MEGAN
"What the! Megan, imposible na hinayaan mo si Scarlet na pumasok sa condo mo? May hindi ba ako nalalaman? Hindi ka basta-basta nagpapasok nang kahit sino. Kilala kita."
"Sumasakit ang ulo ko, Quinn. Mamaya na tayo mag-usap." walang-gana kong sabi at umupo ako sa aking upuan.
"Tell me, Megan." pamimilit ni Quinn at inikot ko ang aking upuan.
"It's too complicated, Quinn. Tinapos ko na ang koneksyon namin."
"I don't get it."
Inikot ko ulit ang aking upuan at napatingin ako kay Quinn na kanina pa inaantay ang aking kasagutan.
I think Quinn will help me this time especially sa situation namin ni Scarlet.
Kaya napagdesisyon 'kong sabihin ang totoo kahit kinakabahan ako... except sa pagkagulat niya.
"I..."
"Ano?"
Huminga ako ng malalim at binitawan ko ang gusto kong sabihin.
"I like her, Quinn."
Nakita kong kumunot-noo si Quinn at napapikit ito sandali ng kanyang mata.
"Ah! As an artist? Okay. Okay. It is easy to handle that." sabi ni Quinn at umupo ito sa sala habang seryoso siyang nag-iisip habang nakatitig siya sa wall.
Akala ko gets niya na pero siya ata ang pinaka-slow na taong nakilala ko sa buong buhay. Mas tinalo pa niya si Scarlet sa pagka-slow niya.
"Quinn, hindi 'yon ang gusto kong iparating." napatingin siya sa akin at naghihintay siya sa aking kasagutan, "I like her..."nag-aalanganin kong sabi sa kanya na napansin kong kumunot ang kanyang noo.
"... in a romantic way." mahinang sabi ko sa kanya.
"What the f***, Megan! Oh my gosh! Are you sure? You really like her?!"
Expected ko na ganito ang kanyang reaksyon.
Napayuko na lang ako, "Yeah." tipid kong sagot sa kanya habang hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.
"As in as a girl?!" hindi pa rin siya makapaniwala at ako'y nawawalang-gana kausapin siya dahil alam kong ilang oras pa magp-process sa kanyang utak ang aking sinabi kanina.
"Oo." walang-gana kong sabi sa kanya at tumingin ako sa kanya ng seryoso na mukhang inaantay niya ang salitang 'joke' sa susunod kong sasabihin sa kanya.
Sana nga joke lang 'yon.
"Mukhang niloloko mo lang ako. Imposible. Ikaw talaga, Megan. Masyado kang creative mag-isip ng joke." natatawa niyang sabi sa akin at hinampas ako.
May gana pa 'tong manghampas, a.
Naiirita na ako, "Quinn, wala akong panahon para magjoke. Kung joke lang 'yon sana umpisa pa lang nagsabi na ako?"seryosong sabi ko sa kanya.
"Totoo?!"
Patience, Megan. Patience.
Kailangan ko siguro kumain ng Pacenscia para magkaroon ako ng pasensya sa kanya.
"Anong oras ka maniniwala sa sinabi ko? Babalikan na lang kita dahil marami pa akong aasikasuhin." inis kong sabi sa kanya.
"Kailangan ko bang maniwala?" bumuntong-hininga na lang ako sa aking narinig at tumayo na ako para iwan siya sa sala para ipagpatuloy ko ang pagtatrabaho ko.
Paalala lang ulit, Megan.
Patience, Megan...
"Maniniwala ka o maniniwala ka?" iritang tanong ko sa kanya at biglang nagseryoso ang kanyang mukha.
"Parang may pagpipiliin pa ako, Meg." biro niyang sabi sa akin, "Totoo ba? Hindi pa rin ako makapaniwala." seryosong tanong niya sa akin.
Tumango ako, "Oo." seryosong sagot ko agad.
Huminga siya ng malalim, "Hindi ko akalain na magkakagusto ka sa isang katulad niya... na babae. Never kong naisip na may panahon ka para magkagusto. Bakit sa lahat ng tao sa mundo, siya pa?"
Napangiti ako sa tanong niya.
Bakit nga ba?
" 'Yan din ang tanong ko sa sarili ko, Quinn. Sa lahat ng pwede kong gustuhin, mismong fan ko pa." natatawa na lang ako ngunit nalulungkot pa rin ako dahil masyadong komplikado ang lahat kung hahayaan pa namin magkagusto ang isa't isa, "Bakit ba sa isang babae ako nagkagusto?"
