webnovel

REVENGE OF A GANG RAPE VICTIM

PROLOGUE

"HELP, MOMMY...", this was the last incomplete text message received by Mrs. Catherine from her eighteen-year-old daughter, Margaret, two months ago.

Huling Nakita si Margaret, noong December 20, 1995, and no one could ever tell her whereabouts.

Before the disappearance of Margaret, the family of Mrs. Catherine was living happily.

*****

"Mommy, let's go, we are late already, for the party."

"Yes, I'm coming", a loud voice of Mrs. Catherine, coming from upstairs to their two-story house.

"My goodness, Mommy, why are you dressing like that, as if, you are going to market."

"Why? What's wrong with my dress?"

"Okay, sige na nga, let's go na otherwise, we'll be late for two hours at baka pagdating natin sa party ay tayo pa ang maglinis ng kalat nila doon", said Margaret while laughing.

So, they arrived at the party of Margaret's friend, Lysdine, the debutant. The party was a pack of a crowd. Sa lakas ng tugtog ay halos hindi sila magkaintindihan.

"Hello, Mommy Catherine... Margaret, you're so beautiful", greeted by Lysdine, as they entered the door.

"Ikaw nga Lysdine ang mas maganda eh, you look so beautiful in your dress."

Maraming tao sa birthday party ni Lysdine. Ang iba ay nagkukuwentuhan, ang iba ay kanya kanyang kuha ng pagkain while the others are dancing in sweet music.

Sa birthday party ni Lysdine ay nagkakilala si Margaret at Bogart.

"Hi, ako si Bogart", ang pakilala nito kay Margaret.

"Ako naman si Margaret."

"Margaret puwede ba tayong sumayaw?"

"Ok"

On the dance floor

"Maganda ka Margaret...at ikaw ang tipo ko upang ilapit sa puso ko."

"May pagka bolero ka rin", ang nakatawang tugon ni Margaret.

"Hindi naman nagsasabi lang ako ng totoo".

"Sige na nga matigil ka na lang", at nangiti si Margaret.

****

The party was over, and Mrs.Catherine and Margaret went home at exactly eleven o'clock in the evening.

"Mommy, Masaya ako, I'm so happy you know why? I met Bogart in that birthday party of Lysdine, and I think he is the right man for me.

"Margaret, Hindi porke nakilala mo minsan ay siya na nga...lot of guys, are no good, remember that, I'm only advising you, honey.

"Yes, Mommy, thank you for the advice, and for that, I'll give you a kiss", and Margaret laughed.

Margaret kissed her mother as if it would be the last kiss and embrace Mrs. Catherine from her daughter Margaret.

****

At the police station.

Nag hi-histerikal si Mrs. Catherine.

"Ano ba kayo...bakit hangga ngayon ay hindi pa ninyo mahanap ang anak ko", ang malakas na boses ni Mrs. Catherine habang umiiyak sa sama ng loob dahil sa nawawalng anak.

"Mrs. Catherine ginagawa na po namin ang lahat ng aming magagawa...subali't hangga ngayon po ay wala pa kaming lead sa whereabouts ng anak ninyo", as explained by the chief of police.

Umuwi si Mrs. Catherine na masamang masama ang kanyang loob, at hanggang sa bahay nila ay parang wala ito sa kanyang sarili iyak siya ng iyak.

***

Sa kinaroroonan ni Margaret.

"Magbabayad kayo sa ginawa ninyo sa akin, mga hudas kayo." Ito ang sinabi ni Margaret sa sarili na banta niya, habang patuloy ito sa kanyang pag-iyak.

Si Margaret ay kinidnap ng tatlong lalake sa pamumuno ni Bogart, na nakilala niya sa birthday party ni Lysdine, at dinala sa isang lugar na hindi niya alam kung anong lugar at saka halinhinang pinagsamantalahan ng mga ito.

Paulit ulit siyang ginahasa ng tatlo at ng mapagod sa kahayupang ginawa kay Margaret ay napagod ang mga ito, at nakatulog.

Dito na nagkaroon si Margaret ng pagkakataong makatakas. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon at kailangang makagawa siya ng paraan na huwag silang magising, kahit hinang hina pa siya at halos ay walang lakas upang kumilos ng walang ingay.

Tahimik na nakalabas ng Bahay na iyon si Margaret at dito niya uubusin ang kanyang lakas makalayo lang siya. Tinahak niya ang masukal na kapaligiran. Her journey is fewer arduous though it is still about a two-hour walk according to her estimate before she could reach the main road.

Pagkaraan ng almost two hours, ay narating nga niya ang hi-way at kahit pagod na pagod na siya at nanghihina pa ay hindi niya ito nararamdaman. Basta ang kailangan niya ay makalayo kaagad sa lugar na iyon dahil baka sa sandaling ito ay pinaghahanap na siya ng mga halang ang mga kaluluwang iyon.

Habang siya ay pasuray suray na tumatakbo ng mabagal sa kahabaan ng hi-way dahil sa panghihina ay may nakita siyang truck na paparating at pinara niya ito na halos iharang na niya ang kanyang katawan para lang huminto ito. Bumaba ang driver at awang awa ito kay Margaret na sa pakiwari niya ay may nangyaring masama dito.

"Maawa na po kayo sa akin tulungan ninyo ako", ang mahinang boses ni Margaret na nagmamakawa.

Tinulungan siya ng driver at dinala si Margaret sa himpilan ng pulisya.

Kaagad, nagsagawa ng entrapment operations ang mga pulis at nahuli sina Bogart at dalawang kasama nito na sina Jake at Brigs sa abandonadong bahay na kung saan dinala si Margaret.

Dumating sa himpilan ng pulisya si Mrs. Catherine at ng makita ang ayos ng anak ay halos himatayin siya dahil sa awa sa anak na may pasa sa iba't ibang bahagi ng katawan dahil sa hirap na inabot sa tatlong buhong na lalake.

Dinala sa ospital si Margaret ng mga pulis upang ipa-medical check up at magamot ang mga tinamong sugat sa katawan.

Nagsampa ng demanda ang mag-inang Margaret sa hukuman at dito isinalaysay ni Margaret ang buong pangyayari sa ginawang kahayupan sa kanya nina Bogart.

