Azure's POV
Mula ng nakaalis kami sa dati kong apartment ay binabagabag ako ng mga sinabi ni Alyssa
Nilalamon ako ng guilt sa hindi ko malamang dahilan
Hindi ako nagpa admit sa hospital dahil balak namin pumunta sa burol ni Madi
Paniguradong nandon din ang magulang ko kaya kailangan kong mag ingat, baka mag hysterical nanay ko pag nalaman niyang nadaplisan ang ng bala medyo oa pa naman iyon
" Az, you look bothered " nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Raven habang tinitignan ako mula sa side mirror ng passenger seat
" Naiisip ko lang yung mga sinabi ni Alyssa kanina " pag amin ko dahil alam kong hindi rin sila maniniwala kung sasabihin kong wala lang
" Strange nga naman " bulong ni Astra dito sa tabi ko
" Hindi kaya obsessed sa'yo yun pre? " tanong ni Zayden
" Hindi ko rin alam " buntong hininga ko
" Love is blind nga naman " iling ni Zayden
" Love isn't blind, it just closes our eyes " kontra ni Raven habang diretsong nakatingin sa daan
Ang lalim ng mga pinang gagalingan niya kung minsan, kaya napapaisip ako kung may mga problema ba siyang hindi niya nasasabi sa amin.
" Lalim mo Ven " Astra teased
" Epekto 'yan ng puyat " Zayden mocked
I salute how they can make heavy state light
Nang makarating kami sa burol ni Madi ay nandoon si Vlaize, Xath at Gio kausap ng parents ni Madi
Buti nalang at wala ang magulang ko dito
Tumayo si Xath at sinalubong kami ng makita niyang papasok na kami
" Kamusta lakad niyo? " agad niyang tanong
Nagkakapaan kaming apat kung sino sa amin ang magsasalita
" Mukhang hindi maganda " sagot ni Xath sa sarili niyang tanong ng mapansing walang iimik sa amin
" Parating na sila Levi at Rye hintayin nalang natin sa loob " pag iiba niya ng usapan nagtanguan naman kami at tahimik na pumasok sa loob
Nang makarating kami sa loob ay ramdam ko ang awkwardness sa pagitan ni Gio at Zayden
Tangina magsuntukan ba naman eh, buti nalang hindi ako nakisuntok.
" Azure! " napalingon lahat ng tao sa pinagmulan ng boses sa entrance ng burol
Napaka talaga nitong si Rye, gumagawa pa ng eksena
Hingal siyang lumapit sa amin, paglapit niya naman ay bigla siyang sinampal ni Vlaize dahilan para magulat siya
" Gago ka eksena ka masyado "
" Wag kayo dito magtalo " saway ni Levi sa kanila
" Pero bakit ka nga natataranta Rye? " tanong ko sa kaniya
Bumuntong hininga muna siya at umayos ng upo saka humarap sa akin bago nagsalita
" May ipapakita ako " nilabas niya ang cellphone niya at ipinakita sa akin
I froze when I read what's written in the headline of the news
Nanlamig ang buong katawan ko, tila hindi nagsisink in sa utak ko ang nabasa ko
Hindi pa man ako nakakaget over sa nabasa ko ay iniscroll niya na ito
At isang balita nanaman ang gumimbal sa akin
Tangina para akong pinaglalaruan ng mundo
Binasa ni Astra ang mga headline ng nagkasunod na balitang ipinakita ni Rye
" Alyssa Lopez was found dead in an old apartment " napatingin ito sa akin bago muling nagpatuloy
" Yexanna Millers' dead body was found 200 meters away from her house "
" Woah "
Alam naming hindi dapat pag usapan ang ganitong bagay dito sa burol ni Madi kaya nagpaalam muna kaming lalabas sandali
Buti nalang at van ang dala ni Rye at Levi nang pumunta sila rito
Nang makapasok kami sa loob ng van ay saka kami ng nagsimulang mausap
