webnovel

SAVING THE LAST JULIET

Saving The Last Juliet

By: Rashid Flores

"Miss medyo blurred 'yung picture na pinasa niyo." sabi ng tindera at agad na inabot sakin ang pina develop kong picture.

"Okay lang po." nakangiting sagot ko.

Pinagmasdan ko saglit ang hawak-hawak kong picture at doon nakita ang isang bundok na blurred ang pagkakuha.

"Project? Deadline ngayong araw kaya maaga ka nagising." sabi ni ate na nag-asikaso sakin at puno ng makukulay na ink ang kanyang kamay.

Tumango ako at biglang may tumawag sa cellphone na hawak ko saglit akong napatigil at tinignan kung sino ang tumatawag.

"Arthur?" panimula ko at agad na sinagot ang tawag.

Bumuntong hininga ako.

"Claudia. Nasaan ka?!" aniya sa kabilang linya. Dinig at ramdam ko ang inis at galit sa boses niya.

Napabuntong hininga ako.

"Sorry pero kailangan kong gawin 'to." sabi ko at napahawak sa noo ng medyo nakaramdam ako ng kirot. "Limang buwan na akong walang maalala."

Kasabay ng sakit may mga unfocused na shadow na lumulutang sa utak ko habang kausap ko si Arthur. Sobrang labo to the point na sumasakit na lang ang naramdaman ko kapag pipilitin kong i-focus ang mga nakikita ko.

"Antigas ng ulo mo! Paano kung may mangyaring masama sa'yo? Wala ang mga doctor mo para tignan ka," aniya at may narinig akong pagsara ng pinto sa linya ni Arthur at ilang saglit may nagsalita pero ibang boses na ang narinig ko.

"Claudia, anak?"

"Mama?"

Napapikit ako ng mga mata sa mga nangyayari.

"Nag-aalala na kami ng Dad mo. Huwag na maging matigas ang ulo anak!" sabi ni mama.

"Magiingat po ako,"

I compose myself at bumuntong hininga bago binaba ang tawag at pinunasan ang luhang lumandas sa mukha ko at finalight mood ang cellphone sa settings para wala na silang contact sa'kin. Gusto ko munang magpakalayo at literal na hanapin ang sarili.

Pagkadating ko sa kanto pumara ako ng paparating na jeep na may sign board na LRT.

Nang makarating na ako saglit akong napatitig sa LRT station kung saan ako aakyat para makasakay. Maingay ang paligid dahil sa malalakas na busina ng mga sasakyan. Nagkibit-balikat na lang ako at matapang kong inakyat ang mahabang hagdan.

"Miss ito 'yung sukli.."

Pagkakuha ko ng sukli saglit kong sinilip ang laman ng wallet ko at doon nakita na may tatlong isang daan pa at dalawang bente pang natitira. Siguro kasya pa ito hanggang makarating ako doon.

Matapos kong bayaran ang pamasahe kibit balikat akong tumungo sa entrance ng LRT at tinapat 'yung card sa machine para makapasok ako.

Rush hour!

Inayos ko saglit ang mga gamit na dala ko pati na ang pass card ng train. Medyo nililipad ang buhok ko ng hangin kaya naisipan kong kunin ang pantali sa bag para maitali na ang buhok ko.

Kailangan ko munang makapag-pahinga dahil halos polusyon sa hangin at problema sa buhay ang dumadaloy sa sistema ko na dulot ng Manila.

Malamig ang simoy ng hangin at nung pinagmasdan ko ang kalangitan nakita ko ang mga ibon. Nakakamiss makakita ng paligid at matagal din akong nakahiga sa hospital.

Abala ang lahat ng pasahero. May kanya-kanyang ginagawa ang lahat habang hinihintay ang pagdating ng tren.

Makalipas ang ilang minuto narinig ko ang malakas na tunog at hudyat na paparating na ang train kaya hinanda ko na ang sarili ko.

Pagkahinto ng tren sa mismong harap ko agad na bumukas ang pinto at naramdaman ko ang lamig na galing sa loob, pumasok na rin ako sa loob para makasakay na rin.

Napahawak na lang ako sa bakal na hawakan para hindi ako matumba ng umandar na ang tren. Halos wala ng bakanteng mauupuan sa dami ng tao sa loob. Dumaan ang tren sa kabilang station at medyo nabawasan na ang pasahero hanggang sa nakarating na kami sa sumunod na station.

