Izumi P.O.V
Tuloy tuloy lang sa pag tulo ng aking mga luha sa pisngi habang nakatingin kay Shimaru na papalayo na. Parang naninikip sa sobrang sakit ang dibdib ko, habang ang mga binti ko naman ay nawawalan na ng lakas. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili kaya naman napaupo na lang ako sa lupa habang nakatakip ang pareho kong mga palad sa aking mukha at pahikbing umiiyak.
Patawarin mo ako, Shimaru.
"Lady Izumi!" Narinig ko ang isang boses babaeng tumatawag sa aking pangalan ngunit hindi ko iyun pinansin. Patuloy pa rin ako sa pag iyak. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang kanyang pag lapit sa akin.
"Lady Izumi, ano ang nangyari? Bakit ka umiiyak?"tanong nya. Napaangat ang tingin ko sa kanya habang patuloy pa rin ang pag landas ng mga luha sa aking mukha. Nakita ko ang pag aalala nya mula sa kanyang mukha.
"Shin..."mahinang tawag ko.
"Ano po ang nangyari? Bakit kayo umiiyak?"tanging pag iling na lang ginawa ko ng alisin ko ang tingin sa kanya. Tumingin ulit ako sa daanan kung saan dumaan si Shimaru. Narinig ko ang pag buntong hininga nya.
"Kung anu man po yan, sana kayanin nyong malampasan lahat kahit marami ang pag subok na dumating sa inyo"sambit nya. Napangiti na lang ako ng pait. Hindi ko alam kung kakayanin ko paba.
Nang mawala ang magulang ko, kalahati ng pag katao ko ang nawala. Hindi ko matanggap na isang iglap lang mawawala sila sa akin. Naging miserable ako. At ngayon, pati ang kaisa isang tao na meron na lang ako nawala na sa akin.
"Lady izumi..."pag tawag nya ulit. Lumingo na ulit ako sa kanya at saka sya nginitian.
"Ayos lang ako. Bumalik ka na doon sa loob"sabi ko. Ngunit umiling lang siya.
"Dito lang ako. Hindi kita iiwanan"
"Wag mo akong alalahanin. Hindi na bago sa akin to, mawawala din ito. Kaya sige na, bumalik kana doon. Baka makita ka pa dito ni Heneral"
"Siguradong ayos lang po kayo?"tanong niya. Tumango at saka ngumiti.
"Oo..."sagot ko. Napabuntong hininga na lang siya dahil wala na rin naman syang nagawa. Kaya naman tumayo na sya at saka yumuko sa akin.
"Palagi po sana ninyong pakatatandaan na malalampasan nyo din yan. Matapang kang tao, alam kong malalampasan mo lahat ng klase ng pag subok"sambit nya.
"Sana nga Shin..."
"Sige po. Aalis na po ako"pag papaalam nya. Tumango na lang ako sa kanya at saka sya tumalikod paalis.
Napabuntong hininga na lang ako at saka tumayo. Pinatuyo ko gamit ang aking kamay ang mukha ko dahil nabasa ito ng luha. Pag katapos nag lakad pabalik sa tarangkahan ng emperyo.
Ngunit hindi pa man ako nakakalapit ng bigla akong mapatigil sa pag hakbang. Nakita ko ang prinsipe sa mismong gitna ng tarangkahan. Nakatingin sa akin habang nasa mukha ang pag ka seryoso.
"K-kamahalan, kanina ka paba dyan?"tanong ko. Umiling siya.
"Hindi. Kararating ko lang"sagot nya. Nakahinga ako ng maluwag habang napapikit pa dahil sa kaba. Ngunit napatingin ulit ako sa kanya ng mag tanong sya.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit nasa labas ka ng emperyo?"tanong nya.
"Wala naman po, Kamahalan. Nag papahangin lang. Sige po, papasok na ako" Itutuloy ko na sana ang pag lalakad ng hawakan nya ako sa braso. Kaya naman kunot noo ko syang tiningnan.
"May kailangan po ba kayo?"nag tatakang tanong ko. Umiling lang siya at saka binitawan ang aking braso.
"Wala..."sagot nya. Lalo akong nag taka sa kanya. Ngunit hindi ko na lang sya pinansin pa at pumasok na sa loob.
