibigan ko ha?!"

Nagsisimula ng magbago ang tono ng pananalita ni Emily matapos siyang harangan ng grupo ni Ruby.

Samantalang si Ruby naman, tila na bigla sa ipinapakitang tapang ni Emily. Ngunit nagpatuloy lang si Ruby sa pambubully kay Emily.

Ruby: "Wala lang. Tsaka, Did you know? Boyfriend ko na si Edward. Di ba ang saya?"

Emily (unamused): "Eh ano ngayon kung boyfriend mo na si Edward? Anong pakialam ko?"

Ruby: "Oh? Really? Wala kang pakialam? So, is it true na yung I heard from the rumors na si Axel my love ko before, was taken from you? And guess what, Axel was taken by her own friend Claire?"

Samantha: "Teka? Really?!"

Ivy: "Wow! So, ang sakit nun!"

Ruby: "Yes, girls. That's truly masakit. Well, what do you expect sa isang tunay na loser! And since Emily is the loser, I'm the winner!"

Nilait at tinawanan pa ng grupo ni Ruby si Emily sa pamamagitan ng mga balitang marinig nito na naging magkasintahan sina Axel at Claire. Ngunit, hindi inasahan ni Ruby ang sumunod na ginawa ni Emily.

Emily: "Ruby! Sumosobra ka na!"

Biglang sumabog sa galit si Emily kung saan sinugod at dinakma niya ang leeg ni Ruby.

Tsaka sila natumba papasok sa Canteen. Pagtumba ng dalawa sa sahig, nagbitaw ng malalakas na sampal at kalmot si Emily sa mukha ni Ruby.

Naabot naman ni Ruby ang buhok ni Emily at sinabunutan niya ito bilang ganti. Ngunit sinabunutan din ni Emily si Ruby.

Nagulat ang lahat ng mga kumakaing estudyante ng makita nilang nag-aaway ang dalawang babae at hindi din makapaniwala sa kanilang nakita ang kanyang mga kaibigan.

Samantalang sina Samantha at Ivy ay nagulat din sa ipinapakitang pakikipag-away ni Emily na dahilan para panoorin na lang ang pambubugbog ni Emily kay Ruby.

Sa unang pagkakataon, ngayon lang nakita ng mga kaibigan ni Emily ang ganitong "Side" ng kanyang pag-uugali. Kaya naman, agad lumapit ang mga kaibigan ni Emily upang siya'y awatin.

Nina: "Emily! Itigil mo na yan!"

Althea: "Nina! Wala magagawa yan pagsigaw mo sa kanya! Tumulong ka sa pagpapahiwalay sa kanila!"

Lumapit si Althea sa dalawang nag-aaway na babae at hinila ang ang baywang ni Emily para sila ay itayo sa pagkakahiga sa sahig.

Ngunit, naabot nito ang buhok at sinabunutan pa rin ni Emily si Ruby matapos siyang maitayo ni Althea.

Lumapit naman sila Isaac, Daniel at Axel para paghiwalayin ng tuluyan ang dalawang babae.

Habang sina Nina at Claire, nanood lang sa likod ng mga usisero.

Susugod pa sana si Ruby para gumanti ngunit pinigilan siya nina Daniel at Isaac.

Pilit namang nagpupumiglas si Emily matapos siyang yakapin ni Althea sa kayang baywang mula sa kanyang likod.

Althea: "Ano ba?! Emily! Tama na nga iyan! Nabugbog mo na si Ruby!"

Emily (anger): "Althea! Bitawan mo ga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang babaeng yan!!"

Axel: "Emily! Tama na nga yan! Ipapatawag ka sa Guidance office kapa-!"

Emily: "Tumahimik ka! MANLOLOKO!"

Natigilan si Axel sa isinigaw ni Emily at pinili na lang niyang hindi magsalita.

Nagtaka naman ang ilan nilang mga kaibigan, kasama na si Nina, sa isinigaw ni Emily.

Hanggang sa nakalusot si Ruby mula sa pang-aawat nila Daniel at Isaac, at dumiretso sa lokasyon ni Emily.

Ngunit, nabitawan naman ni Althea ang baywang ni Emily sabay iwinasiwas ang kanyang kamao sa papasalubong na si Ruby.

Natigil lang ang pag-aaway ng matamaan ng suntok ni Emily si Ruby sa pisngi na syang dahilan para mahilo at mawalan ito ng balanse tsaka ito napaupo sa sahig.

Emily: "Ano, Ruby?! Natigilan ka ata! Akala mo siguro, hindi ako marunong manuntok ng tao!!"

Hindi na nakapagsalita pa si Ruby, matapos maramdaman ang sakit sa kanyang pisngi na bunga ng pagsuntok ni Emily.

Maya't maya, dumating si Sir Joey para kontrolin ang sitwasyon na nangyayari sa Canteen.