"Vito Cruz,"

Pagkabukas ng pinto napatingin ako sa unahan at doon nakita ang mga pasaherong nag-aabang, pero naagaw ng isang lalaki ang atensyon ko dahil siya ang nakatayo sa unahan at lutang na lutang ang suot niyang puting damit kaya sa agad ang napansin ko.

Maayos ang tindig niya habang nasa magkabilang bulsa ang kamay niya. Siguro kalalabas niya lang sa trabaho dahil naka uniform pa siya at parang pagod sa maghapon na trabaho. Nurse siya dahil sa white uniform na suot niya. Barber's cut 'yung buhok at bumagay naman sa hugis ng mukha niya.

May kung anong bigat at sakit akong naramdaman sa mga oras nagkatitigan ang mga mata namin. Parang may shadow na naman akong nakikita pero malabo pa rin talaga. Gusto kong i-adjust ang blurred na part ng shadow, pero bigo akong mapalinaw hanggang sa sakit at lungkot ang naramdaman ko.

Lalong nanlabo ang paningin ko at sinubukan ko ulit i-adjust ang focus pero may butil na naman ng luhang pumatak hanggang sa hindi ko na napigilan sa hindi ko malamang dahilan.

"Emergency," sabi nung lalaking nurse nung natumba ako bago nawalan ng malay.

I woke up still unsure. Wala pa rin akong maalala na kahit ano na nangyari sa nakaraan ko. I was thinking what was my life before or this is the actual feeling of someone with shattered memories.

Can someone save me in the depth of knowing nothing?

Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko dahil sa ingay na narinig. Wala akong matandaan sa mga nangyari at nagulat ako nang makita ang asul na kisame kaya napabangon agad ako sa matinding taranta.

"Ma'am you okay?"

Napatingin ako sa gilid kung saan nagmula ang boses na 'yun at doon nakita ang babaeng nurse. Nilapitan ako ng doctor at ng nurse.

Pinaliwanag nila sakin ang nangyari at agad nila akong binigyan ng gamot at pinagpahinga pa ako dahil kailangan daw ng katawan ko.

Bukas ng umaga pa raw nila ako papayagan na lumabas, pero naalala ko bigla na hindi maari 'yun. Hindi ako pwedeng manatili ng matagal dito.

"Ma'am magpahinga na muna kayo." bilin ng nurse.

Pagkalabas ng dalawa nagulat ako nang makita ang isang lalaki na pamilyar sa paningin ko sa kabilang sulok ng kwarto.

Siya 'yung lalaki sa tren kanina kung hindi ako nagkakamali.

Siya rin ba ang nagdala sa'kin dito sa hospital?

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya at agad siyang lumapit pero iniharap ko ang kamay ko para huminto siya sa paglapit sa'kin.

"Sinugod ka namin dito sa hospital matapos kang himatayin sa tren kanina." aniya tapos binalik ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng slacks na suot.

"Nahimatay?"

Tumango siya, "Sa init siguro? By the way, Jonas." pakilala niya at napatingin ako sa kamay niya ng iharap niya ito sa'kin, pero napailing siya dahil hindi ko 'yun tinanggap.

"May attitude problem." deklara niya.

"Kailangan kong umalis." utas ko at medyo nataranta na dahil baka makita kami ng nurse at nakikipag-daldalan pa tong Jonas.

"Takas ka?" tanong niya at biglang nag-iba ang expression ng kanyang mukha.

"Ilayo mo ako dito." sabi ko.

"Tara!"

Nagulat ako nang bigla nita akong hinila nang matapos kong ayusin ang sarili ko.

Nung makalabas na kami sa gate ng hospital mabilis na pumara si Jonas ng jeep na biyaheng Buendia terminal bago pa kami mahuli. I don't know who I will trust, pero sa pagkakataon na 'to pagkakatiwalaan ko ang lalaki na 'to.

Tahimik lang ako sa biyahe habang nakatanaw sa mga pasaherong nasa unahan ko nang biglang nagsalita ang katabi ko.

"Anong gagawin mo doon?" tanong ni Jonas kaya sinabi ko kung saan ako papunta at kinuha ko agad ang envelope bago inabot 'yun sa kanya.

"Ano 'to?" tanong niya nang makita ang isang picture na laman ng envelope na pina-develop ko.

"Gusto kong puntahan ang bundok na 'yan baka sakaling maalala ko ang lahat."