Maya-maya lang ay narating ko na ang tahanan ni Heneral. Kaagad akong pumasok sa aking silid at dumiretso sa may bintana. Pag katapos ay tumingin sa kalangitan at saka sandaling umawit.
Sana'y laging mag kasama
Ang yakap mo'y muling madama
Umaasang mag babalik ka
Mag pahanggang dulo
Tanging pangarap ko
Ang yakap mo...
Naramdaman ko ang muling pag iinit ng aking mga mata habang nasa loob pa ang sakit. Hindi ko naisip ang mga posibilidad na maaaring mangyari kung sakaling ganito ang magiging sitwasyon...isang mabigat na sitwasyon na kahit sino ay hindi maiiwasang masaktan.
Pinunasan ko ang mga luhang nag babadyang bumagsak sa aking mga mata at kasabay nun ang pag hinga ng malalim. Muli akong tumingin sa labas at nakita ko ang dalawang kawal na tila nag bubulungan sa gilid, napakunot ang noo ko kaya naman dahan dahan akong lumapit malapit sa kanila upang marinig ang kanilang pag bubulungan
"Ano kaya ang dahilan at ipinatawag ng ating mahal na Emperador ang ating heneral?"
"Marahil ay may kailangan silang pag usapan, siguro ay may kinalaman ito sa kanilang plano"sagot naman ng isa.
Anong plano naman iyon?
"Marahil ganun nga, baka may gusto pang idagdag ang ating mahal na Emperador. Tara na nga bumalik na tayo sa pwesto natin"
Natapos na ang kanilang pag bubulungan at saka sila bumalik sa kanilang pwesto. Habang ako naman ay umalis din sa aking pwesto at humakbang papunta sa pintuan.
Pag kabukas ko ng pinto ay kaagad akong lumabas sa aking silid, matapos nun isinara ko ito at lumingon lingon muna sa paligid. Nang masiguro kong walang tao ay nag madali akong lumabas sa tahanan ng Heneral.
Pagkalabas ay lumingon lingon ulit ako sa paligid kung may kawal o wala na nakakalat sa buong emperyo. Nang makita kong walang tao ay nag madali na akong maglakad papunta sa silid ng mahal na Emperador.
Maya-maya lang ay narating ko na ito, swerte ko na lang dahil walang kawal nag babantay kaya naman malaya akong makakapakinig sa kanilang pag uusap. Nang nasa harap na ako ng pintuan ay naririnig ko na ang kanilang pag uusap kaya naman dahan dahan akong nag lakad sa pintuan ay saka itinapat ang aking tenga sa pinto.
"Mahal na Emperador, ano ang ating pag uusapan?"tanong niya.
"May nais akong idagdag sa ating planong pag lusob sa Emperyo ng Shikawa"
"Ano iyun kamahalan?"
"Nais ko na kapag nag tagumpay kayo na mapabagsak ang Emperador ng Shikawa ay dakpin ninyo ang mga babae doon, kahit ang mga kanilang alipin na babae ay isama nyo rin. Balita ko ay may anak syang babae kaya naman isama nyo na rin yun at ang kanyang ina"
"Sigurado ba kayo kamahalan?"
"Oo, pati lahat ng kamayanan ng kanyang Emeperyo ay kuhanin nyo na rin. Wala dapat kayo ititira!"
"Kung iyon ang inyong pasya, masusunod kayo kamahalan"
"Mabuti kung ganun. Inaasahan kita Heneral Hirushima, inaasahan ko ang pag kapanalo ng Emperyo. Kaya naman kailangan ay mag tagumpay kayo!"
"Masusunod, mahal na Emperador"
"Maaari ka ng umalis"
Pag karinig ko nun ay nag madali akong umalis sa aking pwesto ay nag punta sa likod ng silid upang mag tago. Napapikit pa ako dahil bigla akong kinabahan. Ngunit napamulat din ng marinig ko ang pag bukas ng pinto at pag sara nito.
Napahinga ako ng malalim ng makitang nag lalakad na sya palayo kaya ako naman ay nag madali na ring umalis doon. Maya maya lang ay narating ko ang pagoda, nag pahinga na lang muna ako at saka tumingin sa paligid.
To be continued.