webnovel

Chapter 6

Sa wakas ay nakabalik na din ako sa emperyo ng ligtas ngunit napatingala ako sa kalangitan dahil napansin kong madilim na pala pati ang paligid kaya naman nag kibit balikat na lang ako at saka nag tuloy sa pag pasok sa loob ng emperyo. Pag pasok ko tinahak ko na ang daan papunta sa tahanan ng heneral, ngunit napatigil ako ng lapitan ako ng isa mga damma ng heneral.

"L-lady uzumi, salamat naman po at n-nakabalik na kayo sa emperyo" sabi nya pero nabigla ako ng biglang nya akong hawakan sa aking braso.

"Lady uzumi tulungan nya po si shinmin..."

"Bakit? anong nangyari sa kanya?" tanong ko. Habang nakatingin sa kanya.

"Ikinulong po sya ng heneral dahil hindi ka nya daw po nabantayan ng maayos, dahil umalis po kayo ng walang paalam" paliwanag nya. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi kaya walang sabi- sabi agad akong tumakbo sa kinaroonan ni shinmin. Pumasok agad ako sa loob at pinuntahan ang seldang pinag kukulungan nya ngayon.

Napatakip ako ng bibig ng makita ko ang kalagayan ni shinmin, halos ang kanyang kimono ay nag kalat ng mga dugo sa ibat ibang bahagi, at may mga sugat din sya na dumudugo na din. Sobrang magulo at nag kalat ang kanyang buhok sa paligid ng kanyang mukha, at nakahiga sya sa sahig.

"Shin!" sigaw ko habang nangingilid ang mga luha ko.

"L-lady u-uzumi...b-buti n-naman at n-nakabalik k-kayo ng m-maayos...a-ahhh" usal nya habang nahihirapan siyang mag salita.

Tumulo ang mga luha ko dahil sa nangyari sa kanya kaya humarap ako sa mga kawal nag babantay.

"N-nasaan ang heneral? nasaan sya?!" nanggagalaiti kong tanong.

"Nakabalik kana pala uzumi. Saan ka nanggaling? bakit hindi ka man nag paalam sa akin" napatingin ako ng biglang lumitaw ang heneral habang nakakrus ang kanyang mga braso at nakangisi ngunit matalim ang tingin nya sa akin

"B-bakit mo yun g-ginawa kay shin? sa akin mo dapat yan ginawa! dahil ako naman ang may kasalanan dahil umalis ako ng walang paalam. Walang syang kasalanan heneral" paliwanag ko habang nakasigaw.

"Kahit ano pang gawin mo may kasalanan pa din sya. Dahil hindi ka nya binantayan ng maayos!"

"Pero hindi tama ang iyong ginawa heneral. Hindi makatao itong ginawa mo!"

"Wala akong pakialam uzumi, kapag may kasalanan ka ang kapalit nun ay kaparusahan"

"A-ang sama mo! n-napakasam-" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla nya akong sampalin dahilan para bumagsak ako sa sahig.

"Matuto kang lumugar babae ka! baka nakakalimutan mo na heneral ang sinisigawan at pinag sasalitaan mo ng hindi maganda. Baka gusto mong magaya sa nangyari sa kanya" banta nya. Napakalunok ako ng tumingin ako sa kanya at halata na sa kanyang mukha ang galit ngunit nag pipigil sya. Pero isiniwalang bahala ko yun at saka matapang na humarap muli sa kanya.

"Kung yan ang gusto mo sige gawin mo! basta pakawalan mo lang siya!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi ko maaaring gawin ang gusto mo. May kasalanan syang nagawa at kailangan nya iyun pagdusahan para mag tanda sya..."

"p-pero heneral naman..."

"patawad, hindi ko maaaring gawin ang iyong gusto"

Napatingin ako kay shin na kasalukuyang nakatingin din sa akin habang siya ay umiiyak at saka din ako tumingin kay hirushima na nakatingin din sa akin at saka ako tumungo.

Kasalanan ko ito kung hindi lang sana ako umalis hindi sana sya mapaparusahan ng ganito...

Lumapit ako sa selda ni shinmin at saka sya tiningnan.

"Patawarin mo ako sa aking gagawin shin pero ito na lang siguro ang paraan para lang mapakawalan ka dito" sabi ko sa kanya na may ngiti sa aking labi.

"A-ano pong g-gagawin nyo lady u-uzumi?" tanong nya.