Narinig ko ang pag-buntong-hininga ni Quinn, "Nagsisisi ka ba na sa babae ka nagkagusto?" tanong niya.
Nagsisisi ba ako?
"To be honest, oo." sabi ko, "Oo dahil kung darating sa punto na malaman ng mga tao tungkol sa amin, maraming madadamay. Lalo na pagtingin nila sa akin at pagbagsak ng kompanya." malungkot kong sabi sa kanya, "Kaya pinutol ko na lang ang ugnayan naming dalawa hangga't maaga pa. Kahit mahirap sa amin."
"Actually, Meg. Kahit magka-iba tayo ng sitwasyon. Nahirapan din ako sa sitwasyon namin ni Hex. Isa lang akong sekretarya mo na matagal na nagtatrabaho sa EyeRed para maka-ahon sa buhay. Pero hindi ko maiwasan na magkagusto ako kay Hexyl. Dumating ako sa punto na natatakot ako malaman ng Mom mo tungkol sa amin lalo na mga employee dito. No'ng nagtagal, nalaman rin nila. Pinapili ako ng iyong Mo, kung trabaho ko ba o pagmamahal ko kay Hexyl. Alam mo naman kung ano pinili ko, Megan. Itong trabaho ko ang pinili ko dahil marami akong gustong tuparin. Pero parang may kulang.."
" 'Yong pakiramdam na masaya ako sa magiging desisyon ko. Hindi ko maramdaman 'yon, e. Hindi ko maramdaman no'ng pinili ko ang 'yong trabaho ko. Ang totoo talaga hindi ako masaya hanggang ngayon, Megan. Dahil siguro hindi ko siya pinili."
"Ang punto ko lang naman na huwag mong gayahin ang naging desisyon ko. Doon ka sa tamang desisyon na makakapagpasaya sa'yo kahit marami pang madadamay sa magiging desisyon mo basta masaya ka, doon ka." sabi niya sa akin.
"Parang ang selfish naman no'n. Iniisip mo lang kapakanan mo kaysa sa iba." pagdadahilan ko.
"Siguro sa part na 'yon selfish ka, pero paano naman sarili mo? You need to think for your own sake. Kasi ikaw naman magbebenefit niyan, e." sagot niya.
Doon ba ako sa makakapagpasaya sa akin?
If ever na gugustuhin kong ipagpatuloy ang ugnayan naming dalawa ni Scarlet, kaya ko ba magsakripisyo ulit?
Kung naalala niyo na iniwan ko ang aking pangarap dahil sa EyeRed dahil gusto kong alagaan ang kompanya na pinaghirapan ni Dad ng ilang taon para maging isang successful itong business niya. Tinabi ko ang pangarap ko kahit 'yon ang pangarap namin ni Dad sa akin.
Isa pa, nalaman kong magkakaroon ng marriage arrangement 'tong kapatid kong si Hexyl sa iba. Alam ko na may gusto siyang iba, which is si Quinn 'yon. 'Yon talaga nag-udyok sa akin na maging CEO ako sa EyeRed. Ayokong magsakripisyo ang kapatid dahil lang sa trabaho.
Gano'n ko ka-mahal ang kapatid ko.
Inako ko ang lahat pero sa lahat ng mga naging responsibilidad ko sa kompanyang 'to, unting-unti na sumusuko ako. Parang gusto kong kumawala.
Gusto ko na lang maging ordinaryong anak ng Juxred.
Gusto ko rin maging malaya, hindi dahil wala akong choice. Kundi maging masaya ako. Lalo na kaya kong magdesisyon ng malaya para sa sarili ko.
Ngunit hindi na talaga ako masaya.
"Natatakot ako kapag pumili ako, hindi ko na pwede baguhin." sabi ko at ngumiti si Quinn sa akin.
"Gano'n talaga. Kailangan mong panindigan 'yan." sabi niya, "So... what about these pictures, may naisip ka ba kung sino may nagtangkang kuhanan kayong dalawa ng mga litrato?" bumalik kami dapat naming pag-usapan ngayon.
Sa dami kong naging nakahalubilo sa mga events or nakita sa mga news against sa EyeRed, wala ako maisip kung sino. Alam kong maraming tao ang gustong pabagsakin ang EyeRed pero masyadong marami sila at wala naman akong ideya kung sila talaga 'yon.
Ngunit ngayon, may pakialam na ako dahil dinamay pa si Scarlet.
Siguro may naisip ako pero hindi ako 100 percent sure kung may motibo sila sa pagsira ng EyeRed.
