webnovel

Chapter 5

Mesaiyah's Point of View

Lumakad na ako papasok ng aming bahay at pagkabukas ko ng pinto, lahat sila nakatingin sakin.

S-sino sila?

Umagaw sakin ng pansin ang isang babae na naka black dress kasama ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa kalagitnaang edad na at nakasuot din siya ng itim. Mag-asawa siguro sila atsaka siguro sila din ang may-ari nung mga sasakyan sa labas. Pananamit palang nila, mayaman na.

"Andito na ang ating mahal na prinsesa." hah?Mahal na prinsesa?

Tiningnan ko ang apat na lalaki na nakasuot din ng black subalit ang isa ay nakabonnet. Teka? Parang familiar sila sakin. Sila ba yung mga lalaki na humarang samin ng bestfriend ko sa daan nung isang araw? At ano pati ang sinasabi nung isang lalaki na mahal na prinsesa daw? Tiningnan ko sila na parang nagtatanong.

"Mr. and Mrs. Shatsune, this is my daughter Mesaiyah, the wife of prince Anhiro."

O__________O

A-anong s-sabi ni papa? Wife? Hindi ba ako namamali ng dinig? Speechless ako. Hindi ko alam ang aking sasabihin.

"Hello, beautiful lady. I'm Hana Shatsune and this is my husband, Yohgee Shatsune." nilahad nung lalaki ang kanyang palad sa akin para makipag shakehands subalit nakatayo lang ako na parang hindi alam ang nangyayari.

"A-ano bang sinasabi niyo? Bakit wala akong maintindihan?" ang bilis ng tibok ng puso ko at kahit anong oras pwede na itong sumabog. Hindi ko magets ang sinasabi nila.

"Binili ka ng aking anak sa iyong mga magulang para magpakasal sa kanya."

"H-HAH? A-ANOO? B-BAKIT? WAG NIYO NGA AKONG BIRUIN, HINDI KAYO NAKAKATUWA."

"Hindi sila nagbibiro. Bukas na bukas din po pwede niyo na siyang kunin dito." napaharap ako kay papa. Napatulo nalang ang luha ko dahil sa pagkabigla. Lumapit ako kay ate na ngayon ay umiiyak.

"ATE?A-ANO BANG SINASABI NILA?" tanong ko at hinawakan ang magkabila niyang balikat.

"Tama, ang narinig mo. Ibinigay kana ni papa sa lalaking 'yan." Sagot ni ate sabay turo sa lalaki. Ngumiti siya sa akin nang tingnan ko siya.

"Nagdala sila ng maraming pera at mga regalo para sa kabayaran mo." pinunasan niya ang kanyang luha at tumalikod siya sakin. Lumapit naman ako kay mama at papa habang umiiyak.

"Papa, mama. Totoo ba ang sinasabi ni..ate? Ayoko sa kanila. Wag niyo po akong ibigay sa kanila..Please." halos pumiyok na ako dahil sa pagsusumamo.

"HINDI KA PARTE NG PAMILYA NAMIN KAYA KUNG ANONG GUSTO NAMING GAWIN SAYO, SUSUNDIN MO! KUNG GUSTO KA NAMING IPAGBENTA, GAGAWIN NAMIN YUN AT WALA KANG MAGAGAWA KUNDI SUNDIN ANG GUSTO NAMIN. MALIWANAG?" sigaw sa akin ni papa.

"Ang laog-laog mo kasi kaya ka namin ipinagbenta, lagi mo nalang kasama si Angelo at isa pa wala ka rin namang pakinabang dito kaya mas maige pang ipagbenta ka ng may pakinabang ka naman samin." Dagdag ni mama.

Totoo nga. Totoo. Ampon lang ako. Ampon lang. Lalo akong naiyak at napaupo nalang sa sahig. Kaya pala ganito nila ako itrato, parang ulilang hayop na hindi alam ang pupuntahan, isang ulilang sisiw na basang-basa sa ulan na naghahanap ng masisilungan subalit walang nagmamalasakit na pasilungin ako.

"Maswerte ka kilalang tao at mayaman ang bumili sayo." dagdag pa ni mama.