****

Bago ang pangyayari na panghahalay sa kanya ay inanyayahan siya ni Bogart (Si Bogart ang nakilala ni Margaret sa birthday party ni Lysdine one week before the commision of crime) na lumabas sila. Nagpunta sila sa isang videoke-bar at nag-order ng pagkain at imported wine. At habang sila ay nagkukwentuhan ay nakaramdam si Margaret ng pagkahilo na patindi ng patindi kaya nakiusap siya kay Bogart na ihatid na siya sa kanila.

Inilalayan siya ni Bogart hanggang sa nakaparadang sasakyan niya at sumakay siya sa unahan ng mapansin niya na may dalawang kasama si Bogart na nakaupo sa likod ng kotse na sina Jake at Brigs, ang pakilala sa kanya ni Bogart. Hindi na siya nakapagtanong ng ibang bagay dahil sa tindi ng hilo na kanyang nararamdaman.

Dumating sila sa isang lugar na hindi niya alam at sapillitan siyang dinala sa isang bakanteng bahay na halos ay walang mga katabing bahay (its just like a ghost town...no people can be seen arround).

Gustuhin man ni Margaret na magtanong kay Bogart kung bakit hindi siya sa bahay niya siya inihatid ay wala na siyang magawa pa dahil sa tindi ng kanyang pagkahilo.

Kahit nahihilo si Margaret ay may natitira pa siyang kaunting linaw ng pag-iisip habang niyayakap at sinasalat ni Bogart ang maseselang bahagi ng kanyang katawan na wala naman siyang lakas na pigilan ito. Sa isip na lang niya kayang gawin na sumigaw at sabihin na 'huwag...huwag maawa kayo sa akin' at siya lang ang nakaririnig ng kanyang sigaw ng pagtutol.

Una siyang pinagsamantalahan ni Bogart na tumagal ng isang oras.

"Jake, ikaw naman."

Pagkatapos ni Jake, sumunod si Brigs ang nagsamatala sa lupaypay niyang katawan na gustuhin man niyang tumutol at sabihing tama na ay wala siyang magawa hanggang sa siya'y nawalan na ng ulirat.

Nang magising siya kinabukasan, ay wala na ang kanyang pagkahilo at doon na siya nagsisigaw.

Nilapitan siya ni Bogart at siya ay sinampal na kanyang ikinatahimik. Umiyak na lang siya ng umiyak.

Akala ni Margaret ay tapos na ang kanyang paghihirap dahil habang lango pa ang tatlo sa alak at droga ay muli na naman siyang paulit ulit na pinagsamantalahan ng tatlo. At dahil bumalik na ang kanyang lakas ay nagpupumiglas na siya at doon na siya pinagtulungan. May nakahawak sa dalawa niyang kamay habang nakapatong si Bogart sa ibabaw niya at nagpapasasa sa kanyang katawan.

If there is any amount of mercy in what happened next, it is that Margaret became conscious of an ordeal that lasted almost five hours.

She pleaded with them telling them that she felt nauseated, so Jake picked her up and carried her into the bathroom. He laid Margaret over the counter and shoved her head into the bathroom sink and while she was vomiting, Jake was raping her from behind.

The next morning, while the three were still sleeping, Margaret had a chance to escape at kahit halos hindi pa siya makagalaw ay nagpilit pa rin siyang makalabas sa impyernong Bahay na iyon.

****

The court issued a subpoena for both parties in the case, Margaret, as the victim, and Bogart, Jake, and Brigs, the accused in the crime.

In the court.

The Judge called on Margaret to testify. She then moved to the front of the courtroom near the Judge and the clerk of court sworn Margaret, to tell the truth.

The lawyer asked Margaret, "Magagawa mo ba na isalaysay sa hukumang ito ang buong pangyayari, sa ginawa nila sa iyo ng mga nasasakdal?"

Margaret replied, "Opo."

Then Margaret started sharing her story inside the courtroom for the details of alleged crime without fear.

"That on December 20 of 1995, Bogart invited me to have some drinks so we went into a videoke-bar until I felt dizzy. I told him to bring me home kasi talagang hilong hilo na ako. So he wrapped his hand tightly around my arm to his car outside. Pagdating doon at ng nakasakay na ako sa driver's seat ay napansin ko na may mga kasama siyang dalawang lalake na nakaupo sa hulihan at nalaman ko sila ay si Jake at Brigs ng ipakilala sa akin ni Bogart. Sa halip na ihatid ako ni Bogart sa aming Bahay ay dinala nila ako sa isang bakanteng Bahay na hindi ko alam kung saang lugar.

Sa pinagdalhan nila sa akin ay doon nila ako halinhinang pinagsamantalahan. At sa kabila ng aking pagmamakaawa sa kanila na huwag gawin ang kahalayang iyon sa akin, ay naging bingi silang lahat."

Umugong ang bulung-bulungan sa loob ng korte sa mga ipinagtapat ni Margaret at dito na siya nagsimulang umiyak pagkatapos ng kanyang ginawang paglalahad.

"BAG! BAG!"

Umalingawngaw ang bagsak ng wood hummer sa mesa ng Judge na ikinatahimik ng lahat.

"Order in the court", yell by the Judge.

****

Tumagal din ng sampung beses ang hearing sa kaso ni Margaret. After that ten times of repeated hearings, ang hatol ng Judge ay 'NOT GUILTY' for the reason of technicality. Hindi napatunayan sa Korte na nagkasala ang tatlo kaya 'ACQUITTED' ang tatlo sa kanilang kaso.

"DAPAT SILANG PARUSAHAN! DAPAT SILANG PARUSAHAN!", ang sigaw ni Margaret, habang nakaturo sa tatlo, kina Bogart, Jake, at Brigs habang umiiyak.

Pinayapa naman ng security si Margaret. At tumahimik sa loob ng korte at ang nangibabaw na lang ay ang mga bulung-bulungan sa naging hatol ng Judge.

****

Naniniwala si Margaret na 'unfair' ang decision ng Judge sa kaso niya.

So to hide from further humiliation ay binalak ng mag-inang Margaret na lumipat ng tirahan sa malayong lugar na walang nakakakilala sa kanila. Malayo sa kabihasnan na hindi alam kahit ng mga kaibigan nila at kakilala.

Dito na nagsimula ang naguumigting na galit ni Margaret at nais niyang maghiganti sa mga nang-api sa kanya. At upang paghandaan ang gagawing paghihiganti ay nagplano siya ng mga gagawin.

Hinayaan muna niya na malimot ng marami ang kanyang naging kaso bago niya paghandaang mabuti ang gagawin niya.