Napagtanto ko kanina tungkol sa usapan namin kanina ni Diego tungkol sa marriage arrangement naming dalawa. Siguro gusto nila ako bantaan para magpakasal ako kay Diego kaya nagpadala sila ng mga picture against sa akin. If ever na tumutol ako, ikakalat nila ito sa public.
"Gusto ni Mom na magpakasal ako kay Diego." sabi ko at napansin kong nakakunot ang kanyang noo.
"Ha? Bakit naman?" pagtataka niyang tanong sa akin.
"Palugi na raw ang kompanya ni Diego so wala akong choice na tulungan siya para makabawi sa paglubog ng kompanya niya." walang-gana kong kwento sa kanya.
"Pwede naman sila mangutang ng shares natin. Bakit kailangan pa magpakasal? Necessary ba talaga 'yon?" pagtatakang tanong ni Quinn sa akin.
Nagkibit-balikat ako, "Kung magpapakasal kami, ang target ng mga pamilya ni Diego ay gagawing public ang kasal namin. Para makuha ang tiwala ng mga investors at sponsors sa kompanya nila." walang-gana kong sabi sa kanya.
"So if ever nga sila 'yon, hindi naman kayang ipahamak ka ni Diego. At saka, malapit na kaibigan ng Mom mo ang mga pamilya ni Diego. Imposible naman." sabi niya.
Umiling ako, "Kahit na, Quinn. Para makuha mo ang gusto mo, gagawa't gagawa sila ng paraan para matupad kagustuhan nila. Kailangan nila magrisk." pagdadahilan ko.
"All we need to do is to wait, Meg. Hindi natin alam kung sino ang gusto sumira sayo at sa EyeRed. Maraming 'what if' tayong naiisip pero mahirap na sa lagay na 'to. Kailangan mo mag-ingat. Just stay away from Scarlet muna. Delekado siya dahil sila ang target nila para sirain ka." planong sabi ni Quinn at hindi ako sumang-ayon.
"No! Ayoko sa lahat maghintay. What about Scarlet? Masisira ang career niya if ever malaman ng publiko tungkol dito sa picture na 'to. Malapit na siya magdebut, if you know." inis kong sabi sa kanya.
"What about you, Meg? Hahayaan mo lang masira ang kompanya na pinaghirapan ng Dad mo? Huwag tayo padalos-dalos." nagulat ako na tinaasan ako ng boses ni Quinn, "Just.. don't panic, Meg. Kung kinalat nila, pwede naman tayo gumawa ng paraan. Pwede naman tayo magsubmit ng news tungkol dito at gagawa tayo ng excuses. Madali lang ito lutasin kung gusto nila mangyari 'yon. Basta maghintay tayo at doon tayo aaksyon." kalmang sabi ni Quinn at bumuntong-hininga na lang ako.
Napasandal na lang ako sa couch at pinikit ko ang aking mga mata.
"So... tungkol sa gustong kausapin ng Mom mo si Scarlet,'yon muna ang problemahin natin."
Shit!
Nakalimutan ko na kakausapin ni Mom si Scarlet.
"About that...." sabi ko habang hinihilot ko ang aking sentido, "Sabihin mo maraming aasikasuhin si Scarlet. Wala siyang panahon para makipagmeet." sabi ko.
"Alam mo naman Mom mo, Meg. Lahat nasusunod so wala tayong choice kundi kailangan kong i-set up ang pag-uusap nila." sabi niya.
Natawa na lang ako.
"Wala pala akong choice."
Minulat ko ang aking mga mata.
Bumuntong-hininga ako dahil tama ang sinasabi ni Quinn.
Lahat naman talaga ng gusto niya nasusunod kaya wala talaga akong choice.
"May magagawa ba ako?" natatawa kong peke sa sinabi niya, "Kahit sa umpisa pa lang, wala na akong magagawa." walang-gana kong sabi sa kanya.
"Meg..."
Ayoko mapadala sa emosyon ngayon dahil pakiramdam ko ngayon parang gusto kong ilabas itong sama ng loob ngunit hindi sa harapan ni Quinn.
Iniiwasan ko na baka makapagsalita ako ng masasakit dahil baka dumating sa punto na sisihin ko sila kung bakit ako nagkakaganito.
"Can you do that for me, not for my Mom?" favor ko kay Quinn at nagkatitigan kaming dalawa.
"Mawawalan ako ng trabaho kung hindi ko susundin ang Mom mo." sabi niya, "I am really sorry..."
