SCARLET
Nakakainis naman.
Alam niyo bang sa dami-dami ng Hershey's na naka-stock dito, parehas pa kami nitong pinagkuhanan ng ka-agaw ko.
Napansin ko na naka-hoody ito na sweatshirt at nakashades habang malayo ang kanyang tinitingnan dahil busy ito sa pagtitingin ng mga chocolates.
Ako ang nauna! Dapat sa akin 'to.
Biglang napalingon siya sa tsokolate. Lalo ko ito inagaw mula sa kanyang kamay pero hinila niya rin ito papunta sa kanya.
Mapipisa na yung tsokolate dahil sa pag-aagawan namin, e.
Bigla kong nabitawan ang pagkaka-hawak ko dahil nakita ko kung sino ang aking ka-agaw no'ng lumingon siya sa akin.
Omayghad!
"Miss Megan?!"
Hindi ako makapaniwala na siya pala ka-agaw ko sa Hershey's.
I am really sorry for her. Sobra! Huhuhu!
Hindi ko akalain na dito ko siya makikita sa loob ng grocery sa mall. Alam kong hindi siya ang tipong pupunta sa mga public places na marami makikila sa kanya. Dahil alam kong sikat siya hanggang ngayon lalo na't naging special guest pa siya ng concert ni BLACK.
Sana man lang may dinala siyang bodyguard para umalalay sa kanya.
Nag-aalala tuloy ako sa kanya ngayon. Paano kung maraming nagsilabasang reporter sa kanya? Paano kung wala siyang bodyguard? Ano mangyayari sa kanya?
Ang tigas talaga ng ulo nitong idol ko. Hindi inaalala ang kanyang sarili. Hindi safe ginagawa niya. Juicecolored!
"Tss. Ikaw lang pala 'yan." rinig kong inis na sabi sa akin habang binalik niya ang Hershey's na pinag-agawan namin sa isa't isa.
Mukhang kukuha siya ng bagong tsokolate dahil nadurog yung Hershey's sa kagagawan namin.
"May bodyguard ka?" seryosong tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin na nakakunot ang kanyang noo, "It is none of your business." malamig niyang sagot sa akin.
Ang tigas pa rin ng ulo nito.
"Concern po ako sa kinalalagyan niyo ngayon lalo na't andito ka sa mall. Nasa publikong lugar kayo, hindi ka safe dito." seryosong sabi sa kanya.
"N-naiinis ka dahil sa tingin mo na wala akong bodyguard?" pagtatakang tanong niya sa akin.
"Opo. Fan niyo rin po ako. Concern ako sa safety niyo. Nag-aalala lang po ako sa inyo." sabi ko sa kanya.
Nagulat ako dahil bigla siyang natawa sa akin.
Napalingon si Megan sa kanyang likod, "Hey, Gio. Sa tingin niya raw hindi ka raw bodyguard ko. P. A lang pala kita." sabi ito na patuloy pa rin ito natatawa.
Ngayon lang natawa ng ganito si Ms. Megan ng dahil sa akin
.
Kailangan ko ba maging proud na ako ang dahilan nang pagtawa niya?
"Bo-"
Hindi ito pinatapos ni Miss Megan ang dapat sabihin ng lalaking kausap niya.
Sino ba 'to? Fan niya ba 'to? Kaibigan? Manliligaw? Boyfriend?
Napansin kong may binigay si Miss Megan sa kanya ng papel at inilagay ito sa palad ng lalaking 'yon.
"Mag-umpisa ka na maghanap." sabi ni Ms. Megan sa lalaking 'yon.
Napabuntong hininga na lang ito dahil wala na siyang magawa. Pagkatapos, tuluyan na itong umalis.
Ngayon, tumingin siya sa akin na mukhang may sasabihin ito sa akin.
"Why are you here?" tanong niya sa akin.
"Namamasyal lang." pagsisinungaling na sagot ko sa kanya.
Ang totoo n'yan kasi, sinamahan ko lang si Aubrey na mag-grocery. Kakaalis niya lang kanina at naisipan kong bumili ng chocolate para sa akin dahil kailangan ko ito para magpractice.
"Nag-aalala ka nga sa akin pero hindi mo naman inaalala sarili mo." napapailing na sabi niya sa akin.
