webnovel

Ikaanim na Kabanata: Señorito

Araw ng linggo ngayon nang maisipan namin ni Rhea na magsimba. Pangiti ngiti ako habang binabaybay ang daan papasok ng simbahan. Bukas kasi ay kaarawan ko na. Isang regalo galing sa kanya ang nais kong pasalamatan kahit na minsan ako ay maraming ginagawang kalokohan.

Mga bata, magulang, lolo at lola ang nagsisibabaan sa kanila kanilang sasakyan. Habang ang iba ay sa tricycle o di kaya ay naglakad lang. Napatingin ako sa nakapaskil sa simbahan.

Saint Ildefonsus of Toledo Parish Church

Isa sa kilala na simbahan dito sa Rizal. Madalas kaming pumunta dito noong nabubuhay pa ang aking mga magulang. Subalit naputol iyon ng mawala sila. May mga panahon na tinatanong ko kung bakit sila pa. Sila na nga lang ang meron ako. Ayokong sisihin pero hindi ko mapigilan na mapaisip kung bakit.

Napatingin ako sa dalawang matandang nagtatalo. Napamulagat ako ng mata ng marinig ko ang malutong na mura nito.

Tangina mo!

Walang hiya ka!

Narinig ko ang malakas na singhapan kaya napatigil ang dalawa sa pag mumura. Kaagad humingi ng dispensa ang dalawa. Ipinaliwanag rin na ito raw ay paraan nila upang ihayag ang damdamin sa isa't isa.

Normal lang rito ang magmurahan dahil sumisimbolo raw ito ng pagmamahalan. Ako man ay nagulat rin sa tinuran nila. Akalain mo yun? Ganun pala ang pagpapahayag ng damdamin. Ang magmurahan

Buti pa ang dito, ang bigas kaya kailan mumura? Iwinaksi ko na lang ang mga pumapasok sa isip ko.

Mabilis akong naglakad para hindi maubusan ng upuan. Makapagbawas ng kasalanan.

"Ano na naman ibig sabihin ng ngiting yan, Zierra?"mahinhin nitong tanong habang iwinasiwas ang kanyang abaniko upang magpaypay.

Nagkibit balikat na lang ako sa kanya bago umupo sa pwestong malapit sa unahan. Mataman akong nakikinig sa sermon ng pari ng may nauulinigan akong parang may nagtatalo.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito, dagat?"narinig kong bulong ng isa likod.

"Malamang magsisimba. Anong klaseng pag-iisip ka meron mikropono?"naasar na wika ng isa.

Teka, teka! Parang pamilyar yung mga boses na yun lalo na yung isa.

"Ginagago mo ba ako!"napatigil sa pagsesermon yung pari habang narinig ko ang singhapan sa buong simbahan.

Hala!

'Sino ba yun?'

'Gwapo sana'

Lilingunin ko sana kaso nagulat ako ng magsalita ito.

"Pasensya na po father, medyo pasmado talaga ang bibig nito."malumanay na wika nito.

Nakita ko iyong pari na tumango saka nagpatuloy na sa pag sesermon. Akala ko ay titigil na ang dalawa pero naririnig ko pa rin patuloy ang bulungan nito. Sasawayin ko na sana ng sikuin ako ng katabi ko. Napatingin ako dito na nagtatanong kung bakit. Nginuso nito ang pari na kasalukuyang pa rin na nagsesermon kaya isinawalang bahala ko na lang.

Nasa parte na ang misa ng pagkanta ng ama namin ay hindi pa rin tumitigil ang dalawa sa pagtatalo. Sa totoo lang, ako ang nahihiya sa mga pinaggagawa nila. Pero mukhang sanay na sanay na sila.

Magsisimula na san ng kumanta ng lumakas na ang pagtatalo ng dalawa sa likuran ko.

"Sino ba yan, Zierra?"tanong ni Rhea sa may tabi ko.

"Hindi ko alam."Hindi ko pwedeng sabihin kilala ko ang isa na yan. Sa totoo lang ay medyo nakaka-move on na ako sa pagkawala ng pitaka ko.

"Ako ang nahihiya sa kanila, gwapo sana kaso parehong may sayad."Napatawa sa ibinulong niya sa akin.

True!

"Sigurado ka ba mikropono na lahat ay dapat kumanta?"sa tingin ko ay si San Pedro ito.

"Oo nga. Kaya pilitin mong huwag pumiyok. Nakakahiya ka pa naman."sermon naman nito.

Sigurado ba siya sa sinasabi nya? Sa totoo lang kanina pa silang nakakahiya sa pinaggagawa nila.

"Ama namin

Sumasalangit ka

Sam... "hindi ko na matuloy ang kanta dahil natatawa ako. Kahit yung katabi ko ay kagat kagat ang labi upang pigilan ang pagkawala ng tawa.

Susmaryosep na boses yan!

Napatingin ako sa mga tao na nagkakadaubo na habang si father ay napatigil sa pagkanta rin. Namumula na ako dahil maiihi ako sa tawa.

Alam mo yung parang galing sa ilalim ng lupa yung boses na isa habang ang isa naman ay parang martines sa sobrang tinis ng boses.