Naiinis ako ngayon dahil sobrang bait ko na akuin ko ang responsibilidad ni Hexyl para sa pagmamahal nila ngunit pinagkakait ako ni Quinn dahil lang sa loyalty niya kay Mom?
Pero hindi ko mapakita 'tong inis ko dahil ayoko manakit ng tao.
"Okay. Just let them meet." sabi ko na lang at tumayo na lang ako, "Bahala na." mahinang sabi ko at lumabas na ako ng office para magpahangin.
Gusto ko na lang mawala ng parang bula.
***
Nandito ako ngayon sa rooftop habang pinagmamasdan ang mga city lights.
Gusto ko lang magpahangin at magkaroon muna ng peace of mind.
Kumuha ako ng isang cigarette at lighter sa bulsa ko. Kung hindi niyo alam, madalang lang ako naninigarilyo. Siguro kapag stress ako sa trabaho o maraming nangyari ngayon araw, dito ako pumupunta.
Kaya nandito ako para magmuni-muni sa aking secret hide-out ko.
Nagsindi ako sa aking lighter at ilalagay ko ito sa sigarilyo k-
Nagulat ako na wala na sa bibig ko ang sigarilyo at nakita kong tinapon niya ito.
Bigla akong nairita at napatingin kung sino man ang may lakas ng loob para sirain ang atmosphere ko ngayon.
Gusto ko lang naman magrelax.
Bakit siya nandito?
Hindi ko akalain na sa lahat ng tao makikita ko dito sa rooftop si Scarlet pa.
"What are you doing here?" iritang tanong ko sa kanya at kumuha ulit ako ng sigarilyo sa pocket ko at nilabas ko ang isang kaha.
Nainis ulit ako na inagaw niya sa akin ang aking kaha ng sigarilyo, "Scarlet, gusto ko lang manigarilyo. Ipaubaya mo na sa akin." inis kong sabi sa kanya.
"Akin na." iritang utos sa kanya at tinitigan niya lang ako. Mukhang inaasar ako na hindi niya ibalik sa akin 'yon.
Nanlaki ang aking mata sa nakita ko, "What the f***! Bakit mo tinapon?!" sigaw ko sa kanya at may gana siyang ngumiti sa akin.
Tinapik niya ako sa balikat at umiwas ako, "Umalis ka na dito." inis kong sabi sa kanya.
Ilang segundo hinintay ko ang response niya ngunit dinedma niya lang utos ko at nagfocus na lang siya habang tinitingnan ang mga city lights.
Huminga na lang ako ng malalim at sumuko na lang sa pagtaboy sa kanya.
"Sinabihan ako ni Ms. Quinn tungkol sa nangyari kanina tungkol sa Mom mo." rinig kong sabi sa kanya.
Lumingon na lang ako para tingnan ang mga city lights, "Just make some excuses. Ikaw na bahala." walang-gana kong sabi sa kanya.
"Alam ko. Pero hindi 'yon ang gusto kong iparating." nahihiyang sabi niya, "Tungkol sa marriage ninyo."
"Bakit ? Selos ka?" asar kong tanong sa kanya.
"Wala naman akong karapatan magselos pero..." tumigil ito at kita ko sa aking peripheral vision ko na lumingon siya sa akin, "... ang totoo nagseselos ako ngayon." seryosong sabi niya.
Bigla na naman tumibok ang aking puso.
Walang bahid na pagsisinungaling... Psh!
Lumingon ako sa kanya, "Nagsasayang ka lang ng oras para magselos." pagpapanggap kong naiirita sa kanya.
"Bakit may plano ka magpakasal sa kanya?" iritang tanong niya sa akin.
"Manahimik ka na lang d'yan." walang-gana kong utos sa kanya.
Halata talagang nagseselos 'tong si Scarlet, e. May gana pa talagang sumugod sa akin dito para sirain ang atmosphere ko dito sa rooftop ng EyeRed.
Kakasabi ko lang na ako lang nakakaalam kung nasaan ako pero hindi ko akalaing makikita ko si Scarlet dito.
Talagang hindi siya busy at may gana pa siyang hagilapin ako, 'no?
"Umalis ka na kung wala kang sasabihin." pagtataboy ko sa kanya ngunit automatic na talagang walang epekto pagtataray ko sa kanya.
"Bakit ka ba nandito? Nakakaistorbo ka." inis na tanong ko sa kanya at umiwas ako ng tingin.
"Si Quinn ang nagpapunta sa akin dito kaya huwag mo kong itaboy." inis niyang sabi sa akin, "Fan mo pa rin ako, huwag mo kong itaboy." inis niyang sabi sa akin.
