Kinakabagan na si Sheya, bukas na ang soft opening ng kanyang coffee shop. Matagal din niyang pinangarap na magkaroon ng sariling negosyo.
Bata pa lamang siya ay mahilig na talaga siyang mag bake..Hilig na hilig nya ang mga cakes at cupcakes. Paulit- ulit nyang tinitingnan ang kanyang menu at umaasang magugustuhan ng mga tao ang kanyang mga paninda.
" Sa ngayon, 5 flavors ng cupcakes lang muna. Red Velvet, Cookies and Cream, Chocolate, Green tea at Strawberry. Sa cakes 5 din muna.Rich Chocolate, Red Velvet, Carrot, Blueberry and Mango Cheesecake. Saka ko na lang dadagdagan kapag na na estimate ko na ang bilang ng mga taong darating.." Wika niya sa kanyang sarili.
Gumawa din siya ng iba't ibang recipes para sa kape, tea at mainit na tsokolate na alam niyang mabenta lalo na sa umaga. Sinabayan din nya ng waffles at ilang mga pies at puddings.
" Baka hindi ka makatulog sa kakaisip niyan. Relax lang, marami pa tayong gagawin bukas" Saad ng kanyang kanyang kaibigan na si Karen.
Nagdesisyon si Sheya na kunin ang kanyang kaibigan upang tulungan siya sa pagpapatakbo ng kanyang coffee shop. Si Karen ang magiging kahera at taga paglista ng mga orders habang sinisiguradong puno ng stocks ang display sa harapan. Naisipan niyang alukin ito ng trabaho bilang tulong na din sapagkat maaga itong nag asawa at hindi na nakalagtapos ng pag aaral.
" Sigurado daw ba ang iyong pinsan na papasok siya bukas? " Tanong ni Sheya
" Oo, wag kang mag alala. Darating na si Mark ng maaga. Masipag na bata yun. Alam kong hindi ako mapapahiya sa pag rekomenda ko sa kanya. Babantayan niya at sidiguraduhing malinis at ligtas ang iyong coffee shop" Sagot ni Karen