webnovel

Setting You Free (You Always Be My Love Series)

The saddest thing about love is that, it's not something that you can force to give. You may have told me a hundred times about how much you do love me, but sometime your heart couldn't lie. Your heart longs for someone I will never be. It's sad and it's true, that's it hard to love someone like you. And I never really knew how much you can hurt me, until I was hugging you and you were thinking about someone else.

seylomey · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
5 Chs

Chapter 2

Sorry na, don't be mad please." He hug me tight.

"Sorry that I'm prideful, judgemental and..." I cupped his.

"No, It's okay. Naiintindihan ko." Hindi ko naman sya kayang tiisin.  Nagtatampo ako pero hinding-hindi ako nagtatanim ng galit sa kanya.

"Palagi mo lang naman naiintindihan, sa lahat ng pagkakamali hindi ka man lang nagalit o gumanti sakin." He's so cute when everytime he pouted.

"Immature ako oo, pero hindi ganon kalala." Umupo ako sa kama ko at sumandal sa headboard sobrang napagod ako kanina sa symposium.

"Masama pakiramdam mo?" Umupo sya sa tabi ko.

"Oo, pagod lang 'to kanina sa symposium." I smiled to him. Tumango-tango naman sya.

Binukas nya naman ang mga bisig nya. Tinaasan ko lang sya ng kilay. "Come on hug me, para hindi na masama pakiramdam mo."

"Ayaw." Nakita ko ang pagkunot ng noo nya, ang higit sa lahat na ayaw nya kapag tinatanggihan sya kapag naglalambing.

"Eto na nga, baka magdamag nanaman ako manuyo nito eh." We both laughed.

"Tara na baka hanapin tayo ni mama." Inalalayan nya ako sa pagtayo.

"Anong mama? Mama ko 'yon!" Irap ko sa kanya.

"Mama nating dalawa love." Kindat kindat pa, kapal talaga! Dito na nga nakikikain makikimama pa.

Pagbaba namin ng kwarto nakita namin sa sala si Jaren at Stacy, mga kapatid ko.

"Kuya Ken!" Sabay-sabay pa itong lumapit. Kinarga ni Ken si Stacy at ginulo lang nya ang buhok ni Jaren.

"Napapadalas punta mo dito ah kuya 'di ka nauumay sa pagmumukha ni Ate?" Aba aba lintek na 'to.

"Hoy hoy lalaki ako nauumay sa'yo, bakit hindi mo tulungan si Mama sa mga gawain sa bahay?" Nang-asar lamang ito gamit ang mukha nya at nag-tago sa likuran ni Ken.

"Dila dila ka pa dyan, hitakin ko dila mo eh!" Akmang lalapitan ko sya ng lumabas si Mama galing kusina.

"Oh, away nanaman kayo dyan. Hindi kayo mahiya kay Ken." Saway ni mama sa amin.

"Sanay naman po ako mama este tita." Pinandilatan ko ng mata si Ken, at iyon pasimpleng tumatawa-tawa pa.

"Ay huli sa akto, mama pala ha. Talagang gusto mo panindigan yan ha bayaw." Aba talaga naman!

"Mama si Jaren oh." Sumbong ko kay mama.

"Ay nako tumigil na kayo, kala ko ba may lakad kayo ngayon?" Baling ni mama kay Ken.

"Ah opo Tita bale paalis na po kami." Nagtataka kong tinignan si Ken, wala naman syang sinabi na aalis kami ah.

"Osya, lumakad na kayo at baka gabihin pa sa pag uwi."

Nagpaalam na kami kay mama, hinatak na lang ako ni Ken sa labas ng bahay.

"Hoy anong aalis?"

"Sakay." Inirapan ko na lamang sya at sumakay sa kotse.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

Baka naman sa mall, ih ayoko ng ganitong suot. Hindi sa kaarte pero hindi kasi ako gumagala ng naka-short lang kapag nasa bahay lang talaga.

"Sa condo ko." Nakangiti nyang sagot.

"Aano tayo 'don?" Wow sa loob ng 5 months na nagkakilala kami ngayon nya lang ako naaya sa condo nya.

Hindi nya ako sinagot. Patuloy lang sya sa pag-drive hanggang makarating kami sa condo nya.

"Ang ganda at ang linis ng condo mo no?" Hindi ko maiwasang mamangha. Mahilig pala sya sa mga books, dami nyang books eh.

"Mahilig ka pala sa mga libro?" Tanong ko kay Ken na ngayon naghuhubad ng sapatos nya.

"Ahm hindi eh." Nakakapag-taka naman na hindi sya mahilig sa mga books e halos saan ka tumingin may libro. Gusto ko na nga rin silipin sa cr kung merong books 'don. At sinong engeng ang maglalagay ng libro sa CR cassy?

"Sure ka? Ang dami nito oh." Tumayo ako at akmang kukuhanin ang libro ngunit agad hinablot ni Ken yung kamay ko.

"Ah sorry hindi ko alam na bawal eh." Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa braso ko.

"Hindi kase pwede pakelamanan yan." Tumango na lamang ako at umupo sa sofa. "It's very important to me, It's one of our memories."