webnovel

Show Me The Color

Jesie_Camaso · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
6 Chs

Chapter 2

Sabado, basa pa ng hamog ang mga damo at asul pa ang paligid, ay nandito na ako kila Lewis.

Kasama ko siya ngayon sa treehouse para gawin ang araw-araw naming ginagawa mula nung nalaman kong colorblind siya.

Pinulot ko yung kulay red na lego na nasa harapan naming dalawa. "Anong kulay nito?" tanong ko sa kanya.

"Yellow"

"Eh ito?"

"Yellow"

"Ito naman?"

"Yellow"

"Ahm, ito?"

"Yello- ay hindi," natigil ako sa pagpupulot ng mga  laruan sa harap namin.

"Ano?" tanong ko.

"Grey! tama ba ako?" naghahanda na siyang tumayo at tumalon pero;

"Green," sabi ko na nagpahaba sa nguso niyo tsaka napahiga sa sahig.

Yellow, grey, black, yang mga kulay lang na iyan ang madalas niyang isagot sa mga bagay na pinapahulaan ko sa kanya.

"Mag-gagraduate ka na sa elementary Makoy," sabi niya habang nakatingin sa bubungan ng treehouse namin.

Itinabi ko naman ang mga laruan na nasa sahig, at humiga rin ako sa tabi niya.

"Ano naman ngayon?" tanong ko sa kanya, pero sa totoo lang nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko na magiging highschool na ako sa susunod na taon.

Hindi pa ako handa.

Hindi pa ako handa sa mga school dances, sa puberty, sa mga highschool crushes, at iba pang mga kasama sa pagtanda.

Parang kahapon lang nung natututo palang kaming mag-bike ni Lewis, ako lang pala yung natuto kasi hanggang ngayon hindi parin siya marunong mag-bike. Kahit araw-araw ko pa siyang turuan di parin siya natuto, kaya ang kinalabasan, lagi lang itong nakaangkas sa likod ko kapag gusto naming gumala kung saan, o sa tuwing pumupunta kaming ng eskwelahan at pauwi nakaangkas ka lang siya sakin.

Tapos didiretso na kami dun sa ilog, nakahanda na dun yung mga pammingwit namin na nakatago sa mga matataas na damo. Minsan may nahuhuli kaming isa o dalawang isda, matutuwa na kami kung makalima. Pero sa tuwing nakakahuli naman si Lewis ay pinapakawalan niya kaagad sa ilog, naaawa daw kasi siya sa isda. Pinapagalitan ko  naman niya pag ginagawa niya yun. Ano pa kasing silbi ng pangingisda kung pakakawalan mo lang diba?

Nasasayang lang pagod at paghihintay.

Natigilan ako sa pag-iisip dahil hindi parin niya sinasagot ang aking tanong kanina, kaya't tinanong ko ulit siya.

"Uy," tinapik ko yung kanang kamay niya, "Ano naman kung mag-hihighschool na ako?"

Nakatingin lang ito sa bubungan ng treehouse na kinahihigaan namin ngayon, "Edi. . . magkakaroon ka na ng mga bagong kaibigan doon."

Hindi ko mabasa ang reaksyon niya sa mukha dahil hindi ito nakatingin sakin, pero sa tingin ko ay nalulungkot din ito, dahil hindi na kami magkakasabay pumasok sa school, baka di narin kami makakapangisda ng madalas, kapag highschool na kasi alam kong mas late nang umuuwi kesa sa elementary, tulad ni Kuya Matthew na minsan gabing-gabi na umuuwi.

"Normal lang naman siguro Lewis na may makilala akong iba eh, tulad naman sa mga kaklase ko ngayon diba may mga kaibigan din ako sa kanila, pero ito tatandaan mo ikaw lang bestfriend ko, kapag Sabado at Linggo pwede parin naman tayong maglaro o kaya pag medyo maaga uwian namin, atsaka isang taon lang naman eh mag-hi-highschool ka na rin magkakasabay na ulit tayo." Sabi ko sa kanya habang nakatingin na rin sa bubungan.

"Paano pag nagkaroon ka ng pangalawang bestfriend, tapos normal siya, mas gusto mo na ba siyang kalaro kesa sa'kin?" 'di ko mapigilang pagsalubongin ang kilay ko sa sinabi niya kaya tumingin ako sa kanya, at nakatingin na rin pala siya sa akin.

Maliban sa madalas kung tinitignang peklat niya sa kilay ay kitang kita ko din ang lungkot nito sa mukha.

