webnovel

Chapter 35

Labis ang pag kaganid sa kapangyarihan ang taong iyon. Kahit ang mga inosenteng tao ay idadamay nya para lang makuha ang gusto. Hindi marunong makuntento parang pati ang mundo gusto niya na rin pamunuan.

"Hindi ito maaari, kailangan ito malaman kaagad ng taga shikawa. Ngunit paano?"bulong ko sa aking sarili. Kaagad akong nag isip ng paraan kung paano ko ito maipaparating sa emperyo ng shikawa.

Nanganganib ang mga inosenteng tao na nandoon. Kailangan silang mailikas at maitago sa lalong madaling panahon bago sumapit ang araw ng pag lusob.

Sa gitna ng aking pag iisip doon naman pumasok sa aking isipan ang isang paraan ngunit hindi ko alam kung ito ay maganda o mapanganib.

"Pupuntahan ko mismo ang emperyo ng Shikawa. Ako mismo mag sasabi sa emperador..."muli kong bulong.

"Ano ang iyong binubulong-bulong diyan?"napatigil ako bigla ng may kung sino ang nag salita na nanggaling sa aking likuran. Hindi kaagad ako nakapag salita.

"Ang sabi ko, ano ang iyong binubulong-bulong diyan?"pag uulit niya. Napahinga na muna ako ng malalim at saka lumingon sa aking likuran. Medyo nanglaki ang mga mata ko ng makita si Prinsipe Haru na nakataas pa ang kilay at nakakrus ang parehong braso.

"Ahh...ano...n-nag papahangin lang"sagot ko. Tumatango tango lang siya at saka muling tumingin sa akin.

"Ahh nag papahangin lang...ngunit bakit ka naman nag sasalita dyan mag isa? May kausap kabang iba na ikaw lang ang nakakakita?"

Kaagad na tumaas ang kilay ko dahil sa tanong niya. Pakiramdam ko parang nang aasar na naman sya na parati niyang ginagawa.

"Meron, kamahalan. Gusto mo ipakilala kita?"balik na asar ko. Ngunit natawa lang siya kaya naman napasimangot ako.

"Biro lang. Ayoko maging baliw kagaya mo..."sabi nya. Napaikot na lang ang mata ko at saka tumalikod sa kanya.

"Nakita kita kanina sa harap ng silid ng aking ama..."nagulat ako sa sinabi nya at nanlaki pa ang aking mga mata. Kaya naman hindi agad ako nakapag salita.

"Anong ginagawa mo doon? Hindi bat sinabihan na kita na wag mo ng uulitin pa iyun dahil pwede kang parusahan kapag nakita ka? Pag labag iyun sa kautusan ng emperyo!"paliwanag niya. Napabuntong hininga na lang ako kasabay nun ang pag tungo ng ulo.

"Patawad kamahalan. Hindi ko uulitin pa sa susunod..."

"Mabuti. Huwag sanang matigas ang ulo mo at lumabag na naman sa kautusan. Dahil hindi sa lahat ng oras may mag iintindi at mag tatanggol sayo"saad niya. Tumango na lang ako sa kaniya.

Hindi na muli ako nag salita at tahimik na nag masid sa kabuuan ng munting sapa na tapat lang ng pagoda. Alam kong nasa tabi ko ang mahal na prinsipe na kagaya ko lang ay tahimik din at nag mamasid.

Ilang minuto rin ang lumipas ang kahimikan ng basagin ito ng mahal na prinsipe.

"Dito dati lumalagi ang aking ina sa tuwing siya ay mag papahangin, kung minsan dito na rin sya umiinom ng tsaa kasama ako at ang aking ama"sabi niya. Hindi ako nag salita at hinayaan ko lang siya mag salita habang ako ay nakikinig lang.

"Pero mag mula ng mawala si ina parang naging patay na rin ang lugar na ito..."napansin ko ang naging pag hina ng boses nya sa kanyang sinabi kaya naman tumingin ako sa kanya. Napansin ko rin ang pag lungkot ng mga mata nya kahit na nakatingin sya sa malayo.

Naikwento sa akin noon ni Shin ang pag panaw ng mahal na Emperatris. Kaya naman labis na nasaktan ang mahal na prinsipe. At naging dahilan ito upang lumayo sya ng mahabang panahon dito sa kanilang emperyo at manatili sa probinsya ng kaniyang ina. At alam kong hanggang ngayon masakit pa rin ito para sa kaniya.

"Ikinalulungkot kong marinig yan..."usal ko. Napatingin din sya sa akin at saka bahagyang ngumiti ngunit inalis din niya ang tingin sa akin.

Mabait din pala ang taong ito...

"Ayos lang. Matagal ko na rin naman tinanggap ang kaniyang pag kawala. Hindi ko nga lang mapigilan ang pag alala sa kaniya lalo na kapag pumupunta ako sa lugar na ito"turan niya. Napabuntong hininga na lang ako at saka tumalikod sa kaniya.

"Patawad kamahalan, kailangan ko ng bumalik kay Heneral..."saad ko. Mag lalakad na sana ako ng bigla syang mag salita.

"Hanggan kailan ka mananatili sa poder ni Hirushima? Hindi kaba natatakot sa maaari niyang gawin sayo?"natigilan ako sa kaniyang tanong at kaagad na napaharap sa kaniya.

"A-anong ibig mong sabihin?"tanong ko. Bigla syang humarap sya sa akin at napalunok ng makita ko ang seryosong mukha niya.