"O.M.G! Si Megan ba 'yon?!"
"Oo nga!"
"Lapitan natin siya!"
"Magpa-picture tayo!"
"Tara!"
Napalingon ako sa mga taong pasugod na siya dahil matalas ang aking pandinig mula sa malayo kaya napalingon ako agad.
Omayghad! I need to protect her kaya hinawakan ko ang kanyang kamay at hinatak ko siya palabas ng grocery. Lumingon ako sa likod habang tumatakbo kami. Nakita kong sinusundan kami ng mga fans ni Ms. Megan.
"What the f***! Help me, Scarlet!" rinig kong sigaw ni Ms. Megan.
Naramdaman kong pumiglas siya sa paghawak ng kamay ko. Napatigil rin ako. Hinanap ko siya ngunit wala na siya sa aking paningin.
Nasaan na siya?
Tiningnan ko aming paligid. Andito na pala kami sa labas ng grocery pero nasilayan ko sa pinaka-entrance ng grocery kung saan naka-abang pala sa gilid ang mga fans nito. Napansin ko rin ngayon na mayroong grupong nagkukumpulan ng mga tao.
For sure, andoon si Ms. Megan.
Hindi ako magdalawang-isip na si Ms. Megan ang pinagkakaguluhan nila. Kailangan ko siyang sagipin hanggang maaga pa.
Kaya pumunta na ako agad do'n at nakipagsiksikan ako pero hindi kinaya ng lakas ko para makisingit. Nakikita ko rin na nagsisidamihan ang mga tao na lumalapit sa kanya.
Kailangan ko talaga gumawa ng paraan. Nakipagsisikan ulit ako ngunit may kumalmot sa aking braso, "Aray!" daing kong sabi.
Kahit anong pilit ko, hindi pa rin ako makasingit dahil sobrang nagkakatulakan na dito.
Ito lang ang kaya kong gawin para sa kanya, kahit magkaroon man ako ng sugat sa katawan basta masagip ko siya.
Nagsimula ulit ako makipagsisikan at nakaramdaman na naman ako ng kalmot sa kabila kong braso ngunit tiniis ko 'yon. Nilakasan ko ang aking pwersa.
Buti na lang nakapasok na ako ngunit sobrang sikip pa rin. Kaya nilakasan ko ang aking pwersa na makapasok ulit.
"Ano ba naman 'tong babaeng 'to!"
"Alis dyan!"
"Nakakainis naman!"
Hindi naman makisama ang mga tao ngayon sa akin. Hirap na hirap na ako makipagsisikan dito. Nakakainis!
Pero kailangan ko itong tiisiin sa alang-alang na makaalis kami ni Ms. Megan dito sa mall.
Binigay ko pa rin ang aking pwersa para makasingit at nakikita ko si Ms. Megan na palinga-linga ito. Mukhang naghahanap siya ng tutulong sa kanya para makatakas sa mga fans niya. Nanatili pa rin itong busy kakangiti dahil inaasikaso niya ang mga fans na nagpapa-autograph sa kanya.
Sumingit ako hanggang nakarating ako sa mismong harapan niya na nagulat ito sa akin. Wala ng oras para tumayo kami ng ilang segundo kaya hinila ko siya.
Ngunit may pumiglas sa pagkakahawak ko sa kanya.
"Ikaw na babae ka? Wala kang karapatan na hawakan si Megan. Kita mo naman may ginagawa kami!" napalingon ako kung sino nagsabi no'n.
Kita kong napatahimik ang aming paligid at nakatingin lang sa akin ang lahat na mukhang inis na inis sa akin. Lalo na't itong babaeng ma-attitude na sinungitan ako ngayon.
Nakaramdam ako ng inis sa babaeng 'to. Akala mo kung sino. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa ngunit para sa akin hindi siya maganda. Lalo na ang kanyang ugali. Gusto ko man magtaray ngunit inaalala ko rin ang aking imahe bilang artists ng EyeRed.
Baka alalahanin ako ng mga tao nakapaligid sa akin kapag pinatulan ko itong babaeng na pumipigil sa amin ni Ms. Megan.
"Excuse me po. Pero hindi ngayon ang fan-meeting niya. Andito siya para mag-grocery at hindi para sa inyo." kalmadong kong sabi sa kanya at akmang hahawakan ko ang kamay ni Ms. Megan ngunit pinigilan ako ng mga fans niya.
