Azure's POV
Ngayon ang araw ng cremate ni Madi, ilang oras nalang ay magiging abo na ito.
Hindi kami kumpleto ngayon dahil naiwan si Levi sa bahay, kaninang umaga ay nagsabi ito na masama ang pakiramdam niya
Si Gio naman ay halos pumasok na rin sa loob ng kabaong kung makayakap
Hindi ko siya masisisi, pero hindi ko rin maiwasang matawa sa ginagawa niya.
" Sarap itabi ni Gio kay Madi " salita ni Vlaize habang tinitignan si Gio na umiiyak parin at nakayakap sa kabaong
" Nasaktan 'yan kaya ganiyan, wag ka mag alala hindi naman ako mamatay Vlaize " panunukso ni Rye sa kaniya
" Ano ka immortal? tigilan mo ako " pang babara ni Vlaize sa banat ni Rye
Hindi ako magtataka kung darating nalang ang araw na may isang aamin sa kanilang dalawa
Pero kung mangyari 'yon, magbalot balot na sila at paniguradong kinabukasan ay wala na silang bahay.
" Magmimisa na puntahan niyo na si Gio " utos ng kapatid ni Madi dahil tila wala ng balak umalis doon si Gio
Naawa ako pag nakikita ko si Gio, parang sobrang miserable ng buhay kung titignan mo.
Habang nagmimisa ay nakaramdam ako ng kakaiba
Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari, sana mali ang pakiramdam ko
Gusto naming magkaroon ng katahimikan kahit ngayon man lang
Kahit binabagabag ako ay sinubukan kong mag concentrate sa misa
Nagsalita rin sa harap ang magulang ni Madi, tinawag nila si Gio para magsalita pero tumanggi ito.
Baka maiyak lang 'yon doon eh
Nang matapos ang misa ay sa huling pagkakataon pinabayaan kaming pagmasdan ng ilang sandali si Madi dahil pagkatapos nito ay sa picture nalang namin siya makikita ulit
Habang ipinapasok si Madi sa crematory room ay napagdesisyunan naming magpahangin muna
Si Astra at Xath ay bumili ng pagkain habang kami nakaupo sa may damuhan
Pakiramdam ko may nakatingin sa amin, tingin ko ay nararamdaman rin 'yon ni Astra kaya niya naisipang bumili.
" Ven, saan ka pupunta? " napatingin ako ng magsalita si Vlaize
" May titignan lang ako " aalis na sana siya ng tumayo ako
" Sama " sasama ako dahil may gusto akong malaman sa kaniya
Nang makalayo kami sa mga kasama namin ay nagsalita siya
" Sa tingin mo ay kaya niyang gawin sa atin 'yon? " nagulat ako sa tanong niya
Nakatanaw siya sa isang sasakyan habang nagsasalita
Posible bang parehas ang taong pinaghihinalaan naming traydor sa grupo namin?
" Hindi ko rin alam, pero wala ng imposible sa sitwasyon natin " bumuntong hininga siya at tumuro sa isang kotse na hindi kalayuan
" Pamilyar? " tanong niya
Pinakatitigan kong maigi iyon bago tumango, kilala ko 'yan kahit ilang beses ko palang nakita 'yan dahil bihira niya gamitin yan ay alam ko kung sino ang may ari niyan.
" Akala ko ay hindi siya pupunta dahil may sakit siya " sagot ko kay Raven
" Naniniwala ka bang patay na si Yexanna? " tanong niyang kinagulo ng isip ko
" Nasa balita 'yon hindi ba? " tumango siya at umiling
Batid kong maraming conclusion na tumatakbo sa utak niya ngayon
" Wala kang sasabihang naghihila ka sa kaniya " pagbabalik niya ng naunang usapan
" Bakit naman? "
" Ayokong masaktan sila, madidismaya sila kung mapatunayan ngang siya ang hudas sa atin. " naiintindihan ko an punto niya pero sa tingin ko ay mali na maglihim kami
" Malalaman at malalaman nila "
" Pero hindi muna ngayon, Azure. Madaling takasan ang kasalanan mo lalo na at wala pang matibay na patunay na ikaw nga ang gumawa nito kahit alam mo sa sarili mong makasalanan ka " paliwanag niya
" Magpapatuloy ba tayong magplano kahit alam nating kasama natin siya sa bawat hakbang natin? " naguguluhan ako masyado
" Mas maayos 'yon para hindi niya maisip na may alam tayo, pero kakausapin ko kayong tatlo nila Zayden mamaya " paliwanag niya pa
Nagpatuloy kaming mag usap hanggang sa makaalis ang sasakyang pinagmamasdan ni Raven mula pa kanina
" Tingin mo anong motibo para gawin niya to satin? " biglang tanong ko sa kaniya
" May mga bagay na gaya niyo ay hindi ko rin alam ang sagot, kung ano man iyon sana ay hindi mababaw "
Sobrang lamig niyang tao na kung hindi mo siya kilala ay matatakot ka sa kaniya, dahil maski boses niya ay malamig at walang buhay.
