webnovel

Chapter 10: Call thy name

Nakakapanibago dahil tuwing ala sais hanggang sa pagsara ay napupuno ng mga taong

galing sa trabaho ang cafe' pero bilang palang sa daliri ang mga dumating.

Well, it ain't no use to sit and wonder why, babe

If'n you don't know by now

Nakakaantok ang musikang pumapaligid sa cafe' na nagmumula sa speaker na

nakasabit sa mga sulok.

An' it ain't no use to sit and wonder why, babe

It'll never do somehow

Buti nga at hindi inaantok ang tatlong customer na nakaupo sa magkakalayong

upuan. Puro nakatutok sa cellphone at laptop habang inuunting ubusin ang order

nila.

When your rooster crows at the break of dawn

Look out your window and I'll be gone

Buti si Marifeh ay hindi na babagot dahil naglilinis siya ng lamesa. Si

Makee naman ay abala sa likod na inaayos ang mga supplies for inventory. Ngunit

magugulo pala ang katahimikan ko ng may bagong customer na pumasok.

You're the reason I'm a-travelin' on

But don't think twice, it's all right

Diretso lang ang tingin ng mapupungay na mata ni Rick sa Chalkboard na nasa itaas

na bahagi ng pader sa likuran ko. Hindi ko talaga maiwasan na makaramdam ng

pamilyaridad sa itsura niya. Kung hindi pa siguro siya ina-eyebags, hindi pa siya

mukhang stress sa buhay at higit sa lahat, kung kahenerasyon ko siya, baka

maipaliwanag ko pa ang pagka pamilyaridad ko sa kanya.

"Order sa mga cafe. To go."

"Total price ng Order"

Di niya tulad ang iba kong customer na inilalabas ang wallet para ibigay

sakin ang kanilang credit card or atm. Nagbayad siya gamit ang kanyang phone app.

Pagkatapos ay kumuha ako ng coffee cup niya at pentel pen upang isulat ang

pangalan niya.

"Name po sir?"

"Eldridge." Tila tinatamad siyang banggitin ang pangalang iyon. Wala akong

ideya kung sino ang tinutukoy niya. At isa pa, nangangalumata na siya. Kala mo

naka inom ng half case ng alak. Hindi ko na lang masyadong inalam pa at isinulat

ko na lang ito habang pinanood siyang maglakad papunta sa isang lamesa upang

mag-antay. Inabala ko nalang ang sarili ko sa paggawa ng order niya. Wala naman

akong mapapala kung kakausapin ko pa siya tungkol sa pangalang binanggit niya.

Tsaka baka may maalala pa siya tungkol kahapon. Alam niyang kasama ko si Sir

Rajah sa mga huling oras bago ito mamatay. Pwede niyang gamitin yun para isumbong

ako sa mga pulis. Pero wala namang ebidensya na ako ang dahilan ng heart attack

ni Sir Rajah. Wala ring CCTV sa lugar na yun kaya hindi talaga nila malalaman.

Ang nakakapagtaka lang talaga ay bakit niya ako tinulungan. Ganun ba siya

kadesperado para kunin ang loob ko at sirain ang buhay ko dahil lang sa nagkaplit

kami ng cellphone. Ganun ba ang libanganng mga mayayamang tulad niya? Walang

magawasa buhay kaya pinaglalaruan ang mga mahihirap n tula ko.

Nang matapos kong gawin ang order niya ay saktong natapos na si Marifeh sa

paglilinis sa second floor. Siya na ang nagpresentang tawagin si Rick sa

pangalang binanggit niya.

"Eldridge…"

Kaso walang lumapit sa counter para kunin ito. Hindi siya lumapit kahit

imposibleng hindi niya marinig iyon dahil tatlo na lang ang customer namin. Hindi

talaga siya matagpuan sa loob ng cafe'. Dahil nakasupot naman na ito, kinuha ko

na lang ito at lumabas ng cafe para mahabol si Rick. Tama lang ang timing ko

dahil sususian palang niya ang pinto ng kanyang bughaw na F4x4. Kahit merong ilaw

sa poste, nahirapan parin siyang susian ito. Nagpunas pa siya ng mata bago

sinubukan ulit.

Mukhang tama ang hinala kong nakainom siya.

"Excuse me S-sir Eldridge."

Walang emosyon niya akong nilingon sabay sinubok niyang tingnan ako mula ulo

hanggang sa hawak ko, pabalik sa mukha ko bago siya dumukot sa likurang bulsa ng

kanyang pantalon. Akala ko oorder ulit siya pero hindi pala. Hawak niya ang

nawawala kong I.D.

"Pa-paano…"

"You left it at the crime scene."

Lumapit na siya sakin upang makipagpalit habang ako nagtataka kung paano

niya nakuha ang I.D ko.

"Again, The stupidest thing I've ever seen." Muli na naman siyang bumungisngis.

Bigla nalang nag papawis ang palad ko. "Ha? i-imposible-"

Kaso natigilan kami sa pag uusap nang pareho kaming napalingon nang may

tumawag sa pangalan ko.

"Jerrylyn!" sigaw ni Makee na nakatayo sa pinto ng cafe'.

Agad na lang akong lumakad pabalik sa cafe at hindi na lumingon pa sa kanya.

Hindi narin ako tumingin kay Makee ng bumalik ako sa cafe' para makaiwas sa

tingin niya.

Natapos rin ang shift ko ng magaan-gaan na ang utak ko kahit papaano. Nakuha

ko na ang I.D ko kaya hindi ko na kailangan mag alala. Kakalkalin ko na sana ito

sa aking backpack upang suriin na tunay nga ito kaso narinig ko muli ang boses ni

Makee na tumakbo palapit sa akin. Malakas ang pakiramdam kong tatanungin niya

kung sino si Rick kaya inihanda ko na ang sarili ko.

"O, kala ko sasamahan mo si Marifeh?" Bungad ko sa kanya habang tuloy kami

sa paglalakad.

Tumingin siya sakin na nakataas ang kilay. "Ayaw mo ata akong kasabay ah. Dahil

may bago na?"

Tumama nga ang hinala ko kaya agad akong nakaisip ng isasagot ko sa kanya.

"Kung ang tinutukoy mo ay yung kanina, well you're wrong."

Mukhang nakuntento siya sa sagot ko nang iiwas na niya ang tingin niya

sakin. "Sana nga, I heard it all wrong."

Agad na naglaro sa aking isip ang sinabi niya. Saan doon ang narinig niya?

Sa pagkagulat ko ba? O doon sa sinabi ni Rick na mahina naman ang pagkakabanggit.

Kaso paglingon ko sa kanya ay nakapara na siya ng taxi.

"Taxi nalang ako kasi traffic dyan."

"Teka-"

Kaso wala eh. Masyado akong mabagal para maabutan siyang sumakay ng taxi.

Hindi ko na tuloy alam kung ano ang tinutukoy niya. Naisip ko nalang manatili sa

kinatatayuan ko upang ituloy ang pag usisa sa I.D. ko. Nakabalot ng maayos ang

lace sa mismong card. Nang tanggaling ko na ang pagkakaayos nito, sumabay na

mahulog ang isang plastic ng drugstore na tila na isiksik sa I.D lace ko. Nang

pulutin ko ito ay hindi ko inakalang may laman itong plastic ng isang piraso ng

gamot na may pangalang Hydrocodone.