Isa sa plano niya ay mag-aral ng martial arts na alam niyang mabisang sandata. Kaya sa ginawa niyang pagtatanong tanong sa lugar na iyon ay nakarating siya sa malayong bulubundukin na may isang ermitanyo na nagtuturo.

At sa paglipas ng panahon ay isa ng ganap na expert si Margaret sa martial arts at kahit ang ermitanyo na nagturo dito ay humanga sa bilis niyang matuto. Kahit ilang tao ay kayang pabagsakin ni Margaret kahit pa marunong sa martial arts.

Ang ginawa niyang pag-aaral ng martial arts ay inilihim niya sa kanyang ina dahil ayaw niya itong mag-alala sa kanyang gagawing paghihiganti.

****

Limang taon din ang matuling lumipas at inisip ni Margaret na ito na ang tamang panahon sa kanyang balak na pagsingil ng pautang sa mga buhong na lumapastangan sa kanya.

"Mommy, may aasikasuhin po ako na puwedeng pagkakitaan at makadaragdag ito sa ating pangangailangan sa buhay natin. Mawawala po ako ng dalawang linggo", ang sinabing dahilan ni Margaret sa kanyang ina.

"Eh, kailan ka naman aalis?"

"Sa isang buwan po."

"Sige anak at mag-iingat ka sa pupuntahan mo."

Nangingiti lang si Margaret sa paalala ng ina dahil ngayon pa na marunong siya ng martial arts ay kaya na niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Sa loob ng isang buwan ay iniba ni Margaret ang kanyang ayos. Nagpaganda ito at nagpagupit ng gupit lalake, naging casual ang damit niya, nagsuot siya ng maong na pantalon, upang hindi siya kaagad makilala nina Bogart, Jake at Brigs.

****

Dumating ang isang buwan na pagpaplano ni Margaret at ngayon ang pasimula ng paghihiganti niya. Maagang maaga pa lang ay umalis na siya, dala ang ilang mga damit nito.

Sa lugar na malapit kina Bogart ay humanap siya ng isang kuwarto na puwedeng upahan pansamantala upang maayos siyang makapag plano ng kanyang mga balak na gawin.

Sa gabi lumalabas si Margaret. Nagpupunta siya sa iba't ibang videoke bar sa pagbabakasakali na magpunta ang grupo ni Bogart. Nag-aabang siya na parang isang Tigre na naghahanap ng masisila upang durugin ng kanyang mga pangil.

Palipat lipat si Margaret ng bar at tiyempo naman na isa sa mga tinambayan niya ay pumasok sina Bogart, Jake at Brigs na may mga kasamang babae. Pumasok siya sa videoke bar at naupo sa di kalayuan sa grupo ni Bogart at nagkunwaring customer. Dinig na dinig niya ang usapan ng grupo.

Bigla nag-ring ang cellphone ni Jake at ng sagutin niya ay kaagad itong nagpaalam. Dito na nakakuha ng tiyempo si Margaret at sinundan niya si Jake.

Inunahan sa paglakad ni Margaret si Jake na hindi nito nahalata. Huminto si Margaret malapit sa nakaparadang kotse ni Jake.

"Hi", ang bati ni Margaret kay Jake.

Napalingon si Jake at sumagot sa bati ni Margaret na hindi niya nakilala dahil sa ayos nito.

"Hi", ang tugon ni Jake.

"Puwede ba akong makisabay sa iyo hanggang sa labasan, kasi mahirap palang sumakay dito kapag sa ganitong oras ng gabi. Ngayon lang kasi ako nakapunta sa bar na ito upang mag-relax."

Dahil maganda si Margaret sa porma nito ay nagayuma si Jake, kaya pinasakay niya ito.

"Tagasaan ka at bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo?"

"Kadarating ko lang galing Italy at wala pa akong kakilala sa lugar na ito."

"Teka bakit hindi ka sumama muna sa amin tutal bago ka sa lugar na ito at mahirap din na nag-iisa ka sa paglakad ng gabi at bukas ihahatid kita sa inyo. Sa amin puwede tayong mag-inuman at walang gagambala, dahil nasa bakasyon ang mga magulang ko.

Kunwari ay nag-iisip si Margaret, nagkunwaring natatakot kay Jake.

Napansin ito ni Jake, na nag-iisip si Margaret, kaya sinalo niya ang pagiging tahimik nito.

"Huwag kang mag-alala mabait akong tao", ang pambobola ni Jake.

"Anong gagawin mo kapag nalaman ng asawa mo na nagsama ka ng babae sa inyo?", ang kunwaring parang atubili ni Margaret na sumama kay Jake.

"Wala akong asawa at binata pa ako kaya wala kang dapat alalahanin," ang patuloy na pagkumbinsi ni Jake kay Margaret na hindi nakakahalata sa binabalak sa kanya ni Margaret.

Pinaandar na ni Jake ang kotse at buo na sa kanyang isip na paaamuin niya si Margaret at saka niya gagawin ang masamang balak niya dito na kanina pa naglalaro sa utak niya.

"Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Rita", ang sagot ni Margaret.

Hindi nakilala ni Jake si Margaret na sa loob ng limang taong lumipas ay hindi na niya ito namukhaan.

"Ako naman si Jake", ang pakilala naman niya.

Nang malayo na ang natatakbo ng kotse ni Jake at sa tingin ni Margaret ay halos wala ng nagdaraang sasakyan ay sinabi niya kay Jake na magpahangin muna sila.

"Jake, maganda sa lugar na ito magpahangin muna tayo."

Inihinto ni Jake ang sasakyan at bumaba sila. Sa pakiramdam ni Jake ay nakukuha na niya ang loob ni Margaret, kaya naglilikot na ang kanyang utak sa kanyang gagawin.

Naglakad-lakad sila at sa liwanag ng buwan ay halos kitang kita ang kapaligiran na sinasabayan ng masarap na simoy ng hangin.

"Jake, hindi ba nagkaroon ka ng kaso noon sa panghahalay sa isang babae, December 20, 1995?", ang pasimula ni Margaret, kung natatandaan pa ni Jake ang ginawa nitong kahayupan.

"Ah, Iyon ba? Hindi totoo iyon kaya hindi kami nahatulan", ang tugon ni Jake na parang kinabahan sa tanong ni Margaret o Rita.

"Nabalitaan ko nga iyon at ang masamang balita ay nasuhulan daw ang judge na humawak ng kaso ninyo kaya absuwelto kayong tatlo."