"Anong sinasabi mong 'normal'? Iniisip mo ba na hindi ka normal?" tanong ko sa kanya, ngunit di ito sumagot at inalis ang tingin sa aking mata.

"Lewis huwag na huwag mong isiping hindi ka normal ah, sadyang iba lang talaga ang nakikita mong kulay sa nakikita namin, pero normal ka, at kahit anong kulay pa man ang nakikita mo ikaw parin ang gusto kong  makalaro, ikaw lang ang bestfriend ko at wala ng iba." Litanya ko kay Lewis dahil hindi ako sanay na nakikita siyang malungkot. Ngunit hindi parin nagbabago ang mukha nito at tumalikod pa sakin.

Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa nagsalita siya.

"Kung. . kahit anong kulay ang nakikita ko, bakit araw-araw mo akong tinatanong kong anong kulay na ang nakikita ko?" sabi niya, alam kong pinipilit nitong gawing casual ang tono ng boses niya, pero pansin ko parin na naiiyak ito.

Hindi ko alam na dinadamdam pala ni Lewis ang ginagawa kong iyun,  hindi ko naman nakita na nalulungkot siya o kaya naiinis kapag ginagawa namin ito, hindi ko rin alam na ganun pala ang interpretasyon niya sa ginagawa ko.

Pero hindi naman yun yung intensyon ko eh.

"Lewis, hindi naman sa ganun," sabi ko sa kanya habang pilit na inihaharap siya, pero nakatalikod parin to sakin.

"Sabihin mo na lang kasing di mo ako tanggap," napatayo ako sa pagkakahiga dahil sa sinabi niya at naupo ako sa harap niya, kita ko namang umiiyak na siya bago pa niya matakpan ang kanyang mga mata.

"Tanggap kita Lewis, tandaan mo yan. Kaya lang naman kita tinatanong ng mga kulay na nakikita mo kasi," napabuntong hininga ako bago ituloy ang aking sasabihin.

"Kasi gusto ko ring malaman at makita kung paano mo nakikita ang mundong nakikita ko."

Nakita ko siyang sumilip sa pagitan ng kanyang mga daliri na nakatakip sa mukha niya.

"Kaya huwag mong isiping hindi kita tanggap ah," dagdag ko.

Tumalikod siya sa akin habang 'di parin tinatanggal ang dalawang kamay  niya sa kanyang mukha, napansin ko namang nagpunas siya ng mata pagkatalikod niya sa akin at naupo siya.

Pareho na kami ngayong nakaupo.

"Lewis?"

Hindi siya sumagot, pero may ginawa siya.

May pinulot siyang laruan, tsaka humarap siya sa akin. Dun ko na rin nakita ang mamula-mula niya pang mata galing sa pag-iyak.

"Anong kulay nito?" ikinakaway nito yung laruang kabayo na pinulot niya kanina.

"Huh?" nagtataka ako, pero diko mapigilang mangiti dahil nakangiti din ito sakin habang tinatanong niya iyon.

"Sabi ko, anong kulay nito??" ulit niya sa kanyang tanong at di parin nawawala ang ngiti sa mukha niya.

"Brown," sagot ko kanya.

Tumango tango lang siya habang nakatingin sa laruang kabayo.

"Bakit?" tanong ko sa kanya kasi nalilito parin ako bat niya pa ako tinatanong eh alam niya naman na tama ang maisasagot ko.

"Kasi gusto ko ring malaman kung paano mo nakikita ang mundong nakikita ko."

Hindi ko maintindihan pero dahil sa paggaya niya sa aking  sinabi ay ramdam kong namula ang mukha ko.

"Makoy?" sabi niya at mukhang nagpipigil tumawa, "B-bakit naninilaw ka?" tanong niya sakin atsaka tuluyan ng hamagikgik.

"Ikaw ah!!!" sabi ko sa kanya bago ko siya inatake at dinaganan.

"Aray! ha ha ha!"nagpupumiglas siya dahil ni-lock ko ang kamay niya sa kanyang likod habang kinikiliti, lagi ata akong nanonood ng UFC!

"Tatawan mo pa ako ah!!" sabi ko sakanya habang patuloy na kinikiliti.

"Makoy! a- hahaha -yuko na!!!" patuloy parin siya sa pagtawa't pag pupumiglas.

Ilang sandali ay bigla siyang tumigil at sumubsob sa sahig.

"Lewis?" niluwagan ko ang pagkakahawak sa kanya at tinignan siya.

"Lew-"

"Whrrraaaa!!!"

