webnovel

Chapter 3

Uzumi Pov

10 years later...

"Ina, ama kamusta na po kayo jan? sana masaya kayo jan kasama ang diyos" mahinang usal ko habang nakatingala sa kalangitan. Sampung taon na ang nakalipas mag mulang sumiklab ang digmaan laban sa shinamin at seikkin. Ang pangyayari yung ang hinding hindi ko makakalimutan dahil doon namatay ang mga magulang ko pati na din ang mga tao sa bayan. Ang naging dahilan para maiplano ko ang pag hihiganti laban sa mga seikkin, pero alam kong hindi rin magiging madali dahil emperyo ang kakalabanin ko. Pero nakapag desisyon na ako, mamatay man ako dahil dito gagawin ko pa din ang makakaya ko makapag higanti lang, hangga't hindi sila nawawala hindi ako matatahimik.

Sa gitna ng aking pag mumuni-muni ng marinig ko ang boses ng aking mga damma na papalapit na sa akin. "Lady uzumi, hinahanap po kayo ng heneral" sabi ng isa sa mga damma. Lumingon ako sa kanya habang nakatungo ang ulo nya at saka sya nilapitan. Tumaas naman ang ulo nya ng nasa harapan ko na sya " nasaan sya?" tanong ko sa kanya. " nasa kanyang silid po" sagot nya. Pag katapos nun ay nilagpasan ko na sya at lumabas na ng aking silid habang sya naman ay nakasunod lang sa likod. Tumigil ako sandali at nilingon ko sya habang nakatalikod ako. " Dito ka lang, wag mo akong sundan" utos ko. At saka ako nag lakad paalis papunta sa silid ni hirushima.

Pagkarating ko, binuksan ko ang pintuan at saka ako pumasok " Ano ang iyong kailangan heneral?" tanong ko sa kanya.

Pinlano kong pumasok sa emperyo ng seikkin upang maging babae ng emperador o ng heneral, nakapasok man ako pero sa heneral naman ako napunta. Si hirushima takashii, ang heneral ng hukbo ng emperyo ng seikkin, pinakamatinik na lalaki, matalino, napakatuso at madali ka nyang mababasa kapag nag sisinungaling ka sa kanya. At wala din syang awa kung pumatay. Plano kong paibigin si hirushima upang lahat ng gusto ko ay susundin nya maging ang mga desisyon ko at syempre kasama na sya sa mga gusto kong mag higanti. Tutol si shimaru sa naging plano ko dahil delikado ang gagawin ko ngunit wala na syang nagawa pa nung sinabi ko gagawin ko pa din ayaw man nya o hindi.

Nakaupo sa silya si hirushima habang may hawak na kopita ng alak sa kanyang kamay at nakangising nakatingin sa akin. At pag katapos tumayo sya at ibinaba nya ang hawak nyang kopita sa mesa na katabi lang nya. Lumapit sya akin at inilapit ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ako doon. Ayaw ko man pero hindi na ako pumalag pa dahil baka makahalata sya na ayaw ko ang ginagawa nya kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko. At pag katapos nun itinapat nya ulit sa akin ang mukha at tumingin sa akin mga labi. Napalunok na lang ako dahil sa mga nakikita ko sa mga mata  nya ang pag nananasa.

Biglang syang humawak sa magkabilang bewang ko at saka ako siniil ng halik, napapikit ako hindi dahil sa nasasarapan kundi nandididri ako dahil ang humahalik sa akin ang syang nanguna para patayin ang ang mga tao sa emperyo ng shinamin at aking bayan. Humawak na lang ako sa may batok nya para kunwari nagustuhan ko ang halik nya...para hindi sya makahalata. Naramdaman ko ang pag ngisi nya kahit nakalapat ang labi nya sa akin at mas lalong nyang idiniin ang katawan nya sa akin, saka nya ako mas lalong hinalikan ng malalim. Bumitaw na ako mula sa pagkakahalik at lumayo ng konti sa kanya habang sya naman ay nakatingin ng may ngisi at nakalagay pa ang kanang kamay nya sa kanyang tagiliran.

"Paumanhin heneral, ngunit ano ba ang iyong kailangan?" tanong ko. Bumalik ulit sya sa kanyang silya  saka sya uminom ng alak at pag katapos nag senyas sya gamit ang dalawang daliri nya na lumapit ako sa kanya. Lumapit naman ako sa kanya at saka tumingala.

" Wala naman, gusto ko lang malaman kung ayos ka lang ba dito?" tanong nya. Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa katapat nyang silya.

" Ayos lang naman ako dito" sagot ko. Tumango tango sya habang umiinom ng alak. Tumayo ako sa aking silya at pumunta sa malawak nyang bintana upang buksan ang bintana at pag katapos tumigil ako doon ng ilang sandali.

"Nais ko din malaman kung saan ka nakatira dahil konti lang ang nalalaman ko tungkol sayo. Gusto kong malaman ang lahat ng sayo " saad nya. Natigilan ako dahil sa sinabi nya, umaakyat sa aking dibdib ang kaba kaya hindi agad ako nakapag salita. Huminga muna ako ng malalim at saka sya sinagot.

"Galing ako sa malayong bayan, galing ako sa mahirap na pamilya. Ang mga magulang ko ay parehong mag sasaka sa aming bukirin at ako ang nag iisang anak nilang babae. Pero wala na sila pareho, dahil pinaslang sila ng mga taong walang awa" Tumulo ang luha ko ng maalala ko yun at saka kinuyom ang isang kamay ko habang ang isa naman ay nakalapat sa may dibdib ko. Pero pinigilan ko ang sariling wag umiyak ng tuluyan dahil ayaw kong kaawaan ako ni hirushima.

"Napakalungkot naman pala ang inyong sinapit. Pero bakit nama-- tumigil kana. Ayoko ng pag usapan ang bagay na yan" pagputol ko sa sasabihin nya. Hindi kaagad sya umimik at uminom na lang ng alak. Matapos kung tumingin sa bintana humarap na ako sa kanya at pumunta sa may harapan nya.

"Kung wala ka ng kailangan babalik na akong sa aking silid" at saka ko sya nilagpasan pero hinawakan nya bigla ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.

"Alam mo bang ayaw ko sa lahat ay yung sinungaling? dahil kapag nag sinungaling sa akin ay papaslangin ko" nakangisi nyang saad at seryosong tumingin sa akin. Umakyat na naman ang kaba sa aking dibdib ngunit hindi ko yun ipinahalata sa kanya, tiningnan ko na lang sya ng diretso.

"A-alam ko yun heneral. Di ko nakakalimutan"  anas ko. Tumango tango sya at binitawan na nya ang braso ko.

"Mabuti ng nagkakaintindihan tayo. Magandang gabi" sabi nya at nag salin sya ng alak sa kopita nya, saka nya ito ininom. Humakba na akong papunta sa pinto, saka ito binuksan at lumabas na ako. Tumigil muna ako sandali habang nakatayo sa may pintuan at pag katapos nun ay nag lakad na ako papunta sa aking silid. Nang makarating sa aking silid humakbang ako papunta sa may bintana at sandaling tumitig sa kalangitan.

"Kamusta na kaya doon si shimaru?" mahinang bulong ko at saka nag buntong hininga. Pagkatapos nun ay nag tungo na ako sa aking higaan at saka humiga na.

"Magandang gabi ina, ama" nakangiting usal ko at ipinikit ko na ang mga mata ko.

To be continued...