"Teka, sino ka ba at bakit mo alam ang tungkol doon?" ang nagtatakang tanong ni Jake na may halong kaba sa dibdib niya.

"Ako lang naman si Margaret ang babaing nagdanas ng kahayupan sa mga kamay ninyo dahil sa makamundo ninyong pagnanasa."

Sa sinabi ni Margaret ay natulala si Jake, dahil hindi siya makapaniwala na ang kaharap niya ngayon ay si Margaret, ang babaing pinagsamatalahan nilang tatlo.

Subalit hindi gaanong natakot si Jake, hindi rin siya natinag, dahil ano ang magagawa ng isang babae sa kanya kung may balak man itong maghiganti.

"Sabi ko na nga ba duda na ako kanina pa eh dahil hawig ka sa babaing iyon na napagtripan lang naman namin...ha!...ha!...ha!"

At pagkasabi ni Jake na nagtatawa pa na parang naka-iinsulto ay tumalikod na ito at iniwan si Margaret. Pumunta na sa kanyang kotse, subalit isang malakas na sipa ang naglanding sa likod nito na kanyang ikinabaksak. Nabigla si Jake at ng akmang bubunutin nito ang baril na nakasukbit sa baywang ay naunahan na siya ni Margaret at iyong lipad niyang iyon na mabilis pa sa kidlat ay tumama ang nakaumang na kanang paa nito sa lalamunan ni Jake na siyang ikinasawi nito.

Kinabukasan ay balita kaagad sa mga pahayagan ang nangyari kay Jake at sa imbistigasyon na ginawa ng pulisya ay wala silang nakuhang lead kung sino ang nakaaway at pumaslang dito.

"Bogart, sino sa tingin mo ang may galit kay Jake at hindi nito naipagtanggol ang sarili gayung mahusay ito sa paghawak ng baril, bukod sa isa itong sharp shooter", ang nagtatakang tanong ni Brigs.

"Nagtataka nga rin ako eh, kasi alam kong matinik itong si Jake lalo na sa bunutan ng baril, hindi mo siya mauunahan", ang sinabi ni Bogart na hindi makapaniwala sa nangyari kay Jake.

'"Hindi kaya may kinalaman ito sa kaso natin noon...natatandaan mo pa ba?'

"Ewan ko pero kung siya ang tinutukoy mo ay imposible iyon dahil ng halinhinan natin siyang pagsamatalahan ay wala itong nagawa...hindi ba?"

"Oo nga ano."

*****

Sa Gabi ng Lamay ni Jake.

"Anak bakit nangyari ito sa iyo? Sino ang gumawa nito sa iyo, anak?", ang umiiyak na sabi ng ina ni Jake.

Umugong ang bulungan sa gabi ng lamay at halos lahat sila ay nagtatanungan kung sino ang gumawa noon...bakit walang suspect?

"Ang alam ko may naging kaso si Jake noon. Isa siya sa akusado ng rape at kaya lang naabsuwelto ay nasuhulan ang judge na may hawak ng kanilang kaso", ang sabi ng isa sa mga naglalamay.

"Kung gayon dapat lang pala sa kanya ang nangyaring ito...karma ang tawag doon", ang pabulong na sabi naman ng isa.

****

Sa burial ni Jake.

Isa rin si Margaret sa mga nakipaglibing kay Jake subalit nasa gilid lang siya at naka 'shade' kaya walang makakapansin sa kanya. Gusto ni Margaret makita sina Bogart at Brigs kung ano ang kanilang kilos sa libing ni Jake. Kay Margaret ay pagdiriwang ang libing na iyon dahil hanggang sa ilalim ng lupa ay kasama ni Jake na malilibing ang poot niya dito.

Nasa ganoon siyang sitwasyon ng mamataan niya ang dalawa na lumapit sa ina ni Jake na nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang anak.

Nasabi ni Margaret sa sarili 'ikaw Brigs ang isusunod ko...sa huli ka na Bogart dahil pahihirapan muna kita bago tuluyang patayin...sumpa iyan."

Umuwi muna si Margaret sa kanila upang magpalipas muna ng init ng balita at saka siya muling babalik upang ituloy ang balak na paghihiganti.

*****

"Good morning Mommy!" ang masayang bati nito sa kanyang ina.

"Mukhang masaya ka yata ngayon anak ah, Bakit ba?"

"Wala lang Mommy basta masaya lang ako."

"Ganyan nga anak, kalimutan mo na ang nakaraan at ituring mo na lang ito na isang masamang panaginip."

"Opo Mommy", ang tugon ni Margaret na sa isip niya ay tatapusin niya ito kahit anong mangyari...ang sumpa niya sa sarili.

"Maiba pala ako Margaret, may bumisita sa iyo noong isang araw, Lando ang pangalan at nakatira sa kabilang baryo at may dalang bulaklak, Nais niyang makipagkilala sa iyo. Guwapo siya, kaya lang may pintas ako kasi medyo maliit lang ang isang paa niya kaya kung lumakad ay hindi pantay, pero sa tingin ko naman ay mabait siya."

"Papaano daw po niya ako nakilala?" ang seryosong tanong ni Margaret sa kanyang ina.

"Napadaan daw siya dito sa atin at may dalang mga produkto na kanyang inilalako sa mga tindahan at nakita ka niya na nagwawalis sa ating bakuran. Huminto siya at pinagmasdan ka niya at nagbalak na bumalik upang makipagkilala sa iyo.

Nag-isip si Margaret, dahil gusto na rin niyang makapag'move' on sa nangyari sa kanya at ngayon niya naisip ang magkaroon ng sariling pamilya. At kung itong Lando na ito na sinasabi ng kanyang Mommy ay isang mabuting tao ay bakit ba hindi, subalit hindi kaagad siya magtitiwala at kung maulit na muli ang nangyari sa kanya ay kaya na naman niyang ipagtanggol ang sarili.

Kinagabihan, katatapos lang maghapunan ng mag-ina ay dumating si Lando.

"Magandang gabi po aling Catherine", ang magalang na sabi ni Lando.

"Halika tuloy ka Lando...maupo ka muna at tatawagin ko si Margaret."

Pinuntahan ni Mrs.Catherine ang anak at sinabi na narito si Lando. Kaya bago lumabas si Margaret ay inayos muna ang sarili.