"Sino ka ba? Wala kang karapatan pagsabihan mo kami. Fan ka ba ni Ms. Megan? Doon ka sa likod mag-umpisa." utos niya sabi sa akin at tinulak niya ako palabas ng ng crowded area lalo na't pinalayo ako kay Ms. Megan.
"May gana pa siya makisingit. Nauna pa ako dito, e."
"Sino ba siya?"
"Psh! Ordinaryong fan lang katulad natin. Akala niya madadaya niya tayo."
"Akala niya lang 'yon."
"Tara! Huwag na siya pansinin. Hindi naman siya dapat pagtuunan ng pansin."
Naririnig ko ang kanilang bulungan at hindi naman ako nagpapa-apekto sa kanilang sinasabi niya tungkol sa akin. Tutal hindi naman talaga nila ako kilala. Wala rin naman akong karapatan patulan sila, dahil wala akong panahon at hindi ko 'yon ugali.
Kahit pinagtitinginan ako ng mga tao ngayon, nanatili pa rin napapansin ko na ang masamang tingin nila sa akin. Ilang sandali lamang nag-umpisa na naman ang ingay at nakatayo ako mag-isa habang pinagmamasdan ko lang ang pagkukumpulan nila kay Ms. Megan.
Ano na gagawin mo, Scarlet?
Nakaramdam ako ng pasa sa aking braso. Siguro sa pagkakasingit ko lalo na't may galos sa aking braso. Sobrang hapdi pero ininda ko 'yon dahil gusto ko man maka-alis na kami ni Ms. Megan dito. Para ilayo sa mga taong humahabol sa kanya.
Hindi ako ganito na tipong sobrang wild na fan ni Ms. Megan. Dadalo lang ng concert niya, fan-meeting at pagbili ng album lang ang aking kakayahan gawin bilang fan niya pero hindi ako ganito ka-desperada na makita siya sa personal.
Sapat na sa akin na makita ko man lang siya. Pero kung nakita ko man lang siya, igagalang ko pa rin siya. Respeto rin sa privacy niya. Ngunit sila, wala silang pakialam. Basta-basta na lang magawa ang kanilang kagustuhan kaysa kapakanan ni Ms. Megan.
Ngayon, napagtanto ko na hindi ganitong pamamaraan para ipakita nila ang pagiging fan nila kay Ms Megan dahil kung iisipin niyo sa babaeng nagtaray sa akin, akala niya pag-mamay-ari niya si Ms. Megan.
"Sino ka ba? Wala kang karapatan pagsabihan mo kami. Fan ka ba ni Ms. Megan? Doon ka sa likod mag-umpisa."
Paulit-ulit ko ito napapakinggan sa aking isipan ang kanyang sinabi. Kaya lalo lang ako naiirita at nagkaroon ako ng motivation para itakas si Ms. Megan do'n.
"Sino ka ba? Wala kang karapatan pagsabihan mo kami. Fan ka ba ni Ms. Megan? Doon ka sa likod mag-umpisa."
Sino nga ba ako?
Ako lang naman si Scarlet.
Wala akong karapatan para pagsabihan ko siya? Ha?
May karapatan ako pagsabihan siya dahil inaalala ko ang kanyang kaligtasan. Ayokong may mangyari sa kanya ng masama lalo na't siya ang kasama ko ngayon.
Fan ba ako ni Ms. Megan?
Oo naman dahil nirerespeto ko pa rin siya. Hindi katulad ng babaeng 'yon na walang respeto kay Ms. Megan para pagsalitaan ako ng hindi maganda. Napakabastos. I am really sorry for the word pero totoo naman talaga.
Doon ako sa likod mag-uumpisa?
Oo, sa likod ako mag-uumpisa pero hindi ako susukong sumingit para itakas siya sa inyo.
Napagdesisyon ko na sumugod na ngayon. Kaya nagsimula na akong sumingit at binigay ko ang aking powers para makasingit ulit.
"Excuse me!" sigaw ko kahit hindi nila ako pinapakinggan. Patuloy pa rin sila nakatuon kay Ms. Megan.
