SCARLET
Mukhang nandito na ang aming order.
Si Ms. Megan pala ang nag-order nitong pagkain na nilalapag ngayon ni ate girl (waiter). Nag-cr kasi ako kanina dahil hindi ko na kayang pigilan dahil ang sakit ng tiyan ko that time. Kaya napatakbo ako kanina sa cr na hindi ako nagpaalam sa kanya.
Nahalata nga niya na ang tagal ko raw kaya nag-order na lang siya. Napakamot na lang ako sa ulo at napansin ko nga sa kanya na pinagtatawanan niya ako ng palihim.
Pinagtawanan pa ako ni Ms. Megan.
Mukhang gets niya na kung bakit ako natagalan. Natawa na lang ako.
"Ang dami naman." pansin ko pagkatapos ng waiter ilapag ang mga order namin sabay umupo sa
"Excuse me, Ma'm. Ask ko lang po kung gusto niyo po magpapicture?" tumingin ako bigla sa babaeng waiter pagkatapos niyang itanong 'to, "For remembrance lang po." sabi niya ngunit kitang-kita kong nakakunot ang kanyang noo.
Mukhang ayaw ni Ms. Megan magpapicture. Huhuhu! Sana ako na lang tinanong ni ate girl para wala siyang choice na magpapicture kaming dalawa.
Gusto ko rin magkaroon kami ng picture ni Ms. Megan na magkasama kami. Puro picture lang ni Ms. Megan ang meron ako. Haist! Kahit papaano may mga alaala rin akong kasama siya kung pumayag si Ms. Megan. Diba? Napakaswerte ko siguro kung magkakaroon kami ng picture naming dalawa.
Pero mukhang hindi naman ako papalarin dahil expected ko naman na tatanggihin niya ang offer ng waiter sa kanya.
Una pa lang, bakit siya magpapicture kasama ako?
Alam ko kung ano iniisip niya ngayon. 'Close ba kami? Bakit kailangan picture dito sa kaharap ko? No. I don't want to!'
Bumuntong-hininga na lang ako at tumingin na lang ako bintana. As if, mangyayari ang gusto ko.
"Ma'm?" rinig kong tanong ulit ni ate girl kay Ms. Megan.
"Sige."
Napakurap ako ng ilang beses. Hindi ko narinig ang kanyang sagot. Baka 'hindi' ang sagot niya. Expected ko naman na tatanggihan niya ang offer ni ate girl.
Hays. Ewan.
Binalewala ko na lang ito at pinagpatuloy na lang sumilip sa bintana habang nasimangot ako.
"Hey." rinig kong tawag ni Ms. Megan sa akin kaya lumingon ako sa kanya.
"P-picture tayo."
Nagtaka ako, "Anong picture?" nagtatakang tanong ko sa kanya at napailing na lang ito.
"Mygoodness, Scarlet. Bingi ka talaga." iritang sabi ni Ms. Megan at inirapan niya ako, "Tss. Pumayag ako kanina magpapicture tayo." inis sa akin.
"Akala ko po. Hindi kayo pumayag." sabi ko sa kanya at nagtaka ito.
"Bingi ka talaga, Scarlet. Hindi ko na alam gagawin ko sa'yo." inis na sabi sa akin ni Ms. Megan, "Wala akong sinabi na hindi ako pumayag. Nananginip ka ba ng gising?" iritang tanong niya sa akin.
"Hindi ba pumayag ako?" tanong niya sa waiter at nakita kong tumango ito.
Ibig sabihin totoo ngang pumayag si Ms. Megan.
Pumalit ang lungkot sa aking mukha ng excitement dahil inalok niya pala ako. Mali ata pagkarinig ko kanina. Oo na! Kasalanan ko na maging bingi.
Napakabingi mo talaga, Scarlet. Hay nako!
"Pasensya na. Hehehe." nahihiyang tawa ko sabay peace sign sa kanya ngunit masama pa rin ang tingin niya sa akin.
"Miss! Okay na kami." sabi ni Ms. Megan sa waiter na nakatingin sa amin mula sa malayo na naghihintay sa amin ng signal para picture-an kaming dalawa.
"Okay, Ma'm." tugon nito at nagsimula na itong kuhanan kami ng litrato kaya nagpose ako, "Say cheese!" sabi ni ate girl.
"Cheese!" sabi ko at ngumiti ako mula sa camera.
"1...2...3..." nakuhanan na kami ng picture.
Mukhang gamit pala ni ate girl ang polaroid kaya sobrang excited ako na may litrato na magkasama kami ni Ms. Megan. Inabot niya sa amin ang picture pagkatapos ito mai-print at kinuha ko agad ang picture.
At tiningnan ko ito.
We're really cute here!
"Hindi halata na gusto mong angkinin ang picture 'no?"