Hindi maalis ang atensyon niya sa hawak niyang litrato at parang pinagmamasdan niya talaga nang maigi ang bawat detalye na nakikita niya.

"Maalala? May amnesia ka? Lakas maka wattpad ah." aniya natawa pero hindi ako nagsalita hanggang sa nanlaki ang mata.

"Totoo nga? Ang familiar." saad niya tapos bumuntong hininga.

Tumango ako.

"Kaya kailangan ko ang tulong mo. Hindi ko alam ang papunta diyan. Hindi kasi nagw-work ang treatment ng doctors."

Napatingin siya saglit sa hawak niya bago binalik ang tingin sa'kin.

"Pwede naman pero malayo 'to." aniya.

"Kailangan ko. Kahit gaano pa kalayo yan."

"Pauwi na rin ako ng Lipa. Sakto sumabay kana sa'kin."

Napangiti kaagad ako sa narinig, kaya nung makarating na kami sa terminal ng mga bus sumalubong samin ang mahabang pila, mabuti na lang at nakahanap na agad si Jonas ng bus na masasakyan at maluwag pa 'to.

"Dito na lang tayo," deklara ko ng makita ang bakanteng upuan at agad siyang sumangayon. Inilagay niya ang backpack na dala ko sa compartment sa taas ng bus bago umupo sa tabi ko.

"Bakit ba gusto mong puntahan yan tapos wala ka pang maalala. Wala ka ring kakilala doon." biglang tanong niya.

Bumuntong hininga ako at humilig sa upuan.

"Gusto ko kasing malaman ang sagot sa mga masasakit na shadow na lumulutang sa utak ko." sabi ko.

"Bakit mo pa ga aalamin 'yun kung masasaktan ka naman pala?" tanong niya at bumuntong hininga.

"May mga bagay talaga na kahit masakit kailangan matuklasan. Kaya nga tulungan mo ako."

"Hindi pa ba?" aiya at napatingin sa'kin at doon ko nadama na mabuti siyang tao. "Kanina pa kaya kita tinutulungan,"

I smiled at kinuha ang kamay niya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko doon at saka siya tinitigan sa pangungay niyang mga mata.

"Thank you,"

Napatanaw ako sa bintana ng bus nung nagsimula na ang biyahe.

Naglalakihang truck at bus ang natatanaw ko sa daan hanggang sa unti-unting nawala na sa focus ang paningin ko at ang natatanaw ko na ang araw kung saan nagising akong hindi kilala ang lahat kahit sarili ko.

My life is stuck unsure. I am guardless. I don't know who I will trust, who I will care and if this is the life I used before? Because even my name I am in doubt.

I am Claudia Cruz and I am almost forgotten.

Every time I woke up it is also the beginning of my loneliness. Each day I questioned myself about my identity. I always feel like I am lost, so lost.

Kasabay ng pagsakit ng ulo ko ang pagmulat ng mga mata ko. Nagigising na lang ako sa tipikal na tunog ng mga aparatus sa ospital.

Unang tanong bumalangkas sa nahihiwagaang kong utak.

"Sino ako?"

Kahit pilitin kong pigain ang nanakit kong utak ay wala miski ang aking kabataan.

A man with his early thirties enter the room and said,

"Claudia, gising ka na pala?"

Claudia? I am claudia?

"Who are you?" I asked.

"I am Arthur your fiancee." deklara niya dahilan para magulat ako.

The day I risen up from almost death I am not sure of all things. Even my own name and identity is still a mystery. But I know that I need to get myself up in order for me to unleash doubts.

Pagkatapos pumasok ng isang lalaki na nagpakilalang fiancee ko. Dali dali siyang lumabas at tumawag ng sa tingin kong mga tao para tignan ko. Gulat siya na tinanggal ko na ang mga aparatos na nakakabit sa mumunti kong katawan. Mukhang nag aalala ito pero mas minabuting tumitig sa mata ko.

Totoo kayang siya ang fiancee ko? Biglang pumasok sa isip ko ang pagkapa sa daliri upang makumpirma kung may sumisimbolo nga na fiancee niya ako. Ngunit walang singsing maski sa isang kapares ng kamay. Niloloko niya ba ko?

"Nasa kwintas mo ang singsing." Biglang sambit niya na ikinagulat ko ito.

Napansin niya pala ang tila paghahanap ko ng singsing. Nahiya akong hawakan kung anuman ang nasa leeg ko. Dahil magmumukhang tama ang hinala niya.