Sumingit ulit ako at may babaeng tumingin sa akin. Sinklian ako ng masamang tingin. Nakaramdam ako ng pagtulak ngunit ako'y nawala ng balensa at tuluyang natumba ako sa sahig.
Bahala na kung magkaroon ako ng galos o kahit ano. Basta maitakas ko si Ms. Megan dito tumayo pa rin ako.
Pinagpatuloy ko pa rin ang pagsisingit ko at may pagkakataon na nakakaramdam ako ng kalmot sa aking braso pero binalewala ko lang 'yon. Kahit dumugo 'to, ayos lang sa akin basta matakas ko si Ms. Megan ngayon.
Ilang minuto na ang nakalipas, nanatili pa rin akong sumisingit. Buti na lang nakita ko agad si Ms. Megan at nakarating ako sa kanyang harapan.
Nabigla siya sa kanyang nakita. Hindi sa akin nakatingin ngunit sa gilid at mukhang may tinitingnan siya sa gilid ko. Napansin ko ito na tumigil siya sa pag-aasikaso ng mga autograph ng mga fans niya.
Lumapit siya sa akin, "Patingin ng braso mo." seryosong utos niya sa akin at naramdaman kong hinawakan niya ang aking braso at tiningnan niya ito.
Kita ko rin na ang dami kong sugat sa aking braso. Hindi ko alam kung saan ako nasusugatan pero ramdam ko ang sakit noong sumisingit ako.
Tumingin siya sa akin na mukhang nag-aalala sa akin kung bakit ako nagkaroon ng galos ngunit pumiglas ako sa pagkakahawak niya.
Umiling ako sa kanya, "Wala 'to." mahinang sabi ko at binigyan ko siya ng ngiti para hindi na siya mag-alala.
"Andito na naman ang hipokritang babae. Sobrang epal talaga! Hindi pa ako tapos magpa-autograph. Nakakaabala ka! Umalis ka na nga!" bigla akong napatingin sa isang babaeng bwiset na bwiset sa akin ngunit lumingon ako kay Ms. Megan.
Nakikita kong napapikit siya ng mariin at bumuntong hininga siya. Napagtanto ko na kinokontrol niya ang kanyang galit dahil ayaw niyang madala sa emosyon ulit. Alam kong ayaw niyang makasakit ng damdamin kaya pinipigilan niya lang.
"Umalis ka ngang babae ka. Marami pa kami magpapa-autograph kay Megan, e!" rinig kong sabi ng fan ni Ms. Megan ngunit tinitingnan ko pa rin si Ms. Megan nakatingin ng seryoso sa babae.
"Bakit po kayo nakatingin ng ganyan sa akin, Megan?"pabebe niyang sabi at biglang bumait ito dahil tiningnan siya ni Ms. Megan ng seryoso.
Makuha ka sa tingin, GhOrL! Galit na 'yan!
Napansin kong lumapit si Ms. Megan sa babae, "We should leave, Scarlet." tipid na sabi ni Ms. Megan pero may awtoridad ang kanyang pagkasabi sa akin.
Biglang nagsimulang nagbubulungan ang mga fans ni Megan at napayuko na lang ako dahil pakiramdam kong sa ang kanilang mata sa akin nakatingin.
"Kasama siya?" may narinig akong may nagtanong.
"Yes. May problema ba?" matipid na tanong ni Ms. Megan.
"Meron po. Sino ba siya?" pagsusungit na tanong ng pabebeng babae na 'to.
"Di niyo ba alam na yung sinaktan niyo at pinagsalitaan niyo ng masakit ay isa sa mga artista ng EyeRed?" inis na tanong ni Ms. Megan, "Umayos kayo." pagtatapos niyang sabi.
"Scarlet, chin up!" utos niya sa akin at sumunod naman ako.
Nabigla ako sa aking nakita na sobrang tahimik ng mga fans at napansin ko nga na napayuko na lang ang babaeng napagsalitaan ako ng masama kanina. Pero ngayon, napahiya sila dahil nabangga niya ako lalo na't dito sa pabebe na 'to.
Napailing na lang ako.
Pagkatapos, napatingin ako kay Ms. Megan. Sinamaan niya ako ng tingin.
Ano na naman ginawa ko sa kanya?
Ngunit nakaramdam ako ng paghawak ng kamay niya sa akin.