Nagulat ako ng bigla niya akong sinunggaban at dinaganan, ngunit mas malakas ako sa kanya kaya't nalabanan ko siya at nadaganan ko ulit ito, hanggang sa nagpagulong-gulong  kami sa sahig habang nagkakatawanan at nagkikilitian kahit na tumatama na ang katawan namin sa mga nakakalat ng mga laruan sa sahig ay di parin kami tumitigil. Hanggang sa mapansin kong papagulong na kami sa pintuan nitong treehouse.

"Sandali!!" sigaw ko at natigil kami sa paggulong.

Hingal na hingal kaming dalawa ni Lewis habang nakalupasay sa sahig.

"Tatawanan mo pa ako?" hingal kong tanong sa kanya.

"H-hindi na-h" hingal niya ring sagot sakin.

Ilang minuto kaming nakahiga hangang sa bumalik sa normal ang paghinga namin.

Nasisikatan na rin ng araw ang mga mukha namin, at ang kaninang asul na paligid, ngayo'y lumiwanag na.

"Lewis gusto ko lang malaman mo na sincere ako sa mga sinabi ko kanina." pagbasag ko sa katahimikan tsaka ko tinignan ang nakapikit na Lewis.

Iminulat niya ang kanyang mata tsaka lumingon sa akin.

Pinagmasdan ko ang kanyang kulay abong mata na nasisinagan ng maligamgam na sikat ng araw.

Napaka-amo ng kanyang mukha at hindi ko alam pero parang ayaw ko nang tanggalin ang tingin ko sa kanya, ngumiti siya sa akin.

"So I am, I'm sincere for everything what I've said to you Makoy." nangiti ako dahil sa tuwing nagi-Ingles tong si Lewis ay alam kung seryuso siya, pero diko kayang makipagsabayan sa Inglesan niya. Tuwing ganto, ay pinapabayaan ko lang siyang magsalita mag-isa, pero hindi sa pagkakataong ito.

"Lewis, I just wanted to know, how you see the world I see."

Kahit papano naman ay nakikinig ako sa English teacher ko.

"Hindi ako sanay Makoy," sabi niya at alam kung nagpipigil tumawa, tinutukoy nito ay ang pagsasalita ko ng Ingles.

Dagdaganan ko sana ulit siya pero bigla naming narinig yung boses ni Lola Tessie sa baba.

"Makoy? Andyan ka ba? Tumawag si Mama mo." Nakalimutan ko pala magpaaalam kanina kay mama, kasi tulog pa siya, at day-off niya tuwing Sabado.

"Opo Lola, bababa na po."

. . .

Pinauwi na ako ni Mama kaninang umaga kasi mamalengke daw siya, lagi itong ginagawa ni Mama tuwing Sabado, kung minsan si Kuya naman pero may lakad daw si Kuya ngayon.

Kung iniisip niyo bakit hindi nalang kami kumuha ng katulong gayong may desenteng trabaho naman sila Daddy at Mama, well iniisip ko rin yan, tinanong ko si Lola Tessie tungkol dito dahil dati siyang katulong nila Mama, pero hindi niya ako sinasagot dahil wala daw siyang karapatan, kaya mas lalo lang akong napapaisip, at sa tuwing nababanggit ko to kay Mama ay naiiba ang mood niya kaya't di nalang ako nagtatanong. 

At dahil wala kaming katulong dito sa bahay eto ako ngayon nagwawalis sa likod ng bahay kahit diko nawawalisan lahat, pagkatapos ay nagpupunas ako ng mga muwebles sa loob ng bahay at kung ano mang pwedeng punasan masabi lang na tumutulong ako sa gawaing bahay.

Kung nandito lang si Lewis mas masaya akong ginagawa to, pero di siya pinayagan ni Lola na sumama sa'kin, magpapa-check up daw kasi si Lola at sasamahan siya ni Lewis, kaya mag isa ko dito sa ngayon.

Nakarating  ako sa bodega ng aming bahay dito namin nilalagay yung mga sirang gamit at mga bagay na di na magagamit pa. Hindi naman na dapat 'tong lilinisan pa, pero hindi ko alam at dinala ako ng aking paa dito.

May narinig akong ingay sa labas at napagtanto ko si Kuya pala yun at mukhang may kasamang kaibigan pero diko lang pinansin.

Pumasok lang ako ng pumasok sa bodega at habang pumapasok ako ay padilim ng padilim, nag-uumpisa naring mag-echo ang aking bawat yapak, at minsan bigla biglang may sapot na  nasasalubong ang aking mukha.