"Alam kong hindi ka taga dito sa aming bayan, alam kong sa ibang bayan ka nag mula. Alam kong sa bayan ng shogasukan ka nanggaling"sagot niya. Nanlaki ang mata ko kasabay nun ang pag takip ko sa aking bibig.

Hindi maaari!

"P-paano mo nalaman?"nauutal kong tanong. Lumapit sya sa akin kunti habang ako naman ay bahagyang umaatras.

"Dahil inalam ko, interesado ako sayo kaya naman inalam ko ang buong pag katao mo. At sa hindi inaasahan nalaman ko na hindi ka pala taga rito"sagot niya. Panay ang pag iling ko habang umaatras.

Ngayong nalaman na niya ang tungkol sa akin hindi ko alam kung ikakatakot ko ba ito o hindi. Pwede niyang sabihin kay heneral o sa mahal na emperador ang tungkol sa akin. At kapag nangyari yun tiyak na malalagay sa alanganin ang buhay ko.

Dahil sa pag iisip hindi ko na namalayan na nakalapit na pala siya at sa pag lapit niya, bigla niya akong hinawakan sa mag kabilang balikat na ikinasinghap ko.

"Sabihin mo sa akin ang totoo, bakit ka nandito? Anong dahilan ng pananatili mo dito?"tanong niya. Hindi agad ako sumagot ngunit nagulat ako ng mas lalo niya diniinan ang pag hawak sa mga balikat ko kaya naman hindi ko napigilan ang ngiwi.

"M-mahal na p-prinsipe, n-nasasaktan ako"nakangiwing sabi ko.

"Sagutin mo ako!"galit na bulyaw niya. Nagulantang ako sa sigaw niya kaya naman nag simula na akong mainis sa kanya. At masama ko siyang tiningnan.

"Gusto mong malaman ang totoo? Sige sasabihin ko na!"

"Bilis!"

"Alam mong kung bakit nandito ako sa emperyo nyo? Dahil gusto ko mag higanti laban sa inyo!"galit na sabi ko. Bumalik sa akin ang kinikimkim kong galit.

"Mag higanti sa amin? Bakit ka mag hihiganti sa amin?"tanong niya.

"Dahil ang digmaan na sinimulan ng ama mo ang naging dahilan kung bakit ako nawalan ng magulang. Wala awa niya pinatay ang lahat ng inosenteng tao na nakatira sa aking bayan. Sa mismong harapan ko kitang kita mismo ng mga mata ko kung paano nila pinatay ang mga magulang ko! Kaya nais kong mag higanti, nais ko kayong pabagsakin kagaya ng pag bagsak nyo sa buhay namin!"galit na sabi ko. Napatingin ako sa prinsipe at nakita ko ang pag kunot ng noo.

"Sa paanong paraan ka mag hihiganti? Wag mong kakalimutan na hindi basta emperador lang ang kakalabanin mo. Buhay mo ang magiging kapalit kapag nangyari yun"

"Wala akong pakialam! Gagawin ko pa rin ang gusto ko kahit buhay ko pa ang magiging kapalit"saad ko. Napatawa na lang siya habang umiiling iling.

"Hangal ka. Isa kang hangal na babae..."ani prinsipe. Napatingin na lang ako sa kanya ng masama at saka tumalikod.

Kahit kailan hindi magiging patas ang tao, kahit nasa mababa ka lang at sila ay nasa itaas ituturing ka nila na parang basura. Kahit ang buhay mo ay parang basura na rin  para sa kanila kaya masasabi kong hindi magiging patas ang tao.

Kagaya ng ginawa ng mga taga seikkin, akala nila basura lang ang buhay ng mga tao sa aking bayan. Pinatay nila ng walang alinlangan, ni hindi man lang sila nakonsensiya o humingi ng tawad. Parang wala lang sa kanila, bagkus ay wala pa silang pakialam.

Kaya ganun na lang ang aking galit sa kanila, kahit alam kong hindi tama ang pag hihiganti magagawa ko dahil sa galit. Masyado akong kinakain ng aking galit, ikinakamuhi ko silang lahat. Kahit kailan hinding hindi ko sila mapapatawad.

"Kung iyan ang sa tingin mo ay tama, gawin mo. Ngunit sinasabi ko lang sayo: ang isang hamak na tulad mo ay walang magagawa sa taong may kapangyarihan. Sa oras na malaman nila ang pinaplano mo baka maunahan ka pa nila"saad niya.

"Ngayong alam mo na ang tungkol sa akin at sa plano ko, paniguradong sasabihin mo iyan sa Emperador"sabi ko. Hindi na sya nag salita kaya naman humakbang ako paalis ngunit napatigil din ng muli siyang mag salita.

"Hindi ako mag sasalita, wala akong sasabihin sa kanya tungkol sa nalaman ko. Ngunit habang maaga pa tigilan mo na ang kahibangan mo kung mahal mo pa ang buhay mo. Kahit pa patayin mo siya hindi ka pa rin magiging masaya"tugon niya. Palihim akong napangisi.

Diyan ka nag kakamali, ang isang hamak na tulad ko ay magagawang pabagsakin ang tulad nyo. Hintayin nyo lang dahil malapit ko na kayong tapusin...kahit ikaw ay hindi ko palalagpasin...

Umalis na ako sa pagoda na nakangisi pa rin, habang hinahawi ang aking buhok na hinahangin.

To be continued.