Tumayo si Lando sa kanyang pagkakaupo at nagbigay galang kay Margaret ng makita niya ito, at saka iniabot ang dalang bulaklak.

"Margaret ibig ko sanang makipagkaibigan sa iyo kung hindi ka magagalit, ako si Lando nakatira sa kabilang baryo."

"Bakit naman ako magagalit, sige maupo ka."

Mula noon ay naging magkaibigan sina Margaret at Lando. Naging masaya sila at kahit may kapansanan itong si Lando ay bale wala kay Margaret dahil hindi naman siya tumitingin sa panglabas na kanyuan ng isang tao.

Sa katagalan at dahil na rin talagang mabait itong si Lando at walang masabi si Margaret sa ugali nito, ay sinagot niya ang pag-ibig ni Lando ng ito ay magtapat sa kanya.

Isang araw nagyaya si Lando na mamasyal sila ni Margaqret sa kanilang baryo upang ipakilala ito sa kanyang ama at ipasyal tuloy si Margaret sa magagandang tanawin sa kanilang lugar. Pumunta sa tabing ilog at pagmasdan ang magagandang naglalakihang puno na pinamumugaran ng maraming ibon. Makinig sa mga huni nila na totoong nakaaaliw sa pandinig. Panoorin ang mga isda na malayang lumalangoy sa linaw ng tubig-ilog. At dito sila mag-uusap sa kinabukasan nilang dalawa.

Ang sana ay magandang balak ng dalawa ay naudlot dahil sa hindi inaaasahang pangyayari.

Napadaan sila sa grupo ng mga nag-iinuman sa lugar nila Lando.

"Lando halika inom ka muna", ang sabi ng isa sa mga nag-iinuman.

"Salamat mga pare may pupuntahan lang kami ng kasama ko."

Nainis ang isa sa grupo at humarang sa daraanan ng dalawa.

"Ikaw Lando, ni minsan ay hindi mo kami pinagbigyan, bakit ba?, may ipinagmamalaki ka na ba sa amin?" ang medyo maasim na salita na binitiwan nito kay Lando.

Sumabat si Margaret sa pag-uusap ng dalawa na kanina pa nagtitimpi.

"Mga kaibigan kung puwede lang ay huwag naman ninyo kaming bastusin", ang medyo matigas na pakiusap ni Margaret.

"Hoy! Lando kapag hindi mo kami pinagbigyan ay yayariin namin iyang maganda mong kasama", ang sigaw ng isa sa mga grupo at sabay sabay silang nagtawanan.

Medyo nagpanting ang tainga ni Margaret subalit nagtimpi pa rin ito.

"Sige mga pare pagbibigyan ko kayo basta huwag lang ninyong galawin ang kasama ko",ang pakiusap ni Lando.

Pinagbigyan ni Lando ang grupo at uminom ito ng kalahating baso ng alak. Subalit humirit pa ang grupo.

"Ayan ang gusto namin, pero teka ipakilala mo naman kami sa kasama mo kasi type namin siya, maganda eh."

[[/>":=

Hindi na nakatiis si Margaret at hinatak si Lando at umalis na sila, subalit sinundan sila ng dalawa at humarang sa kanilang daraanan.

Hinawakan si Margaret sa kamay ng isa sa dalawang humarang upang hilahin subalit isang malakas na sipa ang dumapo sa mukha nito at hindi na nakabangon. Sumuntok ang kasama kay Margaret na naiwasan nito at bigla, isang suntok sa mukha nito ang dumapo na ikinahilo nito at umikot na pabagsak sa lupa.

Dito na naglapitan ang lahat sa grupo at pinaligiran sila Margaret, subalit hindi pa sila nakakaporma ay umigkas na si Margaret na parang kidlat at lahat sila ay natumba sa lupa dahil sa lakas ng suntok at sipa ni Margaret na tumama sa mukha at dibdib ng mga sumugod.

Natulala si Lando sa bilis ng pangyayari at hindi makapaniwala na expert pala si Margaret sa martial arts.

"Lando saka na lang tayo pumunta sa inyo at nawalan na ako ng gana, saka na lang ako pupunta sa inyo", ang sabi ni Margaret at sila'y bumalik na.

"Margaret pasensya ka na ha hindi man lang kita naipagtanggol sa kanila."

"Huwag mo ng pansinin iyon hindi lang kasi ako nakapagtimpi eh."

Mula noon ay lalong tumibay ang pagtitinginan ng dalawa at nagbalak na sila ay magpakasal, subalit tumanggi muna si Margaret, una hindi pa tapos ang kanyang paghihiganti at pangalawa hindi pa niya nasasabi kay Lando ang naging karanasan niya sa mga buhong na nagsamantala sa kanya.

Lumipas pa ang dalawang buwan.

"Mommy bukas po maaga akong aalis, hindi pa po kasi tapos ang usapan namin sa bubuksan naming negosyo", ang pagkakailang idinahilan ni Margaret sa ina upang ituloy ang balak nitong paghihiganti.

Kinabukasan ay maagang umalis si Margaret.

Tulad ng dati nagmatyag na muli siya sa iba't ibang videoke bar at nagkunwaring customer, at isa sa pinasok niya ay may mga grupo ng kalalakihang nagtatawanan at napansin siya ng isa. Ang ginawa ng nakapansin sa kanya ay lumipat sa table ni Margaret at kinausap ito.

"Miss, nag-iisa ka yata?"

"Ah, oo, may hinihintay lang akong kaibigan", ang sagot ni Margaret na halata dito na wala siyang kinatatakutan.

"Puwede ba akong maupo dito sa table mo, habang wala pa ang hinihintay mo?"

"Sige, okay lang", ang matamlay na sagot ni Margaret.

"Ako nga pala si King", ang pakilala niya.

"Rita", ang pangalan ko, sabi ni Margaret.

Nang nakaupo na si King ay naglipatan ang mga kasama niya sa kanilang table at basta na lang naupo. Siyempre, nairita si Margaret subalit hindi siya nagpahalata, dahil kung bastusin man siya ng mga ito, ay kaya naman niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Ipinakilala naman ni King ang mga kasama niya at nag-umpisa na nilang kausapin si Margaret na wala namang takot sa kanila kaya inakala nila na game ito.

Matagal din ang mga sari saring bagay na kanilang pinag-uusapan kasama na ang pambobola ng grupo ni King.

"Rita siguro hindi na darating ang hinihintay mong kausap, sa amin ka na lang sumama at tiyak mag-eenjoy ka", ang himok ni King kay Margaret.