Kung siya man ang fiancee ko bakit wala man lang akong kakaibang nararamdaman o naaalala sa pagkatao niya.

"Alam kong gutom ka na. Ilang araw kang nakahimlay at tanging dextrose lang ang nagsusuplay ng pagkain sayo. Bumalik ka na lang pagkatapos mo dahil parating narin si Dr. Vic para tumingin sayo may mga taong dapat lang akong tawagan para ipaalam ang pagkagising mo."

Kahit mukhang masungit ang itsura niya. Tila ito'y nagiging maamo pag tuwing may isasambit siya sakin. Kita ko sa mata niya ang pag iingat sa pagsasalita. Tila parang mawawala ako sa maling sambit niya.

Should I believe in him?

Unti-unting nawala ang alaala na binalikan ko nung makarinig ako ng malakas na busina mula sa truck na nagovertake sa bus namin. Muli kong binalik ang necklace sa likod ng damit na suot ko kung saan nakakabit ang singsing.

Napalingon ako sa gilid ko para tignan ang katabi ko at doon nakita na may hawak si Jonas na picture at tinitignan niya ito ng maigi kaya napasilip na rin ako para makita kung sino ang nasa picture at doon ko nakita ang dalawang lalaki na nakangiti habang nakayakap sa isa't isa.

"Jowa mo?" biglang tanong ko dahilan para ilayo sa'kin ang hawak niyang litrato at umiling.

"Anong jowa ka diyan,"

"Tinatanong ko nga eh? Sino ba yan at parang anlalim ng tingin mo?" tanong ko.

Umiling siya at muling pinakita sa'kin ang picture na hawak niya at doon ko nakita ang dalawang magkamukhang lalaki.

Pareho sila ng mata ng Kuya niya na para silang kambal dahil halos magkamukha na talaga. Doon ko rin nalaman na kumuha lang siya ng c.o.e niya sa hospital na pinagtra- trabahuan niya dahil pinapasunod na siya ng tita niya sa Canada.

"Wala kasing mangyayari kapag dito lang sa pilipinas." aniya.

Nakita kong napailing siya sa sandaling 'yun at humilig sa kinauupuan niya.

"Mahirap mahalin ang pilipinas." aniya at ramdam ko ang bigat sa mga sinabi niya.

Hindi na ako nakaimik pa sa pagkakataon 'yun dahil tama nga naman siya. Mahirap mahalin ang pilipinas.

Bandang alas otso ng umaga na kami nakarating sa grand terminal sa isang mall sa Lipa, inalalayan ako ni Jonas at nag-insist ito na siya ang magdadala ng backpack ko dahil medyo may kabigatan daw at baka mahirapan lang ako. Maraming tao sa terminal nung oras na 'yun at ang karamihan ay studyante na naka uniform.

"Jonas gusto kong magpasalamat kasi sinamahan mo ako papunta dito." hayag ko sa kanya habang patungo sa kabilang daan.

"Akala ko ba magpapatulong ka sa'kin?"

Umiling ako.

"Nagpasalamat lang ako pero magpapasama talaga ako. Baka maligaw ako."

Ngumiti lang ito tapos sumakay ulit kami ng jeep biyaheng Cuenca dahil hanggang terminal lang ang bus na sinakayan namin. Siguro inabot kami ng kalahating oras sa biyahe bago kami nakarating dun.

"Kain muna tayo. Bigla akong nagutom."

Nilingon ako ni Jonas sa narinig. Napahawak ako sa tiyan ko dahil nagsisigawan na ang mga alaga ko sa gutom. Napadaan kasi kami sa isang lomi house sa binabaan ng jeep.

"Ayoko ng baboy, miss. Wala ba kayong chicken na lomi?" sabi ko at biglang kumunot ang noo ng mataray na tindera. "Cup-noodles na lang pala ako,"

"Hindi ka nakain ng baboy? Muslim ka?" biglang sabi ni Jonas dahilan para ibaling ko sa kanya ang atensyon.

"May something kasi sa baboy na hindi ko ma explain. Bakit mo natanong?" sagot ko tapos kinuha ang cup-noodles na binigay ng tindera.

"Muslim kasi ako. Hindi kami kumakain ng baboy." aniya.

"Ah kaya pala. Pero alam mo may something talaga sa baboy simula nung nagising ako sa coma."

Pumiling ang ulo ni Jonas na tilang nag- iisip sa sandaling 'yun.