Natawa ako bigla dahil may gana pa siyang i-rason ang pagiging fan niya para hindi ko siya itaboy.
Tss.
"Ma-bisyo ka pala." rinig kong sabi niya sa akin.
"Now you know." walang-gana kong sabi sa kanya.
"Pwede ka na umalis kung wala ka nang sasabihin." pagtataboy ko ulit sa kanya sabay lingon ko sa kanya.
Tinaasan ko siya ng kilay ngunit dinedma niya lang ako.
"Huwag mong tangkaing magpakasal sa kanya."
Napakunot-noo ako sa aking narinig mula kay Scarlet.
"Inuutusan mo ba ako?" pagtatakang tanong sa kanya.
Lumingon siya sa akin at ngumiti, "Hindi. Sinasabi ko lang." sabi niya.
Ang weird niya.
Na-w-weird-uhan ako sa kanya kung ano mga pinagsasabi niya sa akin.
Akala ko tapos na ugnayan naming dalawa tapos susulpot siya dito para sabihin niya sa akin na huwag ako magpakasal kay Diego.
Wala naman akong balak magpakasal kay Diego.
Halatang hindi niya rin mapigilin ang nararamdaman niya sa akin.
Napailing na lang ako.
Hay nako, Scarlet. Anong gagawin ko sa'yo?
Parehas lang kami nahihirapan sa sitwasyon na 'to, sa totoo lang.
Pero kung pipiliin ko si Scarlet, magiging masaya ba ako sa piling niya?
"G-gusto mo pa rin ba ako?" utal niyang tanong sa akin ngunit dinedma ko lang siya.
Oo. Kahit pigilan ko nararamdaman ko, gano'n pa rin, Scar.
Gusto pa rin kita.
"Aalis na ako." pagpapaalam ko sa kanya at lalo na kailangan kong umiwas sa kanyang mga i-tatanong sa akin.
Nag-umpisa na akong umalis dito sa kinaroroonan namin.
"Ipaglaban mo naman ako, Megan..." napatigil ako sa paglalakad ko dahil sa narinig ko mula sa kanya.
Pakiramdam kong may tumusok sa aking puso na ibig sabihin na nasasaktan ako dahil sa pagmamakaawa niya sa akin.
Pangalawang beses niya na sinabi 'to.
Pangalawang beses na siya nagmakaawa sa akin.
Pero mas doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Gustung-gusto ko talaga ipaglaban din ito pero natatakot ako. Napapangunahan ako ng takot na parang nilalason ang aking isipan na pigilin ito.
Kaya hindi ko magawa ang gusto ko at ang gusto niya.
'Doon ka sa tamang desisyon na makakapagpasaya sa'yo kahit marami pang madadamay sa magiging desisyon mo basta masaya ka, doon ka.'
Naalala ko na naman ang payo ni Quinn.
Heto ba ang tamang desisyon? Na piliin kong ipaglaban ang pagmamahal naming dalawa. Kasi... nahihirapan na rin ako.
Magiging masaya ba ako?
Kakayanin ko ba?
"Sumugal ka naman. Please lang.." rinig ko ang pag-iyak niya na lalong nasasaktan ako ngayon.
Ayoko sa lahat may umiiyak nang dahil sa akin.
Ayokong may nasasaktan nang dahil sa akin kahit pinipigilan ko pagdating sa kanya.
Lumingon ako sa kanya na nakatingin pa rin sa akin habang patuloy umaagos ang kanyang luha sa pisngi niya.
Hindi ko mapigilan na sunggaban siya ng yakap ngayon.
I am so stupid na niyayakap kita ngayon.
"Megan..." at lalong humagulgol ito sa pag-iyak.
"Shh..." pagtahan ko sa kanya, "I am really sorry, Scarlet." mahinang sabi ko sa kanya na nagulat ako na tinulak niya ako pero nilakasan ko ang aking pwersa.
"Wala na ba talaga pag-asa?"
Kumalas ako sa pagyakap ko sa kanya at hinawakan ko ito sa kanyang braso para tumingin siya sa akin.
Na ngayo'y tumingin siya sa akin habang patuloy itong umiiyak.
Umiling ako.
Nagulat siya at hindi siya makapaniwala na hindi ako sumasang-ayon sa tanong niya.
"Susubukan ko."
Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang pisngi at hindi ko akalain na ngumiti siya....
Hinalikan niya ako at tumugon ako.
Bahala na.
Susubukan natin, Scarlet.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!