Ang cute naming dalawa dito. Tiningnan ko si Ms. Megan sa picture naming dalawa. Napangiti ako dahil hindi ko akalaing marunong pala siya ngumiti.
Sana ganito pa rin siya personal na pala ngiti ito. Isang beses ko lang siya napansin na ngumiti ito. Naalala ko nga no'ng araw na magkausap kami sa labas ng EyeRed habang naghihintay na may magsundo sa kanya. May nagsundo sa kanya na lalaki at nakita kong ngumiti siya.
'Yon ang araw na ngumiti siya sa ibang tao. Parati kasi siyang galit na akala ko talaga may galit siya sa mundo kaya hindi marunong ngumiti sa mga tao. Mukhang strikto talaga siyang tingin. Sabi ng mga ka-myembro ko, natatakot silang tumingin kay Ms. Megan kaya napapayuko na lang sila kapag may sinasabi si Ms. Megan sa kanila.
Pero hindi ko naman naranasan 'yon. Ewan. Hindi ko nga alam kung bakit, e. I feel comfortable kapag magkasama kaming dalawa kahit hindi kami masyadong close. Kahit masyadong feeling close ako sa kanya, wala naman akong pakialam kundi hindi sayangin ang oras na magkasama kaming dalawa.
Just like today, magkasama kaming dalawa. Kahit may pagtingin na ako sa kanya, hindi ko kaya ipagkait ang kaligayahan ko sa sarili ko. Gusto ko 'to, e. Kahit alam kong mahihirapan ako.
"Ngiti-ngiti mo dyan? Para kang baliw."
Nagising ang aking diwa sa pagsalita ni Ms. Megan at kita kong nakakunot ang kanyang noo.
"Wala." nahihiyang sagot ko sa kanya, "Bagay sa'yo ngumiti." excuse kong sabi sa kanya at lalo itong nagtaka sa sinabi ko.
"Tss. Ano naman?" walang-gana niyang tanong sa akin habang kinukuha niya ang kutsura at tinidor para magsimula na siyang kumain habang naka-poker face ito.
'Mas gusto ko nakikita ka palagi na....nakangiti. Lalo na sa akin mismo.' "Mas gusto ko nakikita ka palagi na....nakangiti. Lalo na sa akin mismo."
Napansin kong napatigil siya sa kanyang ginagawa.
Pagkatapos, tumingin siya sa akin ng seryoso, "Bakit sa'yo?" nagtatakang tanong niya.
Nakaramdam ako ng kaba dahil napakaseryoso niya ngayon. Parang may nasabi akong hindi maganda sa kanya na wala akong ideya kung bakit siya ganito ngayon.
Wala naman ako sinabi sa kanya diba?
Wait.... Sinabi ko talaga 'yon? Sinabi ko ba talaga 'yon? OH! GHAD!
Ilang minuto nags-sink-in sa utak ko ang nangyari kanina at lalo tuloy nag-init ang aking mukha sa kahihiyan na sinabi ko.
Akala ko kasi sinabi ko lang sa isip ko 'yon pero sinabi ko talaga sa kanya malakasan kaya napayuko na lang ako ngayon sa pinggan ko.
Nakakahiya ka, Scarlet! Ano na i-d-dahilan mo sa kanya ngayon? Mag-isip ka na!
"A-ano..." hindi ako mapakali ngayon dahil ang talim ng tingin niya sa akin, "Ano kasi....."
Mag-isip ka, Scarlet!
Bakit ko pa kasi sinabi 'yon? Wala tuloy ako maisip na dahilan.
Bakit kasi walang preno bibig ko? Juicecolored, Scarlet!
"Gutom na pala ako." natatawang peke sa kanya.
Taranta agad akong kumuha ng ulam at nilapag ko ito sa aking pinggan. Nagsimula na lang akong kumain na nagpapanggap na walang nangyari kanina na wala akong sinabi sa kanya kanina.
"Lagi ba ako hindi nakangiti?" bigla akong nabilaukan sa kanyang tanong.
Pasubo na sana ako bigla akong napatigil ako sa ginawa ko.
Hindi ko inaasahan na may pakialam siya sa sinabi ko.Akala ko nga d-dedmahin niya lang pero still... nagkaroon siya ng pagiging curious.
Tumingin ako sa kanya bilang pang sang-ayon sa kanyang tanong. Pagkatapos tinuon ko na ang aking atensyon para kumain na.
"Why?" rinig kong tanong niya sa akin.
Tumingin ako ng seryoso sa kanya.
"Mas maganda ka kapag nakangiti ka." dahilan ko sa kanyang tanong.
"Kaya pala maganda ka sa paningin ko."
Natulala ako sa kanya at biglang tumibok ang aking puso. Kinapa ko ang aking dibdib dahil ramdam kong tumitibok ng mabilis ang aking puso.