" Sabi sa news about kay Alyssa ay suicide daw, tinitignang mutibo ay depression " panimula ni Rye at tumingin sa akin " dahil sa'yo, Azure dahil picture niyong dalawa ang katabi ng bangkay niya ng matagpuan ito sa apartment mo " pagtutuloy niya
" Siguro kaya niya tayo pinaunang umalis ay dahil nagtatangka na ito " sabi ni Zayden habang inaalala ang pagsabi ni Alyssa sa amin na kaya niya na ang sarili niya
" Hinihintay pa lumabas ang result ng paraffin test para maconfirm na suicide nga ang nangyari at hindi murder pero Azure maghanda ka na paniguradong kukuhaan ka ng statement ng police " mahabang sabi ni Rye
Tangina napapariwara na ng unti unti ang buhay ko kamalasan nga naman
" Yung kay Yexanna naman murder ang sinasabi pero wala pang suspect " paliwanag ni Rye
" Azure anong nangyayari sa buhay mo, isa isang namamatay ex mo " hindi ko kung seryoso ba si Vlaize o ng aasar pero hindi ako makakontra dahil tama naman siya
" Madi just died, Alyssa committed suicide, Yexanna was murdered. What might be the next? " buntong hininga ni Raven
" Para tayong naghihintay nalang kung sino mauunang mamatay sa ating lahat " dagdag ni Zayden
" Akala ko dati maganda yung ganito kasi exciting tangina kilabot pala " iling ni Rye
" Sa tingin niyo may susunod pa? " tanong ni Xath
" Hindi malabo " sagot ni Astra
Napakagulo, paano ba kami napasok sa ganitong klase ng gulo sa buhay.
" Bakit hindi muna tayo magpakalayo layo? " suggest ni Levi
" Hindi tayo aalis hanggang walang hustisya ang pagkamatay ni Madi " tiim ang bagang na sabi ni Gio
Puta laging high blood ang isang 'to
" Tatapusin natin ang gusot na 'to ng magkakasama " bakas ang pagiging desidido ni Astra sa pagsasalita niya
" Paano kung isa isa tayong patayin? " takot na tanong ni Levi
" Ang negative mo masyado mauuna pa tayong mamatay sa pagiging overthinker eh " kontra ni Rye
" Pag nalaman na natin kung sino ang mastermind nito ay mapapadali nating tapusin ang gulo na 'to " paliwanag ni Zayden
" Pero sana wala ng buhay pang makikitil " dagdag ni Xath
" X tawag doon diba, codename 'yon ibig sabihin nasa underground din siya kagaya natin " pinagtatagpi ni Rye lahat ng clue na nakukuha namin
" Pero anong atraso ni Dark sa kaniya? " takang tanong ni Vlaize
" Iyan ang aalamin natin "
Matapos mag usap usap ay napag desisyunan naming cocontact kami ng mga kakilala namin sa underground upang kumuha ng impormasyon
Sana nga ay may makuha kami
Kung tatagal pa ang gulo na 'to paniguradong maraming buhay ang mawawala at maraming dugo ang papatak
Bagay na simula palang ay iniiwasan na namin
Bothered ako sa lahat ng nangyayari, pakiramdam ko ay pinagtutulungan kami ng mga tanong lubos na nakakakilala sa amin
Sa tingin ko ay may mali, hindi lang sa nangyayari kundi sa amin.
Dahil sobrang bilis ng mga pangyayari, at kalokohang nagkataon lang na sabay ng suicide ni Alyssa at ang paglabas ng bangkay ni Yexanna.
Hindi rin sapat na pagmasdan nila kami para malaman nila ang bawat hakbang na gagawin namin, napaka imposible noon lalo't pinagmamasdan lang nila kami mula sa malayo.
Ayokong mag isip ng masama laban sa isang tao, pero pakiramdam ko ay may isang hindi namin iisiping tao na lolokohin kami ang lumoloko sa amin ngayon
Wala pa man akong patunay, pero sisiguraduhin kong mapapatunayan kong tama ang kutob at hinala ko.
Na may isang hudas sa grupo namin.