Ramdam ko ngayon ang pag-iinit ng aking mukha at hinatak niya ako paalis ng mall.
SCARLET
"Get in!"
Utos sa akin ni Ms. Megan habang ako'y hingal na hingal dito sa tabi ng kotse niya.
Napansin ko itong pumasok na sa kanyang kotse at nagsimula na siya magpagana ang kotse.
Wait lang! Hindi ako makahinga sa kakatakbo namin.
Lalo na't pakiramdam ko pa rin na namumula ang mukha dahil...
Basta 'yon.
Gets niyo naman diba? Uulitin ko pa ba?
Dahil nga sa paghawak ng kamay niya sa akin. Hindi ko talaga alam ang aking nararamdaman ngayon basta ang weird talaga.
Ang weird lang biglang uminit ang aking mukha. May sakit ba ako? Napag-isipan ko na rin na magpacheck-up ako dahil nagrereklamo na mga kagrupo ko na lagi ako nakatulala sa kawalan, tahimik at wala sa sarili.
Sabi naman ni Zoe sa mental na niya ako dadalhin. Grabe siya! Hindi ba pwede muna sa Psychologist? Baka masabi niya kung bakit ako ganito.
"Scarlet! Iiwan na talaga kita dito!"
Natauhan ako sa sigaw ni Ms. Megan na nakasilip ito sa bukas ng bintana ng passenger seat.
"Opo." magalang na tugon ko.
Naisipan kong sumakay sa back seat ng sasakyan ni Ms. Megan at sinara ko ang pinto.
Napansin ko ito lumingon sa akin si Ms. Megan sa akin. Biglang kumunot ang kanyang noo, "Bakit ka nandyan nakaupo?" tanong niya sa akin.
"A-ano po...Gusto ko lang po. Ahehehe." nahihiyang sabi ko.
Actually, mas bet ko talaga dito umupo. Bet ko talaga. Haist!
"Sit beside me or else... hihintayin kita hanggang lumipat ka para makaalis na tayo dito." sabi niya at binigyan niya ako ng masamang tingin.
Hindi naman 'to. Mabiro. Ito na po.
Kahit labag man sa aking kalooban, nag-umpisa na akong lumipat sa passenger seat.
Naiilang ako kay Ms. Megan ngayon. Hindi ba dahil sa pagkahawak niya ng kamay sa akin?
Sobrang big deal ba 'yon? Ha? Scarlet?
Malay mo kinailangan lang hawakan ang kamay ko para mahatak niya ako paalis ng mall.
Mga pinag-iisip ko talaga kala mo may meaning lahat. Haist!
Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at sumakay na ako. Sinara ko na ang pinto at tumingin lang ako sa harapan.
Pero kitang-kita kong tumingin siya sa akin.
"Para kang estatwa na nakaupo. Sobrang tuwid." rinig kong sabi niya.
Ha? Estatwa?
Ilang segundo na napaisip ako at pinakiramdaman ko ang aking sarili nag-sit-up straight pala ako nakaupo.
Weird mo, Scarlet! Kainis ka!
"Relax." sabi niya.
Napansin kong lumalapit siya sa akin kaya napatingin ako agad sa kanya.
Naramdaman kong hinawakan niya ang aking balikat at tinulak niya ito. "You look nervous." natatawang sabi niya.
Nervous? Ha? Hindi ah!
Ako? Kakabahan sa kanya? Juicecolored! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon sa pinanggagawa niya sa akin.
Kumalma ka. Pun*eta!
Hindi talaga ako kakabahan kung hindi siya ganito kalapit sa akin.
Napansin ko na naman siya na lumapit ito at mukhang hindi na ako makahinga ng mabuti.
Kumalma ka! Bwiset ka!
May narinig akong kalansing sa gilid ko.
Napansin ko sa aking peripheral vision na pinag-seatbelt pala niya ako pero sobrang awkward talaga kapag lumalapit siya sa akin.
Hindi 'to pinaka-unang beses na nangyari sa akin na tuwing lumalapit ang mukha ni Ms. Megan. Nagwawala na ang puso ko. Kinakabahan pa lalo ako.
Lalo na't hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Baka mamaya naka-mighty bond na 'tong pwet ko sa upuan na to.