"Familiar." aniya.

"Ang alin?"

Umiling ito.

"Nevermind." sagot niya bago natawa at muling pinagpatuloy ang kinakain na sky-flakes.

Pinagmasdan ko ang taas ng bundok mula sa baba. Napabuntong hininga ako dahil cup-noodles lang ang nakain ko sa almusal. Sana makakaya kong umakyat hanggang tuktok.

Hindi naging madali ang pag-akyat namin dahil madulas ang lupa dahil sa suot kong sandal. Hindi ko naman inasahan na wala palang hagdan ang ibang parte ng bundok.

Take a breath. You'll be okay. Even if you don't feel okay all the time, Claudia. Makakaya mo 'yan dahil kaya mo.

Uncertainty doesn't last forever. Clarity always shows up kahit gaano pa katagal ang process.

Nang makarating na kami sa tuktok ng bundok natanaw ko kung gaano kaganda ang tanawin mula sa kinatatayuan ko. I smiled at nangilid na lang bigla ang mga luha sa mata ko dahil hindi ko mapigilan ang tuwang nadadama.

I closed my eyes at iniharap ang mukha kung saan nagmumula ang ihip ng hangin. Naramdaman ko ang lamig ng hangin na tumatagos sa balat ko.

Wind is a song.

Hindi nga ako nagkamali na tinuloy ko ang pagpunta dito dahil gumaan kahit papaano ang bigat na dinadala ko. Destiny will always blown in the direction that it wishes to go.

"Ang ganda-ganda dito," sambit ko at nilingon ang kasama ko.

"Pakiramdaman mo muna ang hangin,"

Humugot ako nang malalim na hininga at mabigat na pinakawalan 'yun sa kawalan. Pumikit ako at sinubukan ifocus ang malalabong shadow na lumulutang sa utak ko.

"I wish my shadow would get up and walk beside me."

Pilit kong maalala ang shadow para may kasagutan na akong makuha, pero bigo ako hanggang sa naramdaman ko na lang na may nilagay si Jonas sa likod ko.

"Giniginaw kana sa lamig, Claudia." aniya. "Kailangan na rin natin bumaba at parang uulan na."

Tumingala ako sa kalangitan at tama nga siya dahil biglang dumilim ang kalangitan. Kahit panahon hindi sumangayon sa gusto kong mangyari.

"Sorry, Jonas at naabala lang kita sa mga ilusyon ko."

Ngumiti lang ito sakin at kinapa ang balikat ko.

"When mind is blurred, everything becomes blurred even on the brightest day." aniya.

Pababa na kami ni Jonas sa bundok habang inaalalayan ako. Bawat hakbang namin ay maingat dahil sa madulas na mga damo hanggang sa tuluyan na kaming nakababa.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ni Jonas papunta sa sakayan ng jeep biglang may tumawag sa'kin.

"Neng? Claudia? Ikaw ba 'yan?"

Sabay kaming napalingon ni Jonas sa likod kung saan nagmula ang boses na 'yun. Tumabi kami saglit sa daan at doon nakita ang isang matandang babae na may bitbit na bilao na puno ng gulay. Nakakasigurado akong galing niya lang sa pamimili dahil sa mga laman ng bilao na dala niya.

"Ikaw nga," aniya at ngiting ngiti. "Mabuti naman at nakita kita. Kumusta ka na?"

Saglit kaming nagkatitigan ni Jonas dahil sa hindi namin alam kung ano ang tinutukoy ni Nanay.

"Kilala niyo po ako?" tanong ko.

"Ikaw na bata ka. Paano kita hindi makikilala, eh, kilalang kilala kita. Ako 'to! Si Nanay Heny mo." pakilala niya sa'kin.

Mapait akong ngumiti at agad kong sinabi sa kanya na wala akong maalala para malaman niya ang sitwasyon ko.

"Sorry po, nanay Heny. Wala po kasi akong matatandaan." paliwanag ko.

"Walang matandaan?" aniya at kumunot ang noo na tila nagtataka. "Bakit ano ba ang nangyari sa'yo, Neng? Inoperhan ka ga?" tanong niya sa'kin at naguluhan din siya sa sinagot ko.

Napabuntong hininga ako at agad na sinabi ang dahilan kung bakit wala akong maalala.

"Nagka amnesia po kasi ako. Naaksidente po kasi." sabi ko.

Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni nanay at nakita kong nawala ang ngiti sa mata niya sa mga narinig.