Alam kong tuluyan na akong nahuhulog sa kanya. Pero bakit lalong lumalalim itong nararamdaman ko sa kanyang sinabi ngayon. Lalo lang ako nagiging assumera kapag nagsasalita siya ng gano'n sa akin. Lalo tuloy ako nahuhulog sa kanya.
Nakakainis na ewan.
"Bakit kailangan mong sabihin sa akin 'yan?" naiinis kong tanong sa kanya at pansin kong nagtaka ito sa akin.
"May sinabi ba akong hindi maganda?" nagtatakang tanong niya sa akin, "Wala naman diba?"
"Hays. Stop saying like that. Lalo lang ako..." bumuntong hininga sa kanya at pinagpatuloy ko na kumain ngayon.
" 'na...' ano? Ituloy mo." rinig kong sabi niya sa akin at napapikit ako ng mariin.
Tumingin ako sa kanya, "Wala. Kumain na lang po tayo." seryosong sabi ko sa kanya.
It makes me feel I want you to like me right now.
Napansin ko sa aking peripheral vision na may paparating sa pwesto namin kaya lumingon ako. Kita kong may dala ang waiter ng dalawang plate. Mukhang sa amin 'yon pero ang dami na naming inorder.
Hindi ko pa nga nauubos itong pagkain ko kahit sobrang sarap ng mga in-order ni Ms. Megan.
Tumingin ako kay Ms. Megan habang kumakain siya ng tahimik at ilang saglit napatingin siya sa akin.
"M -mayroon ka pa po bang in-order?" tanong ko sa kanya at napansin niya siguro na nandito na sa pwesto ang waiter.
"Excuse me. Ito na pa yung best-seller namin. Sana po magustuhan niyo." sabi ng waiter at nagsimula na itong nilagay ang order kaya tinabi ko agad ang tira kong pagkain.
Napatingin ako sa pagkain na nilapag ng waiter at natulala ako.
"That is our creamy shrimp pasta. I hope you like it, Ma'm."
I wish I would really like this food but I'm too allergic in shrimp. How am I supposed to do?
Hindi naman mahirap sabihin ang totoo na may allergy ako sa hipon. Mas mahirap nga magconfess ng totoong nararamdaman kaysa dito.
You are really stupid, Scarlet! Sabihin mo na. Hindi naman sisira sa pagkatao mo sa hipon!
"Try niyo po, Ma'm." alok sa akin ng waiter at tumingin ako kay Ms. Megan na mukhang gusto niya muna ako pakainin.
"A-an-"
"Try it, Scarlet." alok sa akin ni Ms. Megan.
They are looking at me na hinihintay na talaga nila ako na tikman ito.
Hindi pwede. I am really trying to tell her pero hindi nila ako binibigyan ng chance para magsalita. Naiinis na ako.
"Ms. Me-"
"Try it. Don't be shy." binigyan niya akong matilim na tingin na sa pagkaintindi ko tikman ko na ito.
Napapikit ako ng mariin dahil labag ito sa kalooban ko na kainin ito. Hindi ako pinapakain ng magulang ko ng mayroong hipon na pagkain.
Sabi nila, lahat daw kainin ko basta huwag lang hipon. Sobra raw allergic ko sa hipon at iniiwasan nila na idala nila ako sa hospital para gumastos ng malaki.
Nagulat ako sa kinilos ni Ms. Megan.
Kinuha niya aking tinidor para kumuha ng hipon at pinaikot-ikot ang pasta sa tinidor. Pagkatapos, sinubo niya sa akin ito.
Natulala ako sa ginawa niya.
'Chew it." utos sa akin ni Ms. Megan.
Sana alam niyang may allergy ako sa hipon. Bahala na si Batman kung anong mangyari sa akin.
Hindi ko naman ikakamatay ito. Hindi diba? Argghh! Hindi ko sure kung ikakamatay ko 'to pero I am really getting sick when I ate shrimp ayon sa sinabi ni mother sa akin. Wala pa naman akong nararamdaman kakaiba sa katawan ko. Baka niloloko lang ako ni mother? Baka ayaw niya lang ako pakainin. Malay ko kung trip lang ako hindi pakainin ng hipon.
"Masarap ba?"
Nagising ang aking diwa sa tanong ni Ms. Megan at napalingon ako sa kanya.
Wala naman ako nararamdaman sa katawan ko. It means wala akong allergy sa hipon. I'm starting to eat this one. Masarap naman siya. Worth it naman maging best-seller dito sa Leava's Resto.
Binigyan ko siya ng ngiti at tumango ako na ibig sabihin na masarap ito, "Y-yes."
"Oh! You have...." sabi niya sabay turo sa kanyang pisngi sa gilid ng bibig niya, "You... you have something in your face.." sabi niya ulit, "Right here..." tinuro niya sa akin ang kanyang gilid ng bibig niya.