"Kaya bukas na bukas din, magpapakasal ka sa kanya. Whether you like it or not magpapakasal ka sa kanya." sabi ni papa subalit wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak nalang.

Hinawakan ko ang kanyang tuhod habang nagmakaawa para hindi na matuloy 'yun subalit hindi kumibo ang aking ama. Isa lang siyang statwa na nakatitig sa akin.

"PAPA..NAGMAMAKAAWA AKO! PLEASE. WAG NIYO AKONG IBIGAY SA KANILA. PLEASE PAPA." halos hindi na maintindihan sahil sa iyak ko.

"Ang lahat ng ito, ang lahat ng mga ginagawa namin sa'yo ay para sa ikabubuti mo! Para sa iyong future ang ginagawa namin sa'yo. Para hindi kana mahirapan pa." sagot ni papa habang inaalis ang pagkakahawak ko sa kanyang tuhod.

Is that what they call good future? Ipinagbebenta ang anak or should i say AMPON LANG NA ANAK sa hindi kilalang tao? Ipinagbebenta ang anak kapalit ang yaman? Yun ba ang sinasabi nilang magandang kinabukasan para sakin?

"Sige. Ibenta niyo po ako kung diyan kayo masaya pero hindi sa kanila. Ayoko sa kanya. Hindi ko siya kilala." sigaw ko na halos hindi maintindihan dahil sa iyak pa rin ako ng iyak.

"Wala kang magagawa dahil desisyon namin ito." sabi ni mama.

"Pasensya na po sa mga pangyayaring ito pero bukas na bukas din po, pwede niyo na siyang kunin siguro in trauma palang siya dahil sa biglaang pangyayaring ito. Prince Anhiro..." hindi ko alam kung anong sinabi ni papa kay Anhiro daw na 'yun.

Wala na akong ibang nagawa kundi umiyak ng umiyak. Hinding-hindi ako titigil sa pag-iyak hangga't hindi nauubos ang aking luha. Hinding-hindi.

"Sorry." my father whisper in my ear. Umalis na silang lahat at napatingala ako sa lalaking nakalahad ang palad sakin. Nakabonnet siya at ito siguro ang sinasabi ni papa na Prince Anhiro. Tumayo ako at tinulak lang siya.

"HINDI KO KAILANGAN ANG KAMAY MO KAYA UMALIS KANA! AYOKO SAYO!" sigaw ko at napaupo na ulit ako sa sahig. Naramdaman ko namang lumapit sa kanya si ate Terra.

"Umalis kana muna. Hindi pa niya matatanggap ito sa ngayon, bigyan mo siya ng panahon para magkapag-isip." sabi ni ate at umalis naman yung lalaki.

"Mesaiyah, Sorry. Sorry." sabi ni ate Terra habang inaalis ang nakaharang na buhok sa aking mukha upang makita niya ako.

"I don't need your sorry kaya pwede ba umalis kana. Hindi kita kailangan." Sabi ko at ipinagtabuyan siya.

"Sorry." sabi niya na umiiyak.

"Sorry? Ganun na lang ba yun? Tinuring pa naman kitang tunay na Ate. Napakasinungaling mo! Sinungaling ka! Sinungaling!"

"Sasabihin ko na sana sa'yo pero hindi ko magawa. Sorry kung wala akong nagawa bilang ate mo."

"Wala akong pakialam! Sinungaling ka pa rin! Sinungaling! Iwanan mo nalang ako pwede? Gusto kong mapag-isa."

"Magpapaliwanag ako! Sasabihin ko sayo ang lahat-lahat."

"Hindi. Sinungaling ka ate kaya iwanan mo nalang ako. Hindi ko kailangan ang paliwanag mo so just please go away, don't talk to me and leave me alone!"

"O-kay." Ate terra replied and she leave as I said.

San na ako lalagay? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Saan ako pupunta? Wala na akong kalalagyan. Wala na! Kay bestfriend. Tama. Kay Angelo ako pupunta. Lumabas ako ng aming bahay para pumunta kay Angelo at habang naglalakad ako papunta sa bahay niya, patuloy pa ring tumutulo ang aking luha. Andito na ako sa harap ng bahay ni angelo. Huminga ako ng malalim at pinunasan ko ang aking luha. At pinindot ang doorbell.

///////