"Kung ganun hindi mo rin naalala si tutoy?" tanong niya at nakita kong nangilid na ang luha sa mukha niya.

"Tutoy?" tanong ko at saglit na nilingon si Jonas bago binalik ang tingin kay Nanay. "Si Arthur po ba ang pangalan ng tutoy na tinutukoy niyo?"

Kinutuban na agad ako ng makitang umiling si nanay Heny sa'kin nung pinakita ko ang picture ni Arthur sa cellphone ko.

"Sinong Arthur ang tinutukoy mo?" aniya. "Sino yan?" tapos tinuro niya ang cellphone ko.

Hindi ko na lang napigilan ang emosyon na pilit kong pinipigilan ng marinig ko ang sinabi ni nanay Heny. Bigla na lang tumulo ang luha sa mata ko ng walang dahilan at napatingin kay Jonas na may ngiti sa labi.

Naging emosyonal na rin ako nung ngiting ngiti si Nanay habang nakatitig sakin at hindi niya binibitawan ang kamay ko sa pagkakahigpit na paghawak niya.

"Nanay may alam po ba kayo?" tanong ko.

Kinakabahan ako nang husto sa maaring isasagot sa'kin. Saglit niyang binitawan ang kamay ko at hinaplos ang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang emosyon ni nanay Heny habang hindi nilalayo ang atensyon sa'kin.

"Ang ganda ganda mo pa rin talaga." aniya bago tumayo at nakita kong may kinukuha ito sa center table.

Halos gumuho ang mundo ko nung may isang larawan siyang inabot sa'kin at sa hindi ko malamang dahilan bigla na lang bumuhos ang luha sa mukha ko at hindi ko mapigilan ang emosyon habang nakatitig ako sa larawan kung saan kasama ko si nanay Heny at may lalaki akong katabi.

"Yan si Lance Dominguez."

Hindi na mapakali ang puso ko mula sa aking dibdib habang iniintindi ang lahat hanggang sa unti-unti kong napagtagpi ang nakaraan at namilog ang mata ko bago ibinaling ang tingin sa nakatayong si Jonas.

"Jonas." biglang sambit ko at nilingon si Jonas sa likuran ko.

Napatayo ako at pinagmasdan ng maigi ang picture at kinumpara ko 'yun sa picture na pinakita kahapon ni Jonas n'ong nasa bus kaming dalawa.

Nabasa ko ang pagkagulat sa mukha ni Jonas nung nakita ang nasa picture na hawak ko. Hindi siya mapakali at balisa habang hindi ko iniwas ang tingin sa mata niya.

"Ito ang kuya mo, Jonas." deklara ko ng makumpirma na ang katabi kong lalaki ay kuya ni Jonas.

Nanginginig ako sa mga nalalaman ko lalo na nung hindi agad nakapag salita si Jonas habang nakatitig sa litrato na hawak ko.

It all comeback like how light travels. Many image from blurred and unfocused shadow. Unti-unting luminaw ang mga shadow sa loob ng utak ko. Napahagulgol ako sa pag-iyak nang maalala ko bigla ang lahat.

"Lance-" paulit ulit kong sinasabi habang nakapikit ako at nagpatuloy luminaw ang mga shadow hanngang sa dumilat ako.

"Ikaw yung tinutukoy ng Kuya ko na magpapa convert sa Islam?"

"Kailangan ko siya makita. Gusto ko siya makita, please." pakiusap ko kay Jonas.

Memories and experiences hunting me gently and slowly. Sa ayaw man o gusto tatanggapin ko lahat no matter how painful it would be. Kasi sa dulo ng lahat ng ito alam ko lahat ayworthy.

"Hindi ko alam na ikaw pala ang babaeng tinutukoy ng Kuya ko tuwing kinukwento niya sa'kin ang bagay na 'yun." sambit ni Jonas habang nasa biyahe kami.

"Wala ba siyang binanggit na pangalan sa'yo?" tanong ko at umiling naman ito.

"Wala siyang binabanggit na pangalan kasi medyo maselan ang mga parents namin lalo na kung malalaman nilang Catholic ang girlfriend namin." saad ni Jonas. "Biruin mo gumawa ng way ang tadhana para magtagpo tayo."

Napangiti ako sa narinig na sinabi ni Jonas. Tama nga siya. Gumawa ng way ang tadhana para magtagpo ang mga landas namin dahil alam niyang kailangan namin.