Sa mga lalaking tulad ng mga ito na mapagsamantala sa mga kababaihan ay kumukulo ang dugo ni Margaret, kaya pumayag ito na sumama dahil gusto niyang turuan ang mga ito ng leksyon.

"O mga pare sabi ko na sa inyo game itong si Rita eh", ang nakatawang sabi ni King.

Nakangiti lang si Margaret sa kanila at lumabas na sila ng videoke bar.

Pagdating sa labas papunta sa nakaparadang kotse ay inakbayan siya ni King.

Hinayaan lang ni Margaret si King at ng malapit na sila sa kotse at medyo madilim sa lugar na iyon na walang nagdaraang tao ay hinila nila si Margaret sa madilim na lugar upang pagsamantalahan.

Hindi naman nagpapalag si Margaret dahil hinihintay lang niya ang magandang pagkakataon, subalit ng naghubad na ng damit si King, parang nag flashback sa memory niya si Bogart na hubad at ginagawan siya ng kahalayan, ay doon bigla na siyang nagwala at sa bilis ng kilos niya na parang kidlat ay taob ang apat sa tindi ng sipa at suntok na inabot nila sa mukha at dibdib.

Paalis na siya ng may marinig siyang nagkasa ng baril at sa bilis ng lundag niya ay hindi nito naiputok ang baril at ang sipa niya na tuwid na tuwid ay naglanding sa mukha ng may hawak ng baril at sa palagay niya ay parang napuruhan, kaya nagmamadali na siyang umalis sa lugar na iyon.

"Malas talaga oo, imbis na sina Bogart ang nakalaban ko ay ang mga kumag pang iyon ang nakaaway ko, talaga naman kapag mamalasin ka", ang nagngangalit na sabi ni Margaret sa sarili.

n

Malayo na si Margaret sa lugar na pinangyarihan ng bakbakan nila ay may mabilis na kotse na kulay pula ang dumaan at naaninaw ni Margaret na sina Bogart at Brigs ang sakay doon. Si Brigs ang driver at nasa driver's seat si Bogart. Ang pulang kotse na iyon ang natatandaan niya na sinakyan nila Bogart ng dalhin siya sa bakanteng bahay.

Walang nagawa si Margaret kung hindi habulin na lang ng tanaw ang papalayong kotse at sinabi na lang sa sarili na magkikita pa rin sila, habang nagngangalit ang kanyang mga bagang.

Ilang sandali pa ,kasunod ng kotse nila Bogart, ay dalawang police car na sa blinking ng ilaw at tunog ng sirena ng dalawang sasakyan ay tiyak siya, kina King ang tungo ng mga pulis. Kaya minadali niya na makalayo kaagad sa lugar na iyon.

Umuwi muna si Margaret sa inuupahang kuwarto.

Doon niya pinalipas ang inabot na malas at siya ay nakatulog.

Kinabukasan ay hindi muna umalis si Margaret, kumukuha pa siya ng magandang tiyempo.

Gabi na at ang balak niyang magpalamig muna dahil sa nangyari kagabi ay hindi naman siya mapakali at makatulog, kaya lumakad na rin siya at nagpunta sa isang videoke bar na puro mga lalake ang customer at nag-iinuman. Hindi siya pumasok upang makaiwas sa gulo. Nagmatyag na lang siya sa labas na parang galit na galit na tigre na anumang oras sy susugod sa sisilain nito.

Inabot din siya ng dalawang oras sa pagmamatyag at bigla ay may pumaradang pulang kotse at bumaba sina Bogart at Brigs na may kasamang dalawang babae.

Tuloy Tuloy sila sa loob ng bar at binati ni Bogart ang mga naroroon na nagiinuman.

"Mga bata ayos ba?" ang bungad ni Bogart sa kanila, "sige inom lang kayo at may paguusapan tayong mahalagang bagay mamaya", ang pahabol niyang sabi at nagtuloy na sa pribadong kuwarto at mukhang may pag-uusapang plano.

Hindi makapasok si Margaret sa loob dahil magiging kapansin pansin lang siya sa loob at tiyak aasarin siya ng mga lalake doon at masisira na naman ang balak niya. Nagmatyag na lang siya sa labas upang makakuha ng magandang tiyempo ng isang kotseng itim ang pumarada. Bumaba sa huling upuan ang sakay nito at nagulat siya ng mamukhaan niya ang bumaba, ito ang Judge na humawak ng kanyang kaso noon. Dito na nabuo ang hinala ni Margaret na nasuhulan nga talaga nila Bogart ang Judge na ito upang ibasura ang kanyang kaso.

Kahit nagngangalit na si Margaret dahil sa mga nasaksihan niya ay naging kalmado pa rin siya. Hindi siya nagpadala sa silakbo ng kanyang galit na kanina pa gustong sumabog.

Tuloy tuloy ang Judge sa pribadong kuwarto na kinaroroonan nila Bogart.

Dahil mukhang walang mangyayari sa lakad ni Margaret sa gabing iyon ay minarapat muna niyang umuwi muna sa kanila. Basta ang mahalaga ay alam na niya ang hang-out ng mga buhong.

****

"Margaret kumusta ang lakad mo?" ang tanong ng kanyang ina.

"Okay naman po Mommy, kaya lang hindi po kami natapos ng pag-uusap kaya babalik po uli ako doon."

Inililihim niya talaga sa ina niya ang kanyang ginagawa upang huwag itong mag-alala sa kanya. Maging kay Lando ay ayaw niyang malaman nito ang kanyang mga plano.

Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Margaret, kumukulo ang dugo nito sa galit lalo pa ng nalaman niya na kasabwat ang Judge sa mga transaction ni Bogart.

Dahil sa pagod ng katawan at isip ay mahimbing na nakatulog si Margaret at nagising na lang siya sa tindi ng sikat ng araw mula sa siwang ng bintana ng kanyang silid.

"Napasarap yata ang tulog ko ah, pero okay lang iyon para madagdagan ang energy ko", ang sabi ni Margaret habang papunta sa banyo.

"Mommy nagpunta po ba si Lando?" ang malakas na boses ni Margaret mula sa banyo.

"Oo, nagpunta kahapon at ng hindi ka niya nakita ay umuwing malungkot", ang sabi ni Mrs. Catherine habang nagluluto ng agahan.