Sa totoo lang kung hindi pa rin nakakahalata ang dalawa ay sila lang ang kumanta hanggang matapos ito. Narinig ko pang parang may umutot sa pag pipigil ng tawa.

Haysss salamat.

Matagumpay na nairaos ang misa na wala akong naintindihan. Pagkatapos namin lumapit kay father para magmano ay naglakad na kami palabas. Hindi pa kami nakakalayo ni Rhea parang may nauulinigan akong tinatawag ako.

"Naririto ka lang pala, amazona!"

"Amazona!"ulit pa nito.

Napatigil ang mga tao sa paglakad at nilingon ang dalawa habang nag-eeskandalo ang isa.

"Sino ba tinatawag non'?"natatawang komento ni Rhea sa akin.

Huwag ngayon, kapag malapit yan disaster ang nangyayari. Puro kamalasan ang inaabot ko. Birthday na birthday ko pa naman bukas.

"Hindi ko alam. Tara dali!"hila sa kaniya ng mabilis dahil parang papalapit na ang dalawa. Hindi ko pwedeng lingunin ito dahil makilala ako nito.

Naririnig ko ang pagtatanong ng mga tao kung sino raw hinahanap nung isang pogi. Gwapo sana raw kaso parang takas sa mental. Tingnan mo kahit kalalabas lang ng simbahan ay kung makapagsalita ay akala mo kung sinong napakalinis.

"Teka, Zierra! Bakit ba tumatakbo tayo? Huwag mong sabihin na ikaw ang hinahanap ni pogi?"sinamaan ko siya ng tingin.

Bakit ba kasi ang nag dress, tamo tuloy hindi ako makatakbo ng mabilis! Masisilipan ako nito sa sobrang iksi.

"Hindi. Hindi ko kilala yun. Natatae na ako!"pagdadahilan ko. Nandidiri itong lumayo sa akin habang umaaktong tinatakpan ang ilong.

"Zierra naman!"

Napatawa ako ng malakas na dahilan para marinig ko ang pinagtataguan. Wala na akong nagawa ng lumapit si Haring kamalasan sa akin.

"Nandito ka lang pala, amazona ko!"ngingiti nitong sabi sa akin.

Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Rhea sa akin habang nagtatanong ang mga mata nito. Nagkibit balikat lang ako.

"Mukhang nagkakamali lang po kayo, Señorito."mahinhin kong sabi na mas pinalambot ko pa ang boses ko para di mahalata.

Nakalugay ang bagsak kong buhok habang may ipit akong parang isang mayuming babae. Napangisi naman ang kasama nitong lalaki sa akin.

"Bro, baka nagkakamali ka nga. Impossible naman maging yan yun."sabi nito na parang inaaala kung sino pero umiling lang ito sa kaniya.

"Sino nga yun, bro?"pang-aalaska nito. Binigyan ko sya ng matatalim ng tingin kaya mas lalong napangisi ito.

"Ah, si amazonang tomboy na bata."

Balak ko sanang kwelyuhan ito kaso pinigil ko ang sarili at sinakyan ang sinabi nito.

"Baka nga nagkakamali kayo, Señorito hehe."madiin kong pahayag na sinamahan ng pekeng tawa.

Mabilis itong lumapit sa akin at inakbayan. Aalisin ko sana ang pagkakaakbay nito sa akin ng bumulong ito.

"Kahit anong isuot mo Señorita ay makilala at makilala pa rin kita."nang-aakit nitong sabi. Ngimi-ngimi ko nang tadyakan ito pero hindi ko magawa kasi masisilipan ako.

Naka-cycling na itim ako ng maiksi. Cycling nga eh.

Malakas kong pinalo ang isa nitong braso habang umaaktong natatawa kahit gusto ko na syang tirisin sa inis.

"Nagkakamali ka lang po talaga, Señorito. Sige ka, baka magselos yung Señorita nyong sinasabi."pagdadahilan ko habang dahan dahan kong inaalis ang pagkakaakbay nya sa akin.

Napatingin ako kay Rhea na nanunukso ang mga tingin nito habang ang kasama nitong damuho na ito ay nakangisi na parang demonyo.

"Hindi ko alam na selosa ka pala, but I like it when you call me Señorito. It's like you claiming me as yours."nang-aakit nitong muling bulong kahit wala akong maintindihan sa huli nyang sinabi.

"Bibitawan mo ako o magpapaalam ka sa isa mong braso?"banta ko pero tumawa lang ito.

"Sayang ang outfit mo. Huwag mong balakin pa, Señorita. Baka makapatay ako sa mga lalaking kanina pang titig na titig sa legs mo."malamig nitong sabi hanggang sa maramdaman ko ang pag-alis ng pagkaka-akbay niya sa akin bago pinulupot ang leather jacket niya sa maliit kong bewang.

Nakangiti itong humarap sa akin bago naglakad palayo kasama ang kaibigan niya. Napahawak muli ako sa dibdib ko na walang tigil ang pag pintig nito.

Parang akong hinahabol ng sampung kabayo... sa sobrang bilis nito.

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

theashandfirecreators' thoughts