"Magkasama kayo ni Kuya nung naaksidente ang kotseng minamaneho niya. Tumakas ka sa arrange marriage na ginawa ng parents mo."

Yun lang kasi ang tanging paraan ang naisip ko para takasan ang gustong mangyari ng mga magulang ko.

"Ikaw nga 'yung babaeng nabanggit ng kuya na may ipapakilala siya samin."

"Convert na ako that time. Binigay ko na kay Allah ang buong buhay ko."

Napangiti si Jonas.

"Mashallah!"

"Ready na ako that time. Ginawa ko 'yun dahil kay Jonas. Kinilala ko ang Islam para maging halal ang relasyon namin."

"Kaya pala may something kang naramdaman sa baboy kanina."

Nang pagmasdan ko ang kalsada doon ko nakita ang malawak na lawa na tinatahak ng jeep na sinasakyan namin. Agad kong binalot ang buhok ko ng kumot na dala ko dahil wala akong hijab na magagamit.

Sabay kaming bumaba ni Jonas nang makarating na kami. Mula sa kinatatayuan ko tanaw ko ang bulkang taal.

Pinutol ko ang tingin sa bulkan at agad na nilingon si Jonas.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko pero wala akong narinig na sagot mula kay Jonas at nagpatuloy ito sa paglalakad.

Nakita ko ang kaba sa mga mata niya habang sumusunod ako sa likuran niya hanggang nakarating kami sa lawa.

"Kuya!!!!"

Napabaling ang tingin ko sa unahan at doon ko nakita ang isang lalaki na nakatayo sa gilid ng lawa suot ang mahabang thobe na kulay puti. Binalot ako bigla ng kaba nang lumingon ang lalaki sa kinatatayuan namin ni Jonas.

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko nang makitang may tungkod na hawak yung lalaki habang humahakbang ito.

Nang makita ko ito nang malapitan doon ko nakumpirma na si Lance 'yun. Pinagmasdan ko ang itsura niya at napahagulgol ako sa pag-iyak.

Gustong gusto ko siyang yakapin at halikan. I miss him so much. Miss ko na ang init ng yakap niya. Miss ko ang lahat sa kanya. Hindi ko siya magawang hawakan dahil natulala ako habang nakatitig sa kanya.

Nanlambot ang tuhod ko nang tuluyan ng makalapit si Lance. Mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit at doon ako umiyak sa balikat niya.

"It's so good to see you," sabi ko at mabilis siyang niyakap. "Lance-"

"Claudia-"

Every sunset brings the promise of a new dawn.

"Mabuti naman naging okay kana." panimula ni Lance para basagin ang katahimikan.

"Kumusta? Na miss kita. Sobra." sabi ko at muling nagsipatakan ang luha sa mukha ko habang pinagmamasdan si Lance na malayo ang tingin.

My tears streaming down to my cheeks. Parang ulan ang iyak ko dahil sunod-sunod ang pagpatak. Hindi ko rin magawang igalaw ang kamay ko. Nakaramdam ako ng guilt sa sandaling 'yun.

"Mashallah! Miss na rin kita. Masaya ako dahil okay ka." dagdag ni Lance at hinawakan ang kamay ko.

Pinagmamasdan ni Lance ang mataas na bundok at tanging hampas lang ng alon ang nagbibigay ingay sa paligid sa sandaling 'yun.

"Lance-" nilingon niya ako.

"Pumikit ka. Tapos siguraduhin mong pagmulat mo okay na ang lahat."

Okay. Hinga.

"Hingang malalim."

Naramdaman ko ang kamay niyang dumapo sa mukha ko. Marahan niyang pinunasan ang luha sa mukha ko hanggang sa unti-unting naglaho ang init ng kamay niya sa mukha ko at may naririnig akong ingay na umi-echo hanggang sa luminaw ang boses ang narinig ko.

"Lance?" utas ko at napamulat.

Nang pagmasdan ko ang paligid doon ko nakita si Jonas sa gilid ko at nakatanaw siya sa bulkang taal.

Inikot ko ang aking mga mata sa paligid pero walang Lance na nandoon hanggang gumuho ang mundo ko sa sumunod na sinabi ni Jonas na nagpaiyak sa'kin nang husto.

"Hindi nakaligtas sa aksidente ang kuya ko nung gabing 'yun at dinonate ng doctor ang mga mata niya sa'yo para maligtas ka."

THE END.