Natigil ako na paglalakad ng may masipa akong kung ano, siguro walang kwentang bagay lang ito, or sirang gamit. Pero parang may bumubulong sa akin ni i-check ko kung ano yun, medyo madilim kaya kinapa ko kung nasan ito. Hindi nman akong nabigong makapa at agad ko itong dinala sa labas.

Isa itong kahon na kahoy, parang maliit na baul. Pero di naman siya kabigatan. Pinagpagan ko ito gamit ang pamunas na dala-dala ko dahil puno ito ng alikabok.

Inikot ko yung lock nito tsaka ko binuksan, at nakita kong laman ay puro papel lang pala at mga envelope na may petsang labindalawang taon na ang nakalilipas. Ibinalik ko nalang ito sa loobng kahon at ipinasok ulit sa bodega, dahil wala naman akong mapapala sa mga ito. Pagkatapos kung maibalik ay agad na akong lumabas dahil pawis na pawis na ako sa init.

Papunta na ako sa kusina para makainom ng malamig na tubig, pero ng matapat ako sa kwarto ni Kuya Matt ay parang may kakaiba akong tunog na naririnig, inilapit ko yung tainga ko sa kanyang pinto.

Hindi ko maipaliwanag yung tunog pero parang may beat, minsan bumibilis, minsan bumabagal.

"Hmmn!!" lumaki ang mga mata ko nang marinig  ko si Kuya Matt na parang may nangyayaring masama.

Kaya agad akong kumatok ng marahas sa pinto.

"Kuya Matt??!" sigaw ko, pagkasigaw ko naman biglang nawala yung beat na naririnig ko sa loob.

"Kuya Matt, ayos ka lang ba?" tanong ko pero walang sumasagot, kaya hinawakan ko yung door knob ng kanyang pinto at pinihit, hindi ito naka-lock.

"Kuya bukas tong pinto mo papasok ako, okay ka lang ba?" tanong ko ulit sa kanya wala paring sumasagot kaya binuksan ko na ito at pumasok.

Nagulat ako ng dalawa tao pala ang nasa loob ng kwartong ito, si Kuya Matt at si,

"Kuya Kulas?"

Siya yung binatang karpintero na kapitbahay nila Lewis, yung gumawa ng study table ni Kuya Matt, at pawis na pawis ito.

Napansin ko namang naka-busal ang bibig ni Kuya Matt at ang wierd lang kasi parang may bilog pang nasa loob ng bibig niya na parang pingpong ball.

"Ano pong ginagawa niyo bakit parang may naririnig ako dito kanina sa loob tapos ikaw naman Kuya Matt okay ka lang ba?" tanong ko sa kanila, habang tinatanggal naman ni Kuya Kulas ang busal ni Kuya Matt sa bibig.

Hindi ko maipaliwanag yung mukha ni Kuya Matt. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"A-ano kasi, yung s-study table, tama yung study table, lumuwag yung pagkakapako kaya pinaayos ko ulit kay  Kulas ay, Nicholas pala." Sabi ni Kuya, hindi ko parin maintindihan.

"Bakit kailangan mong busalan sa bibig? At bakit ka napasigaw kanina?" pang-uusisa ko at nagkatinginan sila.

"Ah yun ba? Yung busal kasi ah-

"Napukpok ko kasi yung Kuya mo  sa kamay ng martilyo kasi pinapahawakan ko sakanya itong study table, kasi umuuga kapag pinupukpok. Kaya nung napukpok ko yung kamay niya ay napasigaw siya kaya binusalan ko siya- I mean siya, binusalan niya sarili niya para hindi mo marinig baka mag-alala ka." Si Kuya Kulas na yung nagpaliwanag dahil mukhang hindi ata makapagsalita si Kuya Matt dahil sa sakit ng  pagkakapukpok. Tumango tango lang ako bilang tugon.

"Asan yung martilyo?" tanong ko kasi wala naman akong nakikitang martilyo.

Agad na kinuha ni Kuya Matt ang sa tingin ko'y martilyo sa kanyang  kama

"Eto oh," nakangiti niyang sabi habang   hawak hawak ang martilyong basa?

"Bakit basa yang martilyo Kuya?" tanong ko ulit, ramdam ko namang naiinis na si Kuya sa dami ng tanong ko.

Magsasalita pa sana ulit si Kuya Kulas nang marinig ko si Mama sa labas, naalala ko yung pinabili ko sa kanyang laruan namin ni Lewis, kaya agad na akong tumakbo sa kusina, at hindi na pinakinggan ang susunod na sasabihin nung dalawang kuya sa loob ng iisang kwarto.

End of Chapter II