Paglabas ni Margaret sa banyo

"Kawawa naman si Lando Mommy, kaya iniisip ko tuloy na kumalas na sa kanya", ang sabi ni Margaret sa ina na parang nagbibiro o totoo ang sinasabi nito.

"Huwag ka ngang baliw Margaret."

"Naaawa kasi ako sa kanya Mommy, dahil kung malaman niya na may masama akong karanasan ay magsisi lang siya kung bakit ako ang nagustuhan niya... hindi ba Mommy?"

"Maaari, kaya nga kung ako ikaw, hangga't maaga pa ay ipagtatapat ko na kaagad sa kanya ang katotohanan, ang pinagdaanan ng buhay ko."

"Papaano kung tuluyan na siyang lumayo sa akin."

"Eh, at least nasukat mo ang kanyang pag-ibig hanggat maaga pa, at kung saka mo pa sasabihin kung kailan na malalim na ang relasyon ninyong dalawa, paano ang damdamin mo? masasaktan ka lang dahil ang hinahangad mong kaligayahan sana ay pinutol lang ng iyong nakaraan."

Nag-isip ng malalim si Margaret kasi may punto ang kanyang Mommy...subali't alam niya hindi pa panahon dahil baka maka-apekto sa kanyang planong ipagpatuloy ang kanyang paghihiganti.

"Aalis ka ba ngayon anak?"

"Hindi po Mommy, aayusin ko lang ang mga halaman ko sa likod-bahay at napabayaan ko na po."

"Oo nga nakita ko iyong paborito mong halaman ay parang nalalanta na."

Habang naghahalaman si Margaret ay may dalawang lalaking nagdaan na parang galing sa kabilang baryo, kina Lando, at naulinigan niya ang pinag-uusapan ng dalawa...'Ginulpi daw kagabi ng grupo ng nakaaway niya noong isang araw ng may kasama siyang magandang babae...at ang nakagugulat ay ang kasama niyang babae ang nagpabagsak sa grupo na expert pala sa martial arts'.

Dali daling pumasok ng bahay si Margaret at nagsuklay lang.

"Mommy aalis lang po ako sandali may pupuntahan po ako", ang sabi na Margaret na nagamamadali at halos hindi na nadinig ang tanong ng ina kung saan siya pupunta.

Nang dumating si Margaret sa kabilang baryo ay nagtanong siya kung saan ang bahay ni Lando.

Itinuro naman ng napagtanungan niya ang bahay ni Lando at pagbungad niya sa pinto, ng siya';y patuluyin ng matandang kasama sa bahay ni Lando, ay ganoon na lamang ang awa sa kasintahan ng makita ito dahil may benda ito sa ulo at kamay na halatang napilayan sa tinamong gulpi.

Sumulak ang dugo ni Margaret subali't nagpakahinahon pa rin siya.

"Ikaw ba iha ang kasama ng anak ko noong isang araw", tanong ng ama ni Lando.

"Opo, ang sagot ni Margaret at kinuha ang kamay ng matanda at nagmano dito.

"Sobra na ang kasalbahihan ng grupo ni Baldo, pati ang anak ko na walang kalaban laban ay pinagtulungan nila", ang malungkot na sabi ng matanda.

"Lando kumusta ka na?"

"Eto nabalian lang naman ng buto, pero huwag kang mag-alala hindi na nila gagawin uli iyon dahil gumanti lang sila at isa pa nagpunta na dito ang mga magulang ni Baldo at humingi ng dispensa sa ginawa ng anak nila sa akin at sila na rin ang sasagot sa pagpapagamot sa akin."

"Ganoon ba", ang nasabi na lang ni Margaret na nagpupuyos sa galit at gustong gumanti kina Baldo upang siya naman ang babalian nito ng buto. Subali't nag-isip din siya na baka lalong lumala ang sitwasyon kaya nagtimpi na lang siya subali't nagbanta siya sa sarili na kapag inulit nila na gulpihin si Lando ay hindi niya patatawarin si Baldo.

Ilang sandali pa ay nagpaalm na si Margaret.

"Margaret mag ingat ka."

Sa paglakad ni Margaret pauwi sa kanila ay nadaanan niya ang grupo ni Baldo at ng makita siya ng mga ito ay nagpulasan ng takbo, maliban kay Baldo na parang nakapako sa kinauupuan nito.

"Ikaw ba si Baldo?" ang malumanay na tanong ni Margaret.

"O-oo--a--ako nga..." ang nabubulol na sagot ni Baldo.

"Ako si Margaret ang, girlfriend ni Lando", ang malumanay pa rin niyang pakilala kay Baldo.

"P--Pero humingi na kami ng tawad kay Lando a--at nagkaayos na k--kami", ang medyo takot na sinabi ni Baldo.

"Alam ko at sinabi nga ni Lando sa akin na nagkaayos na kayo, kaya lang may hihilingin sana ako sa iyo, pati sa mga kasama mo na sana maging magkaibigan tayo...tayo ni Lando, puwede ba?"

Hindi makapaniwala si Baldo sa kanyang narinig kay Margaret, kaya lalo siyang napahiya sa kanyang sarili.

"O--oo Margaret simula ngayon, magiging mabuti na kami kay Lando at salamat kahit nagkasala kami sa inyo ni Lando ay heto ka at gusto mo pa rin kaming maging kaibigan...salamat", ang naitugon na lamang ni Baldo na hindi pa rin makapaniwala.

"O paano Baldo, maaasahan ko ba na magkaibigan na tayo?"

"Oo Margaret pangako magbabago na kami at iiwasan na namin ang alak hanggat maaari, para walang gulo."

Matapos magkamay ang dalawa ay umalis na si Margaret na malaki ang tiwala sa naging kasunduan nila ni Baldo, at higit sa lahat hindi na nila pagiisipan pa ng masama si Lando.

Nang nakaalis na si Margaret ay dali daling naglapitan ang mga kasama ni Baldo.

"Ano Baldo bakit hindi ka niya ginulpi?"

"Mga pare sobra ang hiya ko kanina kaya mula ngayon iwasan na natin ang manggulo dito sa lugar natin at isa pa mula sa araw na ito ay atin na silang kaibigan...sina Lando at Margaret."

"Oo nga sang-ayon ako, na hindi na tayo pagmumulan ng gulo sa ating lugar."

"Tayo na at dalawin natin si paring Lando."

****

Nang dumating si Margaret sa kanila ay tinanong siya kaagad ng ina nito na kung saan siya nagpunta.