Sir Joey: "Anong nangyayari dito?! At sino ang nag-aaway?"

Althea: "Sir, sina Emily at Ruby po."

Sandaling nanahimik at napakamot ng ulo si Sir Joey ng makita niya muli si Emily na involved sa gulo sa Canteen.

Kaya naman, inutusan ni Sir Joey ang dalawang babae na pumunta sa Guidance office.

Sir Joey: "Kayong dalawa, sa Guidance office! At yung iba sa inyo, bumalik na kayo sa kung ano ang ginagawa niyo?! Dahil tapos na ang palabas!"

Tahimik na naglakad sila Emily at Ruby matapos silang utusan ng kanilang guro na pumunta sa Guidance office.

Pagdating sa Guidance office, samot-saring mga sermon ang inabot ng dalawa mula sa kanilang guro, matapos mag-away ang dalawa sa loob ng Canteen.

Ngunit pinanigan naman ng Guidance Councilor si Emily matapos sabihin ang ilang buwan niyang pagtitimpi mula sa pambubuly sa kanya ni Ruby.

Ganun pa man, pinagsabihan lang sila ng Guidance councilor na wag nang uulitin pa ang pakikipag-away sa loob ng Campus at hinayaan nito ang kanilang adviser na magbigay ng karampatang parusa.

Dahil sa nangyari sa Canteen, napagdesisyonan ni Sir Joey na pagwalisin sa Hallway ng buong School ang dalawang babae sa buong maghapon.

Tinanggap pa rin naman nina Emily at Ruby ang ibinigay na parusa nang kanilang guro at nagsimula silang maglinis sa Hallway matapos silang papuntahin sa Guidance office.

Matapos manggaling sa Guidance office, kumuha ng walis-tambo at dust pan sila Emily at Ruby at sinumulang maglinis sa Hallway nang tumunog ang Bell at kasagsagan ng klase sa hapon.

Hindi nagkikibuan ang dalawa habang sila ay naglilinis. Hanggang sa biglang nagsalita si Ruby.

Ruby: "Emily, patawarin mo sana ako sa mga ginawa ko sayo."

Sandaling hindi kumibo si Emily at naiinis niyang tinanong si Ruby.

Emily: "Bakit sa lahat ng oras, ngayon mo pa naisipang humingi ng tawad?"

Ruby: "Hindi ko naman akalain na sobra ka palang magalit."

Emily: "Alam mo, inutil ka din noh! Maraming estudyante ang galit sayo dito sa School dahil sa pambubully mo! Isipin mo, kung lahat kaming mga binully mo ay sabay-sabay sumugod sayo para gumanti, sino sa atin kaya ang kawawa?!"

Nanahimik si Ruby matapos ipaintindi ni Emily ang maaring mangyari sa kanya kapag ipinagpatuloy ang pambubully sa iba pang estudyante. Muli pang nagdagdag ng sinabi si Emily.

Emily: "Kung ako sayo, Ruby, baguhin mo na ngayon ang pag-uugali mo. Kung ayaw mong mas malala pa sa nangyari kanina ang mangyayari sayo. Ito lang ang maipapayo ko sayo."

Matapos marinig ang mga sinabi ni Emily, hindi na kumibo pa si Ruby dahil tama naman ang sinabi nitong payo.

Hanggang sa naisip humiwalay ni Ruby kay Emily at pumunta sa First floor ng kanilang eskwelahan.

Nang mapansin ni Emily na humiwalay si Ruby, pinili na lang din ni Emily na maglinis sa 3rd at 4th floor ng kanilang eskwelahan.

Makalipas ang isa't kalahating oras, natapos linisan ni Emily ang 3rd floor at agad siyang pumunta sa 4th floor ng kanilang eskwelahan.

Habang naglilinis, napansin ni Emily ang isang tagong pinto sa likod ng luma at dating Storage room.

Dahil sa kakaibang lokasyon ng pinto, nausisa si Emily at sinubukan niyang buksan ang naturang pinto.

Nagulat si Emily ng makitang hindi nakakandado ang pinto, kaya tiningnan niya ang loob nito.

Pagpasok ni Emily, nakita niya ang isang hagdan pababa ng kanilang eskwelahan at nadiskubre niyang isang Fire Exit ang naturang lugar.

Ngunit nagtaka si Emily ng mapansin ang isang hagdan papunta sa itaas ng kanilang eskwelahan, kaya inakyat niya ito para malaman kung saan ito papunta.

Pagdating sa dulo ng papaitaas na hagdan, isa na namang pinto ang nadatnan ni Emily at gaya sa naunang pinto, sinubukan itong buksan ni Emily at nagulat siyang muli ng mapansing bukas at hindi din nakakandado ang pinto.