Pero kahit ganoon ay alam naming gagawin niya ang lahat para sa amin
" Tara na andiyan na sila " turo niya kay Astra at Xath na may dalang pagkain
" Nasan yung iba? " tanong ni Xath ng mapansing dalawa lang kami
" Nandoon "
Sabay sabay kaming bumalik at kumain doon ng parang walang nangyaring pag uusap tungkol sa bagay bagay
" Gio kumain ka " alok ni Rye kay Gio ng mapansing hindi ito kumakain
Puro inom trip niya sa buhay halos ayaw kumain, balak niya na tatang agawan ng title si Zayden.
" Hindi ako gutom " simpleng sagot niya
Bawat araw na lumilipas ay tumitindi ang ugali ni Gio pero pilit naming iniintindi at umaasa kaming lahat na darating yung araw na matatanggap niyang wala na si Madi at babalik siya sa dati
Dahil kagaya niya ay nasasaktan, nagluluksa at nawalan rin kami.
Pero hindi rin siya masisisi dahil hindi man lang sila umabot sa altar katulad ng inaasahan naming lahat
Third Person's POV
Habang nag uusap si Raven at Azure ay pinagmamasdan rin sila ng tao sa loob ng sasakyan
Mula ng magsimula ang misa kay Madisson at hanggang makaalis ang ibang nakiramay ay naroon ito ay nakamasid sa kanila
Nalulungkot siya sa tuwing maiisip na madidismaya ang mga kasama sa oras na malaman ang ginagawa niya, pero itoang ang pagpipilian niya sa ngayon dahil kailangan niyang makabawi.
" Nagsisisi ka na bang niloloko mo ang mga taong tumatayong pamilya mo, Viper? " ngisi ng binatang tisoy sa dalaga
Hindi naman ito sumagot at nanatiling walang imik
Sa tuwing maririnig niyang tinatawag siya sa codename niya ay halos masuklam at kamuhian niya ang sarili niya
" Tandaan mo, hindi ka namin pinilit. Kusa kang sumama sa amin " salita naman ng isang babae na nasa passenger seat
She don' know if she'll be thankful for doing this or she'll regret it someday
But one thing's for sure
She will never turn back
Nang mapagdesisyunan ng mga kasama niyang umalis ay muli siyang sumulyap sa mga kaibigan at bumuntong hininga
" mahal ko kayo, pero kailangan kong gawim 'to " bulong niya sa sarili niya.
Habang hinihintay naman nila Gio na matapos ang cremation ay biglang tumunog ang cellphone ni Raven
Natahimik ng sandali ang dalaga ng mabasa ang text mula sa hindi kilalang number
Ang text na iyon ay alam niyang hindi mula sa simpleng tao dahil ang pangalang ginagamit niya sa underground ang tawag sa kaniya ng nagpadala ng mensahe
May iilang taong sumasagi sa isip nito na maaraing mag text sa kaniya ngunit alam niyang malabong ang mga taong iyon ang pinag mulan ng text message
Mga halang ang kaluluwa ng mga kilala niyang tao at paniguradong hindi sa kanila nang galing iyon
" Sino 'yan Ven? " curious na tanong ni Vlaize
Hindi pa man nakakasagot si Raven ay kinuha na nito ang cellphone ni Raven at binasa ang message
" I'm sorry, Devi. " pagkabasa ay tila naguluhan ito
" Sino naman yan, mi? " baling ni Xath ng tignan ang message
Malayo sa inaasahan nila ang naging sagot ni Raven
" Hudas " the only word she said