"Mommy, pinuntahan ko po si Lando sa kanila dahil nadinig ko sa mga lalaking nagdaan kanina sa tapat natin na ginulpi daw si Lando."

"O--e--kumusta naman siya?"

"Maayos na po at hindi na po mauulit sa kanya iyon", ang nangingiting sagot ni Margaret sa ina.

Pagkalipas ng isang linggo ay muling binuo ang balak na paghihiganti, kay Bogart at Brigs.

Umalis si Margaret kinabukasan.

At sa dati nitong tinutuluyan, naghintay muna si Margaret na gumabi at saka niya pupuntahan ang hang-out nina Bogart.

"Lumalalim na ang gabi bakit hangga ngayon ay hindi pa sila sumusulpot? Hindi kaya lumipat sila ng ibang lugar?"

Naghintay pa ng isang oras si Margaret at muli sumagi na naman sa isip niya ang sinapit niya sa kamay ni Bogart, Jake at Brigs, kasama ang Judge na nagbasura sa kaso niya.

Nainip na ng tuluyan si Margaret sa paghihintay kaya binalak munang umuwi na muna.

"Pasalamat sila at hindi sila dumating ngayon...medyo humaba pa ang buhay nila", ang nasabi na lang sa sarili ni Margaret habang lumalakad siyang pauwi.

Umaga na ng magising si Margaret. Lumabas siya ng kuwarto upang makasagap ng sariwang hangin ng mula sa TV ng katabing bahay ng inuupahan niya ay marinig niya sa balita na may napatay na mga masasamang loob sa pier dahil sa transaction sa droga at patuloy na iniimbistigahan ng mga pulis. Ang mga nasawi ay pinamumunuan ni Tapang alyas Bogart at ang kasama nito na si Brigs.

"Sayang hindi sa mga kamay ko nagbayad ang hudas na si Bogart. Pero mabuti na ang nangyaring iyon sa kanila at pabor din iyon sa akin at ngayong tapos na ang aking misyong paghihiganti ay haharapin ko naman ang sarili kong buhay...buhay namin ni Lando", ang nasabi na lang ni Margaret.

****

Dahil tapos na ang misyon ni Margaret ay tapos na rin ang kanyang pagiging karatista. Mag-aayos na siya ng ayos babae...magpapaganda...hindi na siya magmamaong at magpapahaba na rin siya ng buhok upang lalo siyang maging kaakit akit sa kanyang mabait na kasintahang si Lando.

Lumipas ang isang buwan at halos magaling na magaling na si Lando sa kanyang mga nabaling buto.

At ng muling dalawin ni Lando si Margaret ay hindi niya ito nakilala sa bagong ayos nito, at nagtanong pa dito kung puwedeng maka-usap si Margaret.

"Ano ba Lando ako ito si Margaret", ang nakatawang sabi ni Margaret.

"A--ano?--I--ikaw si Margaret?"

"Ano pa, halika pasok ka at marami akong ikukuwento sa iyo", ang masiglang wika ni Margaret.

Anupa't pinagusapan nilang dalawa ang tungkol sa magiging buhay nila sa hinaharap...ang buhay may pamilya.

Nagkasundo silang magpakasal na sa susunod na taon...subali't agam agam pa rin ang nasa isip ni Margaret dahil hangga ngayon ay hindi pa niya nasasabi kay Lando ang tungkol sa nakaraan niya...papaano kung umayaw ito, ngayon pa na napamahal na sa kanya si Lando ng lubusan...na kung mawawala rin lang si Lando sa buhay niya ay nanaisin na rin niyang maglaho sa mundo...papaano na ang pangarap niya...na magkaroon ng masayang pamilya...magkaroon ng mga anak?.

Hinayaan muna ni Margaret na lumipas ang mga araw...buwan upang bigyan ang sarili ng panahong makapag-isip...makagawa ng desisyon na hindi niya pagsisisihan sa huli.

At dumating ang takdang araw ng kasal nila ni Lando, at isang linggo bago ang kasalan ay kinausap ni Margaret si Lando upang ipagtapat dito ng tungkol sa kanyang naging karanasan.

"Lando...may ipagtatapat ako sa iyo na maaari mong ikabigla at dahilan upang umatras ka sa pagpapakasal sa akin", ang umpisa ni Margaret at saka nagpatuloy..."Lando ako ay..."

Tinakpan ni Lando ng isang kamay ang bibig ni Margaret upang huwag ng ituloy ang ipagtatapat nito.

."Margaret huwag mo ng ituloy ang sasabihin mo matagal ko ng alam ang tungkol sa nakaraan mo...ipinagtapat na sa akin ng Mommy mo at nagkasundo kami na huwag niyang ipaalam sa iyo para huwag ka ng mag-alala pa.

Napaiyak na lang si Margaret, ngayon niya nakilala ng lubusan si Lando...na mahal na mahal din siya nito na lalong nagpatindi ng pag-ibig niya sa lalaking ito na pinag-isipan niyang lalayuan siya kung sakaling malaman nito ang tungkol sa kanya. At dahil doon nangako si Margaret sa sarili niya na mamahalin niya si Lando habang siya ay nabubuhay.

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL...MABUHAY!" ang sigawan ng lahat sa pag-ulan ng mga bulaklak na isinaboy sa kanila.

Lumapit ang grupo ni Baldo at binati ang bagong kasal.

"Lando binabati ka namin...sana makatagpo din ako ng tulad ni Margaret expert sa martial arts upang ipagtatanggol ako sa harap ng panganib", pagkasabi noon ni Baldo ay nagtawanan ang grupo kaya pati sina Lando at Margaret ay natawa na rin. Anupa't sobrang saya ng kasalan ng dalawa.

Sa aking fiction story na ito ay masasabi ko na isang inspiration ito sa lahat ng makababasa nito.

"Ngayong kasal na si Margaret at may sarili ng pamilya ay masasabi na siya na ang pinakamaligayang babae sa balat ng lupa na kahit dumanas ng masaklap na karanasan ay sa wakas natamo naman ang isang kaligayahan na walang katulad sa buhay niya."

"Hindi na siya si Margaret na expert sa Martial Arts kundi magiging expert na siyang housewife sa gawaing bahay."

Thank you, Guys hope you enjoyed reading "REVENGE OF A GANG RAPE VICTIM."

Rio Alma

Another fiction story is coming, so enjoy reading, thanks.

Almario_Aguirre_7837creators' thoughts