Nang mabuksan ni Emily ang pinto, namangha si Emily sa tanawin na kaniyang nakita at napag-alaman niyang nasa Roof Top siya ng kanilang eskwelahan.

Tila nagkaroon ng ideya si Emily kung pano niya isasagawa ang kanyang hindi magandang plano para sa kanyang sarili.

Emily: (Ang akala ko, kailangan ko pang lumayo mula sa bahay ni Nina para maghanap ng lugar upang tapusin ang kamalasang ihinahatid ko sa kanila. Mukhang sa nakikita ko, ang lugar na ito ang perpektong lugar para tapusin ang lahat. Pero mas maganda kung hihintayin ko muna ang uwian para matapos na to at hindi na magdusa pa ang ibang tao dahil sa hatid kong kamalasan.)

Dahil sa nadiskubreng lugar ni Emily, agad siyang bumaba mula sa Roof Top at bumaba sa 4th Floor para tapusin ang kanyang paglilinis.

Ilang minuto pa ang lumipas, tumunog na ang bell at nagsilabasan mula sa mga Classroom ang mga estudyante para umuwi.

Sakto namang natapos nina Emily at Ruby ang paglilinis sa Hallway ng kanilang eskwelahan at nag-report sila sa kanilang guro.

Ruby: "Sir, tapos ko na pong maglinis sa 1st at 2nd floor ng School."

Emily: "Ganun din po ako, Sir. Tapos ko na rin pong maglinis sa 3rd at 4th floor."

Sir Joey: "Kung ganun, maaari na kayong umuwi."

Nang marinig ni Ruby ang sinabi ni Sir Joey, agad niyang kinuha ang kanyang bag at lumabas sa kanilang Classroom.

Si Emily naman, lumapit din sa kanyang upuan at kinuha din ang kanyang bag.

Bago siya umalis, nagpaalam na muna siya sa kanyang guro.

Emily: "Paalam po, Sir."

Sir Joey: "Okay. Bukas ulit"

At lumabas si Emily mula sa kanyang Clasroom. Akala ng kanyang guro, namamaalam lang si Emily dahil sa nakagawaian lamang ito.

Ngunit ang hindi nila alam, may pinapalno ng gawin si Emily na hindi maganda.

Pag-alis sa Classroom, siniguro muna ni Emily na wala nang tao sa Hallway na makakakita sa kanya tsaka siya bumalik sa 4th floor kung saan niya nakita ang pinto.

Pagdating sa 4th floor, agad pumunta si Emily sa Roof Top para isagawa ang kanyang plano mula pa noong madiskubre niyang malas siya sa lahat ng mga taong malapit sa kanya.

Pagdating ni Emily sa Roof top, sandali munang ihinanda ni Emily ang kanyang sarili at siya'y tumayo, katapat ng nakita niyang mababang Fence.

Emily: (Maraming salamat at nakita ko pa ang napagandang tanawin na ito dito sa Roof Top. Ang ganda talaga ng paglubog ng araw. Pero ito na siguro ang una at huli kong makikita ang magandang tanawin na ito. Sana mapatawad mo ako Nina kung napansin mong hindi na ako umuwi sa bahay niyo. Ganun na din sa mga kaibigan ko, sana mapatawad din nila ako kapag hindi na nila ako nakikita sa School. Ipinapaubaya ko na rin si Axel sayo Claire. Alagaan mo sana at mahalin mo ng mabuti si Axel. At para naman sayo Ate, huwag ka nang mag-alala sa akin dahil wala na ang kapatid mong malas sa buhay mo. Hinding-hindi ka na mamalasin sa buhay.)

Nang pakiramdam ni Emily ay handa na sya para tapusin ang kanyang buhay, mabagal na umakyat si Emily sa Fence at tumawid papunta sa maliit na sementong kadugtong ng Roof top.

Kumapit muna si Emily sa Fence para iposisyon ang kanyang sarili at nang nakatayo na siya, katalikod ang Fence, dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata at handa nang tumalon mula sa Roof top ng kanilang School building.

Ang masama pa, walang sino man sa mga Estudyante ang nakaka-alam sa pagtalon ni Emily.

Dahil sa wala ng tao sa paligid, isinigaw ni Emily sa hangin ang kanyang pamamaalam.

Emily: "Guys! Maraming salamat! Maging masaya sana kayo ng wala ako sa mga buhay ninyo! Hinding-hindi ko kayo malilimutan!"

Umiiyak at handa na si Emily na tumalon mula sa Roof top at inaalala ang mga masasayang mga ala-ala na kasama ang kanyang mga kaibigan.

Nang tatalon na sana si Emily para tapusin ang kanyang sariling buhay, hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari.

Nagulat si Emily ng bigla na lang may mga braso na yumayakap sa kanyang baywang at pinigilan siyang tumalon.