She was trying to tell me na may dumi ako sa gilid ng lips ko kaya pinunasan ko ang aking pisngi ng tissue sa tinuturo ni Ms. Megan sa akin, "Wala na?" tanong ko sa kanya.
"Meron. Hindi mo naman inalis, e."
Kita kong tumayo ito at lumapit sa akin. Sobrang lapit ng aming mga mukha ngayon at ramdam kong pinunasan niya ng tissue ang kaliwa gilid ng bibig ko.
Hindi ko inaasahan na ngumiti ito pagkatapos.
Lalo tuloy tumibok ng mabilis ang puso ko.
Kumalma ka. Leche ka!
"Scarlet? Para kang nakakita ng multo. Multo ba ako?"
Oo. I mean tao ka pala.
Pinapakalma ko ngayon ang aking puso pero hindi ko alam kung paano. May sakit na ba ako sa puso para hindi tumigil ito?
"Hey!"
Nagulat ako sa pagkalampag ng lamesa namin at tumingin ako kay Ms. Megan.
"Oh! Sorry, Ms. Megan." pagpapaumanhin kong sabi sa kanya.
"Let's continue eating." alok niya sa akin at tuluyang kumain na kami.
***
"Thank you, Ms. Megan. For having a dinner with you." sincere kong pasasalamat sa kanya.
Nandito kami sa labas ng restaurant na kinain namin habang naglalakad kami dahan-dahan.
"Ano pa? Hindi mo pa sinasabi ang gusto kong marinig mula sa'yo." ramdam kong naiinis na siya sa akin dahil hindi pa ako nagpapasalamat sa kanya tungkol sa solo-debut ko.
Nahiya tuloy ako ngayon dahil magiging awkward na naman atmosphere naming dalawa. Pero need ko talaga magpasalamat siya kaya huminga ako ng malalim at humarap sa kanya.
Tumigil siya pagkakalakad niya at humarap siya sa akin. Mukhang hinihintay niya ang aking sasabihin na pakiramdam kong magsasabi ako ng feelings ko para sa kanya. Ha.ha.ha.
Wala naman akong balak magconfess sa kanya.
I'm not going to confess my feelings for her. Why would I do that?
I'm just telling to say thank you to her right now. 'Yon lang naman pero parang mahirap pala kapag ganito na ang atmosphere namin na sobrang tahimik at nararamdaman ko lang ang tibok ng puso ko at tunog ng mga sasakyan na bumabyahe.
Ngumiti ako at huminga ako ng malalim, "I am so thankful to have you, Ms. Megan. Thank you dahil binigyan mo po 'ko ng chance para ipakita ang aking talento. Ito lang ang aking pangarap na hinihiling ko. I am really trying my best to be a good artist in EyeRed at nakaharap ko ang aking idolo at CEO ng EyeRed. Thank you for giving me a chance to reach my dre-"
Bigla akong nakaramdam ng kati sa aking katawan kaya kinamot ko ito.
Pinagpatuloy ko ulit ang aking sinasabi kanina, "T-thank you for giving me chance to reach m-" napakamot ulit ako dahil sobrang kati. Parang maykinakagat ako ng langgam sa aking balat pero wala naman ako nakikitang langgam sa balat ko.
Bakit ba ako nangangati?
Lalong lumala ang pangangati ko at nakaramdam ako ng pagkahilo habang tinitingnan si Ms. Megan. Pansin niya rin na panay kamot ako sa aking balat at nagtataka rin ito.
Nararamdaman ko ngayon na lalo lang lumalala ang aking pangangati at hindi na hindi ako makahinga ng maayos kaya kinapa ko ang aking dibdib.
Ano ba nangyayari sa akin?
Bigla kong naramdaman ang paghawak ni Ms. Megan sa braso ko, "You have rashes in your skin!" gulat na sabi sa akin ni Ms. Megan at kita kong natataranta ito na tingnan ang aking braso, "M-may nakain ka ba?!" pag-alalang tanong sa akin ni Ms. Megan.
Naalala ko ang mga kinain namin ni Ms. Megan. Pinaka-naalala ko na kumain ako ng hipon kanina.
"Oh! Ghad! Kumain nga pala ako ng hipon kanina. Tinatablan na ako ng allergy." napakamot ulit ako sa aking balat at pakiramdam kong hindi ko na mapagilan ang pangangati ko ngayon.
"Mawawala ri-"
"Hey! Megan! Are you okay?!"
Kita kong puno ng pag-alala si Ms. Megan sa akin ngayon habang lumalabo ang aking paningin.
Nakaramdam ako ng pagkahilo at ilang segundo lalong lumalabo ang aking paningin hanggang naging madalim ito.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!