"You should remember this all the time na kailangan mo mag-seatbelt kapag andito ka sa shotgun seat." sabi niya sa akin habang inaayos niya ang seatbelt ko.
"M-may baril dito?" kinakabahan ako at nauutal kong sabi.
Huwag niyang sabihin meron. Jusmiyo! Mahal ko pa buhay ko. Okay? Ang O. A ko naman.
"Pfft!" bigla siya natawa habang ako natutulala sa kanyang ginawa.
Ano ba nasabi ko?
Kanina lang sinabi niya may shotgun seat dito. Baka meron sa ilalim ng inuupuan ko. Baka mayupi pa yung shotgun na 'yon.
"You don't have any idea what is shotgun seat?" hindi makapaniwala na tanong niya sa akin.
"Wala po." sabi ko.
Napansin kong klinaro niya ang boses at nagsimula na siyang magmaneho.
"Another called for passenger seat. I don't know how to use a gun kaya walang baril dyan." sabi niya habang patuloy pa rin nakatuon sa pagmamaneho.
Akala ko naman mayroong baril dito sa ilalim ng upuan ko. Malay ko ba na iba pala tinutukoy niya. Ngayon ko lang nalaman na may ganyang salita.
Biglang tumahimik ang aming paligid at napansin kong nagpatugtog ito. Tuluyang napasandal ako at tumingin sa bintana.
Pakiramdam ko napagod ako kanina sa mall sa pinanggawa kong pagliligtas kay Ms. Megan.
"May gusto sana ako sabihin sayo." napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
"Ano po 'yon?" tanong ko.
"Pupunta tayo sa condo ko. Gagamutin ko 'yang sugat mo." sabi niya sa akin habang focus ito sa pagmamaneho niya.
Hala! Nakakahiya! Pupunta pa ako sa condo niya. Kaya ko naman 'to gamutin. Hindi na kailangan pumunta sa condo kahit pinipigilan ko lang sarili ko na gusto ko.
Siyempre! Sino ba naman hihindi sa kanyang offer? Ngunit may hiya naman ako sa aking katawan. Madali lang naman 'to gamutin. Malayo 'to sa bituka.
"Hindi na po kailangan." nahihiyang sabi ko.
"Tss." sabi niya at biglang huminto ang sasakyan namin.
Napatingin sa harapan na naka-stop pala 'to kaya huminto kami.
"I don't need your opinion, Scarlet." narinig ko ang kanyang sinabi at tumingin siya sa akin, "Don't let anyone know na doon ako tumitira ngayon." dagdag niyang sabi.
Wala rin naman akong balak sabihin sa iba dahil nirerespeto ko namn privacy niya. Kahit idolo ko siya, alam ko naman kung saan ako lulugar para sa kanya.
Alam kong bilang fan at artists niya lang ako.
***
"Hey!"
"Scarlet!"
Nakaramdam ako na may nagyuyugyog sa akin kaya napamulat ako dahan-dahan.
Nakita ko si Ms. Megan sa aking paningin at nakaramdam ulit ako ng pagtakip niya sa braso.
"You're now awake. Please hurry up!" utos sa akin at inayos ko ang aking sarili.
Napansin ko rin na nasa loob pala ako ng sasakyan ni Ms. Megan. Nakatulog pala ako dito.
Nakapatay na rin pala ang makina ng sasakyan ni Megan at tumingin ako sa labas na maraming nakapark na sasakyan.
Andito na pala kami sa condo niya at napagtanto ko na nasa parking lot pala kami.
Napalingon ako sa paglabas ni Ms. Megan at nagsimula na ako lumabas ng sasakyan. Pagkatapos, sinundan ko lang siya sa kanyang likod.
Napansin ko na ang tangkad ni Ms. Megan kahit naka-hoodie siya naka-jacket at naka-ripped pants siya na itim at shoes na white. Still, para sa akin maganda pa rin siya.
Oo nga pala! Nasaan na ang kasama niyang lalaki na inutusan bumili ng grocery? Hindi niya siguro alam na umalis kami agad ni Ms. Megan sa mall. Sana man lang sinabi ni Ms. Megan sa kanya na umalis kami agad. Baka maghintay lang siya doon.
Nakita kong nasa harap na kami ng elevator at napahinto kami. Napansin kong nasa Ground floor na ang elevator at nagsimula na ito umakyat.