Lumapit ako kay hirushima na nakatayo lang habang nagkakrus pa din ang kanyang mga braso at nakatingin sa akin. Itinikom ang dalawang binti ko at saka ko hinawak ang tuhod ko ito pababa hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaluhod at nakatingala kay hirushima habang magkasalikop ang aking mga kamay. Nagulat sya sa aking ginawa kaya napalayo sya konti, maging ang ibang mga kawal ay nabigla sa aking ginawa.

"L-lady uzumi! w-wag nyo pong gawin yan pakiusap! l-lady u-uzumi!" sigaw nya ng makita akong nakaluhod sa heneral.

"A-anong ginagawa mo? tumayo ka dyan!"

"Hindi!" sigaw ko habang umiiyak na nakatingala sa kanya " nag mamakaawa a-ako sayo heneral, p-pakawalan mo na sya. A-ako ang may kasalanan ako ang ikulong mo d-dyan" nag mamakaawang kong anas.

"L-lady uzum-mi..." mahinang tawag nya at kasabay nun ay umiyak na sya ng tuluyan.

"N-nag mamakaawa ako sayo h-heneral ako na lang, wag lang siya. Ako ang may kasalanan hindi dapat sya yung dumanas ng ganito"

Nakatingin lang sa akin si hirushima at saka din sya tumingin kay shin na nasa loob ng selda pag katapos nag buntong hininga sya at saka sya tumalikod.

"Pakawalan nyo na ngayon ang babaeng yan!" utos nya. Nagulat ako ng sabihin nya yun kaya naman tumayo ako mula sa aking pagkakaluhod at lumapit sa kanya.

"M-maraming salamat heneral dahil pinakawalan nyo na sya. Maram- manahimik ka! pagkatapos mo dyan pumunta ka sa aking silid dahil hindi pa ako tapos sayo!" bilin nya at saka sya lumabas. Napatingin na lang ako sa kanya hanggang siya ay lumabas, pag kalingon ko nakabukas na ang pinto ng selda at wala na din doon ang kawal na nag babantay kanina. Kaya naman pumasok na ako sa loob at saka nilapitan si shinmin na nakatingin din.

"Patawarin mo ako dahil sa nangyari. Kasalanan ko ito dahil umalis ako ng hindi nag papaalam sayo at kay heneral. Patawad" hinging tawad ko sa kanya. Tumingin sya sa akin ng may ngiti sa kanyang labi at saka nya ako niyakap. Nagulat man ako sa ginawa nya pero napangiti na lang ako at saka tinugon ang kanyang yakap.

"Walang anuman yun lady uzumi, ang mahalaga ay nakauwi po kayo ng ligtas. Pero sa susunod po ay mag sasabi kayo sa akin kung may nais kayong puntahan dahil pwede ko po naman kayo ipagpaalam kay heneral"

"Patawad, akala ko kasi baka hindi nya ako pahintulutan na lumabas ng emperyo..." bumitaw ako sa kanyang yakap at saka sya tiningnan.

"Kayo talaga lady uzumi..." natatawa nyang sabi.

Tumayo ako mula sa aking pag kakaupo at saka inabot ang aking kamay sa kanya. Napatingin sya sa akin at saka nya hinawakan ang kamay ko at pag katapos tinulungan ko syang makatayo dahil hindi sya makakilos ng maayos dahil sa kanyang mga sugat sa katawan. Nang maitayo ko na sya hinawakan ko sya sa kanyang likod at saka kami nag lakad palabas ng kwartong ito.

"Ituro mo sa akin ang iyong silid ng madala kita doon pati na din ang mag gagamot ng iyong mga sugat" sabi ko sa kanya ng makalabas kami at nag lalakad patungo sa kanyang silid.

"Ako na lang po lady uzumi, kailangan nyo na pong puntahan si heneral"

"Hindi, ihahatid na muna kita doon bago ko sya puntahan. Kailangan ng magamot agad yang mga sugat mo"

"Lady uzumi wag na po kayo makulit, puntahan nyo na po si heneral. Baka lalong magalit yun"

"Pero..."

"Sige na po, puntahan nyo na sya. Ako na po ang bahala sa sarili ko" pagkatapos nyang sabihin iyon ay naglakad na sya palayo sa akin habang ako naman ay nakatayo pa din at sinusundan ko na lang sya ng tingin. Napabuntong hininga na lang ako at saka tumingala sa kalangitan.

Sana kasama ko po pa kayo ina, ama. Nahihirapan ako sa aking sitwasyon dito pero hindi basta basta na lang ako susuko. Nandito na ako ngayon kaya kailangan ko itong tapusin.

Ina, ama gabayan nyo po ako...

Matapos nun ay nag lakad na ako patungo sa tahanan ng heneral na may lungkot sa aking puso.

To be continued...