Ground floor....1st floor.....2nd floor.....3th floor....
Pagkahinto ng elevator sa 4th floor, biglang nagbukas ang pinto at nagulat ako sa aking nakita.
Pakiramdam ko rin na nagulat din si Ms. Megan.
Napaiwas kami ng tingin sa parehas na babaeng naghahalikan. Nagulat din sila na bumukas ang pinto ng elevator.
Lumingon agad sila at bigla silang naghiwalay. Humarap sila sa magkabilang wall.
Kitang-kita namin kung paano sila gutom na gutom kanina. Kulang na lang mahigop ang bibig nila kakahalik nila. Napailing na lang ako.
Nirerespeto ko naman ang kanilang gender identity. Ngunit sobrang awkward lang dahil ngayon lang ako nakatuklas na live mismo na naghahalikan sa elevator.
Napansin ko na nakatayo pa rin si Ms. Megan habang nakaharap lang sa bukas na pinto ng elevator.
"Ms. Megan, tara na po." aya ko sa kanya pero hindi siya kumibo.
"Next elevator na lang tayo." sabi niya.
Buti na lang biglang sumara na yung pinto agad. Pagkatapos, Lumipat at naghintay na naman kami ulit sa kabilang elevator.
Mukhang paakyat na rin dahil nasa 3th floor na ito. Pagkarating ng elevator, bumukas ito at nakita kong walang tao dito.
Pumasok kami agad at napansin kong pinindot ni Ms. Megan ang 17th floor.
Parang familiar 'tong elevator na 'to. Parang katulad din sa condo ng Queen of Hearts. Napansin ko kasi na may sira ang sahig sa gilid at-
Nagulat ako biglang huminto ang elevator. Napasandal kami dahil umalog ang elevator.
Biglang napatay ang ilaw.
Hala! Anong nangyari sa elevator? Ang dilim.
Kailangan kong mahanap si Ms. Megan. Hindi naman sa natatakot ako. Gusto ko lang katabi siya tutal sa madilim kami.
Baka kasi iba na katabi ko. Juicecolored! Tinatakot ko na naman sarili ko.
"S-Scarlet..."
Narinig ko ang pagtawag sa akin ngunit mahina lang ito.
Oo nga pala! Naalala ko na sobrang kinatatakutan niya ang tunog ng kidlat at nasa madilim siya na isng lugar.
Anong gagawin ko?
"Teka! Nasaan ka ba? Tatabihan kita." malakas kong sabi.
"Scarlet..." naririnig ko ito.
Dali-dali kong kinapa ang aking paligid at nagsimulang hanapin siya, "Nasaan ka ba?"
Buti na lang naramdaman ko sa aking paa na nasipa ko ng mahina ang sapatos ni Ms. Megan. Naramdaman ko na nakaupo pala ito.
Umupo ako sa kanyang tabi. Dinikit ko yung balikat ko sa kanya para alam niyang may kasama siya. Para mawala rin ang takot niya. Ramdam ko naman ang kanyang takot dahil sino ba naman matatakot dito sa elevator at nawalan pa ng ilaw?
"May I hold your hand?" rinig kong nahihiyang tanong niya sa akin.
Napakurap ako at natulala na lang ako dahil sa kanyang sinabi sa akin.
Ramdam ko na naman biglang bumilis ang aking tibok.
Jusmiyo! Kinakabahan na naman ako.
"May I?" mahinang tanong niya sa akin.
Teka! Kumalma ka!
Kinakabahan ako sa balak ni Ms. Megan.
Si Ms. Megan ba 'to?
Alam kong hindi siya ganito sa akin. Alam kong palagi siya nagsusungit kung ganito ang sitwasyon.
Inaasahan ko na tahimik lang kami pero bakit hindi ganito nangyari?
Bakit patuloy pa rin ako kinakabahan?
Ilang sandali lang nakaramdam ako ng paghawak niya sa aking kanan na braso. Kinilabutan ako sa kanyang ginagawa dahil kinakapa niya ito.
Teka?
Nanlaki ang aking mata at ngayon...
hinawakan niya ang aking kamay.
Ngayon, nanatili ako naka-estatwa sa aking kinauupuan at nagsimula bumilis ang aking pagtibok ng puso ko.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!